Share

Chapter 9

Few months have passed…

Abby’s POV

“What now guys? Anong sagot n’yo? Raise your hand, don’t be shy,”our teacher said, she’s discussing, and now she wants us to answer the fill in the blanks she prepared in front.

FILL IN THE BLANKS

It is the acceleration due to gravitiy near the earth’s surface, it is ______

Batid ko sa sarili kong alam ko ang sagot at tama iyon, pero inuunahan ako ng hiya, baka mamaya kapag sumagot ako, pagtawanan nila ‘ko sa harapan. But who are they to do that? Or should I say, who are they for me to pay attention in every actions they take, specially against me. Pay dust, Abby. I started raising my hand, hindi lang naman ako ‘yung nag-iisang nagtaas, but luckily, our teacher called my name, so I stood up and state my answer first before writing it in front. “Yes?” she said.

“9.8 second per meter…” hindi pa man ako nakakatapos ay narinig ko na ang paghagikgik ng karamihan sa likod at maging sa harapan ko. “Huh?” sambit naman ng teacher namin na nakatingin sa’kin. And there where I realized that my answer is wrong, “A-ahh.. 9.8 meter per second square pala po!” I faked my laugh after that. My anxiety was already kicking inside me, they’re still laughing at mas lalo akong nanliit nang marinig ko ‘yung boses ni Cj na halos katabi ko lang. “Sagot pa… sige, ayan tuloy” at sinundan n’ya ‘yon ng malakas na tawa, na ginaya naman rin ng mga kalapit n’ya sa upuan.

“Sige na class, that’s all for today, good bye…”

When our subject teacher was about to go outside, Irish almost screamed, malapit naman nang mag-uwian kaya okay lang din naman. “Ma’am kamusta n’yo daw po si Cj kay Selene.”

Napaharap s’ya kaagad nang marinig n’ya ‘yon, “Huhm?” she looked at Cj suspiciously, “crush mo ba ‘yon? studyante ko ‘yon do’n sa kabilang section,” tanong n’ya, at kitang kita kay Cj na medyo nahiya s’ya dahil do’n.

“H-huy! Anong ginagawa mo? Hahaha” gulat na tanong ko nang maramdam kong nilagay ni Reign ‘yung dalawang palad n’ya sa magkabilang tenga ko. “Baka mahurt ka, joke! HAHAHA,” pagbibiro n’ya at pagkatapos no’n ay tinanggal naman n’ya kagad, I was just arranging my things kasi malapit nang mag-uwian, pero silang lahat ay nakatingin at nakikinig sa usapan ng subject teacher namin at ni Cj, “nakakachat lang Ma’am! Hahaha,” napalingon ako nang bahagya nang sabihin ‘yon ni Cj, “crush mo nga? Oo o hindi?” pagtatanong ulit ng teacher namin.

“Ayon! Hahahaha! Amin na kasi!” sigaw ni Irish habang nagtatawanan sila.

I started roaming my eyes looking around at nang makita ko si Cj ay bigla s’yang tumango, dahilan para mapuno ng sigawan yung loob ng room namin.

“Yieeee! Hahahaha”

“Ship ‘yan! Ship!”

“Pakilala na dapat kay Mama!”

Ilan lang ‘yon sa mga paulit ulit na sambit ng mga kaklase namin nang umalis na ‘yung subject teacher, kasabay no’n ay nagring na ‘yung bell, uwian na, ibig sabihin.

“Abbs, sabay ka ba?” tanong ni Reign, at agad naman akong tumango pagkatapos n’yang sabihin ‘yon.

Habang palabas kami ng gate ay napansin kong magkakasunod kami nina Cj kaya pinauna ko na s’ya kaagad sa pamamagitan ng paggawi ng sarili ko sa bandang gilid ng hallway. “Hi Green” he said while smiling na parang hindi ako napahiya dahil sa sinabi n’ya kanina. “Hm!” tinanguan ko lang s’ya at binigyan ng pekeng ngiti bago sila tuluyang mauna sa daanan.

Sobrang daming studyante na lumalabas, kaya medyo mabagal ‘yung pag-usad ng pila, chinecheck pa kasi ‘yung I.D eh. Kaya’t gumilid muna kami nina Reign, nakita kong pumasok si Jai at may dala s’yang pagkain, “ang tagal… nagugutom na ‘ko eh hahaha” sabay sabay kaming tumawa na tatlo.

Ilang minuto pa ang nakalipas at parang hinid parin umuusad ‘yung pila. “Ay!” sambit ni Reign habang medyo abala naman ako sa pagcecellphone. “Hm?” I looked at her and she pointed her mouth behind me, “si Selene.. ayan!” napalingon ako kaagad dahil sa sinabi n’yang ‘yon.

I saw her, and indeed. She’s like a goddess, talagang nagtutugma ang bawat parte ng katawan n’ya at parang nilikha ‘yung mga ‘yon na para sa kan’ya, at s’ya lang ‘yung meron, agad ko s’yang napasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Wala kang makikitang pimple sa kahit saang sulok ng mukha n’ya. Pointed nose, pinkish lips, shiny and long hair… Ano pa ba? Hindi na talaga ‘ko magtataka kung bakit nagustuhan ‘to ni Cj. Hahahaha.

Nang makaraan s’ya sa harapan namin ay agad na nagbulungan ‘yung dalawa. “Ganda ‘no?” tanong ni Reign. “Yah… Ganda” sagot naman ni Jai. Hindi naman ako makasabat sa kung anong pinag-uusapan nila dahil, ano bang alam ko ro’n? Nang makalabas kaming tatlo ay mabilis na huminto ‘yung isang tricycle sa harapan namin, at s’ya naman naming pagsakay.

“Alam ko m.u sila eh.. Parang gano’n ‘yung sabi ni Irish” that was Reign while sipping water.

“Ay weh? Hahahaha gagi… Bagay sila.. Hano Abbs?” sagot naman ni Jai.

“Oo nga, Hahaha same silang may ano.. may itsura..” sagot ko habang medyo naiinis pa’rin kay Cj dahil sa ginawa n’ya, dinagdagan nanaman ‘yung listahan ko ng mga kasalanan n’ya sa’kin.

“I-susurprise daw yata ni Cj ‘yon bukas eh… Shh lang kayo ah? Sabi lang ni Irish sa’kin, do’n daw sa may room nila after mag-uwian, pupuntahan.. Hahahaha”

Hindi ako masyadong nagbibigay ng pansin sa kanila, pero naririnig ko ‘yung bawat usapan. Hanggang sa makarating na ‘yung tricycle sa’min at bumaba na ‘ko. “Bye na, see you bukas!” pagpapaalam ko sa kanila. “See youuu” sabay na sambit nila.

Habang naglalakad ako sa may eskinita pauwi sa’min ay nagsscroll ako sa f******k. At medyo nagulat ako nang biglang may nag pop up nanaman na notification…

There is a message request in your account. Tap to view.

I tapped it and I almost can’t believe, “s-si Tristan ‘to ah?” bulong ko. Sakto namang nakarating na ‘ko sa bahay kaya hindi ko muna tiningnan kagad kung ano ‘yung laman ng message n’ya, kumain muna ‘ko, nagbihis, inayos lahat ng homework na gagawin ko. Ilang buwan nalang at matatapos na ‘yung school year, kaya medyo marami na kung magbigay ng mga gawain. Pagkatapos kong ilagay ‘yon sa study table ko ay gumawa muna ‘ko ng checklist para mabilis makatapos at hindi rin makalimutan. Ilang oras rin ang inabot dahil sa pagiging abala ko sa paggawa ng mga bagay na ‘yon.

Alas dos na nang magkaroon ako ng pagkakataon na gamitin ‘yung cellphone ko. Nahiga ako sa kama ko, dahil balak ko ring matulog. Pero habang nagpapaantok ay nireplyan ko na si Tristan.

Tristan: Hi

: Ikaw ba yung babae nung nakaraan?

: Yung galing sa pilot?

Abby: Hello

: oo hahahah

‘Di ko trip mag capslock ng tawa, inaantok ako.

Tristan: Ahhh

: Kamusta kayo ni Cj? HAHAHAHAHA

Huh? Ano ba ulam neto? Kami ni Cj? Eto nagbubunga na ‘yung tinanim kong sama ng loob sa kan’ya. Joke.

Abby: Huh?

: Ano ko ba ‘yon hahahaha

Hindi ko alam kung ano ‘yung mararamdaman ko, nang iinsulto ba ‘tong gagong ‘to? O trip lang n’ya mang-asar? Alam ba n’ya kung ano ‘yung ganap saming dalawa nung Cj na ‘yon? Tss. Buti nagreply s’ya kaagad, napipikit pikit na ‘ko eh.

Tristan: diba jowa mo ‘yon?

: Sorry kung matanong ah HAHAHAHA

Ano? What the fuck? Nawala ‘yung antok ko nang mabasa ko ‘yon, kanino n’ya naman nabalitaan ‘yon? Tangina ah.

Abby: Kanino mo nalaman?

: I mean,

: May nagsabe sa’yo?

: Kase kung meron.. Hindi totoo ‘yon

Tristan: Hindi

: Walang nagsabi

Habang nagtytype palang s’ya ay nakatulala lang ako sa cellphone ko. Gusto ko s’yang iblock, pero gusto ko rin namang malaman ‘yung side n’ya bago ko gawin ‘yon.

Tristan: Nung nakaraan,

: Nagbabasketball kami

: Nandun ka eh

: Usapan non, pag natalo, jojowain ka nya

: Eh natalo.. kita mo naman ung laro ng bebe mo diba?

Tanga ata ‘tong lalaking ‘to eh? Kulang ka ba sa vitamins nung bata ka? Anong kinalaman ko sa mga trip n’yo sa buhay? Bakit pati ako nadamay sa kagaguhan n’yo? Kaya pala medyo maamo sa’kin si Cj nitong mga nakkaraang buwan, he even touched and put his arms on my shoulder. So he’s doing it on purpose? Tsk kala ko pa naman kusang loob n’yang ginagawa ‘yong mga yon.

Abby: teka?

: hindi ba mali ‘yang ginagawa n’yo?

: anong kinalaman ko dyan?

: bakit pati ako nakasama?

: sorry ha, ang dami kong tanong. Pero pakisagot.

Tristan: trip ko lang, bakit ba

: Dapat pumayag ka na

: Nilalandi landi ka na non, nakikita ko nung mga nakaraan eh

: Gusto mo rin naman, aminin mo na

: HAHAHAHAH

Aba! Haha, sa’n ba nakatira ‘tong gagong ‘to? Pupuntahan kita ngayon din! Alam ba ng nanay mo ‘yang mga ginagawa mong ‘yan? Tiyak na hindi! I didn’t repilied and turn off my phone, pinipilit kong ibalik ‘yung antok ko kanina, pero hindi ko magawa! Kaya binuksan ko na ‘yung phone ko. Dumiretso kagad ako sa f******k, at kada scroll ko ay may halong inis, kaya medyo nadidiinan ko na yung screen ko. Pero napatigil ako nang biglang lumabas sa news feed ko ‘yung people you may know, na pwede mong iadd, and guess who’s in there. It’s Selene. Bigla tuloy pumasok sa isip ko lahat ng ginawa sa’kin ni Cj, at ‘yung gagawin n’ya dito sa girl friend, o kung ano mang score sa kanilang dalawa, basta. Parang gusto ko s’yang gantihan, tingin ko do’n lang gagaan ‘yung pakiramdam ko. Kapag nagawa ko ‘yon.

Tila wala akong sa sarili ko nang pindutin ko ‘yung add friend button, at hindi naman ako nag-intay ng matagal dahil naaccept n’ya kagad ‘yung request ko. “Sa’n ba magandang simulan? Hahaha” malata pero may dating kong saad.

Habang nag-iisip ako ay napatingin ako sa salamin at naalala ko kung pa’no n’ya aminin, sa klase pa mismo, na gusto n’ya si Selene. “Tss.. hindi naman kita gusto eh.. pero bakit nasasaktan ako?” nakatulala at mahina kong saad. “Shh! Shh abby! Itigl mo na ‘yan! Okay?” para akong baliw habang kinakausap ko ‘yung sarili ko sa harapan ng salamin. Inayos ko na ‘yung sarili ko at sinimulang kausapin si Selene.

Abby: hi?

Mukhang marami s’yang kausap, hindi nakapagreply kagad eh. Pero okay lang.. Let’s see how far can your fucking feelings will drive you Cj. 24 minutes after, and nagreply naman na na s’ya.

Selene: hello.

Syempre to not make it obvious na may kakaibang pakay ako, tanong tanong muna about sa mga bagay na hindi naman makakainvade ng personal privacy nya, pero ano bang pake ko kung mainvade. I am doing my revenge in here, maapektuhan na kung sino ‘yung maapektuhan.

Abby: kilala mo si Cj?

Selene: Oo, crush ko ‘yon, bakit?

Woah… I don’t know what to say but she’s… straight to the point! Hahahaha.

Abby: ahhh

: bukas daw nga pala

: isusurprise ka raw nila sa room nyo

: after ng uwian

: yon lang

: heheh

: ay, priv rs ba kayo?

Selene: oo HAHAHAHA

: strict parents eh

: both kami, strict parents

Abby: sino may sabi? S’ya? strict parents nya?”

Selene: oo, bakit?

Abby: hindi naman sa nangingialam ako ‘no

: pero parang narinig ko kasi na may nililigawan s’yang iba

: di ko sure ha

: pero ayon hahaha

: sige

: thanks sa time :)

I know, hindi n’ya magugustuhan ‘yung ginawa kong ‘yon. And that’s what I want, for her to hate me, because if she did, alam kong pati si Cj magagalit rin, and he’ll start to know the feeling of being played, trip or whatsoever.

Cj’s POV

“Eh pa’no nga kung i-upload n’ya ‘yon?” makulit na saad ni Aj habang nasa kwarto n’ya kaming dalawa.

He’s talking about the video na hawak ni Tristan, ilang months na rin ‘yung nakaraan nung nangyare ‘yon. “Tss, ginawa ko naman diba? Pero parang may kakaibang mahika ‘yung Abby na ‘yon, ang hirap pahulugin!”

Halos ginawa ko na yata lahat para lang mahulog ‘yung loob nya sa’kin, mapa sa chat o sa personal, kinakausap ko s’ya. Pero nakakasawa na kasi, hindi ko naman s’ya gusto, pero ang realistic na nga ng pag-arte ko eh! Nakakainis pa pag naalala ko.

“Tangina! Sabihin mo na nga sa’kin? Pa’no ba kita makukuha? Pa’no ka mafafall sa’kin? Ang hirap kunin ng loob mo!” sigaw ko sa may hallway, nando’n sina Reign at Jai. Sa tabi ko naman ay si Aj, pero wala akong pakealam.

Pababa na silang tatlo ng hagdan, hindi ko na inaasahang may makukuha pa ‘kong sagot galing sa kan’ya pero bigla s’yang humarap sa amin. “Mahira ba talaa? O hindi mo lang kaya?”

“Woah, hoah hoah hoah” sambit ni Aj sa tagilirian ko habang nakatakip pa ‘yung bibig n’ya gamit ‘yung isa n’yang kamay. Para s’yang tanga.

“Hindi raw sanay… Hahahaha payag ka no’n pre”

“Tsk! Tumahimik ka na nga! Iniisip ko kung pa’no ko sisimulan ‘yung surprise ko kay Selene bukas...”

“Ay oo nga pala! Hahahaha”

I opened my phone and messaged her.

Cj: baby…

We’re on a private relationship, ayaw n’yang malaman ng ibang tao dahil baka malaman din ng parents n’ya, and gano’n din naman ako, kaya umagree na ‘ko sa gusto n’yang mangyari.. Medyo nagtaka ako nang hindi s’ya magreply kagad, although she’s online.

Cj: baby???

Selene: oy? Hahahaha.

Lalo akong nagtaka nang gano’n ‘yung naging reply n’ya, may period pang kasama, halatang nagtatampo.

Cj: luh

: galit ka ba baby?

Selene: hindi..

: bat naman ako magagalit? Hahahaha.

: susuprise mo raw ako bukas?

: wag mo na ituloy HAHAHAHA

: sige, mamaya nalang

What the? May nagawa ba ‘ko? May nagawa ba ‘kong mali? Or… Something insulting? Wala akong matandaan! And sinong nagsabi sa kan’ya na isusurpise ko s’ya bukas?

“Aj…” tawag ko sa kan’ya.

“Ano nanaman? Duda ko sa tawag mong ‘yan ah..” sagot n’ya.

“Ikaw nagsabi no’n kay Selene hano?”

“Alin ba? Hoy! Hindi kami nag-uusap no’n”

Hindi ko na s’ya pinansin at sinimulan kong tanungin lahat ng napagsabihan ko, pero wala kahit isa sa kanila ‘yung umamin na sinabi nila ‘yon kay Selene. Is there someone trying to play with me?

Abby’s POV

“Huy ayan na! tingnan n’yo bili!” pag-aaya ni Reign samin nang makita nilang bumaba na sina Cj, at mukhang tinuloy pa’rin nila. Hahahaha.

“Abbs! Tara!” malakas na sambit ni Jai.

Sinimulan kong hawakan ‘yung walis, dahil cleaners kami sa araw na ‘yon, “s-sige.. kayo nalang, maglilinis pa ‘ko eh,” pasimpleng sambit ko. Habang sinusubukan ko paring sulyapan ‘yung gagawin nina Cj.

Maya maya pa ay nakita kong bumalik si Irish sa room. “Gagi… sino ba kasi nagsabi?” nag-aalalang sambit n’ya.

“Huh? Ng alin ba?” tanong naman ni Reign.

“Gagi, naagalit si Selene, may nagsabi daw sa kan’ya na may ibang nililigawan si Cj… Hindi tinanggap lahat nung bigay n’ya!”

“Huh? Sino? Sino may sabi?”

“Yon nga ang hindi natin alam, ayaw rin namang sabihin ni Selene”

Lumabas s’ya pagkatapos no’n at nagpuntang muli sa baba, para siguro kamustahin sila Cj. Medyo nakaramdam ako ng guiltness, pero hindi ko ‘yon inalintana. Basta ang alam ko lang, nakaganti na ‘ko. Hahahahaha.

Maya maya pa ay sabay sabay silang pumasok sa pinto at lahat sila’y seryoso at walang kahit anong emosyon ang makikita sa muka nila. Dala ni Cj lahat ‘yung sa tingin ko’y ibibgay n’ya kay Selene kanina, pero hindi nga n’ya nagawa. May bulaklak pa tsaka mga chocolate. Awww how sweet..

“Abbs!” tawag ni Jai sa’kin. Nasa labas sila ni Reign, habang iniiintay akong makatappos sa paglilinis. “Oy?” sagot ko sa kanila.

“Si Tristan… hinahanap ka..”

Napalingon ako bigla sa may pinto at nakita kong nando’n nga s’ya, sa pagbalik ko ng tingin ko ay nakita kong nakatingin din si Cj sa kan’ya. Medyo masama ‘yung tingin n’ya, siguro iniisip n’ya na si Tristan ‘yung may gawa no’n. Nang ibaling n’ya ang tingin n’ya sa mga gamit n’ya na nasa upuan pa n’ya ay napatingin naman s’ya sa’kin. Nagtama ang tingin naming dalawa, at tila ba biglang naglock ito sa isa’t isa, “Oyy! Tristan!” malakas na sambit ko, syemper nagkunwari akong close kaming dalawa, para lang makawala ako sa titigan naming dalawa nitong si Cj. Kitang kita sa mga mata n’ya na malungkot pero may halong galit ‘yung nararamdaman n’ya sa mga sandalling iyon.

“Pwede ka ba?” halatang gulat na saad n’ya, dahil hindi ko naman s’ya pinansin kahapon sa chat n’ya, pero kung umakto ako ay parang may napag-usapan na kaming dalawa.

“Oo naman! Bakit hindi? Hahahaha” plastic na saad ko sabay pasok muli sa room at sinuot ko na ‘yung bag ko. Nagpaalam muna ako kina Reign na hindi ako makakasabay sa kanila. “Yieee Abbs ano yannn?” nang-aasar na saad n’ya.

“Wala gagi.. Hahahaha, sige na, ingat nalang kayo hano” pagbibilin ko.

Nauna kaming umalis ni Tristan sa kanilang lahat na naiwan do’n. Agad ko naman s’yang hinarap noong medyo malayo na kami sa kanila, at hindi na nila kami makikita. “Anong kaylangan mo?” tanong ko sa kan’ya.

“Ikaw.. Hahaha” mahinahon pa n’yang saad, dahilan para mas lalo kong mabugnot at mas lalong umiksi ang pasensya ko. I took a deep breath and answered. “Hindi ako nakikipag-biruan, ano nga?”

He started showing me his phone with a video playing in there. “Oh? Video ni Cj habang naglalaro ng basketball at natalo mo s’ya, anong gagawin ko? Iiyak ba ‘ko? Luluhod ako sa harapan mo? Ano? Sabihihn mo!” mabilis at sunod sunod kong saad.

“Shhh, relax ka lang… Hindi ka ba naawa kay Cj?”

“Awa? Hahaha? Muka ba ‘kong may awa? Sa itsura kong ‘to, Tristan? Nasa’n ‘yung awa dito?” tanong ko sa kan’ya.

“I mean… If this video leaks, hindi lang naman si Cj ‘yung magiging apektado eh.. Ikaw rin?”

“Pa’no namang naging ako? Tangina alam n’yo, ang gaganda ng trip n’yo sa buhay! Sa sobrang ganda gusto ko kayong pagsasapakin isa isa, sample-an kaya kita? Baka sakaling magising ka sa mga kahibangan mong ‘yan? Ha?”

“Ahhh… okay, hm hm” he took his phone, and I think he’s trying to find something in there.

“Eto ba, Abby?”

My mouth formed an “o” shape as I saw those pictures of us, na sa tingin ko ay kuha nung mga nakaraang buwan, mayro’ng nakaakbay, at kung ano ano pang hindi ko na masyadong makita dahil sa pagdidilim ng paningin ko. Hindi ko maitanggi, dahil lahat naman ng mga bagay na ‘yon ay nangyare talaga, pero never kong pinatulan at tinolerate ‘yung mga galaw ni Cj na ‘yon. At matagal na rin n’yang itinigil ‘yon.

Agad na pumasok sa isip ko lahat ng mga posibleng mangyari kapag nakita ng ibang tao ‘yung litrato namin na ‘yon. Pwede akong paghintuin ng pag-aaral ng magulang ko, my dad might hurt me physically once he knew that. Alam ko sa sarili kong wala kaming ginagawang masama sa picture na ‘yon at si Cj lang talaga ‘yung gumagawa ng mga gano’n, dahil nga daw sa tinatawag nilang losers dare. Pero kilalang kilala ko na si Papa, at alam kong hindi lang masasakit na salita ‘yung aabutin ko ro’n. Pati na rin sina Kuya. ‘Yung tingin sa’kin nina tita, para na akong tinggalan ng buhay kapag nakita nila ‘yung picture na ‘yon at nagsimula silang mag-isip ng kung ano ano. “Sino ka ba talagang hayop ka…” mahinang saad ko habang pinipigilan ko ‘yung pagpatak ng mga luha gling sa mga mata ko.

“S-sige… anong gusto mong mangyare ngayon?” maangas na saad ko parin habang nagpupunas ng kaunting luha na pumatak mula sa mata ko. “Ayon… Hahaha. Simple lang naman ‘to, tsaka… Hindi naman kita pipilitin, kung gusto mo edi gawin mo… Kung ayaw mo naman… Alam mo na..” Para s’yang demonyo sa tono ng boses n’ya. Wala akong magawa kundi idakot nalang ‘yung mga kamay ko at doon ibuhos ang galit at inis na nararamdaman.

“Wag nang maraming satsat, sabihin mo nalang!” galit na saad ko.

“Gawin mo ‘kong boyfriend mo”

“Ano?!”

“Magiging girl friend kita, at magiging boy friend mo ko… with benefits”

Sa mga oras na ‘yon ay para na akong isang mahirap na mamamayan na nagbulag bulagan nalang tungkol sa mga maaring mangyari at kaharapin ko, tango lang nang tango sa lahat ng sinasabi n’ya.

“Benefits? Anong benefits?” nakatulala ko nalang na saad.

“Ikaw gagawa ng lahat ng requirements ko.. babagsak na ‘ko sa tatlong subject ko kapag hindi ko naipasa ‘yon next week”

“Tatlong subject? Ako ‘yung gagawa ng final projects mo?” paglilinaw ko.

“Oo.. pagkatapos no’n, ligtas ka na. Pati ‘yung jowa mo.. Si Cj hahaha”

All I did was cry in front of him, but still show that I am brave enough, and I can do whatever he wants, hinding hindi ko ipapakita sa kanya na hindi ko kaya dahil alam kong mas lalo n’ya ‘kong gagaguhin kapag nakita n’yang mahina ako.

Cj’s POV

Hindi ko mapigilang hindi maluha o malungkot dahil sa nangyari kanina, halos mapahiya na ‘ko sa dami ng taong nando’n. May ibang tumatawa, naaawa… Tsk! Ewan! Nang makauwi ako ay agad kong tiningnan ‘yung cellphone ko para kausapin si Selene. But I was already blocked sa lahat ng social media apps na mayro’n kaming connection na dalawa.

“Sa tingin mo? Sinong may gawa?” tanong ni Aj sa’kin.

“Sino pa bang gagawa no’n? Edi si Abby!” malakas na saad ko.

“Ginagantihan ka yata pre”

“Gantihan gusto n’ya? Hmp sige! Pagbibigyan ko sya!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status