Share

Chapter 7: Hang Out

"anong course ang kukunin nyo?" tanong ni zeke.Nandito kami ngayon sa dati naming tambayan.

"gusto ko magteacher, BSED major in english." sabi ni tyronne.

"ikaw naman jake, anong kukunin mo?" tanong ni zeke.

"ako, architecture." sabi ko.

"ikaw, zeke anong kukunin mo?" tanong ko.

"business management.Saang university kayo mag.aaral?" zeke.

"Sandoval University." tyronne.

"sa U.P ang gusto ko." sabi ko.

"gusto ko rin, sana sa maynila mag.aral, kaso may ayaw akong iwan dito." nakayuko nyang sabi. Nagkatinginan kami ni tyronne at pinagtulungan namin syang biruin.

"sino? girlfriend mo?" tyronne. Nakangiti ng nakaloloko.

"pakilala mo naman sa'min." inakbayan ko si zeke.

"saka na, kapag ready na sya." zeke.

"kilala ba namin sya?" tanong ko.

"kilalang kilala." tumayo si zeke.

"sino nga?? marami ka kasing girls na pinakilala sa amin." ako.

"basta.Tara na nga." naglakad na sya palayo.

"ang labo naman nya." tumingin ako kay tyronne. Tanging ngiti lang ang tugon ni tyronne sa sinabi ko.

Sinundan namin si ezekiel, at sabay naming kinuha ang aming mga records sa high school, bilang paghahanda sa nalalapit na entrance exam.Pagkatapos nun pumunta kami sa bahay nila zeke at doon kami naglunch.Patuloy ko pa rin syang kinukulit sa kung sino ang taong ayaw nyang iwan dito sa Alfonso.

"sino ba yung tinutukoy mo?" pangungulit ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa sala nila, nanunuod ng movie.

"basta, malalaman nyo rin." zeke.

"gusto ko nang malaman ngayon." pangungulit ko.

"haisst! ang kulit! malalaman nyo rin, in right time." naiirita nyang sabi.

"ok, sorry." sabi ko.

Hindi na ako nagtanong, tahimik nalang akong nanuod ng palabas.Pagkatapos ng pinanuod namin, naglaro kami ng chess.

"ako muna at si zeke." sabi ni tyronne.

"ok." maikli kong sabi. Nagsimula na silang maglaro.Pumunta muna ako sa pool area nila zeke at umupo sa gilid ng pool, binabad ko ang paa ko sa tubig.

=phone ringing=

Kinuha ko ang phone, sa bulsa ko at tiningnan ang tumatawag.

(william calling)

"hello, napatawag ka?" tanong ko sa kabilang linya.

"miss lang kita." william.

"yuck! tigilan mo nga ako sa mga banat mo! nangingilabot ang mga balahibo ko sa'yo." naiirita kong sabi.Tumawa lang sya sa kabilang linya.

"what's funny?" tanong ko.

"wala naman, masarap ka kasing biruin." tumatawa parin sya.

"ok bye." binaba ko na ang tawag nya.

(Nakakainis! trip na trip nya talaga akong pagtripan!) Tumawag ulit sya, pero hindi ko na sinagot.Patuloy parin ang pagtawag nya, naka dalawa, tatlo at apat na tawag sya bago ko ulit sinagot.

"ang kulit ahh! wala ka bang gagawin right now?" naiirita kong sabi.

"oyy, sorry na." sabi nya.

"ok. Wala ka na bang sasabihin?" tanong ko.

"meron pa." william.

"ano yun? make sure na may sense, 'yang sasabihin mo." sabi ko.

"ok. Malapit na ang entrance exam dito sa Sandoval University, gusto ko dito ka mag.aral." sabi nya.Nashock ako sa sinabi nya. (ano yun? dinidiktahan ba nya ako?)

"hindi ako mag.aaral dyan.Sa UP ako mag.aaral." sabi ko.

"pero gusto ko dito ka mag.aral." sabi nya.

"bakit naman kita susundin? magulang ba kita?" tanong ko sa kanya.

"kasi, kailangan kita dito.Papatunayan ko kay dad, na worth it din ako." seryoso nyang sabi. Natigilan ako sa sinabi nya.May problema ba sya sa papa nya?.

"may problema ka ba sa papa mo?" tanong ko.

"sige jake, nevermind nalang." binaba na nya ang tawag.

Nag.iwan iyon ng malaking katanungan sa isipan ko.Matagal din akong nag.isip kung ano ba talaga ang problema nya.Tinawagan ko sya ng ilang beses pero hindi sya sumasagot.

"jake, ikaw na." .Nagulat ako kay tyronne kasi nasa likod ko na pala sya.

"my god tyronne! you make me startle!" nabulyawan ko sya.

"sorry naman, ang lalim kasi ng iniisip mo." tyronne.

"ano bang iniisip mo?" tanong nya.

"wala. Tara na sa loob." pag.iiba ko.

Pumasok na kami sa loob at pinagpatuloy namin ang paglalaro ng chess.Gabi na kami natapos sa paglalaro.Kaya nagluto nalang si zeke at doon nalang kami kumain.

Pagkatapos naming kumain, hinatid na kami ni zeke.Una nyang hinatid si tyronne.

"jake, about kanina, I'm really sorry." sabi nya, ng huminto na kami sa tapat ng bahay.

"ako dapat magsorry, kasi ang kulit ko." sabi ko.Ngumiti lang sya.

"sige, mauna na ako." bumaba na ako.

Pinaandar na nya kotse at umalis na sya. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at dumiretso na sa kwarto ko.Hindi ko pa rin mapigilang isipin si william.Kaya tinawagan ko sya.

"hello jake, napatawag ka?" si william sa kabilang linya.

"thank god, sinagot mo rin." ako.

"kung tungkol ito sa sinabi ko kanina, just forget it." seryoso nyang sabi.

"I don't know what's really matter, but I wanted to help you.Please, tell me the story." sabi ko.Bumuntong hininga sya.

Kweninto nya ang problema nya sa kanyang ama, kung paano sya tratuhin nito.Dalawa lang silang magkapatid, ang kuya nya ang paboritong anak, kasi matalino, may interest sa negosyo, at higit sa lahat laging sumusunod sa kagustuhan ng kanyang ama.Sya naman daw ang kabaliktaran ng kanyang kuya "black sheep" kung baga. Kaya nya ako inofferan na doon mag.aral sa university nila, kasi matalino daw ako, at gusto nyang mahawa sa katalinuhan ko.Para maipamukha nya sa kanyang ama, na mali ang husgahan agad sya.

"pero, impossible 'yang gusto mo." ako.

"hindi impossible yun, basta tulungan mo lang ako.Ako bahala sayo." william.

"pero?" hindi ko na natapos ang sasabihin ko

"are you goin' to help or not?. Kung concern mo ang tirahan, tuition o ano pa man, ako na bahala sa lahat." seryoso nyang sabi.

Pinag.isipan ko muna ng mabuti ang offer nya.Kung sabagay mas maganda ang mga amenities ng Sandoval University, kaya lang too much expensive ang tuition.Pero kung sya ang bahala sa lahat, why not.

"still there?" si william na naghihintay sa sagot ko.

"yeah, I'm still here." ako.

"so, it's a deal?" tanong nya.

"ok. I'm going to help you." ako.

"yes! yes! thank you very much jake." tuwang tuwa nyang sabi.

"welcome" ako. Nagpaalam na ako sa kanya at binaba na ang tawag.Pagkatapos nun, nagbihis na ako ng pantulog at humiga na.

"ano bang meron sayo, william? palagi nalang akong pumapayag sa gusto mo." talking to myself.

to be continue...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jake Lloyd Bojos
I feel pity for William. Go, Jake. Tulungan mo si William.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status