Share

Billionaire's December Despair
Billionaire's December Despair
Author: XamRed

Chapter 1

Mas abala pa ang kalsada kaysa mga negosyanteng nagbubukas ng kanya-kanyang store at establishments ngunit wala nang mas aaligaga pa kay Osiris na umaga pa lang ay nagkukumahog na sa kanyang mahalagang lakad ngayong araw.

Papara ng jeep. Sasakay. Bababa. Paulit-ulit lang... nang biglang maiba ang takbo ng kanyang buhay na ilang araw na ring ginawang gan'to.

Malakas na busina ang nagpahinto sa kanya sa pagtawid sa kalsada. Dulot nang labis na pagkagulat ay sumambulat sa ere saka marahang bumulusok pababa ang mga resume at application letter niyang dala gayundin ang tinitipid inumin na regular McCafe Hot Coffee na gumising sa kanyang natutulog na diwa nang ito'y tumapon sa kanyang kulay puting long sleeves.

Habang pinupulot niya ang mga papel ay bumaba ang matandang driver at pinagmasdan pa si Osiris na animo'y inoobserbahan nito ang pisikal na kaanyuan ng binata: tall, handsome but not tan skin and has a shredded bulking body. Iyon lang naman ang mga napansin ni G. Cesar sa binatang ito at hindi na nag-aksaya pa ng pagkakataon dahil mayroon siyang hinahabol.

"Naghahanap ka ba ng trabaho?" tanong niya kay Osiris nang mapansin niya ang mga resume at application letter na nagkalat sa sahig.

"Opo," sagot ni Osiris ay pagkatapos ay isang malakas na busina ng sasakyan ang kaniyang narinig, na nasundan pa ng isa at ng isa pa.

"Marunong ka bang mag-drive nito?" Tinapik ni Mr. Cesar ang kanyang Bugatti.

"O-Opo!" dagling sagot ni Osiris, masaya dahil pakuwari niya'y isang mabuti at mayamang lalaki itong nag-aalok sa kanya. Kabaligtaran ng nararamdaman ng mga naaabalang motorista sa kanilang likod, hindi masaya dahil nakaharang sila sa daan.

"Then you're hired." Ibinato ni Cesar ang car key kay Osiris. Niyaya ni Mr. Cesar na pumasok sa sasakyan ang nakangiting binata at sila naman ay nagmadali.

Pinaandar ni Osiris ang sasakyan dahil naririndi na siya sa busina ng mga naabala nila sa maikling pag-uusap nilang iyon. Masaya naman si Osiris dahil ito rin ang kanyang previous job pero siya ay naalis lang dahil kinakailangang magbawas ng mga trabahador. Isa siya sa maswerteng napili para alisin. Talagang maswerte dahil kung hindi ay hindi niya makikilala si Mr. Cesar.

"Mabagal ako mag-drive." Nakatingin lang si Mr. Cesar kay Osiris na katamtaman lang ang bilis ng pagmamaneho ng sasakyan.

"Ano pong gagawin, Sir?" tanong ni Osiris.

"Bilisan mo mag-drive."

"Sige po."

Makalipas ang ilang saglit nang mabilis na pagmamaneho ni Osiris na hindi naman na bago sa kanya dahil madalas siyang magmaneho ng sasakyan sa gusto niyang bilis, ay tila masaya si Mr. Cesar.

"Good. Mas mabilis ka palang magmaneho sa dati kong driver." Tumango si Mr. Cesar ngunit mayamaya ay napakunot ang noo, diretso ang tingin sa kalsada at mga nauunang sasakyan sa kanila.

"Bakit hindi po siya ang nagda-drive sa inyo?" usisa ni Osiris na nagsisi pa nang bahagya dahil pakiramdam niya'y wala naman siya sa posisyon para kausapin ang ganito kataas na tao.

"'Yon! A, 'yon sila!" Malakas ang pagkakasabi ni Cesar dahilan para magulat si Osiris at muntik nang matapakan nang wala sa oras ang preno.

"Saan po, Sir?" tarantang ani Osiris na hinahanap sa kalsada ang dahilan nang pamimilog ng mga mata ni Cesar sa gulat at halu-halong emosyon.

Kinumpirma ni Cesar ang tinutukoy niya sa kanyang bulalas, "That black car with the plate number of PAQ-3435."

"Ninakaw niya ang sasakyan n'yo, Sir?" tanong ni Osiris na sinimulan nang mag-overtake sa mga humaharang sa daan nila para mas makita ang pinapasundan ni Cesar sa kanya.

"Hindi lang sasakyan, pati asawa ko." Walang alinlangan ang pahayag na iyon ni Cesar. Hindi pinakakawalan ng tingin ang tinutugis na asawa kasama ang kabit nitong driver nila.

"Putang*na," bulalas ni Osiris na hindi na napigilan ang sidhi ng damdamin dahil sa nalaman niya.

"Putang*na talaga," ani Cesar, "Mukhang nagtangay pa ng attaché case."

Napakakapal naman pala ng mukha ng mga iyon, sa loob-loob ni Osiris. "E, 'yong mga anak ninyo, Sir? Safe naman ba?"

"Dala nila..." ani Cesar na ikinagulat ng kausap, "...yung anak nila."

"..." Napailing na lang si Osiris at walang nasabi sa pagkakataong ito.

"Nabuntis ang asawa ko ng driver na hinired niya." Hinayaan lang ni Cesar na unahan ni Osiris ang mga sasakyang gustong mauna sa kanila.

"Grabe! E, bakit pa po natin sila hinahabol, Sir?" tanong ni Osiris na nagpalundag pa lalo sa kabado niyang puso.

Naglabas ng baril si Cesar.

"Oh—kay...?" ani Osiris na palipat-lipat ng tingin sa sinusundan at sa ikinakasang baril ni Cesar.

"Marunong ka bang bumaril?" tanong ng amo ng binta habang hinihimas-himas ang makinang na baril na mukhang bagong-bago pa.

"Yes, Sir." Napakabilis na tugon ni Osiris na animo'y mas mabilis pa sa minamanehong Bugatti. Kabado, malala.

"Good." Kalmado lamang ang boss niya. "In 2 kilometers we'll be at the mountain trail, that's when you'll use your gun."

"Yes, Sir." Alam na ni Osiris na sa pagkakataong ito ay nais ipaghiganti ni Cesar ang sarili sa panloloko ng kanyang asawa sa pamamagitan ng dahas.

Muling nagwika si Mr. Cesar na desidido na sa binabalak na gawin sa kanyang dalawang taksil, "Don't be afraid, oh, boy! I got your back. I'll give you an early bonus up to a million dollars if you get me satisfied by your performance."

Napalunok na lamang si Osiris. Hindi alam kung ano ba itong napasok niya. Sana lang hindi siya mapahamak ngunit kahit gano'n pa naman ay wala na siyang magagawa. Kailangan na kailangan niya ng pera para matubos ang titulo ng kanilang bahay at lupa na nakasangla. Iyon na lamang ang tanging pamana ng kaniyang mga namayapang magulang at kung mawawala 'yon ay parang kalahati ng kaniyang buhay ang mawawala.

Ngunit kagaya ng mga buhay ng kanyang magulang na nawala, may mga buhay ng magulang ang sa puntong ito ay mawawala rin.

"It's karma time! Bitches! Who-hoo!" hiyaw ni Mr. Cesar na halos nag-iba na sa kung ano siya kanina. Tila ba hindi na siya iyong mukhang mabuti at matinong mayaman na nakilala ng binata kanina.

Nagpalitan ng putok ang mga baril sa pangunguna ni Cesar. Samantalang, halos hindi magkandaugaga sa kung ano ang uunahin ni Osiris—ang manibela ba, pagbaril sa pinapabaril ni Cesar o iwasan ang mga bala na tinutunton sila kapag sila ay bumabaril?

"Sir, they have guns too!" said Osiris that is now holding the steering wheels with his trembling hands as if his pounding heart is in his wrists right now.

"Yeah, you're right." Isinukbit ni Cesar muli ang baril sa kaniyang tagiliran. "Sana hindi ko na lang tinuruan ang asawa kong bumaril. Sa akin lang din pala gagamitin. Pero sige, ginagalit nila akong talaga. Pagbibigyan ko sila. Mag-focus ka na lang sa pagmamaneho at pag-iwas sa mga bala. I got this sh*t."

Hawak na ngayon ni Cesar ang isang malaking rifle habang si Osiris naman sa manibela ng Bugatti. Nang sigurado na sa pagsipat sa target si Cesar pinaulanan ng sunod-sunod na putok ang sasakyang sinusundan nila dahilan nang pagsabog nito. Bumagsak sa pababa sa gilid ng bangin ang nagliliyab na sasakyang itinakas ng asawa ni Mr. Cesar kasama ang anak ng kaniyang dating family driver sa kaniyang asawa. Huling nasulyapan ni Osiris ang sasakyang pagulong-gulong pababa doon sa pampang malapit sa dagat sa tabi na nasa ilalim nitong mountain road.

"Thank God, we're not yet married." Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Mr. Cesar. Huminga ito nang malalim sabay sabing, "Let's go home."

Tahimik lamang ang dalawa sa buong oras ng biyahe nila pauwi sa sinasabing bahay nitong si Mr. Cesar. Ang tanging maririnig lang ay ang voice guide ng G****e Map na itinuturo ang direksyon upang hindi maligaw pa nitong si Osiris ang kaniyang bagong natagpuang boss.

Nakauwi na sila at halos malula sa taas ng mansiyon ni Cesar si Osiris. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito kalaking bahay sa totoong buhay. Mga ilang minuto rin silang naglakad papasok sa bahay at ang pinagtataka lang ni Osiris ay kung bakit walang ibang kasambahay man lang or guwardiya itong si Mr. Cesar.

"Mahirap magtiwala. Nagtataka ka kung bakit wala akong mga alalay? Sarili ko ngang ngang asawa at kaisa-isahang katiwala pinagtaksilan ako." Nauunang maglakad si Cesar habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Hindi naman masisisi ni Osiris ang amo dahil alam niya rin naman ang nangyari dito base sa mga tinuran nito kanina sa kanya na hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan. Hindi niya akalain na gano'n agad ang salubong sa kanya ng bagong trabahong pinasukan niyang ito.

Tinanong pa siya nito kung desidido na ba siya sa pinasok niyang ito at ang tanging naisagot niya lamang ay matipid na pagtango.

"Marunong ka ba magluto?" Iyan ang sumunod na tanong ni Cesar at napansin niyang nagulat si Osiris sa kanyang tinuran; tila hindi alam ang isasagot kaya muli niya itong tinanong: "O, bakit? Hindi ka marunong?"

"Marunong po, Sir!" tarantang sagot ni Osiris sa takot na mawalan ng trabaho.

"Good. Go to the supermarket and buy now. Just call me when the food ready. I'll just rest in my room." Iniwan na ni Cesar si Osiris na walang nagawa kundi mapasubo sa isang pagsubok na alam niyang hindi niya kakayanin pero susubukang mapagtagumpayan.

He was driving the car and at the same time diving crazy. How is he going to cook a food for that kind of wealthy man? He only know how to fry and it's not perfect most times.

History repeats itself.

Tila naulit yung nangyari kanina, e. Mayroong babaeng bigla na lamang tumawid kaya naman kaagad napapreno si Osiris at kung hindi ay lasog-lasog na ang katawan nito.

"Hoy, tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?" galit na anang dalaga pagkababa pa lang ni Osiris sa sasakyan.

Is she looking for a job too? Sa loob-loob ni Osiris. Sa kagustuhang hindi mawalan ng trabaho, bigla na lamang lumabas sa bibig ng binata ang desperadong mga salitang: "Marunong ka bang magluto?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status