Share

Chapter Three

A MASSIVE pain hit Stacey’s womanhood when she woke up. Napadaing siya sa hapdi dulot nang pagsuko niya sa kaniyang pagkabirh*n kay Izaac kagabi.

Upon realizing, napabalikwas siya nang bangon at luminga sa paligid just to get disappointed. Izaac is already gone, wala na ito sa tabi niya at wala na rin ang mga gamit nito. Animo’y walang bahid na kasama niya ito sa silid kagabi. Ang tanging ebidensiya lamang ay ang pulang marka sa gitna ng kama – she bleeds last night when her hymen broke as Izaac penetrated her.

Napabuntong hininga siya at laglag ang kaniyang mga balikat. “What can I expect? He’s a womanizer,” she talked to herself.

Hindi naman siya ganoong nasaktan na mamulatang wala na ito sa tabi niya. Naihanda na niya kagabi ang sarili na ito ang posibleng mangyari pagkatapos niyang ialok na angkinin nito ang pagkabirh*n niya.

Malungkot siyang bumangon. Dinampot niya isa isa ang mga saplot niya atsaka nagtungo sa banyo para maligo at magdamit. It’s friday today, dahil alas sais pa lamang ng umaga nang sipatin niya ang wall clock ay nagpasya siyang umuwi muna sa kaniyang tinutuluyang apartment upang makapagpalit.

Just when she’s about to grab her handbag, she noticed a small piece of scented paper. She curiously picked it up.

‘I enjoyed being with you last night. You were sound asleep when I woke up so I decided not to disturb you. There’s an urgent meeting today at the office so I need to go home and change before going early to work. See you there, babe! -Izaac’

Napakurap kurap siya matapos mabasa ang iniwang sulat ng binata. Is this for real? Napatanong siya sa munting gesture nito dahil nagawa nitong mag-iwan ng short message informing her na nauna itong umuwi.

Kagat labi siyang napangiti at kinikilig na ipinasok sa kaniyang bag ang papel. Her mood suddenly changed into a calm one, a smile wouldn’t fade after reading the message from Izaac. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya ang pulang mantsa sa puting bedsheet ng kama. Sa isip isip niya, pinaalalahanan niya ang sarili na ito ay desisyon niya at kusa niyang inialok sa binata kagabi. Hindi siya dapat magsisi o manisi sa kung anumang posibilidad na magiging kahihinatnan ng ginawa niyang ito sa buhay niya.

The most important thing, she enjoyed the moment with him and she’s the happiest.

She checked out from the hotel and hired a taxi to take her to her apartment. Mabuti at tulog pa ang kaniyang mga kasama. Nagmadali siyang nagpalit ng office attire bago naglagay ng kaunting make up sa mukha. Hindi na siya naligo dahil tapos na kanina sa hotel. She sprayed her favorite perfume before leaving again for work this time.

She’s glad she made it on time. Kahit ramdam ng pagkabab*e niya ang hapdi ay ginawa niya ang kaniyang makakaya na maglakad ng normal. Sisikapin na lamang niyang huwag gaanong tumayo o magkikilos sa opisina nila ngayong araw.

Kahit alam niya sa sarili niyang walang kaalam alam ang kaniyang mga kaopisina tungkol sa nangyari sa kanila ng CFO ng kompanya ay pakiramdam niya ginigisa siya ng buhay pagkapasok niya sa kanilang office. Naglakad siya patungo sa kaniyang cubicle na nakayuko ang ulo. She feels like she did something horrible and she’s about to be sentenced to death.

As soon as she sat on her swivel chair, her close friend Yoanna came to her which she didn’t noticed.

“Good morning, beshy!” masigla at punung puno ng enerhiya nitong pagbati sa kaniya. Sumandal ito sa gilid ng kaniyang desk at humalukipkip.

“Jusmiyo garapon!” she squealed as a response dahil bahagya siyang nagulat sa naging paglapit nito. “Yoanna, umagang umaga ang hilig mong gulatin ako,” kaniya itong sinita sa ginawa.

She shrugged her shoulders and raised an eyebrow at her. Kilala ang kaibigan niya sa kanilang trabaho bilang babaeng nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas ng boses at mahilig manguna sa announcer. “Akala mo makakalusot ka sa akin ha,” pagtataray nito at hindi pinakinggan ang kaniyang pagsaway dito.

Nangunot ang noo niya. Nagsimula siyang pagpawisan ng malagkit. Ang utak niya ay nangamba na baka nakita siya nito kagabi kasama si Izaac palabas ng club o di kaya papasok ng hotel. “Beshy, h-hindi totoo iyang iniisip mo,” bulalas niya sa kinakabahang boses. Napangunahan siya ng takot na baka madulas ito at maianunsiyo sa opisina nila.

“Ha?” Kunot noo nitong wika. “Anong ibig mong sabihin? Ano ang hindi totoo? Hindi totoo na may manliligaw ka? E itatanong ko pa lang sa iyo,” walang preno ang bibig nitong turan. “Saan nga ba galing ang bulalak, love letter at tsokolate na iyan? Abir?!” Nameywang ito sabay nguso sa ibabaw ng kaniyang mesa na kaharap ng kaniyang likuran.

Umikot siya upang makita ang pinagsasabi nito. Doon lamang niya napansin ang nakapatong na bouquet of red roses, maliit na pulang card at chocolate na nakapatong sa mesa niya. Nagtaka siya at na-curious kung sino ang taong magpapadala niyon sa kanya. Sa iilang manliligaw na mayroon siya ay walang nagtangkang gawin ang ganitong klaseng gesture dahil sumuko na agad ang mga ito matapos niyang tanggihan.

“Sus! Wala pa la ha!” kantiyaw tuloy ni Yoanna sabay siko sa kaniyang braso. Hindi niya napansing medyo nakadukwang ito sa kanyang tabi at nakikiusyuso. “Dali! Basahin mo ang laman ng sulat,” atat pa siya nitong minanduhan.

Nakabuka ng kaunti ang bungangang inalis niya ang tingin sa kaibigan at ibinalik iyon sa natanggap na bulaklak. Kinuha niya ang maliit na card na nakasapit sa bugkos ng rosas at binuklat.

‘I hope you arrived safe in your office. I ordered breakfast for you, I know it will be there in a minute right after your arrival. Now, straight to the point, I want to further discuss some matters between us. Let’s see each other again tonight, babe. -Chief B.’

“Chief B? Who’s that?” takang tanong ni Yoanna. Nakalimutan niyang katabi lang niya ito at nakikibasa sa laman ng card.

Nilingon niya ito kaagad at mabilis niyang tinakpan ng palad ang sulat. “W-Wala. Hindi mo rin naman kilala,” nautal pa siya sa kanyang naging pagsagot.

Bumusangot ang kaibigan at bumalik sa pagkakatayo ng tuwid. “You better sched a dinner or coffee date so I can meet that mysterious suitor of yours. Or else, hindi kita papansinin ng isang buong buwan,” she even demanded a condition.

Napaawang ang kaniyang mga labi at akmang magproprotesta. Hindi naman niya ata kayang hindi sila magkiboan dahil magiging lalong boring ang buhay niya at walang magpapatawa sa kanya araw-araw. She’s a ray of sunshine, a happy pill type of friend.

“Ms. Stacey Galvez po?” When someone called out for her name.

She immediately stood up and looked at the office glass door. Nakita niya ang nakadungaw na rider na may hawak na kapirasong papel at sa isa pa nitong kamay ay bitbit nito ang nakapaper bag na may logo ng starbvcks.

“Ms. Stacey Galvez po? Grab food po ninyo,” anunsiyo muli ni kuya rider habang nililinga ang paligid ng opisina.

She reluctantly raised her hand. Wala naman siyang inoorder na kahit ano. Bakit may dumating na food delivery?

“Ako po, kuya,” nahihiya siyang nagsalita. “Magkano po lahat?” Sinundan niya ito ng tanong.

“Bayad na po ito, Ma’am. Ito po at idedeliver na lamang po sa inyo,” sagot ng rider.

Tinungo niya ang pintuan upang kunin ang iniaabot na paper bag nito. Upon receiving the food she gave him a tip then thanked him before he left.

Bumalik siya sa kanyang cubicle. Naroon pa rin si Yoanna at mukhang sasagap uli ng tsismis mula sa misteryosong food delivery.

Mabuti na lamang at abala sa kaniya kaniyang trabaho ang kanilang mga kaopisina at walang oras na punahin siya o ang kaibigan niya na inuna pang makipagkuwentuhan sa kaniya kaysa gawin ang mga nakatoka ritong mga papeles.

“Iyan na nga ang sinasabi ng mysterious admirer mo na breakfast. Ang swerte naman ng beshy ko. Bigyan mo ko sa cubicle ko ha para bati na tayo,” inasar muna siya nito at humingi pa sa pagkain bago siya nilubayan sa wakas.

Naupo siya at inilapag muna saglit ang paperbag upang basahin ang sulat.

“Chief B,” she thought for a moment.

Doon niya napagtanto na si Izaac ang nagpadala ng lahat ng ito sa kanya. Chief B is Chief of Accounting Mr. Buencamino.

She dropped the card. She took the disbursement vouchers that she already kept ready yesterday then went straight to the accounting division.

KATATAPOS ng early meeting sa conference room ng CEO at kababalik lang ni Izaac sa kanyang opisina. He dropped his heavy bod on the swivel chair and massaged his aching nerves.

The meeting is all about the f*cking loss of profit for the past three months. Since he’s in charge of accounting division, they are pointing fingers at him that he’s slacking off. This is slowly painting him a bad image.

Kailangan niyang malaman at mahuli kung sino ang may pakana ng pananabotahe sa kanya.

“Ms. Galvez hindi ho kayo talaga pwedeng dumiretso kay Chief. Mapapagalitan po kami. We need to review your papers first before he sign them,” narinig niya ang boses ng sekretarya niya sa labas. Inaawat nito ang makulit na babaeng nagpagaan ng kanyang mood matapos niya itong masilayan.

“Erica, let me in. Please. This is urgent. Rush papers ito,” pamimilit ni Stacey at pinaglalaban ang pagkahawak sa handle ng glass door.

“Kahit na. Maraming ginagawa si Chief ngayon.” Patuloy sa paghila ang sekretarya niya sa beywang ng dalaga upang bitawan nito ang pagkakabukas ng pinto.

“Calm down, Erica. Let her in,” he ordered in his authorative voice.

Tumigil ang dalawa sa pagbabangayan. Nasunod ang kanyang naging utos. Stacey went inside.

Pagkasarado ng glass door at nasigurong wala silang kasama sa loob. Lumapit ang dalaga sa kanya at padabog na ibinagsak ang makapal na magkakapatong na papeles sa ibabaw ng mesa sa harapan niya.

Wala siyang naging reaksiyon. Although deep inside, he was amused. She’s really something.

Ipinatong niya ang magkabilang siko sa magkabilaan ding armchair. Pinagsalikop niya ang mga kamay at itinaas iyon para ipatong ang kanyang baba.

“It’s early in the morning yet you are hot tempered,” he started to annoy her.

Bumuga ito nang marahas sa hangin. Naiinis siyang pinandilatan at dinuro. “Ikaw ang nagpapainit ng dugo ko!” She shouted at him.

Hindi siya nagpasindak. He even smirked. “Feisty,” komento niya sa naging asal nito. “What did I do?” nagmaangan siyang nagtanong.

“First, you left me alone in the hotel. Second, randomly sending presents in my cubicle and third, food delivery to treat me breakfast,” kaagad itong sumagot.

“What’s wrong with that? I was being sweet,” he defended his actions. Which is true, he was trying to show her how to be a gentleman while pursuing her.

“Don’t play fool, Mr. Buencamino. Sayo mismo nanggaling na isa kang womanizer, marami kang ka-fling na iba’t ibang babae. Are you gonna add me to your collections?” naghahamon nitong kuwestiyon. “And you are not thinking! Paano kung nabuking na ikaw ang nagpadala ng bulaklak, at food delivery sa akin? Ano na lamang ang iisipin ng mga katrabaho natin sa kompanya?”

“What will they think? Why will you care?”

“They might think that I am seducing you, the chief of accounting to gain a higher position! And I care because I don’t want to paint my reputation in this workplace.”

“Where is this all coming from?” He got confused that she’s suddenly arguing with him when she was so into him last night. “Can you tell me how to resolve this? I have more important things to do.”

Napatanga ito sabay tampal sa noo at nameywang. Tumalikod saglit na tila hindi magawang mag-isip ng matino. Bago muling humarap sa kanya at nagbuntong hininga.

“I never expected to have a one night stand with someone like you. I’ve always liked you since the first day I worked here but I also marked you as a person that is out of my league, out of reach pa nga. Pero nangyari na kagabi,” mangiyak ngiyak nitong kuwento. “First time sa buong buhay ko na naging padalus dalos ako sa desisyon ko. Pero sana naman huwag mo akong gawing laruan tulad ng mga babaeng pampalipas oras mo dahil yung nararamdaman ko sa iyo ay tunay at walang pagkukunwari.”

His heart started thumping eratically. Her words expressing her feelings for him made him perceive her as a woman who has genuine intentions towards him. Tumayo siya at hinarap ito. Napasinghap ito sa gulat at napaatras sa kanyang paglapit.

“Alam ko naman na hinding hindi mo seseryosohin ang kagaya ko. I’m just for a one night stand. I offered myself last night and that’s it. I never regret anything and I know it all ends there. Huwag mo sana akong paasahin sa mga pabulaklak, pa-letter o kaya’y pafood delivery mo. Ayokong sumugal sa isang walang kasiguraduhang relasyon lalo pa’t ako ang masasaktan ng matindi sa huli.”

Nawalan siya ng kontrol sa sarili. He swiftly cupped her face and kissed her. Those sweet lips of her that tastes like cherry, that got him addicted to it. Gumanti ito sa halik niya ngunit tila natauhan ito at itinulak siya palayo.

“Mahuhuli nila tayo. Ano ba?” naiinis nitong suway sa kanya.

Pinakatitigan niya ito bago nagpasyang magsalita.

“Here’s my suggestion. This is against the company policy, banned workplace romance,” he ignored her accost and tried to come up with a resolution. “Let’s forget what happened. I am not a commitment kind of guy. I will stop trying to shower you with presents as it irritates you. I just wanted to be sweet to you as I do with my other flings. You are right, I shouldn’t be adding you to my collections if I will just hurt you in the end. You are free to go.”

His dismissal seems unregistered to Stacey. She was just standing there frozen with cold blank expression in her face.

“Y-Yeah. Good idea,” malungkot at tulala nitong turan bago parang robot na naglakad palabas ng opisina niya.

He felt sorry for her pero ito ang makabubuti sa kanilang dalawa. Tama ito, kailangan niyang itigil ang panunuyo rito kung hindi niya ito kayang panindigan - maiiwan niya itong sawi kapag nagsawa siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status