Share

CHAPTER 5

Chapter 5

FANTASSIA'S POV

"NAISAHAN ka na naman ng kambal mo." Napapailing naman si Yuki dahil sa ginawang pagtakas ni France.

"May araw din sakin ang gagong 'yon." Nakasimangot na saad ni Fraxe at tinawag na ang waiter para magbayad ng bill namin.

Tumayo na kami at nagsimula nang umalis sa Restaurant.

"May bibilhin pa ba kayo?" Tanong naman ni Yuki sa aming dalawa ni Tashi.

"Wala akong mabibili, naiwan ang wallet at pera ko sa condo." Walang ganang sabi ko at nililibot ang paningin sa mga store na nadadaanan namin.

"Kawawa ka naman, kaya pala kanina ka pa nakasimangot." Tumawa pa ng nakakaloko si Fraxe at nag-apir pa sila ni Yuki habang si Tashi naman parang nawawalan na ng gana sa dalawa.

"Don't worry, libre kita ngayon." Sabi ni Yuki at umakbay pa sa akin.

"Really? Walang kapalit?" Napapangiting tanong ko.

"Kailan ba ako naghingi ng kapalit sa mga binibigay ko sayo?" Nakataas ang kilay na tanong niya, napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Ohh sure! Sabi mo 'yan ah?" I punched his shoulder lightly.

Hinila ko siya papasok sa isang jewelry shop nang may madaanan kami at masayang pumili ng necklace na gusto ko.

A necklace caught my attention, it's an Emerald Bulgari Serpenti necklace!

Agad ko itong kinuha at ipinakita kay Yuki.

"Hey, look at this Kio. What do you think?" I asked him while staring at this beautiful necklace.

"I think it's expensive as fuck." Nakakunot na ang noo niya habang tinitingnan ang necklace na hawak ko.

Isang sales lady ang lumapit sa kinaroroonan namin ni Kio. "Hello Ma'am and Sir good afternoon po, bibilhin niyo po ang necklace na 'yan. I'm sure bagay po sayo ang necklace na 'yan Ma'am." Nakangiting sabi pa ng sales lady.

"No, we're not----." I cut him off and glared at him.

"Yes, please put it inside a box and secured it. We will wait here." Nakangiti kong binalingan ang sales lady.

"Tangina mauubos na naman ang pera ko nito." Bubulong-bulong na sabi ni Yuki pero hindi ko na ito pinansin.

Binalingan ko sila Tashi at Fraxe nang makita ko silang nasa likuran lang namin at pumipili din ng necklace.

"Biatch, try this one para same tayo." Tinuro ko sa kaniya ang isang Rose Gold Bulgari Serpenti Viper necklace with diamonds na katabi lang ng pinili kong necklace.

"Wow! It's beautiful...hey Fraxe I'll take this one." Sabi niya at tinawag si Fraxe na busy sa pagtitingin ng ibang jewelry na pang-lalaki.

Lumapit siya sa amin at tiningnan ang hawak ni Tashi na necklace.

"Pota Bvlgari pa talaga ang pinili niyo ah. May pambayad kayo?" Hindi na maipinta ang hitsur niya nang mapagtanto kung anong brand ng necklace ang hawak ni Tashi.

"Libre mo naman diba? Don't you dare to deny it Fraxe!" Pinanlakihan niya ng mata si Fraxe, napanguso naman ang isa at kinuha ang Cellphone at nagtype ng kung ano.

Nag-apir pa kami ni Tashi nang walang magawa ang dalawang lalaki at tuluyan nang nagbayad gamit ang credit cards nila.

"Pagkasama mo talaga ang dalawang 'yan mamumulubi ka sa kanila." Narinig namin ni Tashi na bumulong si Yuki kay Fraxe pero hindi na namin ito pinansin.

"Let's go home, I have a flight at 7:00 pm." Sabi ni Yuki at tiningnan ang wrist watch niya.

"Saan ka na naman pupunta? Halos kauuwi mo lang tapos aalis ka na naman!" Ramdam sa boses ko ang inis nang magtanong ako.

"Hey, it's an emergency. Babalik ako ng Japan, nagkaroon ng problema ang isa sa mga business ko doon at kailangan nila ako doon. Don't worry babawi ako next time." He calmly said and kissed my forehead tonm eased my anger.

"Bakit? Ano bang nangyari?" Medyo mahinahon ko nang tanong.

Tumingin muna siya sa dalawa na parehas nakatingin sa amin habang may nagtatakang tingin.

"What's the matter, buds?" Tanong ni Fraxe at sumabay ng lakad sa amin palabas ng Jewelry shop.

"I don't know if it was an accident or they did it on purpose. May pagsabog na nangyari sa Planta ng Wine, yung isa sa business ko. Inaalam pa nila ang tunay na dahilan at kinakailangan nila ako doon." Halata sa mukha niya ang pagkabahala kaya ang galit na nararamdaman ko ay napalitan ng pangamba.

"I'm sorry for saying that---." He cut me off by hugging me.

"Shh, it's okay I understand your point. Don't worry I'll be back as soon as possible when everything is fine." Sabi niya at tuluyan nang lumakad papunta sa kotse niya.

"Guys, mauna na ako may pupunta pa kasi ako." Pagpapaalam ni Fraxe.

"Sure, nice meeting you Fraxe." I said and smiled at him. Ginulo niya naman ang buhok ko at natatawang nagsalita.

"Same here. Akala ko puro pagmamaldita lang ang alam mo, marunong ka din palang ngumiti ng totoo." Sabi niya kaya napasimangot ako at tinabig ang kamay niya.

"Umalis ka na nga!" Inirapan ko siya.

"Bye. Ingat sa biyahe buds," Baling niya kay Yuki sunod naman ay si Tashi. "Bye Tashi. Hindi na ako magpapabudol sayo, nauubos ang pera ko." Tumawa pa siya at nagsimula nang lumakad palayo nang akmang sasabunutan siya ni Tashi.

"Asshole! But yeah, thanks for this." Sabi ni Tashi at ngumiti ng matagumpay.

Basta talaga libre nagkakasundo kami ni Tashi-girl!

************

NAKASAKAY na kaming tatlo ngayon sa kotse ni Yuki pero hindi tulad kanina na sobrang ingay namin, ngayon ay ramdam na ramdam ang bigat ng atmospera dahil sa sobrang tahimik. Si Tashi ay busy sa kaniyang cellphone samantalang ako ay tahimik lang na pinagmamasdan ang mga bagay na nadadaanan ng sinasakyang kotse, hindi pinapansin si Yuki na panaka-nakang tumitingin sa akin.

"Focus on the road Yukio, baka ma-aksidente tayo sa ginagawa mo." Walang emosyon kong saad at tiningnan siya na napatingin ng diretso sa kalsada habang may pilit na ngiti. Napansin ko naman ang pagsulyap ni Tashi sa aming dalawa mula sa rearview mirror at ang pag-iling nito.

Sa aming tatlo, ako ang pinaka nagda-damdam kapag may nangyayaring ganito sa pagb-bonding namin na nagiging dahilan para hindi ito matuloy at mauwi lang sa wala.

Pagdating sa building ng condo unit namin ay dire-diretso akong lumabas sa kotse at hindi sinasadyang naibagsak ang pagsarado nito.

Bago ako tuluyang makalayo sa kanilang dalawa ay narinig ko pa ang pagbulong ni Tashi kay Yuki.

"Kausapin mo na bago ka umalis, konting lambing lang diyan lalambot din 'yan." Napapikit ako sa narinig.

Alam na alam talaga nila kung paano ako pa-amo-hin!

Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator ay agad akong dumiretso sa condo unit ko nang maramdaman kong nasa likuran ko na silang dalawa.

Bago ako tuluyang pumasok sa unit ko ay nahawakan na ni Yuki ang braso ko para pigilan sa tuluyang pagpasok.

"Tassia-babe can we talk?" Malumanay na tanong niya.

Napabuntong hininga ako at napapangusong tumango na lang.

Damn! Alam talaga niya kung paano ako lalambingin.

He would call me 'babe' kapag naglalambing siya at pag may kasalanan, same as Tashi, he would call her 'sweetie'. He really knows how to tamed us both!

Tuluyan na akong pumasok kasama si Yuki sa loob, dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at sumunod naman siya.

"So?" Nakataas-kilay kong tanong.

Napapabuntong hininga naman siya bago inabot nang marahan ang kamay ko.

"I'm sorry for ruining our bonding, I know I promised this but they need me there. They need my presence as an owner, I hope you understand me," huminga siya ng malalim at nagpatuloy. "May nangyaring aksidente sa isa sa mga negosyo ko na nakabase sa Japan kaya kailangan kong bumalik doon, inaalam pa ng mga tauhan ko kung sinadya ba iyon or kung totoong aksidente lang." Tiningnan niya ako sa mata na parang pinapaintindi niya ang sitwasyon.

Tumango naman ako para iparating na naiintindihan ang nangyayari sa negosyo niya.

"A-ayos lang ba sila? May nasaktan ba sa mga empleyado mo? M-may b-binawian ba ng b-buhay?" Nanginginig kong tanong. Alam ko ang mangyayari kapag isa sa mga binanggit ko ang nangyari, bilang kaibigan ni Yuki nag-aalala ako para sa reputasyon niya. Yuki is not an ordinary person, he has so many successful business, he's also a business tycoon at a young age.

"Don't say that Tassia-babe, I don't know yet but we'll figure it out okay? I just need your and Tashi's trust and consideration about this matter, hmm? I want you to understand----." I cut him off by putting my index finger on his lips.

"Yeah I understand now. Nagtatampo lang ako kasi naman sa dami ng pagkakataon bakit kailangang ngayon pa mangyari ito. Ngayon na nga lang ulit tayo magb-bonding pagkatapos mong maka-uwi sa Japan din last week tapos aalis ka na naman." Nakanguso kong saad.

"I promise, babalik din agad ako kapag natapos na ang problema doon. Are we okay now?" May sumisilay nang ngiti sa labi niya kaya napangiti na din ako at tumango.

"Okay na tayo. Basta uwi ka agad ah?" Sabi ko pa na parang batang nagbibilin sa kaniyang Ama na umuwi agad galing sa trabaho.

"Yes Ma'am," sumaludo pa siya kaya parehas kaming natawa. Ibinaba na niya ang kamay na nasa gilid ng noo at lumipat ang tingin niya sa braso ko na may relo, ang regalo nila ni Tashi sa akin noon. "Just always wear that watch, okay?" Tukoy niya sa relo na suot ko, tumango naman ako bilang sagot.

"Okay na kayong dalawa?" Napalingon kami sa nagsalita, it's Tashi.

"Yeah/Yes." Sabay na sagot namin ni Yuki kaya parehas kaming natawa at napagpasiyahan nang lumabas ng kusina.

***********

WEEKS had been past since Yuki left the country. Sa loob ng ilang linggong nagdaan ay kami lang lagi ni Tashi ang magkasama.

Habang nakahiga sa sariling kama ay ipinikit ko ang mga mata at inaalala ang nangyaring pag-uusap namin ni Yuki.

I know I am being selfish to feel that feeling when in the first place Yuki is doing his best just to be with us. I am being immature to act like that, I know we're just bestfriends but I really hate the feeling of being left alone. Nasanay akong lagi silang dalawa ni Tashi ang kasama ko, nakalimutan kong may sarili din silang buhay at hindi lang ito umiikot sa akin.

Damn! I'm overthinking right now!

I should be grateful that they never left my side despite of my worst atittude towards them.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang isip ko at alisin ang mga walang kabuluhang bagay na bumabagabag dito.

Akmang matutulog na ako nang biglang tumunog ang cellphone kong nakalagay lang sa tabi ko, kinuha ko ito at salubong ang kilay na sinagot.

"Hello?" I answered lazily.

"Bitch, what's with that voice?" It's Tashi, I could imagine that she's raising her left eye-brow because of my lazy voice.

"Nothing, I'm just sleepy." I closed my eyes and I'm just listening to her.

"God! Are you sleepy? It's just 7:15 pm, the night is not that deep. C'mon!" Hearing her with a loud voice, I know she's up to.

"Where?" I still asked. I know where this is going.

"Bar, of course! Let's party biatch! Kio is not here, we can do whatever we want, wooohh!" She screamed like crazy.

I chuckled because of her craziness.

"Fine. Pick me up here. I'll just change my clothes." I said and get up. Medyo nawala ang antok ko.

I just wore a harper mini dress black showing off my cleavage.

Too daring huh.

After that I just put my hair into a messy bun and for my foot, I wore one of my YSL Saint Laurent Pumps. And I bring my Black Versace La Medusa bag.

A few minutes later, I looked at my reflection in the mirror.

Ahh what a gorgeous walking temptation.

The perks of being a supermodel. No matter what I wear, it will always be on fire, too hot to handle. *smirked*

And yes! I'm a supermodel but I'm having my vacation for now, a 3 months vacation. My agency can't say NO, when I asked for my vacation. Of course, they don't have a choice but to say YES.

I'm one of the highest-paid model of all time. Minsan lang naman ako maghingi ng bakasyon, pero kapag naghingi ako sinusulit ko na.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status