Share

Chapter 11

[ ELINA ]

- Hindi kami natuloy sa tukso.

Tumanggi ako sa pag-aanyaya ng kaniyang init ng katawan.

Hindi pa ako handa sa ganoong bagay.

Sa mga nagdaang araw ay hindi kami nagkakatawagan o nag-uusap.

Sa tuwing nagkikita kami'y nagkaka-iwasan.

Iniiwasan ko ang kaniyang mga tingin dahil iba ang aking nararamdaman.

Hindi takot kundi--

Nahihiya ako sa kaniya.

Malawak ang kahariang ito ngunit nagkikita kami parin.

Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?

°~°~°

Dumating si Hermes at mayroon siyang dalang mga damit para sa akin.

Mukhang madami din siyang dalang mga iskrolyo.

Abala siya ngayon. Ah.

" Binibini, para sa iyo. " wika ni Hermes

" Salamat. " wika ko

Biglang inilapit ni Hermes ang kaniyang mukha sa aking mukha at pinagmasdan ako ng maigi.

May nagbago ba sa akin?!

" Binibini, mukhang gumaganda ka ngayon, ah. Ang iyong mga pisngi'y namumula. " pagpuri ni Hermes

" Ginoong Hermes! Ano bang sinasabi niyo?! Ganito parin ako! Tulad ng dati! " nahihiyang tugon ko

" Ah! Mukhang may nangyari ah!
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status