"Give me a call when you have your decision."
Nakatingin ng seryoso si Keith kay Alex." And it's A-S-A-P by the way." Inisa isa pa nyang bigkasin ang letters ng ASAP.
Kumunot ang noo ni Alex sa sinabi nyang yun. Ilang minuto palang ang nakakaraan ng alukin sya nito ng trabaho.
Nagpantig ang tainga nya ng marinig ang tripleng salary tapos lahat ng benefits pwede din nyang makuha. Naisip din nya na binabalak na nyang magresign sa trabaho. Poproblemahin nya ang paghahanap ng pagkakakitaan at mukhang may lumapit agad na opportunity sa kanya. Kaya lang nag-aalangan sya baka ginogoyo lang sya ni Keith, hindi pa naman nya ito lubusang kilala, baka mamaya kidnapper pala ito o kaya myembro ng isang sindikato baka ang pagtanggap pa sa alok nito ang maging katapusan ng buhay nya.
"Ang demanding mo naman, feeling mo naman p
"Parang nung nakaraan lang kakapasa mo pa lang ng resignation letter, tapos last day mo na ngayon." Nalulungkot na pahayag ni Andrea kay Alex."Oo nga eh, ang bilis lang lumipas ng araw." Sagot naman ni Alex."Iiwan mo na ako sa mundong ito. Wala na akong kafood buddy.""Si Dawn, yayain mo lagi, baka mangayayat kaka OT.""Naku, mas pipiliin pa nyang magtrabaho kesa kumain.""Wahhhh! Mamimiss ko kayo!!! Iyak iyakan ni Alex."Bruha ka eh, mas pinili mo yung gwapo mong boss kesa samen." Reklamo ni Andrea sa kanya."Hindi naman sa ganon. Mas magbebenefit kasi ako sa offer ni Sir Keith.""Sinisir mo na ngayon ah, nun nakaraan lang pinagpapantasyahan mo yun
Umaga ng kinausap ni Keith si Zach sa phone para ipaalam sa kanya na nakahanap na sya ng magiging Private Nurse ni Lolo Joacquin."Did you find her on the lists that I gave you?" Tanong ni Zach sa kanya."No. Basta ko lang syang natagpuan." Sagot ni Keith."Weird mo Brad. Anyway, mabuti at may nahanap ka na. Siguraduhin mo lang na licensed yung taong nahanap mo.""Yeah, she is. I asked Luke to pull some strings. I had her investigated.""Wow. You're fast. Good job!" Pangaasar nito sa kanya. "Band rehearsal later Bro. Better be early, we all know Matthew.""Si Chivas dapat ang sabihan mo." Nagtawanan silang dalawa.Pinuntaha
Nagsayaw pa sa dance floor sila Alex, Andrea at Dawn matapos magperform ang The Legends. Pagod silang bumalik sa table nila at nagorder pa ng beers."I'm so fired up!" Sigaw ni Dawn. "Ngayon ko nalang ulit ito naramdaman. Nakapaglabas din ng stress sa wakas." Dagdag pa nito."Puro ka kasi OT, nabuburn out ka na din!" Dagdag gatong ni Andrea."Wahhh!! Mamimiss ko kayo talaga. Hindi ko na kayo makakasama magpig out after shift. Hindi ko na kayo makakasama magcoffee break." Sabi ni Alex na naluluha pa."Hindi naman natatapos ang communication at friendship natin sa pagreresign mo. We are just one chat away. Pwede padin naman tayo gumala at magBar katulad nito kapag free tayong tatlo." Paliwanag ni Andrea."Andi is right. We can still pig out, we can still eat samgyup." Dagdag ni Dawn. Natuwa naman si Alex sa nga sinabi ng mga kaibigan nya."Dahil dya
Tiningnan ulit ni Alex ang mga gamit na dadalhin nya sa "Mansion" daw na pagdadalhan ni Keith sa kanya kung saan sya magsisimulang magtrabaho bilang isang Private Nurse."Meron naman daw akong gagamitin na uniform kaya ok na tong mga dala ko."Tiningnan nya ang mga dala nyang mga damit. May mga tshirts, pants, shorts, at mga undergarments nya. Nagdala din sya ng isang hoodie na jacket, nagbaon na din sya ng isang pair ng slippers. Pagkatapos nyang maimpake ang kanyang mga gamit bumaba na sya sa sala."Anong oras ka daw susunduin ni Keith dito?" Tanong ng tatay Arnold nya."Wow tay, close na close na kayo ah. Hindi naman po nya sinabi kung anong eksaktong oras." Sagot ko."Oo naman, mabait na bata naman si Keith. Nagpasalamat ka ba sa kanya ng ihatid ka nya dito gabi
Lagpas na ang hapunan ng mapansin ni Alex hindi pa umuuwi si Keith, hindi tuloy ito nakakain ng niluto ni Manang Lorie. Nagluto pa naman ito ng Kare-kare na paborito ni Alex. Tinanong pa nya kung nagtira ng ulam para kay Keith pero nasabi nalang na baka daw hindi umuwi sa Mansion at sa condo nito umuwi. Nakaramdam naman ng lungkot si Alex."Bakit ko ba sya hinahanap, matanda na sya nuh."Naisip nya, ang laki ng mansion nila tapos may Condominium pa, may Penthouse pa nga daw sa mga hotel nito eh."Hayys, ang layo talaga ng agwat natin sa buhay Keith." She heaved a deep sigh. Perks of being rich nga naman. Kinuha nalang nya phone nya para maglaro ng ML."Victory!"Hindi pa dinadalaw ng antok si Alex kaya hindi sya makatulog. Nagpabiling biling pa sya sa kama, kung
Sinubukang ikampay ni Alex ang kanyang mga kamay at paa para umangat sya sa tubig pero dahil sa pwersa ng bagsak nya naging balewala ang effort nya. Marunong syang lumangoy pero ng mga oras na yun parang naubusan sya ng lakas. Nang bigla nyang maramdaman ang matigas na braso sa kanyang katawan at dahan dahan syang inangat.Nang maiangat sya ni Keith ng tuluyan sa may pool side, walang humpay ang kanyang pagubo dahil sa tubig na ininom. Nakatitig sa kanya si Keith at makahulugan ang tingin. Nang matapos ang pagubo ni Alex, agad syang humiga sa sahig ng pool side."T-thank you Keith. "Hinihingal pa syang sabi, maubo ubo pa sya dahil sa nainom na tubig."Tumayo ka na dyan, sa loob ka na magpahinga." Sabi nito sa kanya.Kinuha nito ang suit na nakapatong sa may mga upuan sa tabi ng pool at itinakip yun sa kanya. Ini
Nang maisara ni Keith ang pinto na ikinagulat ni Alex, halos mapaatras sya ng unti-unting lumapit sa kanya ang binata. Nakaramdam sya ng kaba at takot. Halos mabingi na sya sa parang tambol na pagtibok ng kanyang puso."K-keith." Mahina nyang sabi.Then suddenly he grabbed her waist, pinned her on the wall and claimed her lips. She lost her senses when his lips landed on hers. Keith wrapped his arms around her waist, sa una mariin lang na nakalapat ang mga labi ni Keith hanggang sa maramdaman nyang gumalaw ito.Nanlalaki ang mga mata ni Alex ng maramdaman nya ang paggalaw nito kaya kusa nyang nabuksan ang kanyang mga labi na agad sinamantala ni Keith. He invaded her mouth with his tongue and deeply kissed her. She tasted the liquor but it tasted sweet to her for some reason. This is her first kiss and she doesn't know exactly how to return his kisses.
Iniisip ni Alex kung papasukin pa ba nya si Keith sa loob dahil bukod sa sobrang late na, tulog na din ang mga magulang nya at si Daryl. Sa bandang huli pinapasok na nya si Keith na mukhang pinapapak na ng mga lamok sa labas. Nginisian pa sya nito nang makita sya."Wag ka nalang maingay pwede?" Utos nya dito."Yes Mam." Pangasar nitong sagot sa kanya. "Pwedeng humingi nadin ng isang basong malamig na tubig?" Tinaasan nya to ng kilay.Dumiretso sila sa may kusina. Binuksan nya ang fridge at kumuha ng pitsel na may malamig na tubig. Kumuha sya ng baso, sinalinan na nya ng tubig at binigay kay Keith."Oh tubig mo, pagkaubos mo nyan pwede ka ng umalis." Masungit nyang sabi dito."Kakadating ko lang papaalisin mo na ako? Isumbong kita kay Tatay Arnold." Ininom na nya ang tubig