Share

Chapter 5

"San ka galing?" Salubong ni Elton ng makabalik si Lara.

"Hindi ba halata.." Tugon niya ng hindi hinaharap ang fiance niya.

"I'm asking you, nicely.. Ano bang sagot yan. Tsaka jogging hanggang ganitong oras? Napaka init na Lara.. Magkaka sun burn ka niyan.." Saka pa lang humarap si Lara.

Nakatingin lang ito na tila may sinasabi pero sa utak lang niya.

"What? Ganyan ka makatingin. I'm just worried about you. Wala ng vitamins ang sikat ng araw pag ganitong oras na.."

Napaglapat na lang ni Lara ang labi niya na tila nagpipigil sumagot ng pabalang.

"Sorry.. May nakasalubong kasi akong friend. Napahaba ang kwentuhan kaya hindi ko namalayan yung oras.." Sa sinabi niyang yun muling sumagi sa utak niya si EL at ang pagtataksil niya.

Bakit ganun na lang ang epekto ng babaeng yun sa kanya. At bakit hinayaan niyang may mangyari sa kanila. ULIT??

Matapos ng sinabi niya ay tinalikuran na niya si Elton para mag shower.

Habang umaagos ang tubig sa katawan ni Lara ay muling tumakbo sa isipan niya ang mga kaninang kaganapan lamang.

Ang bawat halik, haplos at ang pag angkin sa kanya ni EL ay hindi niya malimutan at paulit ulit sa utak niya na parang sirang plaka.

Nagtataksil siya at hindi iyon biro dahil malapit na silang ikasal ni Elton. Kung bakit ngayon pa naging mas lalong magulo ang lahat. She never been into girls or even get attracted to them so why now? She's straight like a pole until now.

Napabuntong hininga siya ng malalim sa isiping iyon. Ano ba ang pinasok niya at bakit tila pinag aadya pang magtagpo silang muli ni EL.

Kasabay ng pagdampi ng mga kamay sa sariling katawan ay ang ala-ala at tila fresh pang pakiramdam sa kanyang pagkatao ang naiwan mula sa makasalanang nagawa niya kanina lang.

Malaking gulo kapag nalaman ni Elton ang lahat lalo na kung isipin nito na si EL ang punot dulo ng pagbabagong nararamdaman niya. Samantalang wala pa si EL sa picture ay talagang nagkakaroon na siya ng agam agam patungkol sa relasyon nila ni Elton.

"Lara... Are you not done yet? Gusto ko sanang sa labas na tayo kumaen."

Natapos ang mga isipin ni Lara ng marinig ang malakas na boses ni Elton. Hindi niya na alam ang gagawin at paano mawawala ang tila malaking batong nakadagan sa dibdib niya.

"We will meet some friends kaya baka abutin tayo ng hapon or gabi.." Sambit ni Elton ng makalabas siya ng banyo.

"Okay." Tanging sagot niya.

"You seem quiet. Okay, ka lang ba?!" Usisa ni Elton ng nasa sasakyan na sila.

"Yeah, I'm okay.. I'm always okay.." Kabaliktaran ng tunay niyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Hindi mawala sa isip niya ang imahe ni EL, lalo na ang ginawa nila. May kung anong kasabikan ang pilit nabubuhay sa kalooban niya.

Iyon lang uli ang pagkakataong nakaranas siya ng kakaibang excitement pagdating sa sex life niya.

"Elton!" Sigaw ng pamilyar na tinig. Kusa na lang nawala ang kamay niya sa pagkaka kapit sa braso ni Elton ng maglakad ito palapit sa tumawag.

"Kamusta.." Bati nito. Nakasunod lang si Lara sa likod na tila nagsilbing alalay.

"Hi.. Lara.. Congrats nga pala. Malapit ka na maging Mrs. Anderson.." Sambit ng lalaki ng bumalin naman sa kanya.

Ngumiti lang naman siya saka pumuwesto na ng upo sa tabi ni Elton.

Mga katrabaho ni Elton ang kasabay nilang mag late lunch and early dinner at mukhang may plano pang mag bar after na ayaw naman sumama ni Lara pero syempre hindi siya pwedeng bumalik mag isa sa apartment ng hindi kasama si Elton. Away nanaman panigurado.

Nang matapos silang mag lunch ay dumiretso nga sila sa isang bar malapit lang din sa area.

"So, Elton invited ba kaming lahat sa kasal mo? Wala pa ata akong invitation?!" Pagbibiro ng isang team leader.

"Oo naman lahat kayo invited.." Nakangiting sagot naman niya. Bumalin pa ng tingin kay Lara saka nginitian ito at pinisil sa kamay.

Gumanti lang din ng payak na ngiti si Lara.

Nagkakasiyahan na ang lahat at ang iba ay may kanya kanya ng usapan. Nakaramdam si Lara ng pagkabagot pero wala naman siyang magawa.

Maya pa ngay bumulong siya kay Elton na magbabanyo lang. Hindi pa siya nito agad na narinig sa ingay sa lakas ng tugtog sa loob.

Habang papunta ng banyo napapa ismid si Lara sa pagkairita dahil sa mga taong nasa daraanan niya. Medyo masikip na din kasi gawa ng dumadami na ang customer.

"Lara?!" Isang pamilyar na boses ang nadinig niya sa kabila ng ingay sa paligid. Hindi siya maaring magkamali at sigurado siya kung sino iyon.

Hindi siya lumingon at nagpatuloy lang sa paglakad patungo ng banyo hanggang makapasok siya. Wala siyang kamalay malay na nakasunod na pala sa kanya si EL.

"Hey.. Didn't you hear me? O iniiwasan mo ako?" Kasabay nun ang pagpigil niya sa braso ni Lara. Naniningkit ang mga mata niyang sinalubong ang alanganing mga mata ni Lara.

"Bakit naman kita iiwasan? Naiihi na kasi talaga ako.." Maagap na tumalikod si Lara para pumasok isa sa mga cubicle. Pero hindi niya inaasahan ang sunod na gagawin nito.

"Hey!" Sita niya kay EL pero nagpatuloy lang ito sa pag lock ng pinto.

"What? Parehas naman tayong babae.. I won't look.." Ngisi nito. "Isa pa may itatago ka pa ba?" Nangingiting dagdag pa nito.

Umiiling si Lara na tila sasabog sa pagkahiya. "Lumabas ka na please.." Pakiusap niya kay EL.

"Akala ko ba naiihi ka na? Go.. Fine.. Tatalikod ako.." Panunukso ni EL. Napabuntong hininga tuloy si Lara.

"Oh shit!" Singhal pa niya. Wala na siyang nagawa. "Wag kang haharap!" Banta niya kay EL. May mahinang pagtawa naman ang isa. Halatang natutuwa sa kanyang kalokohan.

Nang matapos siya akala niya ay makakawala na siya sa hindi komportableng sitwasyon. Ayun pala may iba pang binabalak si EL sa kanya. Bigla na lang nito siniil ang kanyang mga labi. Habol ang hiningang sinakop siya ng buo.

"What the heck.. " Pigil ang boses ni Lara. "Ssshhh... Just calm down.." Usal naman ni EL. Walang alinlangang itinuloy lang ang ginagawa. "Not here.. EL.. Please.." Pakiusap ni Lara pero parang bingi at walang naririnig si EL.

Umuwang ang labi ni Lara sa biglang pagsakop ng mga palad ni EL sa kanyang pinagpalang dibdib.

"You don't fail to make me crazy, Lara.." Komento ni EL habang abala ang kanyang labi sa mapuputing leeg ni Lara.

"Stop it.. Andyan ang fiance ko.. Ano bang nasa isip mo huh??" Pigil niya kay EL..

"Are you sure? Do you want me to stop? Your body doesn't seem to agree, though.." Malamyosang sambit nito. "Hmmm.. You smell like strawberry and taste like vanilla.. Lara.." Dagdag pa nitong nagpapawala sa katinuan ni Lara.

Lara wondered why she seems to lose self control over EL whenever their paths crossed. It's like a magnet that attracting her. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status