Share

Chapter 16

[ ELINA ]

- Pagkatapos ng malalim na tulog ay biglang nagising ang aking mga mata.

Huminga ako ng malalim at dinama ang aking malambot na higaan.

Nadama ko na ang pagod.

Masakit ang aking likod, lalo na ang mga hita ko.

Mistulang binugbog ako ng ilang beses.

" Ang sakit.. "

Dahan-dahan akong bumangon at nakita ko ang aking sarili sa isang salamin.

Hubad ang aking katawan.

Tanging kumot lamang ang tumatakip sa akin.

Magulo din ang aking buhok.

Ang aking mga pisngi'y namumula.

Higit sa lahat ay mayroon akong nakitang kakaiba sa aking dibdib.

Ano ito?!

May mapulang marka sa aking balat.

" Hmm? Nakagat ba ako ng insekto? "

Hindi ito makati at hindi ito mahapdi.

Basta lamang itong mapula.

Tatanungin ko na lamang kay Hades kung mayroon bang insekto dito sa kaharian niya.

Nasaan nga pala siya?

Lumingon ako sa aking likuran kung saan ko siya katabing natulog.

Wala na siya.

Magulong mga punda at kumot lamang ang aking nakikita.

Nauna na siyang bumangon sa akin.

" Marahil nasa bulwagan siya. "
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status