IYON ang naging huling pag uusap ni EL at Lara. Ibinabad ni EL ang sarili sa trabaho at ganun din si Lara. Bilang na ang mga araw at nalalapit na ang kasal nila. "Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sayo.." Humahangos si Alyah ng makalapit kay EL. "Huh?!" "That guy.. Our client.. Galing siya dito kanina.. Ikaw ang hinahanap niya.." Hinihingal pa na paliwanag ni Alyah. Hindi naman maintindihan ni EL kung anong mga sinasabi niya. Inabot ni Alyah ang wedding invitation. Punit ang mukhang tinignan niya ito. Parang tarak sa dibdib niya ng mabasa ang pangalan ni Lara Austin at Elton Anderson. "He's inviting you sa kasal nila. Tang ina! Ang liit ng mundo, EL. Wag kang pumunta kung ako sayo.." Pigil sa kanya ni Alyah pero buo na ang desisyon niya. Kung iyon ang makakapag pasaya kay Lara ay susuportahan niya. "I'm going.." "What?? Si Lara yun, EL. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Naiintindihan mo ba ang gagawin mo?" Kontra nito sa kanya. "This is what she wants. Ang ipakita sakin, ipam
"Sigurado ka na ba?!" Usisa ni Krizzy ng nasa isang restaurant sila ni Lara habang nag lulunch. "Oo naman. Ano bang tanong yan.. Gaya ng sinabi mo piliin ko kung anong makakapag pasaya sakin.." "Masaya ka ba talaga?!" May bakas ng lungkot sa boses ni Krizzy. "Oo naman. I'm happy.. Isang pamilya ang gusto ko, Krizzy.." "At hindi maibibigay ni EL kaya si Elton ang pinipili mo??" Natigilan si Lara sa sinabi nito. Sandaling bumalik sa ala ala niya si EL. Matagal na din niya itong hindi nakita pa ulit matapos ng huling tagpo nila. "Okay.. Sabihin na natin isa yun sa dahilan. Pero mahal ko si Elton, Krizzy at yun ang malinaw at sigurado ako.." "Ei si EL? Wala ka bang naramdaman sa kanya?!" "Alam mo hindi kita maintindihan. Ngayon na okay na ang lahat parang gusto mo akong magdalawang isip nanaman.." "Hindi sa ganun. Gusto ko lang maging sigurado ka.. Hindi mo na ba siya naiisip? Minsan nahuhuli kitang tulala, Lara.." "Wow.. Inoobserbahan mo na pala ko ngayon.." "Nag aalala lang a
PABALIK na si Lara at Krizzy sa trabaho nila ng magtanong si Lara sa kanya. "May relasyon ba kayo??" Nagulantang bigla si Krizzy sa tinuran ni Lara. Humarap siya rito agad. "Of course not.. Wala no.." "Ei ano yung nakita ko? Ikaw Krizzy.. Ako na nagsasabi.. Base on my personal experience.. Mahirap yan.." Isang hampas naman agad ang ginawad niya kay Lara. "Maghunos dili ka, Lara.. Ano ba yang sinasabi mo.. Walang something samin nu.. Ikaw ang may dapat ipaliwanag sakin.. Ano yun? Huh?" "Ang alen?!" "Ano pa? Yung pagluha mo.. Obvious that you care for her that much.." Agad na bumawi ng tingin si Lara sa sinabi nito. "Tell me.. Wala ka ba talagang nararamdaman para duon sa tao?" "Anong point mo, Krizzy. Mababaw lang ang luha ko. Naaksidente yung tao. Normal lang yung naging reaksyon ko. Malisyoso ka lang talaga..." "Sino kaya sa atin? Aber! Nakita mo lang kaming nagyakap ni Alyah kung anu ano na agad yang mga nasa isip mo.." "I did not know close ka sa kanya. Tayo nga na years
MALALIM na ang gabi ngunit gising na gising pa ang diwa ni Lara at ganoon din si EL. Kapwa nilang naiisip ang bawat isa. Si Lara na iniling ang ulo sa pilit na pagwaksi sa kanyang isipan si EL. Habang si EL naman na napapangiti na lang sa isiping may pakialam sa kanya si Lara buhat ng pagbisita nito sa hospital kahit pa dahil lang iyon kay Krizzy. Isang katok naman ang pumutol sa mga isipin niya. Marahan siyang tumayo at iniluwa nito si Deena pagka bukas niya ng pinto. "Hindi ka makatulog?!" Nag aalangang tanong ni Deena. Umiling naman siya. "Gusto mo ng tea?!" Alok nito sa kanya at hindi na din niya tinanggihan. Sabay silang lumakad pababa ng hagdan. "Do you still love me?" Maya pa ay naitanong ni EL. "Why do you ask?!" Ganti naman nito habang abala sa paghahanda ng tea. Pinagmamasdan lang naman siya ni EL. "Wala lang. Sorry.." "Sorry for what?!" Si Deena ang nagsalita. "Alam ko na may mga naging pagkukulang ako kaya we didn't end up..." Agad siyang pinutol ni Deena. "Wala
"Elton Anderson, tinatanggap mo ba bilang kabiyak at makakasama sa habang buhay si Lara Austin?" "Yes, po father.." Agad na sagot ni Elton. Ang dibdib ngayon ni Lara ay tila sasabog na sa sobrang kaba at halo halong emosyon na laman nito. "Ikaw naman, Lara Austin, tinatanggap mo ba bilang kabiyak at makakasama hanggang pagtanda, habang buhay si Elton Anderson?" Nanunuyo ang lalamunan niyang hindi makapag salita. Pakiramdam niya anumang oras ay hihimatayin siya dahil sa pag ikot ng paligid niya. Nagsimulang mabahala ang mga tao lalo na si Elton. Hindi mabilang ang pagkurap ng mga pilik mata niya. Ang pasensya niya ay tila mapuputol sa mga tagpong iyon. "There's nothing to worry, Elton.. Baka kinakabahan lang ang bride..", Pagbibiro pa ng pari saka muling inulit ang tanong. "Ms. Lara tinatanggap mo ba maging asawa si Elton?" Naging maikli na nga ang salita nito pero tila ugong lang sa tenga ni Lara ang mga iyon at wala pa ding naging ganti. "Ah... I-" Bakas ang panginginig sa tini
"Bakit ka nga pala umurong ng kasal? Don't you love kuya anymore?" Biglang naitanong ni Dalhia. Napayuko naman siya kasabay ng pagbabalik ni EL sa kanyang isipan. "Is there someone, Lara?" Muling usisa ni Dalhia. "Hindi ko alam.. What I am sure of right now.. Mali na makasal ako sa kuya mo sa ganitong lagay ng nararamdaman ko.. I still love Elton, pero palagay ko hindi na yun enough para mag stay ako sa kanya, Dalhia. I'm sorry for hurting your brother.." "Mas masasaktan mo siya kung hindi ka nag step up.. Hindi maling gusto mo lang makasiguro sa feelings mo, Lara.. We all titled on that.. Soon kuya will understand your state.." "Thanks for being here, Dalhia.." Hayag niya kasabay ang pag kunot ng noo niya.. "Alam mo hindi ko alam kung anong nangyari satin.." Bigla na lang niyang nasabi. "Huh? What do you mean?" Nagtataka naman na ganti ni Dalhia. "I don't know.. But I really miss you, Dalhia.. I miss the old days... Our old days.." Napangiti naman si Dalhia sa naibahagi niya.
NAUNANG makatulog si Lara ng makabalik sila ng villa. Samantala si Dalhia naman ay saka lang nasagot ang tawag ni EL. "Who's this?" May pagtatakang tanong niya rito. "Sorry to bother you.. Binigay sakin ng caretaker ng bahay ni Lara yung number mo.. Is Lara with you?" Hindi agad nakasagot si Dalhia at naisip agad ang kaninang napag usapan nila ni Lara. Pero ang pinagtataka niya babae ang kausap niya. "She's not with me anymore. May I know who's on the line?" "Sorry. Hindi ako nakapag pakilala. I'm EL.. Friend ni Lara. Nag woworry lang kasi ako sa kanya.." "EL?!" Sambit ni Dalhia sa isip niya. "Kanina pa kami naghiwalay ei.. Sabihan ko na lang siya na tumawag ka kapag nagkita kami ulit.." Pagsisinungaling niya saka agad ibinaba ang phone. Naging malalim ulit ang pag iisip ni Dalhia kung sino ang EL na yun. Familiar ang pangalan sa kanya pero hindi niya maalala kung saan ito unang narinig. KINABUKASAN inabutan ni Lara si Dalhia sa kusina ng magising siya. "Hmm.. Nakakagutom na
Akmang lalapit si EL.. "Wag ka ng makisali, EL.." Maagap siyang napigilan sa balikat ni Alyah. Punit ang mukhang napatingin lang si EL kay Alyah. Parang may bagyong biglang namuo sa loob niya at handa itong manalasa. "Uuwi na ako, Elton.." Pigil pa din si Lara sa kanyang sarili. Ito ang unang beses na masigawan siya ni Elton at makitang ganun kagalit ito. "No! You are not going home.. At san ka pupunta ha?? Tataguan ako? How could you do this to me, Lara?? I gave everything to you.." Sa mga salita ni Elton bakas ang lubos na pagkawasak ng puso niya. "Please, Elton.. Not here.. " Pakiusap ni Lara kasabay ang pagtulo ng luha niya na agad din niyang pinahid. Ramdam niya ang pagkahiya sa presensya ni EL at Alyah at ng iba pang trabahador na anduon. Pasimpleng pinaalis naman ni Alyah ang mga ito. "Bakit? Ngayon ka pa ba magkakaroon ng hiya? After you ran away from our wedding? Tell me.. What's wrong? Anong hindi ko nagawa para ganituhin mo ako?!!" May diin sa bawat bitawan ni Elton.