Share

CHAPTER 4-AFTERMATH

Nagising si Yesha sa naka-sisilaw na liwanag na pumapasok sa may bintana ng kwarto.

“Ugh!” d***g niya ng maramdaman ang pag-guhit ng sakit sa kanyang ulo ng bigla niyang imulat ang mga mata. Agad siyang muling napapikit ng dahil doon. “I hate hangovers,” she mumbled. Ilang segundo siyang nanatiling naka-pikit. Pina-lilipas ang sakit ng ulo na nadarama. Nang sa pakiramdam niya ay makakaya niya na ang nadaramang sakit ay unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Bagamat bahagya pa siyang nasilaw sa liwanag na diretsong tumatama sa kanya mula sa bintana ay pinilit niya ng imulat ang kanyang mga mata.

Rumehistro ang pagtataka sa kanyang mukha ng tuluyan niyang masilayan ang kwartong kanyang kinalalagyan, “Wait,” saad niya sa kanyang isip. “This is not my room,” bulalas niya. Agad siyang napabalikwas ng bangon ng mapag-tantong wala siya sa kwartong kanyang inukopa. Nang dahil sa ginawa ay bigla siyang napangiwi ng maramdaman ang sakit na gumuhit sa katawan niya, partikular sa pang-ibabang bahagi ng katawan niya. Bits and pieces of what happened to her last night ang pumapasok sa isip niya. But her mind was still foggy at lalo yatang kumirot ang ulo niya ng maalala ang ilang bahagi ng mga ginawa niya kahapon. She shook her head to clear her mind. 

Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto. The room screams wealth. At sa tinagal-tagal na niyang umuukopa ng kwarto sa hotel na ito ay ngayon lang siya nakapasok sa ganitong kagarbong kwarto. Mas magarbo pa sa mga kwartong inookupa niya noon. Whoever occupied this room was not an ordinary people. He may belong to one of the elites. 

Muli niyang pinilit alalahanin ang nangyari ng gabing nagdaan, kung paano siyang napunta sa kwartong ito, and a glimpse of memories from last night flows thru her mind. Now that her mind was slowly clearing off the fog, ay unti-unting puma-pasok na sa kanya ang mga nangyari kinagabihan. She remembered the handsome face of the man na nakilala niya ng gabing iyon. Kung paanong may binuhay itong kakaiba sa katawan niya, kung paanong pansamantala nitong pinawi ang sakit na nadama niya sa pagta-takwil sa kanya ng ama kahit sa isang gabi lang. Naalala niya ang dampi ng kamay at labi nito sa balat niya, ang halik at yakap nito. Ang mainit na pagpapa-alab nito sa kanya. Just mere thinking of what she did last night makes her face hot with arousal and embarrassment. Hindi niya naisip ni sa hinagap na kaya niyang gawin ang lahat ng bagay na iyon, lalong-lalo na sa isang estranghero. The way her body aches with need for him, the way she responded in his kisses. The way she moaned and writhed under him, lahat ng iyon ay hindi niya akalaing magagawa niya, kahit sa bahagyang masakit na ulo at pakiramdam ay tila nakatatak na ito sa kanyang isipan.  

"Stop!" sabi ni Yesha sa sarili. Hindi niya maiwasang mamula habang unti-unti niyang naalala ang mga nangyari sa kanya kinagabihan kasama ang estranghero. Agad siyang nagtangkang bumangon, but the pain in the lower part of her body makes it difficult for her. Then she realized that she was still naked under the duvet. Namumula ang pisngi na pinilit tumayo ni Yesha mula sa kama, now that the spirit of alcohol is gone, embarrassment was taking over to her.

Hinatak niya ang kumot upang gawing pantapis sa hubad na katawan. Pagkahila niya sa kumot ay nakita niya ang dugo sa kobre kama. Muling namula ang kanyang mukha, she couldn't believe na nagawa niyang isuko ang kanyang pagka-babae sa isang estranghero.

Agad niyang pinag-pupulot ang mga nakakalat na damit at pumunta ng banyo upang magbihis. Hindi niya maiwasang mapamangha sa ganda ng banyo. The shower room was separated to its toilet room, meron ding isang napakalaking jacuzzi sa gitna. Kahit ang loob ng bathroom ay napaka-class ng pagkakagawa. The jacuzzi in the middle of it all was tempting her. Para itong nang-aanyaya na gamitin niya lalo na at masakit ang kanyang buong katawan. Ipinilig niya ang ulo at agad pinawi ang naiisip. “No,no,no, I should go. This is wrong, everything that happened here is wrong. Get a grip Yesha. Umalis ka na sa kwartong ito, bago pa bumalik ang may-ari,” sermon niya sa kanyang sarili. “Hindi ako dapat na abutan dito ng lalaking iyon,”  dagdag saad pa niya. Kaya kahit na nanakit ang katawan ay agad siyang nagbihis.

Mabilis siyang lumabas ng banyo at agad na hinagilap ang purse na dala kagabi, ganon na rin ang kanyang cellphone. She found them at the small table sa may maliit na sala sa loob ng suite na iyon. Agad na siyang lumabas ng kwartong iyon. Saka niya lang na-realize na nasa penthouse siya, dahil iyon lang ang nag-iisang kwarto sa floor na iyon at elevator na agad ang nasa labas ng pinto. She rode the elevator down. “Even the elevator was a private one,” bulong niya sa kanyang sarili. 

“You are crazy, Yesha! You are really crazy! Kung bakit kasi hindi mo pinagana ang utak mo. To think na sumama ka sa lalaking hindi mo kilala is a wrong move. Now you even have s*x with a man that probably a member of an elite society! Paano kapag nalaman ito ng iyong ama? O kaya ng iyong madrasta? O kaya ni Claire? Argh! Yesha! You really are stup*d!” kastigo niya sa sarili habang pababa ang elevator na kanyang kinalululanan. Hindi malabong malaman ito ng kanyang ama at ng kanyang step-mom or step-sister kung sakali ngang iisang mundo lang ang kanilang ginagalawan ng lalaking iyon. To think na baka kiss and tell ang lalaki, o baka naman may paparazzing naka-sunod sa kanya, na hindi malabong mangyari dahil hindi lang isang beses na nangyari iyon sa kanya. Even though na hindi siya laging kasama ng kanyang ama sa mga social events ng mga ito ay kilala pa rin siya sa social circle nito as the rebel daughter. Kasalanan ito ng kanyang madrasta at ni Claire na ginagawa ang lahat ng paraan upang lalo siyang mapahiya at madungisan ang kanyang pangalan. 

Now she truly wished na wala ngang paparazzi na nakasunod sa kanya. She wished na tuluyan niya siyang hinayaan ng kanyang madrasta at ni Claire dahil nakuha na rin naman ng mga ito ang gusto ng mga ito, ang mapalayas siya at itakwil ng ama. Naisip niyang may maganda ding naidulot sa kanya ang ginawang pagtatakwil ng ama, dahil kung nasa poder pa siya ng ama ay baka hindi maiwasang mag-krus pang muli ang kanilang mga landas. “At least, now I know that there was no chance that we will meet again,” muling saad niya sa kanyang sarili. The only thing that she was wishing for was that her step-mom and her step-sister will truly leave her alone. 

Dali-dali siyang bumalik sa kwartong kanyang inokupa sa loob ng hotel na iyon. Nang tuluyang makapasok ng kanyang kwarto ay saka pa lang siya parang nakahinga ng maluwag. “Bakit ba para akong isang criminal na nagtatago sa mga pulis, eh wala naman akong ginawang masama?” saad niya sa isipan. “Dahil takot kang malaman ito ng iyong ama at isipin niyang totoo ang lahat ng iniisip niya sa’yo,” sagot ng kabila niyang isipan. 

She released a deep sigh, “What is done is done, Yesha. Wala ka ng magagawa dahil naiwala mo na ang lahat. You lost your home, your wealth, your family, and now the most precious to you, your virginity. Well done Ayesha Mae, well done!” sarkastiko niyang pag-kastigo sa sarili. 

Napasalampak na lang sa sahig si Yesha at napa-yukyok. Gusto niyang umiyak dahil sa pagka-miserable ng pakiramdam niya, pero ni isang patak ng luha ay walang pumatak sa kanya. Hindi niya napansin kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon, “I need to get going,” saad niya sa kanyang sarili. “Walang mangyayari sa akin kung magse-self pity ako dito,” dugtong-saad pa niya. Saka niya pinilit ang sariling tumayo at pumasok ng banyo.

Her body was still sore. Nang makita niya kanina ang jacuzzi sa taas ay nate-tempt siyang magbabad sa maligamgam na tubig doon, “But it’s better that you didn’t do it,” saad niya ulit sa sarili. Binuksan niya ang shower saka hinayaang magkaroon ng mainit na tubig. She took a hot shower. Kahit papaano ay naibsan din naman nito ang pananakit ng kanyang katawan. Habang nakababad sa ilalim ng maligamgam na tubig ay hindi niya naiwasan ang pag-flashback ng mga ginawa niya kagabi kasama ang estrangherong iyon. “What was his name again?” tanong niya sa kanyang sarili. Pilit niyang inaalala ang part kung saan nagpakilala sa kanya ang lalaki, but the memory of it was vague. Pero parang tukso namang ang bumabalik sa kanyang isipan ay ang init ng labi nito, ang kakaibang naidudulot ng haplos nito sa kanyang balat, at ang marahan at puno ng pag-iingat na pag-angkin nito sa kanya. “Ahhh! Stop it Yesha!” she screamed at the shower. Agad na niyang tinapos ang paliligo upang mawaglit sa kanyang isip ang mga nangyari kinagabihan. She needed to get going. 

Hindi na nagtagal si Yesha sa hotel na iyon, matapos maligo at makapag-pahinga ng kaunti ay agad na siyang gumayak upang mag-check out. HIndi na kakayanin ng budget niya kung magtatagal pa siya ng isang gabi doon.

Hindi man niya alam kung saan siya pupunta ay hindi niya na rin kakayaning magtagal pa doon. “Do you need help with your things, Ma’am?” magalang na tanong sa kanya ng receptionist, “I can ask some of the boys, to call a taxi for you,” dugtong na saad pa nito. 

“N-no thank you, I will be fine,” magalang na pagtanggi niya sa offer nito.

“Well then Ma’am, hope you enjoy your stay here with us,” magalang at nakangiting saad nito sa kanya.

Tumango lang si Yesha dito, pagkatapos mag-check out ay agad na niyang hinila ang maletang bitbit saka naglakad palabas ng lobby. She was busy fishing out her phone sa kanyang purse kaya hindi niya namalayan ang pagdaan ng lalaking nakasama niya ng gabing iyon sa tabi niya.

The man was also busy talking on his phone at hindi din nito napansin ang paglabas niya. Bawat madaanan nitong tauhan ay yumuyukod dito bilang paggalang. Dire-diretso ito sa private elevator na naka-konekta sa penthouse nito. 

Si Yesha naman ay patuloy sa paglalakad palayo sa hotel na iyon, hanggang sa nahinto siya sa may sakayan ng bus. Nang makita ang pangalan ng bus ay agad siyang nagka-idea. Agad siyang lumapit sa ticketing booth, “Miss isa nga pong pauwing Quezon,” saad niya sa teller.

“One thousand two hundred forty po, Ma’am,” saad ng teller sa kanya. Agad na nagbayad siya dito pagkuha ng ticket. Nang makita ang bus na naka-indicate sa ticket ay agad niyang pinalagay sa konduktor sa trunk ang bagahe niya, saka siya sumakay.

Pinili niya ang pwesto sa may gitnang bahagi ng bus at saka umupo sa may malapit sa bintana. Ayaw niyang nai-istorbo siya kapag may dumadaan. “Come to think of it, hindi ko na yata kabisado ang papunta kina Tita Alice,” bigla niyang naalala. Agad niyang muling hinagilap ang cellphone sa kanyang bag at hinagilap ang number ng tiyahin.

“I do hope ito pa rin ang number ni Tita,” bulong niya sa kanyang sarili. She dialed the number na naka-book sa kanyang cellphone, sa ilang segundong paghihintay na kumonek ang kanyang tawag ay hindi niya maiwasang kabahan. Nangangamba na baka hindi na nga iyon ang number na gamit ng kanyang tiyahin. Nang mag-ring ang sa kabilang linya ay saka lang nabitawan ni Yesha ang hiningang hindi niya namalayan na kanina pa niya pinipigilan.

“Hello,” saad ng nasa kabilang linya.

“Tita…” saad ni Yesha, hindi niya alam na muling bumagsak ang kanyang mga luha ng marinig sa kabilang linya ang boses ng tiyahin. 

“Y-Yesha, Iha. Ikaw ba iyan?” halata sa tinig ng tiyahin ang pagka-sabik ng marinig nito ang boses niya. 

“Yes Tita,” sagot niya dito na pilit pinipigilan ang pag-hikbi. Ayaw niyang iparinig dito ang kanyang pag-iyak dahil, saka lang niya narealize ng marinig niya ang boses nito kung gaano siya ka-sabik sa pagmamahal ng pamilya. The tone of happiness in her aunt’s voice makes her realize that she still had a family. Isang pamilya na maari niyang takbuhan sa oras ng kanyang pangangailangan.

itchay principio

Hello lovelies, sana po magustuhan niyo ang book, enjoy the chapter! For more updates po follow me on my F@ceb**k group, para po sa mga iba ko pang kwento. ITCHAY's HIDDEN CORNER. Maraming salamat po sa pagtangkilik.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status