Share

Chapter 4: Beach Outing

"Let's go to beach now!"

Pagkasabing iyon ni zeke, ay sobrang saya ng bunsong kapatid ko. "talaga, kuya zeke?" paninigurado nya.

"oo, naman ethan, kailan pa ako nagsinungaling." humawak si zeke sa ulo ng kapatid ko. "Sabagay, lahat ng sinasabi mo, totoo." ethan. "ako pa." pagmamayabang nya.

Hinanda na namin ang aming mga kailanganin, habang si lola ay nagluluto ng ulam na dadalhin sa aming outing.

"Mmm.. ang bango n'yan la, ah." ako, habang inamoy ang lutong adobong manok ni lola.

"hindi lang 'yan mabango apo, masarap pa." pagmamalaki ni lola.

"alam ko naman iyon, la." ako.

Natapos ng lutuin ni lola ang adobong manok, at sinigang na baboy.Nilagay na namin sa kotse ni tyronne, kasama na ang mga softdrinks, prutas, at iba pang kailangan.

"let's go!! excited na ako." si ethan, na halatang excited.

"tara na! what are we waiting for?" zeke.

Nagtawanan nalang kami nila lola at tyronne, kasi nakiki ride on si zeke sa trip ni ethan.

Nasa kasagsagan kami ng byahe nang maalala ko si aljosh.

(kumusta na kaya sya? bakit hindi pa sya tumatawag o nagvideo call man lang?)

"apo, lalim ng iniisip natin ah?" saka lang ako bumalik sa realidad, nang marinig ko si lola.

"wala po, la." sagot ko.

"kung may problema ka apo, sabihin mo lang kay lola." seryosong nakatitig si lola sa'kin.

"wala talaga la, I'm just thinking what course I should take on college." palusot ko.

"ahh, akala ko naman apo, heart problem." naka ngiting sabi ni lola.

"si lola talaga, wala pa 'yan sa isip ko, gagraduate at magiging successful pa muna bago ang lovelife." ako.

"mabuti 'yan apo." hinawakan ni lola ang balikat ko, ngumiti lang ako sa kanya.

Tiningnan ko ang mga kasama ko, si tyronne ang nagmamaneho, si zeke naman sa front seat, si ethan sa right side ni lola, at si lola sa middle namin ni ethan.

(Sana nandito ka.)

After 30mins. nakarating na kami sa Alfonso Beach Resort.

"we're here finally!" si ethan.

"yey, i'm so so excited!" si zeke, lumabas na sya sa kotse.

Kanya-kanya kami ng buhat nang mga gamit sa cottage, at pagkatapos nun, sila tyronne, zeke at ethan ay naligo na sa dagat.

Pinagmamasdan ko lang sila mula sa cottage, dahil tinutulungan ko pa si lola na ayusin ang mga pagkain namin sa mesa.

"sumabay ka na dun sa kanila, apo." lola.

"mamaya na po, la." ako.

"ikaw bahala." dagdag nya.

(Kumusta na kaya si Aljosh? is he really ok, in abroad? namiss na kaya nya ako? sana tuparin nya ang promise nya.Teka? nasaan yung sulat?) Bigla kong naalala ang sulat nya.Pinipilit kong inalala kong saan ko yun inilagay, pero kahit anong pilit ko, wala akong matandaan.

(Saan ko ba 'yon inilagay?. Grabe ang tanga.x ko.) Hindi ako mapakali kaya pumunta nalang ako sa isang puno na malayo sa cottage namin, para hindi mapansin ni lola.

Iniisip ko parin yung sulat, habang nakaupo ako sa isang malaking ugat ng puno.Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko sila ethan na masayang naliligo.Pero ang nakaagaw atensyon sa'kin ay ang isang lalaking biglang umahon sa dagat. Gwapo, matangkad, namumula ang meztisong balat, kulot ang buhok at bakat na bakat sa kanyang boxer brief ang tulog at pinagpalang junjun nya. Sa madaling sabi kahawig nya si "enrique gil".

"hoy, nathan jake! maghunos dili ka!" saway ko sa sarili ko.

Tiningnan ko ulit ang gwapong lalaki, pero this time may dalawang batang babae ang humila sa kanya palayo sa dagat.

"kuya!" muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko, dahil sa sobrang gulat.

"ethan! you've almost kill me!" bulyaw ko kay ethan.

"sorry, naman kuya." tawa.x nyang sabi.

Tumayo ako sa pagkakaupo at binatukan ko sya. "ouch, it hurts." hinawakan nya ang ulo nya. Tumawa lang ako.

"kain na daw tayo, sabi ni lola." nakasimangot nyang sabi.

"tara, pasan ka sa likod ko." offer ko.

"sabi mo 'yan ahh, walang bawian." pumasan agad sya sa likod ko.

"ang bigat mo bunso." angal ko.

"talaga! deserve mo 'yan, kasi binatukan mo'ko." ethan.

"ahh ganun" kiniliti ko ang tagiliran nya.

"biro lang!" nakikiliti nyang sabi.

Kumain na kami ng tanghalian, at pagkatapos nun, naligo na kami sa dagat, pero si lola nagpaiwan sa cottage.

Masaya kaming apat habang naliligo, naglaro kami ng habulan sa tubig, patagalan ng pag.ahon at gumawa kami ng mga kastilyo sa buhangin.

"ang pangit ng gawa ko." zeke

"hindi lang pangit, sobrang pangit! daig ka pa ni ethan, malaki at maganda ang kastilyo nya." panglalait ni tyronne kay zeke.

"ahh, pangit pala ha." binato ni zeke ang ginawang kastilyo ni tyronne.Tawang tawa sya ng masira iyon.

"ahh, ganito pala ang gusto mo ha!" lumapit si tyronne at sinipa ang kastilyo ni zeke.

Naghabulan ang dalawa, para talagang mga bata sila.Natawa nalang kami ni ethan sa pinaggagawa nila, pati na ng mga ibang tao dun.

"kuya, bili tayo nang ice cream." ethan

"cge bunso, kukuha lang ako ng pera." pumunta ako sa cottage at kinuha ko ang wallet ko.

"la, bibili kami ng ice cream ni ethan, gusto mong kumain din?" tanong ko kay lola.

"huwag na apo, kayo nalang." pagtanggi nya.

"ok po." ako.

Pumunta na kami ni bunso sa isang dirty ice cream vendor sa gilid ng entrance ng resort.

"kuya, anong available flavor ng ice cream nyo?" tanong ko dun sa tindero.

"chocolate, mango, at ube sir." sabi nya.

"anong flavor ang gusto mo bunso?" tanong ko kay ethan.

"yung mango kuya." sabi ni ethan dun sa tindero.

"cge kuya, isang mango at isang ube." sabi ko.

Unang binigyan ni kuyang vendor si ethan, pagkatapos mabigay kay ethan ang ice cream, ay agad itong nagpaalam sa'kin upang puntahan daw sila tyronne.Sunod namang iniabot ni kuya ang ice cream ko.

"magkano lahat kuya?" tanong ko.

"20pesos lang sir." sabi nya. Inabot ko na sa kanya ang bayad ko ng makita ko ang dalawang batang babae na kasama ng gwapong lalaki kanina.

"ate, bili tayo ng ice cream." sabi nung isang batang babae.

"wala akong dalang pera, dito bunso." sabi nung ate.

"pero, gusto ko ng ice cream!" pagmamaktol ng bunso.

"puntahan muna natin si papa, at humungi tayo ng pambili ng ice cream." yung ate.

"eh, gusto ko, ngayon na!" umiiyak na 'yong bunso.

May attitude din yung bunso, hindi mapakiusapan.Sumabat na ako sa dalawang bata.

"gusto mo nang ice cream? ako na ang bibili, anong flavor ang gusto mo?" tanong ko dun sa bunso.

Nagkatinginan ang dalawang bata.Bakas sa kanilang mukha ang pag.aalangan.

"gusto mo nang ice cream?" pag.uulit ko.

"sorry po kuya, but we don't talk to strangers po." magalang na pagkakasabi nung ate.

Ngumiti ako sa dalawang bata.

"tama naman yun, ako nga pala si kuya nathan jake." inilahad ko ang kanang kamay ko.

"ako naman po si rina, at sya naman si jona." sabi nung ate.

"nice meeting you both rina and jona." ako.

"so, nagpakilala na ako sa inyo, pwede ko na bang malaman kung anong flavor ng ice cream ang gusto nyo?" ako.

"chocolate po akin." jona.

"how about you rina?" ako.

"chocolate din po." rina.

Matapos kong bilhan ng ice cream sina jona at rina, ay napagdesisyonan ko nang bumalik kung nasaan sila ethan.

"sige, rina and jona, i need to go." paalam ko sa dalawa.

"sige po kuya, thank you po, sa ice cream." silang dalawa.

Pagtalikod ko sa dalawang bata, narinig kong tinawag nila ang kanilang papa.Paglingon ko nabigla ako sa nakita ko.

"mang nestor!/sir nathan?" sabay naming sabi.

to be continue...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jake Lloyd Bojos
sana all nagbeach outing.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status