"Napasa mo na kay TL yun resignation letter mo Alex?" Tanong ni Andrea sakin habang tumataas baba ang kanyang kilay.
Matagal na kaming magkaibigan ni Andrea, nagkakilala kami dito sa BPO Industry, nagkasama kami sa training ng pareho kaming matanggap sa isang Healthcare Account at nang makalusot sa lahat ng trainings at naendorse kami sa operation, naging team mates din kami. Kami ang tinatawag ngayon na mga bayaning puyat at ang gabi ay nagiging umaga. Malapit na din namin maging kalahi si Dracula dahil namumutla na din kami dahil hindi na nasisikatan ng araw.
"Hindi pa nga eh, humahanap pa ako ng tiempo, alam mo naman yun, baka hindi ako payagan. Nung nagparinig nga ako sa kanya na magreresign na ako, dinedma lang ako tapos sinabihan pa akong may post ng Q.A na magoopen. Dinendma ko din sya." Mariin kong sagot sa tanong nya.
"Kasi nga ayaw ka nyang magresign. Maayos naman kasi ang stats mo at hindi ka pa pala absent, unlike me. Gusto ka lang nya mapromote." Tumatawang sagot ni Andrea.
"I know right. Iniisip ko ngang magAWOL eh, kaya lang sayang yung sahod ko at yung backpay, baka hindi ibigay ng company."
"Hindi talaga yun ibibigay at baka ihold pa yung last salary mo, kaya magresign ka ng maayos."
"Ok fine. Magpapasa na talaga ako ng resignation kay TL James, o kaya diretso na ko kay Boss Dustin, sa tingin mo." Nginitian ko si Andrea. Binato nya saken ang kinakain nyang mani at tumama sa noo ko. "Awww, masakit ah." Reklamo ko sa kanya.
"Bruha ka talaga, tara na at 5 minutes nalang, magcomfort room pa ako." Patapos na ang break namin at sabay kaming naglakad ni Andrea papunta ng ladies room.
Alexandrea Reyes Castillo ang fullname ko. I'm 28 years old, single but not available. Mag 5 years na ako sa BPO Industry, Oo call center agent ako. Malayong malayo sa natapos kong Nursing na kurso. Kung pinush ko kasi ang pagiging nurse at nagtrabaho sa hospital, hindi kakayanin ng sasahurin ko ang mga bayarin sa bahay, isama pa ang maintenance meds ng tatay ko. Meron kasi syang DM Type 2. Mahal at madami kasi syang iniinom na mga gamot. Medyo malaki na din naman ang sahod ko sa company ko, plus the benefits and the night differential, isama pa ang HMO na kelangan ng tatay ko. Pero nakakaramdam na kasi ako na hindi na ko masaya sa work ko, napapansin kong nagiging routine na yun mga ginagawa ko. In short nagsasawa na ko sa mga ginagawa ko kaya iniisip ko ng magresign. Ang tanong lang kapag nagresign ako, anong trabaho ang hahanapin ko at magpapasaya sakin. Problemahin ko na naman yung mga gastusin kapag nawalan na ako ng trabaho. Hayyyy buhay kaya hindi padin ako makapagdecide kung magreresign ba talaga ako.
Tapos na ang shift namin ni Andrea, hanggang 6 AM lang kami pareho." Kain tayo Lex, kanina pa ako nagugutom eh. Kumain tayo ng masarap." Yaya ni Andrea." Out na din kaya ni Dawn, yayain din natin ang babaeng yun, baka magtampo na saten." Si Dawn ay isa pa namin kaibigan, nasa ibang team lang sya at late ang out nya.
"Imessage ko nalang sya. San ba tayo kakain?". Paglabas namin ng building, nagkatinginan kaming dalawa. At napunta kami sa KFC. Nakaorder na kami ng mga pagkain namin ng dumating si Dawn.
"Grabe ang dami namin cases ngayon, dami ko pang irereview at tatawagan." Sabay kagat ng chicken at subo ng mashed potato." Buti pa kayo diretso out na tapos uwi na agad, samantalang ako, OT pa ako hanggang matapos ang cases ko." Nagmamaktol nyang sabi. Iba kasi ang trabaho ni Dawn samen, part sya ng isang special project kaya madami syang ginagawa.
"Idaan mo nalang sa kain yan Dawn, matatapos mo din mga cases mo." Sabi ko sa kanya, nginitian ko nalang din ang aming naghihimutok na kaibigan.
"Magreresign ka na talaga Lex? Pinayagan ka ng TL mo?" Biglang tanong ni Dawn.
"Hindi pa nya napasa yung resignation letter nya kasi nagdadalawang isip pa sya." Sagot ni Andrea.
Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot. " What I'm thinking is, pag nagresign ako, mawawalan ako ng trabaho, may sasahurin nga ako pero hindi yun magtatagal gawa ng mga expenses ko, yung backpay naman sure akong aabutin yun ng 3 months bago ko makuha." Mawawalan na nga ako ng trabaho mawawalan pa ako ng pera."
"Eh di wag ka na magresign o kaya magbusiness ka nalang." Nakangiti pa si Dawn ng sabihin nya ang naisip nyang idea.
"Hindi sapat yun naipon ko para magbusiness nuh, saka wala akong maisip na ibubusiness." Saka hindi ako business minded na tao baka malugi pa negosyo.
"Tama na yan usapang ganyan, kumain na muna tayo. Magtayo tayo ng business pag mayayaman na tayo."
Nagtawanan kami sa sinabi ni Andrea kasi alam naman namin na malayo sa katotohan ang yumaman kami not unless makapagasawa kami ng mayaman. Anyway, mayaman naman ang bf ni Andrea, naisip ko bigla.
Paglabas namin ng KFC, nagpaalam na si Dawn kasi babalik pa sya sa office para magwork. Magkasabay kami ni Andrea palabas ng vicinity. Tumingin ako sa paligid dahil hinahanap ko ang isang stray tabby cat na pinangalanan kong Minmin, palagi kasi akong may baon na catfood para pag may nakita akong stray cat may pagkain akong mabibigay. I'm a cat lover by the way. At natuwa ako ng makita ko si Minmin nakaupo sa isang upuan ng isang coffee shop sa may labas at busing busy sa paglilinis sa sarili. Nilapitan namin si Minmin at binigyan ng catfood.
"Ang taba taba mo na Minmin, madami yatang nagpapakain sayo dito eh." Nilagay ko sa may upuan ang catfood at inumpisahan na nyang kainin.
"May iba din kasing nagpapakain kay Minmin." Hinawak hawakan pa ni Andrea sa likod si Minmin na tila gustong gusto ng pusa." Mauna na ko Lex, nandyan na ang aking sundo." Napatingin kami sa isang pumaradang Red na Vios at bumusina pa. "Byers, see you later!"
"Byers. Take care, paki Hi nalang ako kay Pierce." Nagbeso beso pa kami bago sya umalis.
Nakaalis na si Andrea pero hindi pa ako umalis sa tabi ni Minmin, napaupo nadin muna ako sa katabi nitong upuan at pinagmasdan sya habang kumakain. Hinaplos haplos ko pa ang kanyang mukha at ang likod nito.
"Ang bango naman, amoy kape." Sa isip ko sabay tingin sa loob ng Coffee Shop, Starbucks kasi. Malamang coffee ang tinitinda sa loob kaya amoy kape kaya nga coffee shop eh. Natawa nalang ako sa naisip ko. Nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa loob ng coffee shop at sa harapan ko ay may isang lalakeng nagkakape. Nahaharangan ng glass wall ang pagitan namin at may isang lamesa na pagitan pa namin pero hindi yun naging hadlang para makita ang features ng lalakeng nasa harap ko.
Natulala ako sa hitsura nya. Nakaside view pa sya, he has a perfect pointed nose, thick eyebrows and I think he has brown eyes. Ginusto ko pa syang humarap para makita ko ang buo nyang mukha, at hindi ako nadisappoint ng bigla syang humarap at nagtama ang mga mata namin.
Napanganga ako habang nakatitig sa kanya. Tinalo nya sa kagwapuhan ang crush kong si Jensen Ackles ng series na Supernatural. Napakagwapo nyang nilalang, bumaba ang mga mata ko sa manipis at namumula nyang lips, hindi din nakaligtas sa paningin ko ang perfect jaw nya na medyo may tumutubong stubbles, at ang perfect nyang pointed nose, pamatay din. Nakikita ko din ang malapad nyang balikat at mukhang matangkad din ang lalakeng ito. Siguro ng magsabog ng kagwapuhan si Lord sa mundo sinalo lahat ng lalakeng to, sobra sobra ang blessings nya eh.
Bigla akong natauhan ng marealized kong nakatingin din pala sya saken, at lumalaban na pala ako ng titigan sa kanya. I can see the amusement in his face at bahagyang nakakunot ang noo nya at nakita kong tumaas ng kunti ang labi nya. Ngumiti ba sya? Naramdaman kong nagiinit na ang mukha ko at nagbawi na ako ng tingin. Agad agad akong tumayo at nagpaalam na kay Minmin. Dali dali akong naglakad papunta sa sakayan ng UV Express.
"At talagang nakipagtitigan ako sa kanya, ngayon lang ba ako nakakita ng pogi?" Sabi ko sa sarili ko. "Oo yung ganon kapoging nilalang, ngayon lang ako nakakita in person, tinalo pa nya ang mga artista." Mabuti nalang at umalis na ako, nakakahiya yung ginawa ko. Mahina kong binatukan ng sarili ko sa ginawa ko.
Napilitan akong magkape sa isang coffee shop malapit sa Office ng kaibigan kong si Zach, bigla kasing nagkaron ng emergency sa office nya na malapit sa kinaroroonan namin at kinailangan na pumunta sya dun. Hindi na sana ako sasama sa kanya pero nawala sa isip ko na coding nga pala ang sasakyan ko at sumabay ako sa kanya kaya no choice ako kundi ang samahan sya. Ayokong magstay sa loob ng office nya dahil mabobore lang ako kakahintay kaya mas pinili ko nalang na tumambay at magkape sa Coffee Shop.I'm enjoying may coffee when someone caught my attention. A girl feeding a stray cat and she look very happy while doing that. Pasimple ko lang syang tinitingnan habang nakaupo sya sa harapan ko. Isang mesa at ang glass wall lang ang nagsisilbing pagitan namin dalawa. She is very simple, she is wearing a black printed shirt paired with faded skinny jeans and a black high cut Chuck Taylor. She has a long straight black hair, mukhang mahilig
"Hala! Inambush ako." Naiinis kong sabi."You have been slain."Asar na asar ako ng mamatay ako sa game na nilalaro ko na sikat ngayon na Mobile Legends. Tiningnan ko pa kung sinong mga bwisit na heroes ang nagtulungan para iambush ako. Meron pang 20 seconds para mabuhay ulit ang hero na gamit ko. Buti nalang at rest day ko na naman, weekends off kami sa company ko at isa yun sa pinakagusto ko, ibig sabihin may family time. Nakita kong nabuhay na ang hero na ginamit ko."It's pay back time.""You slain an enemy. Double Kill. Triple Kill. Maniac. Savage." Lahat ng enemies nakill ko.Tuwang tuwa na naman ako at nakaganti din ako. Pinindot ko ang "attack button" para sa mga kasama ko at sinugod na ang base ng kalaban. After 2 minutes
Hindi maalis ni Keith ang kanyang mga mata sa babaeng nakatayo sa kanyang harapan. Pagpasok nya ng Drugstore nakita nyang medyo madaming tao sa prescription counter. Kumuha din sya ng number sa may senior counter kasi pinadala ni Manang Lorie ang Senior card at booklet ng lolo nya, sayang daw ang privileges.Pumunta sya sa pila ng senior citizens nang biglang may bumangga sa kanyang babae, hindi pala bumangga, napaatras ito sa pwesto nya at hindi alam na matatamaan sya nito. Kaagad itong humarap sa kanya para siguro humingi ng sorry.He was halted when he saw the face of the lady who bumped into him. And again he was mesmerized with her beauty. He managed to scan her for a moment, she is wearing a black printed shirt, a denim short paired with Black low cut Chuck Taylor. Paborito nya talaga ang Black sa isip nya. Nakalugay ang mahaba at itim nitong buhok, her red lips are partly open. Alam ny
"Kasama pa yung license ko na kakarenew ko lang this year. Nakakainis talaga." Sumbong ni Alex kay Andrea habang kumakain sila sa pantry, magkasabay ulit silang nagbreak.Kinwento nya kung pano nya naiwan ang wallet nya at kung sino ang dahilan. Kinwento na din nya ang tungkol sa Alien na dalawang beses na nyang nakita."Nakakita ka lang kasi ng poging lalake nawindang ka na." Pangaasar ni Andrea sa kanya."Nakita ko na sya sa Starbucks dyan sa baba ng building natin. That's the second time I saw him Andi.""Wow naman, so you're hopeful na may third time pa?""Pag may third time pa, baka kunin ko na number nya, baka iadd ko pa sya sa FB at IG.""Ewan ko sayo babaita ka. Ubusin mo na yang noodles mo at matatapos na ang break natin."
"Give me a call when you have your decision."Nakatingin ng seryoso si Keith kay Alex." And it's A-S-A-P by the way." Inisa isa pa nyang bigkasin ang letters ng ASAP.Kumunot ang noo ni Alex sa sinabi nyang yun. Ilang minuto palang ang nakakaraan ng alukin sya nito ng trabaho.Nagpantig ang tainga nya ng marinig ang tripleng salary tapos lahat ng benefits pwede din nyang makuha. Naisip din nya na binabalak na nyang magresign sa trabaho. Poproblemahin nya ang paghahanap ng pagkakakitaan at mukhang may lumapit agad na opportunity sa kanya. Kaya lang nag-aalangan sya baka ginogoyo lang sya ni Keith, hindi pa naman nya ito lubusang kilala, baka mamaya kidnapper pala ito o kaya myembro ng isang sindikato baka ang pagtanggap pa sa alok nito ang maging katapusan ng buhay nya."Ang demanding mo naman, feeling mo naman p
"Parang nung nakaraan lang kakapasa mo pa lang ng resignation letter, tapos last day mo na ngayon." Nalulungkot na pahayag ni Andrea kay Alex."Oo nga eh, ang bilis lang lumipas ng araw." Sagot naman ni Alex."Iiwan mo na ako sa mundong ito. Wala na akong kafood buddy.""Si Dawn, yayain mo lagi, baka mangayayat kaka OT.""Naku, mas pipiliin pa nyang magtrabaho kesa kumain.""Wahhhh! Mamimiss ko kayo!!! Iyak iyakan ni Alex."Bruha ka eh, mas pinili mo yung gwapo mong boss kesa samen." Reklamo ni Andrea sa kanya."Hindi naman sa ganon. Mas magbebenefit kasi ako sa offer ni Sir Keith.""Sinisir mo na ngayon ah, nun nakaraan lang pinagpapantasyahan mo yun
Umaga ng kinausap ni Keith si Zach sa phone para ipaalam sa kanya na nakahanap na sya ng magiging Private Nurse ni Lolo Joacquin."Did you find her on the lists that I gave you?" Tanong ni Zach sa kanya."No. Basta ko lang syang natagpuan." Sagot ni Keith."Weird mo Brad. Anyway, mabuti at may nahanap ka na. Siguraduhin mo lang na licensed yung taong nahanap mo.""Yeah, she is. I asked Luke to pull some strings. I had her investigated.""Wow. You're fast. Good job!" Pangaasar nito sa kanya. "Band rehearsal later Bro. Better be early, we all know Matthew.""Si Chivas dapat ang sabihan mo." Nagtawanan silang dalawa.Pinuntaha
Nagsayaw pa sa dance floor sila Alex, Andrea at Dawn matapos magperform ang The Legends. Pagod silang bumalik sa table nila at nagorder pa ng beers."I'm so fired up!" Sigaw ni Dawn. "Ngayon ko nalang ulit ito naramdaman. Nakapaglabas din ng stress sa wakas." Dagdag pa nito."Puro ka kasi OT, nabuburn out ka na din!" Dagdag gatong ni Andrea."Wahhh!! Mamimiss ko kayo talaga. Hindi ko na kayo makakasama magpig out after shift. Hindi ko na kayo makakasama magcoffee break." Sabi ni Alex na naluluha pa."Hindi naman natatapos ang communication at friendship natin sa pagreresign mo. We are just one chat away. Pwede padin naman tayo gumala at magBar katulad nito kapag free tayong tatlo." Paliwanag ni Andrea."Andi is right. We can still pig out, we can still eat samgyup." Dagdag ni Dawn. Natuwa naman si Alex sa nga sinabi ng mga kaibigan nya."Dahil dya