Share

Chief, Fall in love again
Chief, Fall in love again
Penulis: Dias Sen

Chapter One

STACEY felt how tired her body was, from all the procurements and vouchers she has to process today, as well as gathering and organizing the sales and trading function of the bank company for this month.

It's been more than two months since she started working as a clerk for Golden Gates Corporation, an institution that primarily provides business loans, credit, savings accounts, and checking accounts. Bilang fresh graduate ng bachelor degree sa office administration at katatapos ng kontrata sa naunang trabaho bilang cashier ng isang grocery store, blessing para sa kanya na natanggap siya kaagad sa panibagong trabahong ito. The workload may be overwhelming but she enjoys the opportunity and experiences of her new job.

Mabilis ang bawat hakbang niyang naglalakad at tinutumbok ang banketa patungong sakayan ng jeep pabiyaheng barangay kung saan siya tumutuloy ngayon. Nakikiupa siya kasama ang kanyang apat na kaibigan sa two-storey apartment. She's been living independently since she was in her last year of college.

Sa pagmamadali na abutan ang nakalargang jeep ay nabunggo siya ng nakasalubong niyang dalawang babae.

"Ano ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" reklamo ng isa sa mga babaeng nakabungguan niya, napataas ang tono nito dahil sa inis.

"Pasensiya na, Miss. Hindi ko sinasadya, may inaabutan kasi akong huling larga ng jeep pabiyahe sa amin," mahinahon niyang tugon sa mga ito.

Inirapan lamang siya ng dalawang babae, nagpatuloy na ang mga ito sa paglalakad at nilagpasan siya. Pinanuod niya ang papalayong bulto ng mga ito. Nahagip ng kanyang mga mata ang pagpasok ng dalawa sa malapit na club sa tapat ng coffee shop na nasa tabi lamang niya.

Napabuntong hininga siya. Noong maalala ang inaabutang jeep ay nagmadali na muli siya sa paglalakad.

Minalas pa siya dahil saktong umalis na ang sasakyan pagkarating niya sa terminal. Ang mahal pa naman magtaxi ngunit ito na lamang ang tanging paraan para makauwi siya sa apartment. Mukhang gagastos siya ng malaki sa transportasyon dahil ilang araw na siyang pinag-oovertime sa trabaho. Naiisip tuloy niyang magrequest ng allowance para sa travel expenses niya araw-araw.

"Ako ang nalulugi nito, kaunti lamang ang overtime pay kumpara sa kung magkano ang magiging pamasahe ko pauwi," himutok niya patungkol sa sitwasyon niya ngayon.

Habang sumasagap ng hangin pambawi sa kaniyang pagkahingal ay nagmamasid siya ng dumaraang mga sasakyan. Napansin niyang nasa gilid ng club ang hilira ng ilang taxi, marahil ay dito sila naghihintay ng mga potensiyal na mga pasahero galing sa club.

Tumungo siya sa kinaroroonan ng mga ito para sana kunin ang kanilang serbisyo at maihatid na siya sa kanyang tinutuluyan. Ngunit noong nasa harap na siya ng club at nakatapak sa entrada ng pintuan, ang kaniyang utak ay nagkaroon ng debate. Naglalaban ang isipan niya kung itutuloy niya ang pagpara ng taxi upang makauwi na o ang subukan sa unang pagkakataon ang mag-clubbing. She never had a wild social life, it's not like she wants to but atleast she wants to try and know.

Puno nang kuryosidad siyang sumilip sa entrada. Ang dalawang bouncer na nagbabantay ay kaagad siyang napansin. Nagtaka ang mga ito at pinagkunotan siya ng noo.

"Papasok ka ba o hindi?" tanong ng bouncer na may nakatatak na Coke sa Black na t-shirt nito.

"Sigurado ka bang hindi ka naliligaw, Miss? Mukhang naka-midnight shift ka ata sa opisina mo," dagdag namang turan ng kasama ng bouncer at may tatak namang Mega sa t-shirt din nito.

Medyo natawa ang dalawa sa hirit ng huli patungkol sa office clothes niya.

"Excuse me, Sir Coke at Sir Mega. Hindi porke't naka-polo blouse at skirt ako ay hindi na puwedeng pumasok sa club niyo," sita niya sa kanilang pagtawa. "Nakaheels at maganda naman ako. That would be qualified," she confidently retorted back at them as she walked inside.

The loud music and noise coming from bunch of people enjoying the night while having conversations welcomed her ears. Muntik na siyang dumiretso sa bar counter kung hindi pa siya pinigilan ng boses mula sa front desk.

"Miss, hindi ka puwedeng pumasok hangga't hindi ka nagbabayad ng entrance fee mo," the lady called for her as she's the only new customer that entered.

Kaagad niyang nilapitan ang receptionist.

"Here you go," nahihiyang ngumiti siya sabay abot ng kanyang credit card, na madali niyang nahalungkat sa kanyang handbag, sa babae. "This is my first time. Hindi ko nga rin alam kung ano ang pumasok sa kukuti ko at pumasok ako rito," nagbibiro niyang saad habang hinihintay itong matapos sa pagprocess ng kaniyang payment.

Nawala rin sa isip niyang nagamit niya ang savings niya sa sobrang kasabikan na maranasan ang nightclubbing for the first time. Oh no. There's no turning back.

"You are good to go, Ma'am. Enjoy your wild nights at Club Flamingo," magalang siyang binati ng receptionist bago iniabot pabalik ang credit card niya at resibo.

Namamangha ang mga matang pumasok siya ng tuluyan sa club. Mas lalong lumakas ang tunog ng sigawan, hiyawan at ang musika galing sa nagkalat na speakers sa loob. Ang amoy ng usok ng sigarilyo ay kanya ring nalalanghap habang tumutungo siya sa bar counter upang bumili ng maiinom.

"Are you sure you are not in the wrong place, girl?" natatawa at sarkastikong tanong nang nakasalubong niyang babae, wearing a skin tight daring green dress.

"You should have atleast show off some skin," nangungutya ang mga matang turan pa ng kasama nito, nakasuot naman ito ng itim na bra at maong mini skirt.

She's shocked! Unbelievable! Ganito pala dapat ka-fearless at scandalous ang isusuot kapag pupunta sa nightclubs o bars?

"Don't listen to them. They are just used to wild daring nightclubs in the big cities in America. Dressing rules still depends on the nightclubs that you go to," iba naman ang naging pahayag ng ikatlong kasama ng mga babae, she's wearing a croptop green sando and fitted jeans. She even winked at her before they left her for the dance floor.

Napangiti siya dahil sa natanggap na kindat mula sa huling babaeng kumausap sa kanya.

Nagpatuloy siya sa pagtungo sa kinaroroonan ng bar counter. Nang marating ito ay naupo siya sa bakanteng stool doon. Alam niyang nakuha niya ang pansin ng karamihan dahil sa hindi nababagay na kasuotan niya sa dress code nila.

Maski ang bartender ay nagtataka kung bakit ang isang tulad niyang naka-office attire ay narito sa nightclub ngayon. "How may I help you, Miss?" the bartender were still able to ask her.

She smiled and took a moment to choose for her drink. "A strawberry Daiquiri would do. Please," hayag niya rito sa kanyang napiling inumin.

"Comin' in a minute, Miss," masiglang tugon ng bartender at umalis ito sa kanyang harapan para gawin ang napili niyang cocktail drink.

"No time for a dress change?" A baritone voice suddenly came out of nowhere.

Then she felt someone standing behind her. She quickly turned around to check the person as his voice sounds familiar.

"M-Mr. Buencamino?" gulat niyang bulalas sa pangalan ng boss sa accounting division ng kompanyang pinagtatrabahuan niya.

"It's nice to see you in an unexpected places like this, Ms. Galvez," nakangising turan ng binata. Prente itong naupo sa katabi niyang stool. "One shot of Macallan Whisky," he ordered a drink and the bartender got it.

"P-Palagi ho siguro kayo rito, S-Sir," kinakabahan at nauutal niyang naging pahayag. An awkward eerie hugged her being as she's surprisingly recognized by one of the chiefs in the company. Baka isipin nito na isa siyang wild party girl. For pete's sake, this is her first time!

"Just when I'm too stressed," tipid nitong sagot. "You?" he simply returned the question to her.

Nahihiya siyang ngumiti.

"Sumaglit lang po para uminom ng kaunti," she was able to give a shallow reason. Ayaw niyang mabuking na ito ang unang beses na nakaapak siya sa nightclub.

He looked at her again and smirked playfully, amazement danced in his eyes behind those eyeglasses he wears. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng kaba.

Bakit sa dinarami rami ng tao ay ang guwapong chief pa ng accounting at ang lalaking palihim niyang hinahangaan ang makakasalamuha niya sa club?

"What did you do to pass those bouncers in that outfit?" he asked with a hint of teasing in his tone.

"A-Ano... Ganda lang, siyempre," kinapalan niya ang mukha at may halo pang confidence niyang sagot.

Bahagyang natawa ang binata. "You're innocently funny," anito. Hindi niya alam kung pang-aasar ba ito o compliment.

"Strawberry Daiquiri for the beautiful lady in her office attire," the bartender announced as he smoothly put down on the counter in front of her the cocktail.

"And Macallan Whisky for the gentleman in blue shirt," bumaling din ang bartender kay Mr. Buencamino.

"By the way, call me Izaac when working hours are over," the dazzling chief had suggested before sipping from his rocks glass.

“S-Sure po,” hindi pa rin mawala ang pagkailang sa kanya. Ikaw ba naman ang katabi at kainuman ang isa sa mga chiefs ng division sa pinagtatrabahuan mong kompanya? Tignan lang natin kung hindi ka maihi sa hiya at awkward. Siyempre, may halong sundot ng kilig ang nararamdaman niya ngayon – may lihim siyang pagtingin sa binatang CFO.

“And cut the ‘po’. I’m not that too old,” he spoke again, expressing how he doesn’t want some formalities between them outside office hours.

“Oo na, Sir Izaac,” may bahid ng kaunting inis niyang tugon sabay simsim sa kanyang cocktail drink.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. Kaagad niya itong nilingon at napansing nakatitig ito sa kanya nang matiim.

“Ang hirap mong pakiusapan,” tila sumusukong wika nito at naiiling pa. “By the way, are you alone or do you have company?”

“Mag-isa ko lang. Biglaan din kasi itong pagpunta ko rito. Wala sa plano at budget,” napangiwi siya sa huling tinuran. Tama. Hindi kailanman kasama sa budget niya ang clubbing o pagliliwaliw.

He chuckled. That made her surprised, this is the second time she heard him laugh. Nanlaki ang mga mata niyang pinukol ito nang tingin.

“Marunong naman pala kayong tumawa, Sir Izaac. Mas lalo tuloy kayong pumogi,” she can’t help it but compliment him.

“So hindi ako gaanong guwapo sa tuwing nakabusangot ako?”

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Guwapo ka na e, mas tumingkad ang mga mata mo kapag nakatawa ka at masaya.”

“That’s the first time someone had noticed something about my eyes.”

“Talaga? Sa ilang babaeng papalit palit mong kasama sa labas?” That was out of curiosity! And blame it to her slippery tongue, she just said it without thinking! It’s too late when she realized.

Muli itong tumawa. “They are just for fling. They come for me for money, fame or attention. Noticing about how my eyes sparkle or caring if they see me laugh and happy is none of their business.” He’s very honest. There’s no holding back, he just answered her question frankly.

Napatulala siya sa mukha nitong ubod ng guwapo. Hindi niya naging nobya ang mga babaeng nakikita niyang kasama nito sa mga restaurants o malls? Selos na selos pa naman siya sa mga ito. Palibhasa malayong malayo na magaganda, sexy at makikinis ang mga dinedate nitong mga babae. Mukha pang mga yayamanin katulad din ng binata.

“Are you okay? You look spaced out?” he asked which made her snapped out of reverie.

“Pasensiya ka na. Hindi ko dapat tinatanong ang mga ganoong personal na mga bagay,” nahihiya siyang humingi ng paumanhin.

“Don’t worry. It’s definitely fine. People took me for being a womanizer anyway,” walang gana nitong tugon. Inalis nito ang tingin sa kanya at muling sumimsim sa inumin nito.

“Sa tingin ko, maraming babae ang nagkakandarapa sa iyo dahil bukod sa guwapo at mabait ka, successful din ang takbo ng career mo,” pagpapagaan niya sa kanilang usapan.

“It’s either they are after the money or the fame.”

“Bakit ganiyan ang tingin mo sa aming mga babaeng nagkakagusto sa iyo? Hindi lahat ay katulad ng mga babaeng ka-fling mo,” depensa niya kaagad. She’s never been cautious of her actions. Napamulagat siya sabay takip sa kanyang bibig.

“What did you say? Does it mean you have a crush on me?” Mabilis siyang nilingon nito at kinompronta.

Umiling siya ng ilang ulit.

That’s when Izaac’s right hand got to hold her left wrist. Then he moved closer to her. Their faces are just an inch away. She can smell his minty breath along with the scent of his whisky drink.

Her heart’s beating – thumping fast and loud it feels like pumping out of her chest. She slowly loosened her hands covering her mouth. Until he pulled it away from her face.

“Wala naman masamang magkagusto sayo, ‘di ba, Sir Izaac?” painosente niyang tanong. Umaasang tumigil ito sa pagkompronta at paglayuin na ang kanilang mga mukha at katawan.

“You’re right. There’s nothing bad about it. But I want to say I’ve been liking you too,” he confessed as well that made her shocked to the bones!

Her heart pounded doubled like crazy! Is she dreaming? This made her feel floating in cloud nine.

Most unexpected thing happened just seconds after his confession – his lips touched hers. Her first kiss. Ang pinakaingat ingatan niyang unang halik ay nasungkit na ng kaniyang prince charming.

She closed her eyes and felt how magical this feeling was for her. Two of her first times happened in just one night, she went clubbing and having her first kiss with her crush.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status