Share

CHAPTER 25

ELIZABETH

"Good Morning po, Ma'am Liza!" bungad ni Inday sa kanya paglabas niya sa kanyang silid.

Napatigil siya sa paghahalungkat ng kanyang bag nang marinig niya ito. Tumingin siya rito, at nakita niya ang maaliwalas na ngiti nito sa mga labi. Kumunot ang noo niya sa ngiti na pinapakita nito sa kanya. Anong nakain nito? Bakit ganito ang bungad nito sa kanya? Hindi naman sa ayaw niya na ngumiti sa kanya si Inday kaya lang ibang-iba ang pinapakita nito sa kanya. Nakakapagtaka talaga. May kolorete ulit ito sa mukha at pulang lipstick. Maganda si Inday. Hindi man ito maputi, pero tumingkad pa rin ang kagandahan nito. Batid niya’y may ibang kinahuhumalingan itong lalaki. Hindi man siya updated sa buhay ng katulong nila ay alam naman niya na wala itong pamilya o nobyo. Nasa treinta y cinco ang edad nito, at noong 20’s pa nito ay nagtatrabaho na ito sa kanila. Mas matanda pa siya rito ng dalawang taon.

“Bakit gan’yan na naman ang itsura mo, Inday?”

Naniningkit ang mga mata niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status