Share

Chapter 2

CHAPTER TWO

"BOSS MASUNGIT!" sigaw ni Mina at kumaway sa lalaki. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at tumikhim.

So, he's that boss masungit, huh?

"Halika na, beh. Nararamdaman ko na ang inip ni boss masungit sa paligid," bulong ni Mina na may kasamang halakhak.

Ngumiwi ulit ako at sumunod na rin sa kanya sa paglalakad. My eyes once again flew towards the mansion but the man wasn't there anymore. Pinilig ko ang ulo saka bumuntonghininga.

Bumungad sa mga mata ko ang water fountain nang makapasok kami sa gate. Nagpahila ako kay Mina papunta sa right wing habang nililibot ang paningin sa paligid.

This mansion was superb! Walang-wala ang mansyon nila papà kumpara rito.

"Nagugutom ka na ba? Ang alam ko nagpahanda si boss masungit ng maraming pagkain dahil utos daw ng kapatid mo."

Naibaling ko ang tingin kay Mina nang marinig ang sinabi niya. Oh shoot! I need to call my brother!

"Kailangan ko palang tawagan si kuya..." sambit ko.

Tumango si Mina. "Sasamahan kita sa magiging kuwarto mo tapos bumaba ka nalang dito mamaya para kumain." Tinuro niya ang isang entrance na sa hula ko ay dining area dahil natanaw ko ang glass table at mga upuan doon.

"Alright."

Umakyat kami sa engrandeng hagdan. Sanay na ako sa mararangyang buhay sa Manila pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag mas higit pa roon ang makikita mo.

"Mag-isa lang ba ang boss masungit niyo rito?" hindi ko napigilang tanong kay Mina.

"Oo, mag-isa lang siya rito. May mga helpers lang na pumupunta rito kapag sinasabi o kailangan niya."

"What? So, dalawa lang talaga kaming magkasama rito?" kunot-noong tanong ko.

Nilingon ako ni Mina saka ngumisi. "Korique ka dyan, anteh."

Bago pa ako makapagsalitang muli ay narating na namin ang sa tingin ko ay kwarto ko. Binuksan iyon ni Mina saka pinapasok ako sa loob.

"Hindi ka ba nananatili rito? Mukhang kabisado mo kasi ang mga pasikot-sikot rito," usisa ko habang nililibot ng tingin ang loob ng kwarto.

"Hindi, 'no!" Tumawa siya. "Mapagkakatiwalaan kasi ako ni boss masungit kaya lagi akong nakakapunta rito. Saka crush ko lang si boss masungit pero hindi ko pinangarap na tumira dito, nakakalula!"

Umismid ako. "Crush mo siya?"

Ngumisi si Mina. "Oo, slight lang konti."

Nilapag ko ang dalawang maleta sa gilid. Ang shoulder bag naman at jacket na hinubad ay sa kama.

"Maiiwan na muna kita. Kakausapin ko muna si boss masungit. Bumaba ka nalang mamaya, ha?" paalam ni Mina.

"Sige." Hindi ko na siya nilingon. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.

Tinungo ko ang mahaba at malawak na kurtina at binuksan iyon. Napangiti ako nang matanaw ang dagat. Napapalibutan pala itong mansyon ng dagat.

Of course, Katriel! This is an island.

Ngumiwi ako nang mapagtanto iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala na naman si Kuya Keon.

Binalikan ko ang cellphone sa kama at bumalik sa terasa. I dialed my brother's number but it says he's busy. Baka may kausap pang iba...

I shrugged and decided to stop calling him. Mamaya nalang pagkatapos kong kumain.

Sinara kong muli ang kurtina at nagbihis. I decided to wear my summer dress and beach slippers. Gusto kong bumalik sa dagat mamaya.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang hagdan na dinaanan namin ni Mina kanina. Tama siya, masyadong nakakalula ang mansyon na 'to. And to think that their boss masungit is living here alone, hindi ba siya nakakaramdam ng boredom?

I'm hungry. Ramdam ko na ang pagkulo ng mga alaga ko sa tiyan. Hawak ang cellphone at ear pads na tinungo ko ang dining area.

My lips parted while staring at the foods in front of me. This is a lot! And when I say a lot, sobrang dami na puno ng mga pagkain ang mahabang mesa!

I will eat all of these?!

"Yes, she's here. Okay."

Napalingon ako nang marinig ang isang malamig at baritonong boses. Mas lalong umawang ang labi ko pagkakita sa lalaking natanaw ko kanina.

This must be their boss masungit?

Natulala ako nang lumapit siya at inabot sa'kin ang cellphone na hawak.

"W-What's this?" utal na tanong ko.

"Phone, obviously," masungit na sagot niya.

Kumibot ang labi ko. This man!

"What I mean is what will I do with your phone, mister?" nakataas ang kilay na ulit ko.

He massaged the bridge of his nose. Namula ang mga iyon.

"Itapon mo kung gusto mo," sagot niyang muli.

Doon na umusbong ang inis ko para sa lalaking 'to. Kuya Keon and Mina is right! This man is not easy to get along with because he's so masungit!

I glared at him and he equalled it with a glare that almost make me bend down my knees. What the hell, Katriel?!

"You're brother is calling, kid. Answer it." He said coldly before turning his back away.

Aangal pa sana ako dahil sa pagtawag niyang bata sa'kin pero tumunog na ang cellphone niya at nakita kong si Kuya Keon ang nasa caller's id.

"Kuya!" masiglang bati ko. Hindi pinahalata ang inis na nararamdaman para sa kaibigan nito.

"Hi, baby! How's Caged Island so far?" tanong ng kapatid sa kabilang linya.

"Great, kuya. This island is so beautiful."

Humalakhak si kuya sa kabilang linya. "Told you. Hindi ka magsisisi na napunta ka riyan."

Ngumuso ako. Kinamusta ko rin siya habang pumipisil ng ubas sa fruit basket.

"Dad called me earlier. Nag-report na ata ang mga tauhan niya na umalis ka ng mansyon. He's very angry but I didn't tell him where you are." Bumuntonghininga ito.

Napatigil ako sa pagnguya ng ubas. "Hindi kaya ipahanap niya ako?" nag-aalalang tanong ko.

"For sure, but I won't let him. Where's Mase, by the way?"

"Mase?" I asked, confused.

"Yes, my friend. Hindi pa ba kayo nagkikita? His phone is with you, though." lito ring tanong ni kuya.

Napangiwi ako. So, Mase pala ang pangalan niya?

"Oh, si boss masungit. Nagkita na kami..."

Rinig ko ang pagtawa ni Kuya Keon sa kabilang linya. "Boss masungit?"

"Hmmm... 'yon ang tawag sa kanya dito. Nakikigaya lang ako." Kibit-balikat kong sagot.

"I see. How is he?"

Nilunok ko ang apple sa bibig bago sumagot. "He's... fine, I guess."

Kuya Keon chuckled. "Goodluck, my sister. And I miss you!"

Ngumuso ako at nag-iinit na naman ang magkabilang-gilid ng mata. "I miss you too! Take care!"

Ilang saglit pa ang pag-uusap namin bago siya nagpaalam. May meeting ata siya. Saktong pagkababa ko ng cellphone sa glass table ay sumulpot si boss masungit sa harap ko.

Walang salita niyang kinuha ang cellphone at tumalikod. Sumimangot ako at hindi na lang siya pinansin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status