Share

Chapter 3

CHAPTER THREE

NATAGALAN ako sa dining area. Masasarap kasi ang pagkain at hindi ko napigilan ang sarili kong kumain ng kumain. Sana ay may gym dito sa loob ng mansyon ni boss masungit para kahit papaano ay makapag-work out ako.

I didn't see him and Mina around. Hindi ko rin naririnig ang ingay ni Mina kaya sa tingin ko ay umuwi siya sa kanila.

The whole mansion was quiet and feels... sad. Sa sobrang tahimik, parang gusto mo nalang mabingi. Sabagay, gano'n naman talaga ang ibang mayayaman. Kahit gaano pa karangya ang buhay, kung hindi ka naman masaya ay parang wala lang din lahat ng meron ka.

Inikot ko ang mansyon para mabawasan ang bigat ng tiyan ko.  Bumalik lang ako sa dining area nang makaramdam ng hilo at tila maliligaw pa 'ata ako sa laki nito!

Napapaisip ako, Kuya Keon said that his friend is heavily guarded pero wala naman akong nakikita na mga bodyguards sa paligid. Nagtatago ba sila? Like a ninja or something?

Pinilig ko ang ulo sa mga naiisip. My goodness, Katriel!

Bukas ang main door ng mansyon. Dahan-dahan akong lumapit doon at pinapakiramdaman ang paligid.

Malay ko ba kung may mga nagtatago rito at bigla akong gulatin. O baka naman mga engkanto na gusto akong paalisin sa mansyon ni boss masungit kasi napakaganda ko?

Mahigpit ang hawak ko sa cellphone at sinilip ang labas ng mansyon. Maski sa labas ay tahimik din kung hindi lang maririnig ang huni ng mga ibon at paghampas ng alon sa dalampasigan.

"What the hell are you doing, woman?"

Napaigtad ang katawan ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Dahan-dahan akong lumingon at awkward na ngumiti sa lalaki.

"H-Hi!" I waved cutely.

Hindi natinag ang matigas na ekspresyon niya. Naibaba ko ang kamay at bahagyang inayos ang pagkakatayo.

"What are you doing?" he asked coldly.

"Uhm, sinisilip ko lang kung may tao pa bang iba rito bukod sa'tin. And I wanted to take a look at the ocean again..." paliwanag ko.

Ayaw ko naman sabihin sa kanya ang mga nakakabaliw na mga iniisip ko, 'no! 'Bata' na nga ang tawag niya sa'kin, baka madagdagan pa 'yon ng 'baliw'.

"No one's here except for you and me. My men aren't here yet," simpleng sambit niya at tinalikuran na ako.

"W-Wait!" Humabol ako sa kanya. Tumigil naman siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon.

"Pwede mo ba akong samahan sa tabing-dagat?" pinalambing ko ang boses para kumbinsihin siya.

Ang totoo, natatakot talaga akong pumunta roon ng mag-isa. Baka may biglang sumulpot sa paligid at dukutin ako tapos tauhan pala 'yon ng papà.

No way!

"I'm not going outside," sagot ni boss masungit.

Ngumuso ako. "Please?" Naghanda ako ng malawak na ngiti kung sakaling lumingon siya.

Please, pumayag ka na! Ako na nga ang lumalapit sa'yo at pilit hinahabaan ang pasensiya ko!

"I can feel your glares throwing daggers at me, kid. So, no."

Kumibot ang labi ko sa sinabi niya. "T-Teka---!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang mabilis na siyang naglakad palayo. Pinadyak ko ang paa sa sahig at halos magwala na roon.

He called me a kid again! Babawi rin ako sa lalaking 'yon, humanda siya!

Hindi maipinta ang mukha ko habang naglalakad paakyat sa engrandeng hagdan. My good mood is ruined by that man! Porke't nabusog ako sa mga pagkain na pinahanda niya, gano'n gano'n na lang niya ako tratuhin?!

"Ahhhh!" Napatili ako bigla nang madulas sa inaapakang baitang ng hagdan. Malaki ang pagkakangiwi ko habang sapo ang balakang at paang nadulas.

I tried to stand up, na sana ay hindi ko na ginawa dahil napaiyak ako sa sakit. Sabi ko na nga ba at may engkanto rito!

They don't want me getting close to their boss masungit kaya ito ang ginagawa nila sa'kin?

Goodness, Katriel! Stop with your crazy antics! Huwag mong sisihin ang mga engkanto sa pagkalampa mo!

"Shit, ang s-sakit!" sigaw ko habang dahan-dahang inaalalayan ang sarili sa pagtayo.

Napahikbi akong muli at napaupo sa baitang ng hagdan. Nakangusong hinihilot ko ang nasaktang paa nang maramdaman ang mga brasong pumaikot sa katawan ko saka ako binuhat.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin kay boss masungit na seryoso ang mukha habang buhat ako sa kanyang bisig.

"W-What are you doing? Ibaba mo a-ako!" sigaw ko sa mukha niya.

Ayaw kong tumanaw ng utang na loob sa kanya. I'm strong, kaya ko ang sarili ko!

Napapikit si boss masungit sa pagsigaw ko pero hindi niya ako binitiwan at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagpumiglas ako sa hawak niya at napangiwi nalang sa sakit nang magalaw ang nasaktang paa.

"Stop moving or you'll impale yourself more. Baka sisihin pa ako ng kuya mo," sambit niya.

"Edi ibaba mo ako!" sigaw ko ulit.

"Will you stop shouting? Goodness, you're such a kid." Inis niyang sambit at mas binilisan pa ang paglalakad papunta sa kung saan man.

I glared at him. Hindi naman niya pinansin ang mga pag-irap ko. Parang nakaramdam na rin ako ng pagkapaos sa boses dahil kanina pa nakasigaw.

Hindi niya ako dinala sa kwarto ko. Napagtanto kong nasa clinic kami ng mansyon niya. His mansion is all-in-one, huh?

Inilapag niya ako sa kama na naroroon at tahimik na kumilos sa loob ng clinic. Nakasunod lamang ang tingin ko sa kanya.

"Aw..." d***g ko nang dampian niya ng cold compress ang pasa ko sa paa. Bahagya niya akong tiningala, pagkatapos ay bumuntonghininga.

"Slowly, please... aw..." Napangiwi ako nang magpatuloy siya sa ginagawa. Bahagya naman siyang natigilan at pilit na dinahan-dahan ang pagdampi ng cold-compress sa balat ko.

Tumayo siya matapos ang ilang segundo. Tiningala ko siya dahil ang tangkad pala niya. Ngayon ko lang din napagmasdan ang kabuuan niya sa malapitan.

This masungit man is dangerously drop dead gorgeous. Lamang lang ng ilang ligo sa kapatid ko. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, prominente ang panga at natural ang mapupulang labi. Halata sa mukha nito na masungit pero hindi naman maipagkakailang lamang talaga ang kaguwapuhan ng isang 'to.

"Done eye-raping me?" Malamig na untag nito sa naglalakbay kong mga mata.

Tumikhim ako at inayos ang pagkakaupo sa kama. "You're so feeling..." hindi ko tinapos ang sasabihin at umirap sa kanya.

Suplado ang pag-iwas niya ng tingin at tinalikuran ako. Bahagya akong nag-panic.

Iiwan niya ako rito?

"W-Where are you going?" tanong ko.

"I'm calling Mina to cook for us. Magpahinga ka," nakatalikod na sagot nito. "And stop shouting. You're so annoying," dagdag pa niya.

Umamba akong susuntok sa likod niya pero pagbagsak nalang ng pinto ang narinig ko. Inis kong sinabunutan ang sarili sa pagkagigil sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status