Share

CHAPTER 3

ELIZABETH

Pagkapasok niya sa kanyang opisina ay agad niyang hinahanap ang kanyang sekretarya upang malaman kung ano pa ang naka-schedule sa kanya ngayong araw na ito.

“Where’s, Bella?” tanong niya kay Christian, ang kanyang farm manager na abala sa pag-aayos ng papeles. Napatigil ito sa ginagawa nito, at bumaling ito sa kanya.

He has been employed at the hacienda for roughly four years. He excels in his field, which makes her proud of him.

“Ma’am Liza, hindi pa po dumating si Bella dahil sa nasiraan ang bus na sinasakyan niya."

Tumango siya rito sabay sabi, “Pakisabi sa kanya kapag dumating siya ay puntahan niya ako sa opisina dahil may kailangan kaming pag-usapan.”

Tumungo na siya sa kanyang opisina nang matapos niyang makipag-usap kay Christian. Habang patungo siya sa opisina niya ay binabati siya ng kanyang mga empleyado.

Nang makapasok siya sa kanyang opisina ay agad siyang naglakad patungo sa kanyang mesa. Nang nasa harap na siya ng kanyang swivel chair ay agad niyang sinampay muna ang kanyang satin tuxedo blazer bago siya umupo.

Inabot niya ang mga papeles na nasa mesa niya, at binasa kung ano ang nakasaad. Nakatutok ang atensyon niya sa farm inventory records mula sa labor costs, chemical/pesticide tracking, harvest, and revenue, planting records, shipping records, at iba pang kailangan sa farm.

Napatango siya sa kanyang nabasa. May pagkakataon talaga na bumaba, at tumaas ang kita nila sa isang taon, pero ngayon ay hindi siya makapaniwala na nalagpasan nila ang kita nila noong nakaraang taon. Mas malaki ang dumagdag.

“Good Morning, Ma’am Liza!”

Napatingin siya sa unahan at nakita niya si Bella na hinihingal na dumating.

“Good Morning, tell me about my schedule for today, Bella,” tugon niya rito habang pinagpatuloy niya ang kanyang pagbabasa.

“Ngayong hapon, bandang alas quatro ay may meeting po kayo sa mga distributor, at pagkatapos ng meeting ninyo ay pupunta kayo sa factory dahil may kailangan kayong aasikasuhin sa mga orders."

Tumango siya rito. Kahit may mga tauhan pa siya ay kailangan niyang maging hands-on. Umalis na rin ito nang matapos nitong sabihin sa kanya kung ano pa ang kailangan niya.

Inaabala niya ang kanyang sarili sa harap ng mga papeles na kailangan niyang basahin, at aprobahan. Habang siya’y abala sa kanyang ginagawa, narinig niya ang kanyang mga empleyado na nagkayayaang kumain, pero siya ay patuloy pa rin sa kanyang ginagawa. Kailangan niyang matapos ang tatlo o apat na papeles na kailangan niyang basahin bago mag-alas quarto ng hapon.

Napaangat ang kanyang tingin nang marinig niyang may kumatok. Nakita niya si Bella na may bitbit na lunchbox.

“Hindi ka sana nag-abala, Bella. Alam mong hindi ako kumakain ng ganitong oras.”

“Ma’am, kailangan ninyo pong kumain. Kanina pa kayo diyan at hindi man lang ninyo ginalaw ang dinala kong apple pie.”

Napatingin siya sa mesa niya. Nakita nga niya na may apple pie na nakalagay.

“Hindi ko namalayan na may bitbit ka pala kanina.”

“Abala ka po kasi sa ginagawa ninyo kaya hindi ninyo ako nakita. Kumain ka na po. Masarap kapag mainit pa ang pagkain. Saan ko po ito ilagay?”

Tinuro niya ang kanyang mesa. May bakante naman kaya maaari nitong ilagay.

"Thank you, Bella!"

Ngumiti ito sa kanya.

"You're welcome, Ma'am Liza!"

Umalis na rin ito at tinigil niya muna ang kanyang trabaho para kumain na. Nakaramdam na rin siya ng gutom kaya kumain na siya.

Bandang alas quatro ng hapon, pagkapasok niya sa loob ay dalawang distributor ang naghihintay sa kanya sa conference room. Bumati siya sa mga ito at nilapitan niya ang dalawa para makipagkamay.

"Hindi ko inaasahan na mas maganda ka pa sa personal, Miss Liza.”

Natawa siya komento nito. “Huwag kang magbiro ng gan’yan, Mr. Chua baka totohanin ko talaga ang sinasabi nila na gusto mo ako.”

Napahalakhak ang mga nasa loob ng conference room. Napailing na lang siya at hinila niya ang swivel chair upang maupo. Sinenyasan niya si Bella na ibigay sa mga ito ang proposal.

Sumandal siya sa kanyang inuupuan at pinagmasdan ang mga ito na inaaral ang proposal. Malaki ang binigay niyang discount sa mga ito kaya hindi ito magsisisi sa kanila na sila ang pinili. Nakita niya ang pagngisi ng dalawang distributor. Alam niyang pabor sa mga ito ang offer niya. The more they purchase, the greater the discount, just like any other reliable wholesale company.

Pangisi-ngisi na binigay sa kanya ang folder at tiningnan kung may perma ba galing dito. Nang makita naman niya ay agad niyang binigay kay Bella ang folders, at tumayo siya upang makipagkamay dito.

Nabigla siya nang hinalikan ang likod ng kanyang palad ng isang binatang distributor. Blangkong tingin na tiningnan ito sa mapangahas na paghalik sa kanyang palad.

"Anong ginagawa mo, Mr. Torres?"

Umaangat ang gilid ng labi ng lalaki.

"Miss Liza, I just can't help but kiss your hand. You are such a gorgeous woman."

Malapit na siyang mapaikot sa kanyang mga mata sa pinagsasabi nito. Hinila niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki. Sa totoo lang, nagtitimpi siya upang hindi niya ito masampal. Isa ang nararamdaman niya rito, pandidiri.

"Mr. Chua, you're not my type, so could you just stop what you were doing?"

Alam niyang marami itong kinalantari kaya hindi na nakapagtataka na pati siya ay gusto nitong patusin. Tumaas ang gilid ng labi niya at marahas na hinila ang kamay niya.

Narinig niyang tumikhim si Mr. Torres upang agawin ang kanilang atensyon.

"Miss Liza, aalis na kaming dalawa dahil alam kong marami ka pang gagawin."

Tumango siya rito at nagpasalamat kay Mr. Torres. Hindi na siya nag-abalang tumingin kay Mr. Chua dahil naiinis siya rito.

Nang makaalis ang mga ito ay silang dalawa naman ni Bella ay lumabas na rin sa conference room. Tumungo siya sa kanyang opisina, at kinuha lamang ang kanyang mga gamit. Nang matapos niyang makuha ang kailangan ay dumiretso na siya sa factory na ilang minuto lang ang layo. Pupunta siya upang asikasuhin ang mga orders.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na siya sa mismong factory. Sinalubong kaagad siya ni Samuel para ibigay ang mga listahan na kailangan niyang tingnan. Wala silang sinayang na oras dahil kailangan nilang tapusin ang mga na delayed na delivery. Sunod-sunod kasi ang order ng mga supermarket at karatig bayan.

Bawat isa sa kanila ay abala na sa kanilang ginagawa. Alam niyang may mga tauhan siya, pero gusto niyang tumulong sa mga ito.

Sa daming ginagawa ay hindi niya napapansin na umabot sila ng hating gabi dahil ilang box din na prutas, crops at iba't-ibang gulay. Nang matapos ang lahat na kanilang ginagawa ay umuwi na siya sa bahay upang magbihis. Aalis siya upang magpawala ng stress sa katawan. Gusto niyang lumabas dahil para maibsan ang stress sa katawan niya. Nang matapos siya sa pag-aayos ng kanyang sarili ay agad siyang tumungo sa lugar kung saan nakakawala ng pagod at sumaya siya kahit sandali. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang ipaalam sa kaibigan niya na aalis sila ngayong gabi. Nagpadala siya ng mensahe kung saan sila magkikita. Ilang minuto ang paghihintay niya ay nag-reply naman ito sa kanya na pupunta ito. Napangiti siya at ipinagpatuloy ang naudlot niyang pagsusuot ng dress. Knee-length black dress with a backless design, and has a cut slit on the left side. When she checked her figure in front of the full-length mirror, she appeared gorgeous and seductive. She then went to her vanity to apply minimal makeup and apply red lipstick to her pouty lips. After finished putting her makeup, she wear pair of 2 inch high heels and decided to leave.

Habang bumaba siya mula sa ikalawang palapag ay napansin niya ang kanyang ama na abalang nakikipag-usap sa telepono. Kumunot ang noo niya dahil sobrang dilim ng ekspresyon nito.

Hindi siya nito napansin dahil nakatuon talaga ang atensyon nito sa kabilang linya. May problema ba ito?

Balak sana niyang magpaalam dito kaya lang huwag na lang. Ayaw niyang makadisturbo kay Papa. Nang makababa na siya ay hindi na niya ito pinansin at tuloy-tuloy ang kanyang paglalakad patungo sa labas. Mga ilang hakbang pa lang niya ay narinig na lang niyang minura nito ang kabilang linya.

"Don't you dare! Hindi ako makakapayag na sirain mo na naman ang buhay niya! You were the death of her!"

Napailing na lang siya, at lumabas na sa kanilang bahay. Kahit gustuhin man niyang makialam ay huwag na lang dahil ayaw niyang pagbuntunan siya nito ng galit. Kahit minsan ay hindi pa niya ito nakitang naging mahina. Si Papa kasi iyong tipong lalaki na mahirap malaman kung anong nasa isip nito. Ang palagi niyang nakikita rito ay seryoso, at tahimik. Iba ang pakikitungo nito sa kanya kaysa sa Kuya Enzo niya. Malapit ito sa Kuya niya, at siya naman ay sa kanyang ina. Hindi pa niya nararanasan iyong katulad ng ibang anak na babae na itinuturing talagang prinsesa. Kahit minsan man lang sa buhay niya ay umaasa siya na makaranas ng yakap mula sa kanyang ama, subalit hindi siya pinalad.

Madilim ang daan na tinahak niya patungo roon. Streets light lang ang nagbibigay liwanag sa dinaraanan niya. Sa totoo lang, madalang lang siya lumabas dahil sa tambak na trabaho sa farm. Gusto na muna niyang magsaya kahit sandali man lang.

Madilim ang buong paligid. Nasisinagan lang ay ang disco light sa loob ng silid. Inilibot niya ang kanyang paningin at iniabot ang sigarilyo na nasa ashtray bin at isang basong may laman na alak. Sumandal siya sa couch at pinagmasdan ang lalaking sumasayaw sa harapan niya. Kasama niya ngayon ang kanyang kaibigan na si Antonia. Tinawagan kasi niya ito dahil gusto niyang magpasama dahil naiinip na siya sa bahay. Nandoon kasi ang Kuya niya kaya ayaw niyang masiraan ng ulo dahil sa panay hingi ng pera kay Papa. Hindi niya maintindihan kung bakit panay bigay ang ama niya. Naiinis na siya sa kanyang kapatid dahil kalalaking tao ay palaging tinakbuhan si Papa kapag pera na ang pag-uusapan.

“Bakit sambakol na naman ang mukha mo?” tanong ni Antonia sabay abot ng ladies drink nito at uminom.

Napahinga siya ng malalim, at napahilot sa kanyang sentido. Sumasakit na ang kanyang ulo dahil pati siya ay nadamay. Nag-send si Papa ng mensahe na binigyan na nito ang kanyang kapatid ng pera.

“Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Papa. Palagi na lang niyang binibigyan ng pera si Kuya Enzo. Alam ko naman na hindi ang secretary niya ang kumuha kundi ang nobya niya.”

Pati ito ay napailing na lang sa kanyang sinabi. Nadismaya itong nakatitig sa kanya.

“Pumayag siya na bigyan ito ng pera?”

“Alam mo naman si Papa. Pagdating kay Kuya Enzo ay hindi ito tatanggi.”

Natawa na lang ito sa kanyang sinabi. Tinungga na rin niya ang natirang alak sa kanyang baso, at pabagsak na nilapag sa mesa nang matapos niyang inumin ito. Sobrang spoiled kasi ng Kuya Enzo niya kaya lahat ng gusto nito ay kayang ibigay ni Papa. Hindi na niya alam, kung kailan ito titino. Puro ang girlfriend na lang nito ang iniisip nito. Humigop siya sa kanyang sigarilyo, at bumuga ng usok bago niya itinuon ang atensyon sa harap.

“Wala ka bang balak na mag-settle down?”

Tumaas ang gilid ng labi niya sa tanong nito at mahinang natawa.

“Nope,” tugon niya rito.

Sinenyasan niya ang lalaki na lumapit sa kanya. Agad naman itong sumunod sa kanya.

“Come, touch me,” maawtoridad niyang sabi.

Narinig na lang niyang natawa ang kanyang kaibigan sa kanyang sinabi. Nakita niya ang gulat sa mga mata ng stripper. Yes, kumuha sila ng stripper upang maaliw siya at mawala ang pagka-bored niya. Kaninang umaga sana ay maganda ang araw niya kaya lang nang dumating ang kapatid niya ay nawala siya sa mood.

Nakita niya ang pag-aalangan sa mga mata nito. Pinanlilisikan niya ito ng mga mata. Ayaw pa naman niyang uulitin ang kanyang sinabi. Nagsalin siya ng alak sa baso niya at sinenyasan niya na lumapit pa ito sa kanya.

“Kailangan ko pa bang uulitin ang sasabihin ko? Hindi ka naman bingi, diba?”

“Hindi po, Miss E.”

Napangiti siya nang umupo ito sa tabi niya, at agad nitong dinantay ang kamay nito sa hita niya. Napatingin siya sa kaibigan na umiling na lang, at sinenyasan siya nitong aalis na ito.

“Lalabas muna ako para hindi ka madisturbo, at ipagpatuloy iyang kalokohan mo,” wika nito sabay tayo at umalis na sa silid.

Tiningnan niya ang lalaki na nagsisimula nang hawakan ang kanyang hita at minamasahe ito.

“M-Miss E…”

Walang ganang tiningnan niya ito. Nakita niya ang pangamba sa mga mata nito, pero may naaninag siyang pagnanasa sa mga mata nito. Miss E, ito ang palayaw niya kapag nasa isang pribado silang lugar. Lugar kung saan ay pwede siyang magsaya, at walang makakapigil sa kanya. Isang lugar, kung saan malaya siyang gumawa ng mga bagay na hindi niya magawa sa labas. This is a club where you can go crazy, and have a good time. Maraming sekreto ang nandito. Mga pulitiko, kilalang tao o pati mga artista ay may lihim na tinatago katulad na lang sa gustong gumawa ng mga bagay katulad na lang ng BDSM. Ang BDSM ay isang roleplaying o erotic practices. Maaaring gawin sa partner o sa maging katalik. Kung ito ang gusto ay maaaring gawin dito sa lugar na ito. Kung tigang ay ito ang nababagay sa katulad niya.

“Hahawakan ko ba ang mga maselang parte?”

Tumirik ang kanyang mata dahil sa napaka-stupido ng tanong nito.

“Yes, of course. Magtitigan na ba tayo rito? Binayaran kita upang pasayahin ako.”

“Sorry, Miss E.”

Lumuhod ito sa harapan niya at pinasok nito ang kamay nito sa ibaba niya.Tinungga muna niya ang alak bago sumandal. Naramdaman na lang niya ang paghaplos nito sa kanyang hiwa. Pinikit niya ang kanyang mga mata upang maramdaman niya ang ginagawa nito. Napaikot siya ng kanyang mga mata dahil wala siyang maramdaman dito. Sa kalagitnaan nang paghaplos nito ay naramdaman niyang hinawi nito ang kanyang panty kaya naimulat niya ang kanyang mga mata.

“Don’t,” matigas niyang sabi kaya napatigil ito.

Kahit kailan talaga. Hindi siya satisfied sa ginawa nito. Para itong tuod kung kumilos.

“Po?”

She rolled her eyes at him. Sinenyasan na tumayo ito, at siya naman ay inayos niya ang kanyang dress.

“Para kang tuod. Pati kamay mo ay nanginginig. Wala ka bang experience sa ganito?” Akmang sasagot na sana ito nang inunahan na niya. “Get out!” bulyaw niya rito.

Napabuga siya ng hininga, at napailing na lang. Nagsalin siya ulit ng alak sa kanyang baso, at uminom. Akala pa naman niya ay magaling ang binigay sa kanya na stripper, iyon naman pala’y palpak. Nandito siya upang magsaya ngayong gabi dahil ayaw niyang malugmok sa pagkainip. Wala na ba talagang lalaki na makapagpaligaya sa kanya sa kama? Wala talaga siyang mahanap na magpapaligaya sa kanya. Puro tuod ang mga lalaking nahanap niya. May mga batang lalaki siyang nakuha noon ngunit nasayang ang oras niya dahil wala kahit ni isa sa kanila ang na-meet ang gusto niya.

Napatingin siya sa biglaang pagbukas ng pintuan. Nakita na lang niya ang kanyang kaibigan na kunot-noo siyang tiningnan.

“Wala ka talagang pakialam na magwaldas ng pera, ano? Ano na naman ito?” Pinameywang siya nito.

“Wala siyang kuwenta kaya pinaalis ko. Parang hindi lalaki.”

Napasinghap ito at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. “Ikaw talaga! Kaya ka tumatandang dalaga dahil sa ugali mo. Gumamit ka ng adult toys para ma-satisfied ka sa pinaggagawa mo. Hindi ko alam kung babae ka ba o lalaki dahil sobrang libog mo.”

Natawa siya at napailing.

— — — —

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status