Share

Chapter 4

CHAPTER FOUR

"MINA MACARENA at your service!"

Naibaling ko ang paningin sa pinto ng clinic mula sa pagkatulala sa kisame matapos marinig ang boses ni Mina. Pumihit ang seradura at pumasok si Mina na may dalang tray ng pagkain.

Dahan-dahan akong bumangon sa kama. Amoy palang ng umuusok na soup ay natatakam na naman ako. I wouldn't mind getting annoyed by that boss masungit kung may masasarap na pagkain naman na ihahain sa harap ko.

Really, Katriel?

"Meryenda, madam," nakangiting sambit ni Mina.

"Thank you. Hindi ka na sana nag-abala pa," sabi ko kahit na parang tutulo na ang laway habang nakatingin sa pagkain.

"Naku, wala 'yon. Ako lang ang maaasahan niyo ni boss masungit sa araw na 'to kasi day-off talaga ng mga tauhan niya kapag weekend."

"You're also working with him, right? Wala kang day-off?" tanong ko. Kinuha ko na ang kutsara at hinipan ang soup.

This looks delicious!

"Day-off ko rin sana kaso narito ka kaya for da go!" Umangat ang dalawang nakakuyom na kamao ni Mina.

"Thank you, I really appreciate it. I have a question..." I trailed off.

Naupo siya sa sofa na naroroon para makinig. Nginuya ko muna ang pagkain sa bibig bago punasan ang magkabilang-gilid ng labi.

"May mga engkanto ba rito?" Nakasimangot na tanong ko habang inaalala na naman ang pagkadulas kanina.

Saglit na natulala sa'kin si Mina hanggang sa humagalpak siya ng tawa. Sinapo niya pa ang tiyan at halos mapaluhod na sa sahig.

Mas lalong lumaki ang simangot ko. I'm crazy, alright?!

"Saan mo naman nakuha 'yan, madam?" natatawang tanong niya.

"I just kind of think of it. Baka sila ang may kasalanan kung bakit nadulas ako..." I said.

Mina stared at me like I'm some kind of a weirdo in front of her.  Nagkibit-balikat ako at tinuloy na ang pagkain.

"Walang mga engkanto dito, madam. Magaganda at gwapo lang," nakangising sambit niya.

"You're right," I agreed.

Lumaki ang ngisi niya. "Inaamin mo bang pogi si boss masungit?"

I scowled at her. "I didn't said something like that, Mina. I mean, I'm only referring at you..."

"Talaga ba, madam?" mapang-asar na sambit niya.

Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy sa pagkain. Tumahimik na rin naman siya at kumalikot sa phone niya.

"Macarena."

Bumukas ang pinto at pumasok doon si boss masungit. Pangalan ni Mina ang tinawag niya pero sa'kin naman nakatingin.

Umirap ako sa kanya at binaling ang tingin sa papaubos ng pagkain.

"Boss masungit, bakit?" Si Mina na kahit hindi ko lingunin ay ramdam ko ang ngiti.

"Your father is looking for you. Pwede ka ng umuwi," rinig kong sambit ni boss masungit.

"Grabe ka na, boss! Matapos ko kayong ipagluto at sa lahat ng mga ginawa ko papaalisin mo lang ako?!" drama ni Mina.

"You're crazy."

Inangat ko ang tingin at nahuli ang pag-iling ni boss masungit. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

So, ano ako rito? Hangin na parang wala lang?

Umirap ulit ako.

"Joke lang naman, boss. Ito na nga po at aalis na ako. Madam!" baling ni Mina sa'kin.

"Yes?"

"Alis na 'ko. Babalik ako bukas para masamahan kita sa dalampasigan. Nakuwento kasi ni boss masungit---"

"Umuwi ka na, Macarena," putol ni boss masungit sa kanya.

Ngumisi si Mina at nag-peace sign. "Ay hehe, sabi ko nga. Bye both and all!" aniya at animong model na rumampa palabas ng clinic.

Napailing ako sa kalokohan niya. Her vibe is really different. Kahit na sinong makakilala sa kanya ay madali niyang makakasabayan dahil sa ugali niya.

"Why are you still here?" malditang baling ko kay boss masungit.

Bumalik na ang seryoso niyang mukha.

"Obviously, this is my clinic and house," malamig niyang sagot.

"Edi ikaw na," bulong ko sa hangin.

Naiinis ako sa kanya. Sa mukha niya, sa lahat ng meron siya... bukod pala sa mga pagkain, mansyon, dagat, isla at...

Goodness, Katriel!

Ah, basta naiinis ako sa kanya!

"Kung tapos ka ng kumain bumalik ka na sa kwarto mo," utos niya. Oo, inuutusan niya ako.

"Can't you see that I can't walk properly?" inis na sambit ko.

"Then fly." Walang ekspresyon na sambit din niya.

I glared at him. Kung nagpapatawa siya then it's not even funny!

"Or if you can't fly then you have no choice but to sleep here," aniya at umamba na lalabas ng clinic.

"T-Teka!" sigaw ko. "Hindi ka ba naaawa sa'kin?"

"You're annoying and yes, hindi ako naaawa."

Kumuyom ang kamao ko. "Isusumbong kita sa kuya ko!"

He shrugged his shoulders lazily. "Go ahead."

Nang hindi na ako nagsalita ay pinihit na niya ang seradura. I gritted my teeth. Nauubos talaga ang pasensiya ko sa lalaking 'to.

"I h-hate you! Kaya siguro mag-isa ka lang sa buhay kasi ganyan ang ugali mo!" sigaw ko na nagpatigil sa kanya.

Hindi ko na napag-isipan ang mga sinabi. Narealize ko lang na mali iyon nang bumaling siya sa'kin na matalim ang mga mata.

"You don't know nothing so shut the fuck up," malamig niyang sambit.

Natulos ako sa kinauupuan. Alam kong mali ako.

"I-I'm sorry---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil pabagsak na niyang isinara ang pinto ng clinic.

Guilt crept over me. What have you done, Katriel? You and your mouth!

Sinubukan kong tumayo mula sa kama. Masakit pa ang paa ko pero pinilit ko ang maglakad hanggang sa naabot ko ang pinto.

Huminga ako ng malalim dahil sa sakit. Kumapit ako ng mahigpit sa seradura para suportahan ang sarili.

Mukhang malala talaga ang pagkadulas ko kanina. Pakiramdam ko ay may nabaling buto sa paa ko kaya ganito kasakit.

I need to find boss masungit. Kakausapin ko siya at hihingi ng tawad. Pero, saan ako mag-uumpisa sa paghahanap sa kanya?

His mansion is super big! Hindi ko rin naman alam kung saan ang kwarto niya.

Napakamot ako sa ulo ko bago dahan-dahang lumabas ng clinic. Paika-ika akong naglakad palapit sa isang cabinet at doon kumapit.

Panay ang d***g ko habang naglalakad. Sana lang ay mahanap ko kaagad si boss masungit para hindi ako nahihirapan ng ganito.

Help me, please!

"Where the hell is he?" bulong ko nang maisara ang panglimang pintuan na nabuksan ko sa pangalawang palapag ng mansyon.

"Boss masungit?!" tawag ko sa kanya. No one was answering.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Boss masungit, nasaan ka?!" sigaw kong muli.

Hindi ko inaasahan ang nangyari pagkatapos. Sa muling paghakbang ko, nadulas na naman ang kaliwang paa ko!

Malakas ang tili na pinakawalan ko nang bumagsak sa sahig. Mangiyak-ngiyak ako habang sinusubukang tumayo.

What now?! Nadulas na naman ako!

First day in this island and it feels like a disaster! And I don't want to freaking remember this day!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status