Share

Chapter 5: Mr. William

"mang nestor!/sir nathan?" sabay kaming nagsalita, hindi namin lubos akalain na magkikita kami dito.

"sir nathan, anong ginagawa nyo dito?" tanong nya.

"we're here for family outing, kayo po?" I ask.

"ahh ganun po ba, birthday kasi ng misis ko ngayon sir." sabi nya, at hinarap ang dalawang batang babae. "mauna na kayo dun sa cottage mga anak, may pag.uusapan pa kami ni sir." sabi nya sa dalawang bata.

"ok po, pa. Sige po kuya nathan, aalis na po kami at thank you po ulit sa ice cream." rina.

"thank you po ulit, kuya." jona. At naglakad na palayo ang dalawa.

Nilingon pa namin ang dalawang bata, bago ulit humarap sa akin si mang nestor.

"kumusta po kayo sir?" tanong nya.

"I'm good, naman po." saad ko.

"pwede huwag na sir?, lakas maka manong." nakangiti kong sabi.

"pasensya na po sir." sya, natigilan sa sinabi.

"nathan o jake nalang po." sabi ko.

"sorry, nasanay lang." natawa nyang sabi.

"sya nga pala nathan, nakalimutan kong hingin yung number mo.Alam mo ba, pagkatapos kitang hinatid nun, hiningi ni mr. william ang no. mo, pero wala akong nabigay, kasi nakalimutan ko." nagkamot sya ng ulo, habang nakangisi.

"pwede ko namang, ibigay ang no. ko ngayon mang nestor." ako.

"kuya nalang nathan, huwag na mang, masyadong nakatatanda." nagtawanan kaming dalawa.

"hahaha, oh sige.x kuya nestor." tawa parin ako ng tawa.

Ibibigay ko na sana ang no. ko, nang biglang nagsalita si kuya nestor.

"nandyan na pala si mr. william." tinuro nya ang lalaki sa likod ko.

Paglingon ko sa likod, shit! nagulat ako sa nakita ko.Yung lalaking gwapo, meztiso, kulot ang buhok, at higit sa lahat pinagpalang junjun.Ang mala enrique gil na pinagpantasyahan ko kanina, ang syang nandito ngayon sa harap ko. Saka ko lang naalala ulit na ito pala ang kasama nila rina at jona kanina.Nakalimutan ko na agad.

"alam ko, gwapo ako, huwag mo naman akong masyadong pagpantasyahan." Saka lang ako bumalik sa realidad. Ang hangin magsalita ng loko.Sabagay, gwapo naman talaga sya.

"hindi ah, bakit naman kita pagpapantasyahan? eh,hamak na mas gwapo naman ako sayo." defensive kong sabi.

Nagtawanan lang sila ni kuya nestor,at lumalabas na pinagtutulungan nila ako.

"oo naman nathan, magkasing gwapo talaga kayo ni mr. william." kuya nestor.

"william nalang, kuya nestor." sabi nya. Habang nakangiti pa rin. "hindi naman kayo iba sa 'kin." dagdag nyang sabi.

"sige po, william." kuya nestor.

Akala siguro nila na hindi ko napapansin ang isinisenyas ni william kay kuya nestor.

"ahh, sige kailangan ko nang umalis, at ng makapag.usap kayo ng sarilinan." mang nestor. At umalis na.

"sige kuya nestor, susunod nalang ako mamaya." sabi ni william. Nagtaas lang sya ng kamay at nag.OK sign.

Naglakad-lakad kami ni william, palabas ng resort.Habang naglalakad kami, patuloy lang syang nagkwento tungkol sa nangyari ng gabing iyon.Tuwang tuwa sya habang nagkwekwento, samantalang ako hiyang hiya sa nangyaring iyon.Hanggang sa may nadaanan kaming basketball court, umupo kami sa isa sa mga upuan dun.

"salamat, sa pagtulong mo sa'kin ng gabing iyon ha." nakayuko kong sabi.

"sos, wala yun, kahit sino gagawin ang ginawa kong iyon." sabi nya.

"hindi siguro, kung iba pa 'yun, baka iniwan lang ako sa tabi ng daan o pagnakawan." nakayuko ko pa ring sabi.

"sabagay, may point ka.Huwag ka ngang yumuko." hinawakan nya ang chin ko, at tiningnan ako sa mukha.

"naiilang kasi ako." hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"bakit ka naiilang? dahil ba, sa kagwapuhan ko?" lumapit pa sya sa'kin lalo, at inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

(shit! inaakit ba nya ako? o please naman! sana itigil na nya, kasi pakiramdam ko, sobrang init na ng mukha ko.)

"I got you! may crush ka sa'kin." tumawa sya ng malakas.

"hindi ah! why would I? lalaki ako! i'm not faggot!." galit kong sabi. Tumayo ako, at aakma na sanang aalis.

"wait! ok, i'm really sorry for what I did." hinawakan nya ang right hand ko.Ang galit na naramdaman ko kanina ay biglang nawala.Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"hindi ka na galit?" paninigurado nya.

"nagsorry ka na. Ok na yun." sabi ko. Bigla nya akong niyakap.

"Umm, close na tayo? kung makayakap ahh." tinulak ko sya ng bahagya. Kumalas naman sya.

"sorry, nadala lang." sabi nya.

"by the way, nagalit ako sayo kanina, kasi hindi pa kita kilala, tapos ganun na ang sinabi mo." sabi ko.

"hindi pa ba tayo magkakilala?" sabi nya.

"oo, hindi pa, maliban sa tinulungan mo'ko." sabi ko.

Inilahad nya ang kanang kamay nya at nagpakilala.

"ok, I'm William Kenzo Sandoval. 17yrs. old. from manila." pakilala nya.

"I'm Nathan Jake Sebastian. 17yrs. old. from Alfonso." inabot ko ang kamay nya.

"so, magkakilala na tayo." sabi nya.

"pwede na tayong maging magkaibigan?" dagdag nya.

"yes, friends na tayo." sabi ko.

Nagpatuloy ang usapan naming dalawa.

Nagkwento sya tungkol sa buhay nya, may isang university pala sila sa manila, may hotel dito sa alfonso, yung dinalhan nya sa akin.At marami pa pala silang negosyo sa manila at sa ibang bansa.Marami pa syang kwenento sa'kin.Sa isang araw na nakilala ko sya, feeling ko, matagal ko na syang kilala.

"ikaw naman, magkwento ka tungkol sa buhay mo." sabi nya.

"hindi naman, exciting ang buhay ko, maliban nalang sa family, friends at good look." sabi ko.

"ahh, good look, san banda?" kunyari na may hinahanap sya.

"ahh so, hindi ako gwapo?" tanong ko.

"well, to be honest, gwapo ka naman, pero mas gwapo ako sa'yo." sabi nya.Nagtawanan kaming dalawa.

Sa kapipilit nyang ikwento ang buhay ko.

Kweninto ko sa kanya ang mala mmk kong buhay, nagtratrabaho sila mama at papa sa states, at naiwan kami sa pangangalaga ni lola.Kwenento ko na tatlo kaming magkakapatid,at nakwento ko ang mga matatalik kong mga kaibigan, at nasabi ko sa kanya na nagkagusto ako sa isa sa kanila.

"maganda yung nagustuhan mo?" tanong nya.

"hindi sya babae, lalaki sya." sabi ko.

"so, you mean?" hindi ko sya pinatapos magsalita.

"yes, i'm gay, and I fall in love with my bestfriend." sabi ko.

"anong name ng bestfriend mo?" tanong nya.

"aljosh" ako.

"aljosh? may sobre akong nakita nung nalasing ka, may aljosh perez na nakalagay. Pero don't worry, hindi ko binasa." sabi ni william.

"saan na? nasa sayo pa ba?" tanong ko.

"oo." william.

"pwede ko ba yun makuha ngayon?" ako.

"nandun, sa condo ko." sabi nya.Biglang may tumawag sa kanya.

"jake, I need to take this call." william.

"ok." maikli kong sabi.

Lumayo sya ng kaunti sa'kin at sinagot ang tawag, tiningnan ko lang sya mula sa kinaroroonan ko.Mukhang seryoso ang pinag.uusapan nila.Pagkatapos nyang sagutin ang tawag, lumapit na sya sa'kin.

"jake, I need to go. Somethings came up." sabi nya.

"ok, tara na. Sino ba yung tumawag?" pagtatanong ko.

"just an important person." seryoso nyang sabi.

"ok." ako.

Naglalakad na kami pabalik sa resort.Napansin kong naging serious na ang mukha nya.(ano kayang problema nya?).

Pagdating namin sa resort, nagpaalam na ako sa kanya at naglakad na palayo.

"sandali lang jake." tawag nya sa'kin.

Lumingon muli ako sa kanya. " bakit?" tanong ko.

"Can I get your no. and your f* acc. name." sabi nya.

"sure." binigay ko sa kanya ang no. ko at f* acc. name ko.

"thanks a lot, jake, I enjoy your company. I'll call you later." sabi nya.

"ok. I'll wait your call." sabi ko. Tumalikod na ako sa kanya.

"jake!" tawag nya ulit.Nilingon ko sya ulit.

"bakit?" ako.

"wala, babye na." nakangiti nyang sabi. At umalis na sya.

"weird! kanina serious face, ngayon nakangiti na." nasabi ko.

Bumalik na ako sa cottage namin, at tinanong nila ako kung saan ako galing. Nagdahilan nalang ako na masama ang tyan ko at natagalan ako sa cr.Naniwala naman sila sa alibi ko. Kinuha ko ang phone ko sa bag at may misscall dun at message.

I open the unknown message.

*hi , jake si kenzo ito.*

Napangiti ako sa message nya.

to be continue...

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jake Lloyd Bojos
Nathan Jake Sebastian meet William Kenzo Sandoval.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status