Share

CHAPTER 2-THE STRANGER

“Miss saan po tayo?” tanong sa kanya ng taxi driver ng taxing sinakyan niya. Saka lang napukaw si Yesha sa kanyang malalim na pag-iisip. Ang luhang tumulo sa kanyang mga mata ay kanina pa naampat, pero lumilipad pa rin ang isip niya.

“Pasensya ka na, Miss, pero kanina pa kasi tayo paikot-ikot. Simula kasi kanina ay hindi ko matanong kung saan ka pupunta,” bahagyang napakamot pa sa kanyang batok ang taxi driver. 

“Pasensya na rin po, Manong. Napalalim lang po ang iniisip ko,” hinging paumanhin din niya sa driver. Bahagyang malat pa ang kanyang tinig gawa ng matinding pag-iyak. Alam niyang nahalata nito ang pagluha niya kanina, at base na rin sa tono ng boses niya ay hindi niya maitatago dito ang dalamhating nadarama. “Nasaan na po ba tayo, Manong?” tanong niya sa driver.

“Nasa may Malate na po tayo, Miss,” sagot ng driver sa kanya.

“Pwede pong paki-hatid na lang ako sa pinakamalapit na hotel dito, Manong?” saad niya sa driver.

“Sige po, Miss,” saad din ng driver saka siya nito itinuon muli ang pansin sa pagmamaneho. Maya-maya pa ay muli itong nagsalita, “Miss, andito na po tayo,” pagpukaw muli ng driver sa kamalayan niya. Napatingin si Yesha sa labas kung saan huminto ang taxi na sinakyan niya. ‘MENDELLIN HOTEL’ ang nakita niyang nakapaskil sa labas. Napa-buntong-hininga siya, she knew how expensive per night in this hotel. Alam niya dahil lagi siyang naglalagi dito kapag nagpapalipas siya ng gabi sa labas at ayaw niyang umuwi sa kanila. She always stayed in this hotel because their service was great. Serbisyong iniexpect mo sa isang five star hotel kagaya nito. Mendellin Hotel here in Malate was just one of the branch in hotel chains of Mendellin Empire. Kilalang-kilala ang pangalang Mendellin sa buong Asya, dahil sa ang Mendellin Empire ang siyang pinakamalaking business chain sa Pilipinas at kasama sa top ten biggest business empire sa buong Asya. Isa na rin sa lalong nagpasikat sa pangalang Mendellin ang CEO nito na si Jake Mendellin. Alam yata ng lahat ng tao sa buong Pilipinas, lalong-lalo na ng mga kadalagahan na isa si Jake Mendellin sa most eligible bachelor ng bansa.

Yesha knows all of this information dahil na rin sa lagi niyang pananatili sa iba't-ibang branch ng hotel chain nito. Pero ni minsan ay hindi pa niya nasilayan ang pagmumukha ni Jake Mendellin. He saw him in magazines and T.V. but that’s it. Kahit kailan ay hindi pa niya nakasalamuha ito, kahit na nasa isang mundo lang naman silang ginagalawan. 

Napilitang bumaba na si Yesha sa taxi, kahit na nag-aalangan siyang pumasok sa loob ng hotel. Without the support of her father, alam niyang kailangan niyang magtipid. Although meron naman siyang cash na naitabi noon pa man at may separate account siyang nagawa nung mga panahong binibigyan pa siya ng allowance ng ama, ay alam niyang hindi na sasapat iyon upang mabuhay siya. It maybe will last for only a few months at kakailanganin na niyang maghanap ng pagkakakitaan upang suportahan ang kanyang sarili.

“This will be the last time that I will spend extravagantly, just for tonight. Isang gabi lang just to have a place and unleash the heaviness in my heart,” pangungunswelo niya sa sarili. Matapos makapagbayad sa taxi ay pabuntung-hininga niyang hinila ang maletang dala-dala papasok sa loob ng hotel. “Kailangan ko lang ng mapag-lilipasan ng sama ng loob and to sort out my thought, kaya ngayong gabi lang ito,” saad niya sa kanyang sarili.

The staff of the hotel greeted her cheerfully, dahil ang iba sa mga ito ay kilala na siya bilang regular customer doon. “Good day, Ma’am. Welcome back to Mendellin Hotel,” bati sa kanya ng receptionist. 

“Good day, I would like to book a room just for a night,” saad niya dito. Nakangiting tumango sa kanya ang receptionist.

“Do you want the usual room, Ma’am?” muling tanong nito sa kanya.

“No, I want to downgrade it,” mabilis niyang sagot dito. Bagamat nangunot ang noo ng receptionist ay hindi ito nagtanong sa kanya. Sa halip ay nag-punch na lang ito sa computer nito. 

“Do you want the next price range in your usual room, Ma’am?” nakangiting tanong nito muli sa kanya.

“I want your cheapest room for tonight…” saad niya dito. Nakita niya ang lalong pag-kunot ng noo nito pero hindi ito nagtangkang magtanong man lang sa kanya. She knows that it makes the receptionist wonder, pero itinikom nito ang bibig nito. “Just for a change,” dugtong saad na lang niya, at hindi na dinugtungan pa ang paliwanag.

Tumango-tango ang receptionist saka muling nag-punch sa computer sa harapan nito. Maya-maya pa ay inabutan na siya nito ng susi. Nag-ring ito ng bell at isang bellboy ang lumapit upang i-assist siya. Inutusan ito ng receptionist na ihatid siya sa kwartong ookupahin niya. Kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha ng bellboy dahil kahit ito ay kilala siya, pero katulad ng receptionist ay hindi din ito nagtanong sa kanya.

Nang maihatid siya ng bellboy sa kwartong ookupahin niya ay agad niyang iniikot ang paningin. The room that she has now was four times smaller from her usual room that she was occupying in this hotel. Malayong-malayo din ang interior nito sa dating kwartong kanyang inookupa, but all of it was meant nothing to her. Importante ay mayroon siyang kwartong matutuluyan sa ngayon.

Pabagsak niyang inihiga ang katawan sa single bed na nasa loob ng kwarto, at least the bed here is still soft. Kahit paano ay magiging komportable pa rin siya. Hindi niya maiwasang muling balikan ang nangyari sa kanya ngayong araw. Although she often thought of being separated from her father, when the reality of it all hit her, she realized na hindi pa rin pala siya handa. Akala niya naihanda na niya ang puso niya sa magiging ganitong sitwasyon pero mali pala siya. Lalong nakapag-pabigat ng dibdib niya ang tuluyang pagtatakwil sa kanya ng ama. Akala niya sanay na siya, hindi pa rin pala. Akala niya tanggap na niya na hindi na siya ang kakampihan nito, pero deep inside her umaasa pa rin pala siya. She was deeply broken and disappointed with her father. Pakiramdam niya ay nadurog ang puso niya nang dahil sa ama. She still couldn't accept the fact na mas lamang na dito ngayon ang bago nitong pamilya kesa sa kanya na tunay na anak. Akala niya manhid na siya sa katotohanan na iyon, hindi pa rin pala. Hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyan na siyang napahagulgol sa sobrang sama ng loob. Feeling niya ay pinipiga ang dibdib niya at sasabog ang puso niya kapag hindi niya nailabas ang lahat ng sama ng loob. Kaya ganun na lang ang hagulgol na lumalabas sa labi niya. HIndi rin maawat sa pag-tulo ang kanyang mga luha. 

Hindi niya namalayan kung gaano siya katagal na umiyak ng umiyak, at kung kailan siya nahinto sa ka-iiyak. Nanatili lang siyang nakahilata at nakatulala sa kisame. Her mind was blank and she felt depressed. Hindi siya makapag-isip ng maayos, hanggang sa napag-pasyahan niyang lunurin ang sarili sa alak. 

She ordered wine sa kanyang kwarto, she drank the whole content of the wine bottle hanggang sa masaid niya ang laman nito. Pero kahit ubos na ang laman nito ay parang hindi pa rin manhid ang pakiramdam niya. Kaya napag-pasyahan niyang ayusin ang sarili at bumaba sa bar ng hotel, para doon lunurin ang kanyang sarili sa alak. There she could drink everything that she wanted until she felt numb and couldn't feel the pain of her father’s betrayal anymore.

Mangilan-ngilan lang ang tao sa loob ng bar ng makarating siya doon. “This is great, at least I will have some privacy,” saad niya sa kanyang sarili. Saka siya dumiretso sa isang parte ng bar kung saan malapit sa counter at sa bartender. She chose the corner side para mayroon siyang sariling space and at the same time ay mabilis siyang makakapag-order ng alak agad-agad.

“What is your poison, Ma’am?” magalang na tanong sa kanya ng bartender ng lumapit ito sa kanya.

“Give me a shot of rum,” agad na saad niya dito. Tiningnan siya ng bartender na parang ina-asses kung kakayanin ba talaga niyang inumin ang inorder niyang rum. Nang tinaasan niya ito ng kilay ay saka lang tumalima ito at binigay sa kanya ang order niya. Tahimik siyang uminom sa gilid habang patuloy sa malalim na pag-iisip. Wala na yata siyang luhang maluluha pa, bagamat napaka-bigat pa rin ng pakiramdam niya ay wala ng ni isang luhang pumapatak sa kanyang mga mata. She was in deep thought kung ano na ang maari niyang gawin at ang kanyang susunod na hakbang, hindi niya namalayan na napapa-buntong-hininga na pala siya ng malakas. 

“That sigh was deep,” saad ng baritonong boses sa tabi niya, na nakapag-pakislot sa kanya. Masyadong napaka-lalim ng iniisip niya na hindi niya namalayan na may tumabi na pala sa kanya. Irritated that someone disturb her reverie, ay nakataas ang isang kilay na hinarap niya ang lalaking nagsalita sa tabi niya.

“Excuse me?” mataray ang tonong saad niya sa lalaki, habang unti-unting humarap dito. Hindi niya napigilang mahigit ang kanyang hininga ng makita ng tuluyan ang mukha ng lalakeng katabi. He was so close to her, but with enough space para hindi nito tuluyang ma-invade ang privacy niya. Kaya kitang-kita niya ng malapitan ang pagmumukha nito, and d*mn he was f*cking handsome. Para itong isang Greek God na buhay. Hindi niya napigilan ang sariling i-assess ang itsura nito. From his slightly wavy dark hair na well maintained and trimmed properly, to his deep dark two brown orbs with long lashes and perfect eyebrows, into his prominent nose and chiseled jaws, up to his full thin lips na parang natural na bahagyang mamula-mula.

“Do you like what you see?” muli ay saad nito sa kanya, he wasn’t smiling pero kitang-kita ang amusement na naglalaro sa mga mata nito. Bahagyang ipinilig ni Yesha ang ulo at bahagyang namula ang kanyang mukha sa pagka-pahiya. Hindi niya sinagot ang lalaki, sa halip ay muli niyang hinarap ang alak sa kanyang harapan at inisang lagok lang iyon. 

“Another one please,” saad niyang sa bartender.

“Right away, Ma’am,” sagot naman ng bartender sa kanya.

“What a choice of a drink, for a lady like yourself,” muling saad ng lalaking katabi niya. 

“Are you talking to me, Mister?” bahagyang may pagtataray na saad niya dito.

“Isn’t it obvious? There’s nobody here at this side of the bar but us,” sagot naman nito sa kanya.

“Isn’t it obvious too, that I don’t want to talk to anyone?” saad niyang muli dito na bahagyang nakataas pa ang isang kilay, “And it seems that the memo didn’t reached you,” bahagyang may pagka-sarcastic pang saad niya. She heard him chuckle, “Anong nakakatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” nangungunot ang noong saad niya sa sarili. Pero aminin man niya at sa hindi, his laugh makes her heart flutter. 

Tiningnan niya ng masama ang lalaking katabi, lalo pa niyang tinaasan ang isang kilay, as if silently telling him that she wasn't amused. 

“Sorry,” saad nito sa kanya, na pilit pinipigilan ang tawa. 

“D*mn! Why he was f*cking devastatingly handsome, especially when he laughed? And why am I so drawn into him?” saad niya sa kanyang sarili. She rolled her eyes, at binigyan ng irap ang lalaki, before she gave back her attention to the drink in front of her.

“You know what, this is the first time that someone ignored my handsome face,” narinig niyang saad ng lalaki sa kanya. Muli siyang napatingin sa gawi nito at nakita niyang titig na titig sa kanya ang lalaki. Amusement was still in his eyes, nang makita nitong humarap siya dito ay kinindatan siya nito at bahagya pa nitong winiggle ang mayabong pero napakaayos naman ng shape na mga kilay nito sa kanya. He looked funny. Nang dahil sa ginawa nito ay hindi niya napigilang mapangiti.

“That was much better, you look prettier when you smile,” saad nitong muli sa kanya na hindi inalis ang pagkaka-titig sa kanya, habang inilapit nito ang baso ng alak sa labi nito at lumagok doon.

Hindi niya maiwasan ang pamumula ng kanyang pisngi ng dahil sa sinabi nito. She doesn’t know why his words had so much effect on her. “Mukhang napapadami na yata ang inom ko,” saad niya sa sarili, while blaming the alcohol dahil sa reaksyon ng katawan niya sa lalaking hindi niya kilala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status