Share

Chapter 4

Cj's POV

"Pre, 'di ka ba nakokonsensya? Gago nabastos mo 'yung babae hahaha" Aj asked but who the hell cares?

Humiga ako at naglagay ng unan sa mukha. Hindi ko naman namalayan na nakatulog pala ako.

"Angel, gagawin ko lahat para sa'yo, I will do everything just to make you stay, just please say it... please Angel?" I said with a cold voice while I was outside their house.

Angel is my elementary girl friend, I know it sounds funny but at the very young age, I felt this kind of love and this hits different, kaya wala na 'kong balak pakawalan pa s'ya. We've broked up a month ago, we're legal both sides kaya't gano'n nalang ang panghihinayang ko sa lahat ng meron sa'min. I treated him as my world, my inspiration, my everything, pero gano'n ba talaga? Kapag nakahanap ng mas better sa'tin... papalitan na kagad tayo?

"Angel kahit magmuka akong tanga dito sa labas ng bahay n'yo hindi ako titigil. Mahal na mahal kita..."

I've waited in there for almost how many hours and luckily, she appeared. Wearing the jacket I gave to her on our anniversary. "Sa wakas..." I whispered and run towards her direction to give her my warm hug. "I miss you.."

My heart was full of happiness, my tears started to drop, I can't even tell a letter. Basta ang alam ko lang, magkasama kami... Kaming dalawa...

"Bitawan mo 'ko.." she said with her sweet voice. "C-Cj mali 'to eh..."

Hindi ko s'ya pinakawalan sa kabila ng pagpupumilit n'yang gawin ko 'yon. "Hindi mali 'to" mas lalo ko pang hinigpitan.

"Cj may boyfriend na 'kong iba... Sorry"

Tila naging malinaw na para sa akin ang lahat, hindi na n'ya 'ko mahal, wala na s'yang nararamdaman para sa'kin, wala na kami, hahaha ano pa ba? "Wag ka munang umalis... Huli na 'to, pangako..." pagmamakaawa ko sa kan'ya habang nasa mga bisig ko pa'rin s'ya, ang lahat ng luhang nanggagaling sa aking mata ay dumidiretso sa balikat n'ya. "Sigurado ka na ba d'yan?" huling tanong ko sa kan'ya.

Umalis s'ya sa mga yakap ko, "oo. makakahanap ka rin ng bago... y-yung mas-"

"Wala nang mas hihigit pa sa'yo" hinalikan ko s'ya sa noo habang hawak ang ulo n'ya gamit ang dalawa kong kamay. Sa unti unti n'yang pag-layo sa akin ay kita rin sa mga mata n'ya kung gaano kalungkot at kabigat ang nararamdaman n'ya. Pero wala na 'kong ginawa kung hindi punasan ang luha ko, alam kong hindi na ako ang makakapagpagaan ng loob n'ya.

"Huy!" pangugulat sa'king muli ni Aj. "Sarap ng tulog ah, tangina dapat pala pinicturan kita"

"Ano ba?!" mainit ang ulo kong saad.

"Ano ba? Ayan si tita sa phone Sa'n ka daw ba matutulog?"

"A-ah.. d-dito nalang Ma. Dito nalang po"

"S-sige, papadala ko nalang 'yung gamit mo d'yan, ingat ha, Anak? Aj? Ingat d'yan? Goodluck bukas!"

"Opo tita! Hehe Salamat po!" plastic na saad n'ya habang binubunggo ako, hudyat para magsalita rin ako, ano naming sasabihin ko? "sige Ma! Bye labyu" tuluyan na n'yang pinatay.

"Tsss" masama ang tingin n'ya sa'kin, "Ikaw nalang kumuha ng gamit mo! Lapit lapit ng bahay n'yo dito papadala mo pa!"

"Try mo kayang ikaw? Baka matuwa pa 'ko"

Lumabas s'ya ng kwarto. "May kukunin lang ako... I love you, Mahal! HAHAHAHA!"

Nung girl friend ko pa si Angel, lagi kaming nakatambay dito kina Aj, at syempre sinusundo s'ya ng Papa n'ya sa t'wing uuwi na s'ya, at 'yon 'yung lagi n'yang sinasabi sa'kin kapag lalabas na s'ya ng pinto. "hm hm" I faked my smile, "corny mo" at nagdadabog n'yaang sinara 'yung pinto.

Napatitig ako sa isang sulok nung kwarto habang iniisip 'yung panaginip ko. Malaki na kami do'n ah? Siguro gano'n 'yung mangyayare sa'min ni Angel sa future kung sakaling magkita kami ulit. Hahaha.

Abby's POV

"Tangina! Kung hindi lang talaga nakatingin si ma'am, sasapakin ko na talaga 'yon! Akala mo naman kung sino... tsss" badtrip na badtrip kong saad sa harapan ni Ate habang nilalagay 'yung gamit ko sa may sofa.

"Hahaha chill. Gwapo ba?" pang-aasar n'ya pa.

"Gwapo? Gwapo? Hahahaha ate? Hindi pa 'ko bulag, malinaw pa 'tong mga mata ko, kumakain ako ng kalabasa every other day, 'diba La?"

"So... you're saying na hindi s'ya gwapo..? Gano'n ba?"

"Alam mo kasi Ate... Kahit ano pang ioffer o ipakita sa'kin ng lalake... do'n talaga 'ko sa attitude eh, attitude talaga... Dapat 'yon ang iniimprove."

"Pero ano nga 'yung sagot mo sa tanong ko?"

Inikot ko muna 'yung itim ng mata ko sa paligid. "O-oo..."

"Hala! Hahahaha, bet ka no'n"

Nasamid ako ng sabihin n'ya 'yon, "e-ehem! B-bet? A-ako"

"Ahuh... Gano'n 'yung mga nasa palabas! You know... warla muna kayo sa umpisa tapos kayo pala 'yung magkakastuluyan, ayaw mo ba no'n?"

"Hahahaha HINDE! NO! NEVER! AYOKO! HINDI AKO PAPAYAG, 'YON NGA LANG NA ILANG ORAS KAMING NAGKASAMA IRITANG IRITA NA 'KO SA KANYA EH, FOREVER PA KAYA?""

"HAHAHAHA okay okay, chill"

Umakyat na 'ko sa taas para maglay out ng mga stickers at kung ano ano pang ilalagay sa mga gamit ko para naman hindi mawala, then print it out to cut. Habang nag gugupit ako ay may napansin ako sa may gawing bintana ng kwarto ko, "b-bakit parang... u-usok ba 'yon? Bakit may gano'n? W-wala naman akong iniwan na.... OH! MY!-" dali dali kong pinuntahan ang direksyong iyon at tama nga ako! That was my uniform, nakalimutan kong pinaplantsa ko nga pala 'yung uniform ko! Hinugit ko kagad mula sa pagkakasaksak ito at kinuha ko 'yung uniform ko. "Hala..." padabog kong inilapag ito sa kama. "K-kasalanan talaga 'to nung Cj na 'yon eh!" bulong ko, "simula nung binalibahg n'ya ko sa coffee shop, nagkanda leche leche na 'tong buhay ko! GRRRRR!!!"

Halos ilang minuto rin akong tulala at iniisip kung anong susunod kong gagawin, pero walang pumapasok sa isip ko, parang lahat ng gagawin kong bagay ay makakasira o may hindi magandang mangyayare.

"Ugh! Abby. focus okay? Hindi pwedeng gan'yan lang 'yung gagawin mo the whole time! Wake up By!" I tapped my face and took my phone out of my drawer to check for the announcements na minsan ini-email sa'ming mga studyante, pero wala naman akong nakita so I opened my messenger and saw a newly created group chat, feeling ko this is our section's. And yes, I'm right.

Irish: hi

Iris Katrin: hello

Sineen ko lang, we're not that close, kaya hindi na rin ako nakisabat pa, parang ang epal naman ng labas ko kung gano'n, I'm an outgoing and showy person pero I'm only showing it to the people I'm comfortable with. Minutes later and a notification popped up.

Cj Medina sent you a friend request

"Heh! Ano nanaman 'to?"

Naiinis ako but my curiosity kicks in, so I clicked his profule and visit his timeline for the first time. And it seems all of the posts were deleted of baka naka friends lang 'yung privacy? Tsk pero wala akong balak iaccept s'ya ah? Siguro pag nagsorry na s'ya sa'kin, or... Wala! There's no other option but for him to bend his knees infront of me and say sorry for what he did! Hahahaa joke. Malabo 'yon Abby? Ok?

-THE NEXT DAY-

Cj's POV

"Gising na,maaga ka pa..." Bungad ni Mama sa'kin. Hindi muna 'ko kila Aj nagstay, nakakahiya na rin sa kay tita, tsaka naalala ko lang 'yung memories naming ni Angel, tangina.

While washing my face, I'se thinking about myself, the changes I did nung kami pa ni Angel. I didn't expect that I'll be this low jusko to get what I want. Gano'n yata talaga 'pag mahal mo, tss. After that I just checked my phone hoping that Abby already responded to my friend request, hindi ako nakokonsensya sa ginagawa ko, wala rin akong balak magsorry, wala lang. trip ko lang siguro na iadd s'ya, joke. Pero I'll be frank, wala akong pake sa kan'ya, she's just a typical type of girl na puro pa-cute lang ang alam, doesn't even know how to cook her own breakfast, lol. I saw the newly created groupchat and ang daldql nila, specially Irish. Halata naman sa kan'ya.

I rushly took a shower before eating, at kitang kita sa bintana naming kung ga'no pa kadilim, sobrang aga pa talaga. But no choice. "Ma, towel nga po, nakalimutan ko..." pagtawag ko kay Mama.

"Palagi mo nalang nakakalimutan 'to, sino ba 'yang nasa isip mo? Ha?" she joked.

I smiled, "w-wala po... hahaha" napakamot pa 'ko sa batok.

"Si Angel pa'rin ba?" seryoso pero parang nagpipigil lang s'ya ng tawa sa pagsasalita n'ya.

"Ma..? Hahaha, matagal na 'yon"

"Hoy! Matagal ka d'yan! Mahirap rin magmove on 'no... Lalo na kung talagang naattatch na kayo sa isa't isa"

"Kung naattatch rin s'ya, bakit pa s'ya naghanap ng iba, hahahaha"

"Well, ewan natin. Hahahaha, lumabas ka na nga d'yan"

She opened the door, "Ma! Wait!" pagpipigil ko sa kan'ya, "nakita ko naman na 'yan dati, 'wag ka nang mahiya" nilagay n'ya 'yung towel sa katawan ko at sabay kaming lumabas ng shower room. "Namiss ko 'yang ngiti mo na 'yan" sambit n'ya habang nakangiti rin. And I just gave her a wider smile. "Hm.."

"Kain na..."

Abby's POV

As usual, dating gawi. Gising, kape, ligo, tapos ready na the for the whole day hahahaha. I don't like bringing phone sa school, I feel like it was just a distraction. May pagka studious akong tao, kaya as long as I can avoid the distractions habang nag-aral, I will. Pero parang 'yung tadhana na talaga 'yung gumagawa ng paraan para madistract ako.

"By...?" tawag ni Ate.

"Oy?"

"Ayon pala La! Naliligo na!"

"Nako! Naligo nanaman s'ya ng walang laman eh tiyan? Tsk" sambit ni Lola, medyo napakagat labi ako nang marinig ko iyon.

"Sorry La! Hahaha next time kakain na talaga 'ko bago maligo!"

"...."

After taking a bath ofcourse bumaba ako to ate the breakfast na prinepare ni Lola, alangan namang 'di ko kainin, edi lalong nagtampo 'to.

"Nagpunta 'yung kuya mo d'yan kanina. Bagong gising"

"Ano sabe?"

"Pinagalitan siguro ng Papa mo, dalin mo raw 'yung cellphone mo, hahatid sundo ka na yata, ichat mo daw s'ya"

I'se here at Lola's house staying for almost 7 years, minsan lang ako umuuwi sa kabilang bahay namin, well. Walking distance lang naman, pero ayoko, puro kasi lalake 'yung ando'n which are my three brothers, and ayon. Seservice-an daw ako nung isa, ewan ko lang kung hanggang kaylan 'to hahahaha.

"Hm... okay"

Pagkatapos kong kumain ay inabot sa'kin ni Lola 'yung isang basong tubig at dali dali ko naman iyong ininom. Inaayos pa n'ya 'yung buhok ko while I was trying to carry my bag. "Bye na..." pagpapaalam ko, sabay message kay kuya. Nagrespond naman s'ya kagad, at nilabas na 'yung motor na sasakyan namin. "Dahan dahan lang ang drive" paghahabilin pa ni Lola. "Byaheng langit 'to" I joked.

"Nako, sige. Gumanyan ka! Byaheng langit." Nagmamatapang-matapangan n'yang saad pero halata naman sa kan'yang nagbibiro lang s'ya hahaha.

"Abby!" malakas na sigaw ng lalaking nasa may chagdan, kaklase ko yata s'ya pero hindi ko masyadong maaninag. Madalim pa kasi. "Ikaw ba 'yung naka brace?" he innocently asked.

"R-retainers" sagot ko.

"Ahh.. sarado pa 'yung room kaya do'n ko lang muna nilagay 'yung bag ko" itinuro n'ya yung tapat ng pinto. "DO'm mo nalang din ilagay 'yung iyo" pag-aalok n'ya.

"S-sige.. Salamat" pagkalagay ko ay may umakyat nanamang studyante at kaklase rin siguro naming 'yon. "Hi!" she greeted.

"Reign.." sunod na sambit n'ya, I think she's trying to introduce herself.

"A-Abby..." I silently said.

"Ikaw?" sabay naming saad ni Reign, napangisi kami dahil do'n.

"Jai, hahahaha"

Muka naman s'yang friendly, at hindi rin mayabang, pakiramdam ko magiging magkaybigan kami. Kinuha ko 'yung phone ko para icheck kung anong oras na. "Huy naka iphone... hahahaha mayaman 'to" pagbibiro ni Reign. "Tss... hahaha" saad ko.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas at lumiliwa-liwanag na, nang dumating na 'yung iba pa naming kaklase, naiwan na 'ko sa may pwesto ko. Marami yatang kaclose, pasensya na hahahha 'di ako friendly.

Sabay na dumating 'yung dalawa, sina Aj. Napansin ko kagad dahil katabi ko sa upuan s'ya sa upuan. Medyo sinisipat ko si Cj sa may gawing harapan. "Sssst.. bakit mo sinisilip?" bungad n'ya sa'kin.

"H-huh... s-sa board ako nakatingin, ba't ko naman titignann 'yon, tsk"

Umiling iling lang s'ya habang nakangiti.

"5:40 na, sunduin n'yo na si ma'am"

"Samahan mo ko huy.."

Si Irish 'yon at si Reign. Lumabas na sila para sunduin si ma'am.

"Good morning"

Medyo nagulat pa 'ko pero tumayo ako kagad para mabati si ma'am pabalik. "good morning, ma'am"

"Good morning" pag-uulit n'ya.

"Good morning, ma'am!"

"Inaantok pa yata.. Good morning class!"

Nagkatinginan kami nila Jai. "Good morning, ma'am!"

"Ok, let's start this day by radiating and sharing positive thoughts and views, I am Mrs. Ocampo, you class adviser for this school year.

"Ano bang ine-expect n'yo to have or to learn rather, for this school year?"

Marami silang nagsisisagot pero ako tamang pakinig lang sa mga talks nila, hahahaha. I don't have the confidence to speak infront so... hm hm.

Medyo nag extend si ma'am ng time, ang dami n'yang announcement na sinabi, "Ok. Bukas, be prepared for the election of the class officers" pahabol n'ya habang palabas na ng pinto.

"Huy! Sino muse tas escort? Hahahaha" tanong ni Irish.

"Kayo ni Jm, bagay kayo" pag-sagot ni Iris.

"Enjoy your breaktime guys, good bye"

"Good bye and thank you, ma'am"

Medyo nagmamadali sila Reign habang inaaya nila 'kong bumaba. "Bilisan mo huy..." sambit n'ya.

"Wait lang, kunin ko lang wallet ko tsaka 'yung phone"

"Sige sige"

HInawi ko pa 'yung buhok ko kasi sumasabit sa retainers hahaha. "tara na"

Tahimik lang kami habang naglalakad papuntang canteen, mabilis lang naman, medyo malapit lang. Maraming mga higher grade level 'yung tumitingin sa'min. "Type ka siguro Reign"

"Hu, hahahaha"

"Kayo nalang pumasok, tubig lang ako. Pasabay nalang ako Jai, thank you!"

"Okie"

Umupo ako sa may bench, I started using my phone after a few minutes. And I saw a notification from Cj.

Cj Medina sent a message. click to view

I clicked it and I don't know how am I going to hide my emotion.

Cj Medina: hi

: gusto mo siguro maging muse ko 'no?

"Huh? Joke ba 'to? Tsk yabang talaga" mahinang saad ko.

"Teh oh" pag-aabot ni Jai ng tubig. "Okay ka lang ba" sambit nila sabay upo sa tabi ko.

"Kilala n'yo si Cj?"

"Kaklase natin?"

"Oo"

"Bakit?"

"Tingin n'yo? Mabait 'yon?" I curiously asked.

"Parang... hahahaha. Ka-close 'yon nila Iris, sila tanungin mo"

Tsk, maganda kasi si Iris kaya n'ya ka-close. Can't live without girls...

__________________________________

༼ つ ◕‿◕ ༽つ

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status