Share

CHAPTER 15

MITSUKI’S POV

Sobrang nag-enjoy kaming tatlo sa naging rides namin at sa totoo lang lumabas ang pagiging bata ni Sir Ashton na ngayon ko lang nakita at parang ang daming nangyare kahit na konti pa lang ang nasasak’yan namin. Nang mapagod kaming tatlo ay saka namin naisipan na magpahinga muna. Napahawak ako sa ulo ko at saka ako tumingin sa buong paligid.

“Grabe ang saya no’n,” sabi ko at saka sila tumingin sa ‘kin.

“Ngayon ka lang ba nakarating dito?” tanong ni Janne.

“Hindi pero matagal na ng huli akong puminta dito,” sagot ko naman.

“What do you want to eat?” tanong ni Sir Ashton at napalingon kami sa kanya.

“Kahit ano basta walang lason,” sagot naman ni Janne sa kapatid nya.

Tumango na lang si Sir Ashton sa ‘min at saka nya ako tinignan at tila tinatanong kung anong gusto kong kainin. Tumingin ako sa mga vendor na nagtitinda at saka ako nag-isip ng kung anong maaring kainin. Nang makita ko ang isa ay saka ako ngumiti at saka ko tinuro ang vendor at ngumiti sya sa ‘kin. Sinun
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status