Share

Chapter Four

NANG MAKALABAS si Stacey sa opisina ni Izaac ay mabilis siyang umalis ng accounting division. Hindi na niya pinansin ang nagtatakang mga matang nakapukol sa kanya at ang ilang concern na tanong ng mga katrabaho nila. Tila siya bingi, ang utak niya ay tuliro at ang puso niya ay labis na nasaktan.

Tinungo niya ang comfort room malapit sa research division kung saan siya nakaopisina. Ini-lock niya ang pinto sa banyo ng mga babae. Huminga siya ng malalim at dahan dahang pinakawalan iyon.

Sumandal siya sa hamba ng pinto bago unti unting padausdos na napaupo sa sahig. Doon lamang din niya naalala at naramdaman ang mahapdi pa niyang masel*ng bahagi sa ibabang parte ng kanyang katawan.

Kung hindi pa niya kinompronta ang binata ay baka mas lalo siyang umasa na mabigyan ng pagkakataon ang napalalim niyang pagkagusto rito. This is just good for her. Tama rin si Izaac, kung itutuloy nito ang pinapakitang sweet gestures sa kanya ngunit wala itong balak na panindigan siya ay masasaktan lang din siya nito sa huli.

She was brave enough to confront that d*mn CFO! Ang totoong pakay niya ay malinawan sana sa magiging relasyon sa pagitan nila matapos ang mainit nilang pagtat*lik kagabi. Kung ang naging kahihinatnan nang naging argumento nila ay kalimutan iyon at sikaping bumalik sa kani-kanilang normal na buhay – then so be it.

Marahas niyang pinunasan ang mga luhang namalisbis sa kanyang pisngi. Tumayo siya at naghilamos ng mukha sa lababo. Kumuha siya ng tissue sa wall tissue dispenser at nagpunas ng basang mukha. Nakatitig siya sa sariling repleksiyon ng kanyang mukha sa salamin. Siguro ay nahimasmasan na siya sa naging pag-uusap nila ng CFO.

“Tama lang na ni-reject kaagad ng damuhong iyon ang feelings mo Stacey,” she started talking to herself. This is her own way of calming. “Kung magtatagal na hahayaan ko siyang bigyan palagi ako ng kung anu anong regalo o pagkain ay baka mas lalo akong mahulog sa kanya. Mahirap pa naman umasa sa isang lalaking hindi sigurado sa nararamdaman at gustong mangyari sa relasyon. Stacey, maiging naging klaro sa pagitan ninyong dalawa na kalimutan ang lahat nang nangyari kagabi at manatiling lihim sa pagitan ninyo.” She was looking desperately at her own reflection while convincing herself that this was the right thing.

Bumalik siya sa kaniyang cubicle sa opisina nila. Kinuha niya ang mga binigay ng CFO sa kanya at pinuntahan ang table ng kanyang kaibigan. Inilapag niya ang lahat ng iyon sa mesa nito na siyang naging dahilan upang sipatin siya nito nang nagtatakang titig.

“All of it are yours, Beshy. Don’t worry my suitor knows, and it’s okay with him,” nakangiti niyang turan at nagsinungaling pa siya.

Kumunot ang noo nito. “Sigurado ka ba? Sinong manliligaw ang gugustuhing ibang babae ang makikinabang sa pabulaklak at patsokolate niya para sa nililigawan niya?” Yoanna raised a question.

“My suitor does,” mabilis niyang tugon sabay taas ng kanang kamay na tila nanunumpa. “Sinabi ko kasi sa kanya na allergic ako sa mga bulaklak, ayoko sa matatamis at nag-almusal na ako. Naiintindihan niya at ayos lang talaga sa kanya na ibigay ko sa iba iyang mga presents niya for this morning,” hayag niya sa kanyang naisip na palusot.

“Ewan ko sa inyo. Pero kung ganiyan kabait ang manliligaw mo, sagutin mo na kaagad, Beshy. Mukhang palagi akong malilibre ng pagkain nito,” sobrang nasisiyahang turan nito.

Nauwi sa ngiwi ang pilit niyang pagngiti. Ngunit kaagad din niyang binawi iyon upang hindi mapansin ni Yoanna. “Malabo siguro, Beshy. Huwag kang umasa na magkakatuluyan kami.”

“Walang impossible sa mga taong nagmamahalan, Beshy. Kung buo naman kayo sa nararamdaman ninyo para sa isa’t isa – kumbaga you fell in love with each other. Then what’s stopping the two of you?”

“Yoanna, you don’t understand. Hindi ganiyan kasimple ang mga bagay bagay.”

“Naku! Why make it complicated if love can be a simple thing? Just keep choosing each other.”

“Sana ganoon nga. Pero beshy, he’s a complicated man. Basta, I can’t tell you everything for now. Ang alam ko lang ngayon ay tanggapin ang sitwasyon naming dalawa. Please, don’t keep pushing your shallow idealogy about love,” she tapped her friend’s shoulder then turned around to start walking back to her own table.

Kung alam lamang ng kaniyang kaibigan na hindi manligaw ang purpose ng CFO sa pagbibigay ng presents sa kanya. Sa damuhong iyon mismo nanggaling na act of sweetness or gestures nito iyon sa mga ka-fling nito. At bilang babae na may paninindigan, hinding hindi siya papayag na hanggang fling lang siya sa lalaking gusto o mahal niya. She’s worthy of a committed relationship and she deserves faithfulness.

She opened her desktop and will start working for the day, while waiting she did some arm stretching.

“Stacey! Tawag ka ni Ma’am Cath,” when one of her co-workers called for her and relayed the message of their supervisor.

“Coming!” malakas ang boses niyang tumugon.

Tumayo siya at dahan dahang naglakad papuntang cubicle ng kanilang supervisor, ang puwesto nito ay ang pinakamalawak sa lahat ng cubicle sa kanilang division at siyang malapit sa pinto papasok sa opisina ng kanilang Division Chief. She is now aware that her private part is still aching badly that’s why she’s mindful of walking and moving carefully.

“Good morning po, Ma’am? Pinatawag niyo raw po ako?” she greeted the supervisor and asked what she wanted from her.

“Hi, Stacey. Good morning, hija,” her kind and sweet voice greeted her back first. “I just want to ask if you already forwarded the disbursement vouchers to the accounting division?” tanong nito kapagkuwan habang abala sa pagsusulat sa post it note nito.

“Yes po, Ma’am. Iyon po ang pinakauna kong ginawa ngayong umaga,” she smiled upon answering.

“That’s good, hija. May ipapasabay sana ako kaso pumunta ka na pala roon kanina. Kung maaari nais ko sanang ipahanap ang status ng voucher na ito sa accounting. Can you please do it for me?” anito at humingi ng pabor.

Natahimik siya at napatulala sa mukha ng kanyang supervisor. Umiiwas nga siya sa division na iyon dahil nasusuklam pa rin siya sa CFO nila! She’s trying to avoid him as she still can’t process how fast events have happened between them. Imagine! They had a one night stand last night pagkatapos ay nais lamang pala siya nitong isali sa koleksiyon nito ng mga ka-fling nitong babae. And after she confronted him, bigla bigla na lamang nitong sasabihin na kalimutan nila ang nangyari. Kahit labag sa kalooban niya dahil espesyal ang naging pagtat*lik nila pero kailangan niyang pumayag sa nais nito. She’s also at fault in some parts, una siya ang mismong nag-alok ng kaniyang pagkab*rhen at pangalawa ginusto niya ang nangyari kahit ilang beses siyang tinanong ni Izaac kung sigurado ba siya o titigil ito.

“Are you with me, hija?” the supervisor, Mrs. Cathy Pasyon, snapped her out of her reverie.

She blinked twice and her lips moved but was not able to utter even a single word.

“Masama ba ang iyong pakiramdam?” concern nitong tanong.

Napailing siya at puwersahan ang kanyang naging pagngiti. “Ayos lang ho ako, Ma’am. Akin na po ang details ng voucher na ipapahanap sa accounting,” she tried her best to speak up.

Tila hindi kumbinsido na maayos ang kanyang lagay ngunit iniabot pa rin nito ang kapirasong post it note sa kanya. Tinanggap niya iyon at muling ngumiti.

“Sigurado ka, hija na wala kang sakit?” Mrs. Pasyon wants to make sure that’s why she asked her again.

“Don’t worry po, Ma’am. One hundred percent na healthy and energized po ako,” maagap siyang sumagot.

“You better tell me immediately if you are not feeling well. Okay?” she advised her.

Tumango siya. “Yes po, Ma’am.”

“Siyangapala, about that voucher I am inquiring the status on. Kindly ask them if they already disbursed the payment or not yet. If I’m not mistaken it was paid last year but the caterer is suddenly demanding the payment. Help me to double check. Please, hija,” pagbibigay alam ni Mrs. Pasyon patungkol sa kung ano ang gagawin niya sa voucher na pinapahanap nito.

She glanced at what was written on the piece of post it note. Kumunot ang kanyang noo. Ang voucher ay ang matagal na nilang na-process na for payment sa caterer na hinire nila last year sa Christmas party ng kanilang kompanya.

“Naaalala ko rin po ito, Ma’am. Sa pagkakatanda ko, ito ay nabayaran na. Na-release na po ng cashiering ang cheque nito.” Isinatinig niya ang pagsang-ayon sa sinabi ng kanyang supervisor na bayad na nga ang nasabing caterer. “I will go back to the accounting division to confirm this, Ma’am.”

Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa post it note habang naglalakad palabas sa kanilang division.

“Thank you, Stacey.” Pahabol na hayag ni Mrs. Pasyon.

IZAAC can’t focus on his paperworks. He annoyingly growled to express how he feels uncomfortable and unsettled about his argument with Stacey a while ago.

“That woman is something,” he talked to himself while looking at his door.

Napaisip rin siya kung ano ang nag-udyok sa kanya upang sabihin sa dalaga na kalimutan nilang dalawa ang nangyaring one night stand sa pagitan nila kagabi. What better option can he do? Either he lies to her and enter a relationship with her which is not promising since he can’t commit faithfully? Or be honest with her then lose her? He chose the latter. Ayaw niyang saktan ang isang babaeng kagaya nito. She’s a genuine woman. She is very vocal and showy of how she truly feels towards him. Kahit gustuhin man niyang pagbigyan ang nararamdaman nitong pagmamahal sa kanya ay kailangan niyang tanggihan. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya ito masusuklian.

Napabuntong hininga siya bago nagpasyang tumayo sa kanyang swivel chair at lisanin ang opisina niya. As soon as he opened the door, his eyes immediately caught Stacey’s presence.

“F*ck it,” he cursed under his whispering breath.

Nakita niya ang dalagang nakayuko sa table ng kaniyang sekretarya at may pinag-uusapan ang dalawa habang nakatuon ang mga pansin sa monitor ng desktop. They seemed to be looking for something in the G*ogle sheets.

Tila naramdaman ni Stacey ang kanyang presensiya kung kaya’t napalingon ito sa gawi niya. Napasinghap ito at mabilis na nag-iwas ng tingin. Ibinalik muli nito ang atensiyon sa monitor ng desktop at umaktong hindi siya nito nakita.

His eyebrows met and his eyes narrowed as he’s still looking at her. He’s irritated because she is blatantly ignoring him.

“Erica. Aalis lang ako saglit. I will be back after lunch break,” tinawag niya ang pansin ng kanyang sekretarya upang bigyang abiso nang pag-alis niya. “Take care of the office for the meantime.”

Prente siyang naglakad habang nakapamulsa. Nahalata niyang tinignan siya ni Stacey kung kaya’t umakto rin siyang hindi ito nakita. She’s ignoring him then he will ignore her too. This is what’s best for them especially for her.

He did like her a lot but that’s not enough to make her his girlfriend or offer a relationship with her just because they had s*x last night. Ngayon ay alam na rin niya ang tunay nitong nararamdaman sa kanya. It’s really awkward. Hindi na niya pwedeng bawiin ang naging mutual agreement nila kanina, kalimutan nilang pareho ang nangyari kagabi. They need to go back to normal.

He was walking towards the elevator and went inside. Pagkasampa niya sa loob ay pinindot niya ang push buttons for basement. Naroon kasi ang parking area.

Tinungo niya ang kanyang kotse pagkarating niya sa basement. He drove off and went to his friend’s office. Kailangan niya nang makakausap. He’s annoyed as f*ck and bothered. Sa dinami rami ng mga babaeng naikama niya, this is the first time that a woman drives him nuts because he can’t keep her to be his fling.

Did she do some witchcraft to him that’s why she can’t get out of his mind? He’s even thinking about her cherry tasted lips. Pati ang s*xy nitong katawan na ilang ulit niyang hinagod nang tingin kagabi at siya ang pinakaunang umangkin – it also suddenly dawned on him.

Malakas niyang napalo ang manibela gamit ang kanang kamay. Doon niya ibinuhos ang nararamdamang distress. “Izaac you need to stop fantasizing her! Marami ka pang ibang babae na handang paligayahin ka gabi gabi without demanding any labels or relationship,” he talked to himself. Para tuloy siyang baliw sa ginagawa.

He just diverted his focus on driving carefully to arrive safely on his destination. He needs a conversation with a well-known womanizer like him so he can be reminded that he’s fine without Stacey.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status