Share

CHAPTER 2

Chapter 2

FANTASSIA'S POV

DALI-DALING sumunod si France sa akin habang nagsasalita pa rin. "Is that so? Well, it's your self. I won't force you to trust anyone." Nawala ang atensyon ko sa kausap ko nang maramdaman ko na naman ang pakiramdam na parang may nakatingin sa akin, kaya nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang pigura ng lalaki sa second floor nitong bar sa medyo madilim na parte. Kahit medyo madilim ay alam kong sa akin siya nakatingin dahil ramdam ko ang titig niya na parang may ginawa akong masama base sa pagkakatitig niya sa akin.

Tuluyan na akong napahinto sa paglalakad at nilabanan ang titig ng estrangherong nakatingin sa akin kahit hindi ko siya gaanong makita dahil nasa madilim na parte siya ng Bar.

"Hey, why did you stopped? Akala ko ba uuwi kana, don't tell me mag-iinom ka pa----." I cut him off and grabbed his arms. Hindi ko na pinansin ang estrangherong nakatingin sa akin at kinaladkad ko na si France palabas ng Bar.

"Ang dami mo pang sinasabi, uuwi na nga ako eh!" Naiirita kong sabi sa kaniya at nauna nang sumakay sa kotse niya nang makita ko ito pagkarating namin sa Parking Lot ng Bar.

"Wow! Dahan-dahan naman sa pagsara, kotse mo ba iyan ha?" Sarkastikong sabi niya nang padabog kong isara ang pintuan ng kotse niya.

"Shut up France! Kanina pa ako naiirita sayo ha!" Tiningnan ko siya ng masama nang makapasok na din siya sa loob ng kotse niya.

"Hey! Hey chill! Init ng ulo natin ah." Sabi niya habang tumatawa at nakataas pa ang dalawang kamay na parang suspek sa isang krimen at sumusuko.

"France just shut up and drive me home." Malumanay ko nang sabi at hinilot ang sintido dahil nagsisimula na naman itong sumakit.

"Fine, fine. Just take a nap. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad ko nang pinikit ang mga mata ko.

*********

"Hey, Tassia-girl wake up. We're here." Nagising ako nang maramdaman kong may mahinang tumatapik sa pisngi ko kaya minulat ko ang mga mata ko.

"Damn, my head hurts." Sabi ko at nakaramdam ako ng parang nasusuka kaya tinakpan ko ang bibig ko.

"Shit! Huwag kang susuka dito sa loob ng kotse ko. I swear bubuhusan talaga kita ng isang baldeng tubig." Halatang natataranta si France dahil agad-agad siyang lumabas mula sa driver-seat at umikot para pagbuksan ako ng pintuan dito sa passenger-seat.

Saktong pagbukas niya ng pintuan ay tuluyan na akong nasuka at muntik pang matumba pero buti na lang agad akong nahawakan ni France sa braso, pero halos mapamura siya nang matalsikan siya ng kaunting suka.

Eww! Damn!

"Kung sinusuwerte ka nga naman oh!" Napahilamos siya ng mukha sa pagkainis.

"W-water, give me a water." Nanghihina kong saad.

Dali-dali naman siyang umikot muli sa driver-seat at parang may hinahalungkat na kung ano, pagbalik niya sa pwesto ko ay may dala-dala na siyang bottled-water.

Tinitigan ko muna ito na parang sinusuri.

"Don't worry, malinis at bago pa 'yan." Parang nabasa niya ang pag-aalinlangan sa hitsura ko kaya sumagot na siya kahit hindi pa ako nagtatanong.

Dali-dali ko naman itong binuksan at uminom pagkatapos ay nagmumog ng kaunti tapos ay binalik ko na sa kaniya.

"Are you done?" Bored niyang tanong na parang napipikon na.

Napailing na lang ako sa aking isip.

"Yeah." Maikling sagot ko.

"Okay, pwede ka nang bumaba sa kotse ko baka diyan ka naman sumuka." He almost rolled his eyes kaya natawa na lang ako.

"Damn, I'm sorry for the messed that I've done." Napapangiwi kong sabi at lumabas na sa kotse niya.

Umayos na ako ng tayo at nagsimula nang maglakad.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang maramdaman kong sumunod siya sa akin kaya nilingon ko siya at nagtatakang tumingin sa kaniya.

"Ihahatid na kita baka magkalat ka pa sa Hallway." He said nonchalantly.

I just rolled my eyes.

"Look, I'm perfectly fine----." He cut me off by pulling my arms and dragged me to my condo unit.

"Tara na, huwag ka nang umangal. Tapos pagpasok mo magbihis kana at matulog agad, baka mamaya kung ano pang gawin mo." Sabi niya na parang pinapangaralan pa ako.

He's just like Yuki, he sometimes cared for me like an older brother but he's also a jerk and a mean guy to me.

Nang makarating na kami sa tapat ng unit ko ay huminto muna ako at humarap sa kaniya na nagtatakang nakatingin sa akin.

"France, I'm sorry for the messed that I've done and thank you for driving me home even though I always mean to you." I sincerely said and look at him.

"Tsk, marunong ka din palang mag-Sorry at mag-Thank you. Akala ko puro pagmamaldita lang ang alam mo." He chuckled a bit.

"Hey, I still have a good side!" I exclaimed and punched his shoulder.

"Just kidding aside, but yeah you're welcome. Kung hindi kita ihahatid baka kung mapaano ka pa, lasing ka pa naman. Mayayari ako kay Yuki pagnagkataon." He said and messed my hair.

Tinabig ko naman ang kamay niya na gumugulo sa buhok ko.

"Stop messing my hair, ano ba!" Naiirita kong kinurot ang braso niya, napangiwi naman siya sa sakit.

"Okay stop. Get inside, change your clothes and sleep peacefully. Babalik pa ako sa Bar ko and after that uuwi na din ako. Good night Tassia-girl." He kissed my forehead before walking away.

Napailing na lang ako sa gesture niya. France is like an older brother that I never had, parehas sila ni Yuki na maalalahanin at mapagmahal pero mapang-asar sa akin, lalo na kay Tashi. Minsan lang namin makasama si France pero kapag kasama namin siya ay lagi silang dalawa ni Yuki talo sa amin ni Tashi pagdating sa awayan, mapagpatol din kasi ang dalawang siraulo.

Pumasok na ako sa unit ko at hinubad ang suot na stilettos tapos ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit na pantulog.

Pagkatapos kong magbihis ay humiga na ako sa kama at ipinikit ang mga mata, pero agad akong napadilat nang maalala ko ang lalaking nakatingin sa akin sa madilim na parte ng Bar kanina. Base sa pagkakatingin niya ay parang may nagawa akong kasalanan sa kaniya.

Isiniwalang bahala ko na lamang iyon dahil hindi na bago sa akin ang mga ganong pangyayari. Sa dami ba naman ng mga lalaking nirereject ko ay hindi malabong magkaroon sila ng sama ng loob sa akin.

Pero nagtataka lang ako dahil simula nang pumasok ako kanina sa Bar na iyon ay ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin, well sanay naman akong laging may nakatingin sa akin kaya pinabayaan ko na lamang iyon.

Baka isa na namang lalaki ang gusto akong makuha. Gosh! Men and their bad habit! I just rolled my eyes at the thought.

Inalis ko na iyon sa aking isipan at tuluyan nang ipinikit ang mga mata at natulog na nang magsimulang sumakit ulit ang aking ulo.

Damn the fucking liquor and the hangover!

************

"BITCH! Wake up! We need to go now. It's Saturday, shopping day!" Naramdaman ko ang pagbaon ng kama sa gilid ko tanda na may humiga, take note pabagsak na humiga!

"What the fvck! I'm still sleepy Tashi!" Nilibot ng kamay ko ang kama at nakapa ko ang buhok niya, gotcha!

"Ouch! Bitch masakit!" Reklamo niya nang hilain ko ang buhok niya. Arte nito di naman malakas yung paghila ko.

"Wag kang maarte hindi naman malakas 'yon." Sabi ko at nag-inat ng katawan.

"Kahit na masisira ang hairstyle ko oh!" Alam kong nakasimangot na siya ngayon dahil ayaw na ayaw niyang ginugulo ang buhok niya lalo na kapag nakaayos, tulad ngayon naka-braid ang buhok niya sa magkabilang gilid at nakabagsak ang bangs. She looks cute with that look though. She has a cute face but she's a totally bitch! Sa likod ng cute at maamong mukha niya ay may nagtatagong kamalditahan at mataray na pag-uugali. Well binabagay niya naman ang ganoong pag-uugali sa mga taong nakakasalamuha niya.

"Aga-aga nagsisigawan na naman kayo." Isang baritonong boses ang narinig namin at paglingon ko ay nakatayo doon ang isang lalaking matangkad at may singkit na mga mata, it's Yukio Shinoda.

Ang buong akala ko noon ay Pure-Japanese lang silang dalawa, pero nang tumagal na ay sinabi nilang Half-Japanese and Half-Filipino talaga ang nationality nilang dalawa.

Ang Father daw nila ay Japanese na magkapatid at ang Mother naman nila ay both Filipino na mag-bestfriend.

Sa pagkakatanda ko ay nakidnap daw ang kanilang Ina, isang Yakuza Group of Mafia daw ang kumuha sa Ina nila at itinago daw ito nang isinilang silang dalawa hanggang sa paglaki daw nila. Nagtaka ako nang sinabi nilang nakidnap ang Mommy nila, dahil ang akala ko ay iisa lang ang Mommy nila kaya tinanong ko kung magpinsan ba talaga sila o magkapatid, ang sagot nila sa akin ay matalik na magkaibigan daw ang Mommy nila at magkapatid naman ang Daddy.

Tinanong ko din kung bakit sila marunong magtagalog, ang sabi naman nila ay matagal nang naninirahan sa Pilipinas ang mga magulang nila bago pa sila isilang kaya bata pa lang ay marunong na sila magtagalog, pero umuuwi din sila sa bansa ng mga magulang nila. Tulad ngayon kauuwi lang ni Yukio galing sa Japan 3 days ago and si Tashi last week lang umuwi.

"This bitch! Natutulog ako bigla-biglang nanggugulo." Sagot ko at hinampas ng unan sa mukha si Tashi.

"Ouch! My bangs! Look what you did!" Nakasimangot niyang sabi habang inaayos ang nagulong bangs dahil sa paghampas ko ng unan.

Akmang hahampasin niya din ako ng unan nang umawat na si Yuki sa aming dalawa at hinarap kaming pareho.

"You," turo niya kay Tashi "fix yourself mukha kang binagyo sa hitsura mo." Tapos ako naman ang tinuro niya, "And you, pumasok kana sa banyo at maligo. Tingnan mo sarili mo sa salamin may muta at panis na laway ka pa, ang baho mo din." Halos umusok ang tenga at ilong ko dahil sa mga sinabi niya kaya dali-dali akong nagtungo sa body-mirror ko at pagtingin ko ay wala naman akong nakitang muta at panis na laway, arrgghh that asshole!

"Yukio Shinodaaaaaa!!" Sigaw ko nang marinig ko silang tumawa ni Tashi.

Mga walang-hiya pinagtutulungan na naman ako! Pwes may araw din kayo sakin, arrgh!

Akmang hahampasin ko din siya ng unan nang sinalag niya ang kamay kong may hawak na unan at tinulak ako papunta sa banyo, hindi naman gaano kalakas pero muntik na akong masubsob sa pintuan.

"Go, take a shower and I'll cook for your breakfast." Napatayo ako ng tuwid dahil sa sinabi niya at nilingon siya nang papasok na ako sa banyo.

"Sarapan mo ang luto ah? Kapag 'yan hindi masarap ihahampas ko sayo ang frying pan ko." Banta ko pa sa kaniya pero ang siraulo tinawanan lang ako.

Yabang ng hilaw na Hapon na singkit na 'to!

"Trust me, kasing sarap ko ang pagkain na lulutuin ko." Sabi pa niya kaya itinaas ko ang middle finger ko at pinakyuhan siya.

"Eww! Gago kadiri ka!" Sabi ko at tuluyan nang pumasok sa banyo, narinig ko pa ang boses nila ni Tashi.

Pagsarado ko ng pintuan sa banyo ay humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko.

I can say that I changed A LOT! From looks to atittude. When I was a kid I always have a bright, sweet vibes, and cheerful aura. But when THAT thing happened to me, I became a different person.

The sweet and cheerful Fantassia before is a cold, fierce and difficult person to deal with, now. I hate my old self, I hate that era of me when someone could easily fooled and made me feel stupid.

Napabuntong-hininga na lang ako at naghubad sa harap ng salamin. I can say that I became taller, maybe 5'10 feet, my skintone is not that bad because I got it to my Filipino-American Father and my light brown eyes, I got it to my Filipina-Spanish Mother. So basically my Filipino blood is 1/4 only. And I got my light brown natural long wavy hair from my Mom.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status