Share

CHAPTER 1

Elizabeth

      Napasapo na lang sa ulo si Elizabeth dahil nahihilo na siya sa palakad-lakad ni Antonia sa harapan niya. Hindi niya maintindihan, kung bakit ito pa ang na-stress kaysa sa kanya. Halatang stress si Antonia dahil hindi malaman kung ano ang nasa utak niya. Bakit umabot sa punto na magbabayad pa siya ng lalaki para magpaligaya sa kanya sa kama? Ano bang magagawa niya kung hindi siya satisfied sa ginawa ng mga lalaki sa kanya? Gusto niya iyong nakaka-excite na ganap. Hindi iyong siya pa ang magpapaligaya sa kanyang sarili para malabasan siya. Sa kalagitnaan pa lang ng ginagawa nila ng lalaki ay bigla siyang nawalan ng gana. Sa puntong gustong-gusto na niya ay iyon pa talagang mawawala ang pagnanasa niya.

     Ang tanga niya kasi kung bakit ngayon pa na lampas na siya sa kalendaryo saka na siya lumandi. Hindi naman niya pwedeng sisihin ang sarili kung bakit ngayon pa lang siya lumandi. Noong nasa twenties pa lamang siya ay ini-enjoy niya ang kanyang buhay na sumaya. Wala munang sagabal sa buhay niya dahil gusto niyang focus siya sa pamamahala ng hacienda nila. She enjoys spending time at the hacienda. She is free to do whatever she wants to achieve her goals, such as pursuing her ambitions of becoming a successful woman. Pero ngayon nasa edad na thirty-seven ay nagsisisi siya kung bakit hindi siya maagang naglandi. Dito na siya sa point na malapit na siyang mag- menopause. She freaking needs someone to do ‘it’ with her. Gusto niyang magmura dahil kahit anong gawin ng lalaki sa kanya ay wala siyang maramdaman at hindi siya nakaramdam ng galak kapag nasa kalagitnaan. Para siyang tuod na nakatihaya lang. Kulang na lang sisipain niya ang lalaki.

“Pang ilang lalaki na iyan, Liza? Nakokonsumisyon na ako sa’yo.”

       Napasabunot ito ng buhok ng dalaga sa kanya. Kanina pa ito talak nang talak at walang katapusan na pangaral sa kanya, pero kahit isa ay walang pumasok sa utak niya. Hinahayaan na lang niya itong tinalakan siya. Alam naman kasi niya na nag-alala ito sa kanya, pero hindi nakakatulong ang concern sa kanya kung siya ay desperada na.

"I'm not sure," she said. "At the end of the day, I was fooled by myself,  Antonia. None of them can meet my needs, and that is to please me. Sa rami ng lalaki sa mundo, bakit isa sa kanila ay  hindi makamit ang gusto ko?”

    Tinaasan siya nito ng kilay at binitawan niyang salita. Napahinga ito ng malalim at napasapo sa noo nito.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sa’yo,” pagod nitong sabi. “Siguro ang taas ng standards mo sa isang lalaki kaya walang magkakagusto sa’yo o ‘di kaya ay hindi ka pa rin naka-move on kay Enrique, tama ba ako?”

  

    Pagak siyang natawa sa huling sinabi nito.

“Bakit napunta sa lalaking iyon ang usapan natin?”

   Kumibit-balikat ito at mataman siya nitong tinitigan.

“Simula kasing iniwan ka niya ay bigla kang nagbago. Naging mailap ka na sa lalaki at nilayo mo ang sarili mo na ma-in love ulit. Focus ka kasi sa work mo kaya nalipasan ka na nang panahon at ito nga, mukhang tanga at loka-loka dahil sa mataas ang standards ng lib*do mo. Kaya nga hanggang ngayon ay ini-enjoy mo ang mga bagay-bagay at iyon ay ang maglaro sa  apoy. It feels so good to be in love, Liza. To be happy and start a family, you must first fall in love.”

Awtomatikong napatikwas ang kilay niya sa sinabi kay Antonia.

“I don’t need a man to be happy, Antonia. For now, I'd prefer to be with someone who can give me what I want. I'm far too old for that."

 “Saan bang lumalop—”

 “Ang ingay mo!”  Tinakip niya ang kanyang tainga dahil naririndi siya sa litanya nito.

           Nahihibang na ba siya? Maybe yes or no, it depends on the situation. Kung gusto niya ang lalaki na makasiping. Yes, she is desperate to do it because she feels something is missing and that is to fulfill her desire.

     “Nahihibang  ka na ba, Liza? Ano ba ang pumapasok sa kokote mo para gawin mo iyan? Paano kung malaman ni Tito iyang pinaggagawa mo? Baka itakwil ka nila dahil sa pagkamanyak mo!”

     “ Manyak?” hindi makapaniwalang tanong niya.

   “Sa haba ng litanya ko ay tumatak lang sa’yo ay ang manyak? Sa edad mo na iyan, may magkakagusto pa ba sa’yo? Kung meron man, pera lang habol nila sa’yo.”

    Napasinghap siya dahil pinagdidiinan talaga nito na manyak siya. She flipped her hair and she sat properly. Sa totoo lang, she felt insulted  because what she said to her was like she's a really crazy woman. Tama naman kasi ang sinabi nito na nahihibang na siya. Sinong matinong babae na hindi matahimik kapag hindi ma-fulfill ang kanyang ninanais?

   Siguro para rito at nababaliw na ang kanyang isip dahil sa weird na ninanais. Pero, sa kanya ay wala siyang pakialam kung ano ang mga komento ng nasa paligid. Gusto lamang niyang matupad ang gusto niya.

    Masama bang magbayad siya ng isang lalaki para paligayahin siya? Wala naman, ‘di ba? Nasa tamang edad na siya na lumandi at may sarili siyang desisyon upang makuha ang kaligayahan niya. Nasa edad na siya na maging desperado dahil lampas na siya sa kalendaryo at malapit na rin siyang mag-menopause. Hanggang sa may asim pa siya ay gagawin niya ang lahat upang paligayahin ang sarili niya. Oo, madaling makahanap ng lalaki kapalit ang pera at makahanap ng lalaki na makapagpainit ng gabi mo. Marami ngang mga lalaki sa mundo, kaya lang sadyang 2 out of 10 ay isa siya sa babae na hindi interesado na maikasal.

     Hindi niya na lang pinansin ang kaibigan at sinaksak ang wireless earphone niya sa magkabilang tainga niya para hindi niya marinig ang pinagsasabi nito. Eksakto rin na may tumawag sa kanya at napangiti na lamang siya nang mabasa niya ang location kung saan sila magkikita.

      Tumayo na siya at kinuha ang susi na nakalapag sa kanyang desk. Lumabas na siya sa kanyang study room. Narinig niya ang sigaw nito mula sa loob. Wala rin naman itong magagawa kung ito ang tinatahak niyang landas. Masaya siya sa ganito at hindi siya masasaktan sa kanyang desisyon.

     Nang nakarating na siya sa isang Villa ay agad siyang tumungo sa isang silid kung saan may naghihintay sa kanyang sampong lalaki. Ngumiti siya sa kanan kung saan ang pinakahuling silid ang pinuntahan. May isang lalaking naghihintay sa kanya at binigay sa kanya ang susi. Susi na para lamang sa kanya.

“Enjoy your night, ma’am,” bungad nito sa kanya na nakangiti.

    Kumuha siya ng pera sa kanyang purse para bigyan niya ito ng tip.

“That’s yours.” Binigay niya ang pera at agad na lumuwa ang mga mata nito dahil sa perang binigay niya.

“Maraming salamat po, ma’am.”

    Sobrang liwanag ng mukha nito nang binilang nito ang salapi na binigay niya.

“I will add some more if you keep your mouth shut.”

“Yes, ma’am!” Sumaludo ito sa kanya. “ Makakaasa po kayo!”

    Hindi pa rin humupa ang saya sa tono ng boses nito.

    Tumango siya rito at ngumiti sa security guard. “ You should go now.”

     Binigyan siya ng isang saludo  bago umalis sa kanyang harapan. Nang wala na ito ay agad siyang lumilinga sa paligid niya bago siya pumasok sa mismong silid. Pagpasok pa lamang niya ay agad na bumungad sa kanya ang mga lalaking may hawak na resume. Tumayo ang mga ito nang makita siya upang magbigay respeto sa kanya.

“Good Evening, Miss E!”

     Tumango siya sa mga ito at tiningnan ang sampong lalaki mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo niya sa mga ito. Hindi niya maisip kung anong sasabihin niya. Kaya sinabihan na lang niya ang mga ito na iisa muna ang papasok sa kwarto niya.

“Did you check all of their stuff they brought?”

“Yes, Miss E.”

“What about the device? You're well aware that bringing a device into this place is strictly prohibited."

“Na-check na po, Miss E.”

“How about their health?”

“Done, Miss E.”

 “Good,” tugon niya rito at tiningnan niya ang mga lalaking aplikante.

  Agad niyang tiningnan ang kanyang sekretarya at bahagya siyang tumango. Naintindihan na nito kung ano ang ibig sabihin nang pagtango niya. Tinalikuran na niya ang kanyang sekretarya at pumasok na sa silid niya. Tumungo siya sa kama at agad na naghubad ng kanyang damit. Iniwan lang niya ang undergarments niya.  Kinuha niya ang isang tuwalya na nasa kama para takpan ang kanyang katawan. Narinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan hudyat na may pumasok. Hindi niya alam kung sino ang nasa likuran niya dahil nakatalikod siya. Napangisi siya nang marinig niya ang pagsinghap. Tinakpan niya muna ang kanyang sarili bago siya humarap sa lalaki.

“Touch me. I want to feel your touch,” utos niya sa lalaki.

     Umupo siya sa kama  at pinikit niya ang kanyang mga mata. Gusto niyang maramdaman pa niya lalo ang paghaplos ng kamay nito sa balat niya.  Gusto niyang maramdaman ang sensasyon na dulot ng kamay ng lalaki. Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang balikat. When she felt his hands shaking, she hissed and glared at him.

“Out,” nagtitimping saad niya.

“Po?” gulat nitong tanong sa kanya.

“Bingi ka ba? Sabi ko, umalis ka na at dalhin mo itong resume na hawak mo.”

   Tumayo na siya at pinagbuksan ito ng pintuan. Nang hindi pa rin ito makakilos ay sinigawan niya ito. Tumayo na ito at lumabas sa silid niya. Tiningnan niya ang kanyang sekretarya at sinenyasan na bigyan ng pera ang lalaki. Money is the best way to keep his mouth shut. She doesn’t want someone who knows her secret.

     She will hire someone who can meet her demands. The person who will keep her bed warm. Hindi iyong mukhang tuod. Kaya nga naghanap siya ng lalaking makakapagbigay init at hindi siya pa iyong kikilos. Anong silbi ng paghahanap niya kung siya rin ang nagpapaligaya sa kanyang sarili?

“Next!”

    Isa…

   Dalawa…

   Tatlo…

  Apat…

Lima…

    Hanggang umabot sa siyam ngunit wala siyang makita. Gusto niyang magwala. What the hell! Walang kahit ni isang lalaki ang nakakapagligaya sa kanya. Uminit lalo ang kanyang ulo dahil nasayang lang oras ang pagpunta niya rito. Aiish! Walang silbi ang pagpunta niya rito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status