Share

Chapter 3

Sunod sunod ang doorbell sa pinto ni EL pero hindi pa din ito nagigising.

Dulot marahil ng dami ng alak na nainom niya kagabi kung saan siya inabot ng madaling araw.

Susuko na sana ang best friend nito sa pambubulabog pero sunod siyang pinagbuksan ng halatang katatayo lang mula sa kama na si EL.

"Ang aga aga istorbo ka.." Maktol nya sa kaibigan. Agad namang ipinamukha sa kanya nito ang suot na watch.

"Tanghali na ho.." Ismid nito.

"Saang lupalop ka nanaman ng mundo nag aliw aliw?? Ikaw talaga.. Tapos mo na ba yung blue print?" Pahayag nito habang papasok sa loob ng condo ni EL.

Since high school hanggang mag college ay matalik na silang magkaibigan.

Architect si EL habang si Alyah, hindi niya tunay na pangalan, isang Engineer. Alyah is gay.

At hindi rin lingid rito ang tunay na pagkatao ni EL, a lipstick lesbian.

Napaupo sa couch si EL na napasuklay ang mga daliri sa magulo at mahabang buhok.

"Ang layo pa ng deadline, Alyah. Isa pa it's almost done kaya mag relax ka lang.." Wala pa din sa kondisyong hayag ni EL.

"Ayan.. Puro ka kasi babae, inom kaya hindi mo na alam kung anong nangyayari. Nagmessage ako sayo hindi ba? The client wanted it to rush.."

Sunod ang pagsalubong ng kilay ni EL sa narinig.

"What?! Anong palagay niya satin machine?!"

Bakas sa mukha nito ang pagkairita ng malala. Sumasabay pa ang pagsakit ng kanyang ulo.

"Ikakasal na kasi. Gusto niyang after ng kasal may nakatayo na sa lote... Surprise sa wife niya for sure.." Maarteng paliwanag ni Alyah.

May pagkumpas pa ng mga daliri sa hangin kasabay ang pag galaw ng kanyang ulo.

"Ang swerte ni gurl no?! Sana all may fiance na pinaghahandaan ang future.."

Hindi na nakapag komento pa si EL dahil muling bumalik sa alaala niya ang babaeng naka one night stand sa party na isinama lang din siya ng kanyang kaibigan.

Pumukaw sa kanya hindi lang ang saksakan ng ganda at sexy nito kundi higit sa lahat ang malungkot na mga mata sa likod ng ngiti at tawa nito sa kabila ng nalalapit na kasal.

Ang gabing iyon ay tumatak ng husto kay EL. Pakiramdam niya gusto niyang malaman kung bakit may lungkot sa babaeng iyon at parang gusto niyang mapasaya ito sa paraang alam niya.

Pero taken na nga ang babae kaya pinagsa walang bahala na lang niya ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Pilit niyang pinaniniwala ang sarili na isang one night stand lang iyon.

Minsang kasiyahan, panandaliang ligaya sa madaling salita. Hanggang doon lang yun at ibinaon na niya agad sa limot.

Kung paanong natapos ang party ay kasabay din nun ang saglit na nabuo sa kanilang dalawa.

"Hoy! Bakla... nakikinig ka ba sakin? Tulala ka nanaman diyan.. Ano na? Magtrabaho tayo.. Pagagalitan tayo niyan ni Boss.."

"Do you believe in love at first sight?!" Wala sa sariling naitanong ni EL.

"Huh?? Ano??!" Naguguluhang tanong naman ni Alyah.

Isang masamang hangin lang ang pinakawalan ni EL. Hinawi sa kanyang isipan ang kaninang lumabas sa kanyang bibig at bumalik sa sinasabi ni Alyah.

Sisiw lang naman kasi sa kanya ang kailangang madaliin. Isa ata sya sa pinaka kilala at magaling na architect sa buong Pilipinas.

Gaano man kagulo, kakumplikado ng buhay nya ay siyang kabaliktaran naman sa kanyang profession at career.

Satisfied lahat ng client nila at madalas siya pa ang mismong nirerequest ng mga mayayamang nagpapagawa ng bahay, commercial building o kahit anung establishment.

Nakapila ang projects sa kanila ni Alyah. Isa sa nakasanayan na nilang magkaibigan, hindi tatanggapin ni EL ang isang project kung hindi si Alyah ang magiging Engineer niya.

Ganun din pagdating kay Alyah. Walang deal kung hindi si EL ang architect.

"Give me at least one week..."

"What??? Hindi ba kaya ng 2 days yan? Magaling ka naman ei...... Sa puyatan. " Aberya ni Alyah. Salubong nanaman tuloy ang kilay ni EL.

"Three days. And that's final.. Kung ayaw nila edi mag hanap sila ng bagong architect.." Walang pakialam nitong hayag saka tumayo.

"Aba hindi ka talaga takot mademanda? At magmulta ah .." Suhuwesyon ni Alyah.

Makalipas ang two days nameet nga ni EL ang usapan.

Sinimulan na din ang pagpapatayo ng dream house ng client nila.

"Alam mo.. sigurado ba talaga ang taong ito na gusto niyang magkapamilya?" Tanong ni EL ng nasa site sila ni Alyah, tinitignan ang design at magiging kalabasan ng bahay.

"Bakit naman? Kaya nga magpapakasal, ibig sabihin sunod nun pagpapamilya na.."

"Hindi kasi kid-friendly yung gusto niyang design ng bahay. Daming kanto.. Yung mga materials na gusto puro matitigas. Too masculine.."

"Wow! Architect ka nga talaga na may pusong babae... ano?!" Tugon ni Alyah.

"Bakit mukha ba akong lalaki sa paningin mo? Huh? Alyah? Babae pa din ako nu! Na babae din ang gusto..."

"Ayun.. At teka nga kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa gusto ng client? Trabaho trabaho lang diba? Walang personalan.."

"Bawal na ba magsabi ng creative input? Sana hiningi niya din ung opinion ng magiging ilaw ng tahanan niya.."

"Oh! So.. that's it.. You are concerned doon sa magiging wife...Okay.. bago yan ah. " Taas kilay na saad ni Alyah. Pinagkrus pa ang mga kamay sa kanyang dibdib.

"Oh nga pala by next month gusto ng client buo na yung first-floor ng bahay.."

"That's your problem, Alyah. Not mine.. Ikaw ang engineer hindi ba.." Sagot ni EL na sandaling naging abala sa kanyang phone.

"Sinasabi ko lang. At walang hassle kasi willing naman siya gumastos ng malaki para mapabilis lahat . Teka sino yan?!" Agad na itinago ni EL ang phone niya.

"Hoy... Nakita ko yun.. Sino yun? In fairness ha. Maganda siya.." Isang nakakalokong ngiti ang pinukaw sa kanya ni Alyah.

"Wala yun... Napadaan lang sa buhay kong apaka messy..."

"Malay mo naman.. Hindi lang pala napadaan kundi nakatadhana ding umayos.. Ng MAGULO mong BUHAY..." Sabay tawa nito na nang aasar.

Humabol pa nga.." Wag ka.. Naniniwala ako lahat ng taong nakikilala natin o kahit pa nga yung sandali mo lang nakasama o nakausap mo lang kung saan.. Lahat ng yun may purpose sa buhay natin.."

"Kung ano anong pinaniniwalaan mo, Alyah. Nagagawa talaga ng love sayo.. Palibhasa may jowa ka ngayon kaya napaka fictional mo.." Singhal ni EL.

"Ei ikaw naman puro kabiteran ang andyan sa dibdib mo.. Move on move on din kasi.."

"At sinong may sabi sayong hindi pa ko move on? Aber? Hello.. Mukha ba akong broken hearted? Strong to nu.." Kontra naman ni EL sa mga sinabi niya.

"Strong na yung tawag mo dyan? Halos araw araw nakainom.. May hang over every morning.. wow. Wag ako bakla.." Ganti naman ni Alyah.

"Ikaw ang bakla no.. hindi ako.." Hinagisan siya ni EL ng ballpen.

"Aba nagsalita ang hindi baliko.. Accla ka din no.. Babaeng maganda at sexy pero babae din ang gusto.. asus.." irap ni Alyah bago tumuon sa kanilang trabaho.

Saglit namang namutawi ang imahe ni Lara sa isip ni EL kasama na roon ang isang gabing pinag saluhan nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status