Share

Chapter 2

"Marunong ka bang magluto?" tanong niya sa dalaga at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

"Oo!" dagling sagot ng dalaga. "Teka, baliw ka ba?"

Inasahan na ni Osiris ang magiging reaksyon ng dalaga dahil nga naman napaka-random naman ng tanong niya. "No, but I need your help. Can you come with me? Saan ka ba pupunta?"

"Wala ka nang pakialam do'n!" sagot ng dalaga na hindi pa rin mawala ang nakaguhit na inis sa mukha.

"Babayaran ko ang buong araw mo, please help me." Desperado na si Osiris kaya niya nasambit iyon at talaga namang hindi niya hahayaan na mawala kaagad ang trabahong lumapit na sa kaniya mismo.

"Hindi ka naman masamang tao, 'no?" tanong ng binibini nang maramdaman ang pakiusap ng binata.

Buong-loob na kinumbinsi ni Osiris ang dalaga sa pagtugon ng salitang, "Hindi."

"Mukha namang nagsasabi ka ng totoo, sige," saad ng dalaga sa umiiling pang binata.

Ikinuwento ni Osiris ang sitwasyon niyang kinakaharap na tinawanan lang naman ng dalaga dahil aniya'y napakasimple lamang ng pinoproblema ng binata. Nagpakilala naman sila sa isa't isa at mukhang pinagkakatiwalaan naman nila ang isa't isa. O kay bilis magkapalagayan ng loob ng dalawang ito.

Tinanong ni Summer si Osiris kung anong klaseng eater ba ang amo nito— kung vegan ba, vegetarian or what. Walang maisagot ang binata kaya napagdesisyunan ng dalaga na magluto na lang ng gulay na putahe at saka karne.

"Bakit naman dito pa sa mall?" sambit ni Summer dahil alam niya kung gaano kamahal ang bilihin kumpara sa mga tipikal na pamilihan.

"Sa itsura ni boss Cesar, hindi siya kumakain ng mga binili lang sa talipapa o ordinaryong palengke." Sigurado si Osiris sa saad niyang iyon.

"Sabi mo, e." Sumunod na lang si Summer hanggang sa makarating sila sa supermarket.

Nagsimula na silang mamili at lahat ng damputin ni Osiris ay sinasauli rin ni Summer at pinapabalik sa lalagyan.

"Alam mo, Cyrus... magtulak ka na lang nitong cart and let me do the thing. You're just messing around, you know?" suggested Summer, a little bit annoyed of the guy's actions.

"Sorry," he said, "and sorry it's Osiris not Cyrus."

"Okay." Summer did not throw a glimpse to Osiris and she focused on picking the best vegetables.

"Summer," called Osiris.

"Yes, why?" Summer turned her head to face the man, still holding the packed carrots on a light grip.

"I just showed you the correct way to call people's name," Osiris gave her a smirk, just enough to make her eyes roll in piss.

"Whatever, Cyrus... Osiris... meh!" said Summer and throw the carrots to Osiris face.

Good thing, the man's reflexes is faster than it so he caught it by one hand. Few minutes later and the cart seems to be full.

"Are you done, Ms. Summer?"

"Yes, go to the queue and pay it."

Binilisan na ni Osiris ang pagpila sa cashier dahil baka mamatay na sa gutom ang boss niya o 'di kaya'y ma-badshot siya nang kay aga. Sa ganitong stage kasi dapat siya nagpapakitang-gilas para naman siguradong hindi siya mawalan ng trabaho.

"Buti na lang walang gaanong pila," sambit ni Osiris at palabas na sila ngayon ni Summer ng mall.

"Malapit lang ba 'yong bahay ng pinagtatrabahuhan mo?" seryosong tanong ni Summer ngayong nasa parking na sila at nilalagay na ni Osiris ang mga groceries sa backseat.

"Oo, malapit lang. Hindi ka mahihilo at masusuka." Hindi seryosong tugon ng binata dahilan para hampasin siya ni Summer sa balikat.

"Tsk, as if naman!" sambit ni Summer at inirapan si Osiris na pinagbuksan siya ng pinto para maupo sa passenger seat.

Umupo na si Osiris sa driver's seat at walang anu-ano'y pinatakbo na ang sasakyan sa gusto niyang bilis.

"Ganito ka ba talaga kabilis magmaneho?" ani Summer na ngayon pa lang nagsusuot ng seatbelt.

"Mabilis ba?" tanong ni Osiris na hindi pinansin ng dalaga.

Sa bilis ng biyahe nila na para bang na sa racing sila ay nakatikom lang ang bibig ni Summer habang ang binata ay kanta nang kanta sa sinasabayang speaker.

"Nandito na tayo," saad nito matapos tapakan nang mariin ang preno na siya namang ikinagulat ni Summer. Mabuti na lang naka-seatbelt pa siya.

Bumaba sila ng sasakyan at hinintay ni Summer si Osiris na kuhanin ang mga pinamili.

"Wow, yayamanin ang amo mo, ha? Mabuti tinanggap ka?"

"Bakit hindi? Mukha naman akong katiwa-tiwala, a!"

"Mukha lang."

Sinamahan ni Osiris ang dalaga hanggang sa makarating sila sa kusina. Doon na sila nagsimula na mag-prepare. Pinanood lang naman ng binata ang dalaga na magluto. Wala siyang ginawa kundi mamangha. Nang maayos na ang lahat at kakain na lang ang kulang, mayro'ng tumawag kay Summer.

"I have to go, Osiris."

"Mabuti na lang natapos mo, ang galing mo talaga! Thank you, ha. Uhm, pwede humingi ako ng favor?"

"Ano?"

"Pwede ko bang makuha number mo? Para kapag need ko ng help—"

"Sh-shh..." Kinuha ni Summer ang cellphone ni Osiris at tinype na ang number niya agad, "Here."

"Bye!" sabi niya pa pagkaabot ng phone pabalik sa binata.

"Salamat ulit!" sigaw pa ni Osiris at ikinaway ang kamay pamamaalam sa dalaga.

Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay at nang makarating sa kwarto ng amo na kay tagal niya ring hinanap, magalang niyang sinabing, "Sir Cesar, kakain na po."

"Okay," sabi naman ng kanyang boss at nang nasa hapag kainan na ito ay ang kanyang nasabi agad ay...

"Osiris! Napakasarap ng mga 'to! Paano mo nagawa 'to? Akala ko hindi ka marunong magluto! Halika sabayan mo na ako."

"Ay, hindi na po, Sir. Nakakahiya naman, okay lang po ako."

"Hindi. Sumabay ka na sa'kin para mas masarap ang kain. Ipagluto mo ako nito araw-araw, a!"

MALALIM NA ANG GABI NGUNIT hindi pa rin makatulog si Osiris, iniisip niya kung ano ang iluluto niya bukas. Sa labis na pagkagulo ng isipan ay tinawagan na niya si Summer.

"Naisip ko lang, p'wede mo ba akong i-tutor sa pagluluto? Like gawin mo ng sideline, suswelduhan naman kita. I'll pay you once I get my salary."

"'Ge 'ge," sagot ni Summer na tila ayaw makipag-usap.

"Wow," ani Osiris sa inasal ng dalaga.

"Sige na, text mo na lang ako bukas. Inaantok na ako," sambit ni Summer at maririnig na napahikab pa.

"'Ge g—"

Maagang nagpahatid si Cesar kay Osiris para pumasok. Kape at tinapay lang naman ang kinakain ni Cesar tuwing umaga sabi nito.

"Dito po ba, Sir?" tanong ni Osiris nang huminto ang sasakyan dahil ayon sa G****e Map ay narating na nila ang destinasyon.

"Ah, oo!" sagot ni Cesar na kanina pa busy sa pag-scroll sa cellphone. "This is my company, Osiris."

"Ang ganda po... saka ang laki," sambit ng pobre.

"Mamayang lunch, hatidan mo ako ng niluto mong pagkain. Ayoko ng pagkain dito, walang lasa."

"Noted po, Sir." Panibagong pagsubok na naman ito sa kanya.

"Sige, ingat." Nagpaalaman na sila sa isa't isa subalit ang isa ay hindi na alam kung paano ang gagawin.

"HELLO, SUMMER! PINAGLULUTO AKO NG LUNCH NG BOSS KO! TULONG!" agad niyang bulalas pagkasagot ni Summer sa telepono nang tawagan niya ito.

"Ang ingay mo!" sambit ng dalaga.

"NASA'N KA? SUNDUIN KITA!" natatarantang ani Osiris. "JUST A SEC, I'M ON MY WAY."

Kung gaano kabilis ang pagmamaneho ni Osiris ay ganoon lang din naman kabilis natapos ni Summer ang pagluluto.

"Wow! Ang sarap!" ani Osiris.

"Inunahan mo pa boss mo! Bwisit ka! 'Wag mong kamayin, mapapanis!"

"Sorry, sige dalhin ko na 'to! Hindi ka sasama?"

"Sasama, alangang maiwan ako rito!"

Nakarating na si Osiris muli sa kompanya ni Sir Cesar niya at pagkabigay ng pagkain ay umalis na rin siya agad. Natagalan nga lang kasi naligaw na naman siya sa lawak ng gusali.

"Sorry ang tagal ko, naligaw ako. Sobrang lawak ng building. Gutom ka na ba?" bungad niya sa dalagang nainip na kahihintay sa kanya.

"Malamang, ano ako sawa?" inis na sambit nito sa binata.

"Tara kainin na natin yung mga niluto mo," anyaya ni Osiris.

"Parang hindi lang yung boss mo ang nasasarapan," ani Summer.

"Sa'yo? Ay— sa luto mo?" biro pa ni Osiris.

"Tsk, tara na tara na. Mag-drive ka na." Pabalik pa sila at maglu-lunch. Marami pa kasing natira sa niluto nila.

Nagpatuloy ang gan'tong sistema araw-araw hanggang. Sa matiyagang pagtuturo ni Summer kay Osiris na desidido naman matutong magluto ay hindi naging imposible ang lahat.

"Wow naman, 3 weeks pa lang pero ang galing-galing mo na, Osiris!" ani Summer at napatalon sa tuwa. Niyakap niya si Osiris at hinalikan niya ito sa pisngi.

Nagulat silang dalawa sa nangyari at ito namang si Osiris ay hahalikan din sa pisngi si Summer pero napansin agad iyon ng dalaga na nakabalik na rin agad sa huwisyo.

"Hep, hep, anong gagawin mo?"

"Ki-kiss ka sa cheeks! Kiniss mo 'ko, e!"

"No! Nabigla lang ako. Kalimutan mo na 'yon."

Napagdesisyunan nilang dalawa ng kumain na muna bago ihatid ang pagkain doon sa company ni Cesar. Nabanggit ni summer na sa susunod na linggo ay magiging abala siya dahil magpapatuloy na siya sa paghahanap ng trabaho and maybe ito na yung last day kasi nakita niya naman yung improvement and kaya na talaga ni Osiris na magluto mag-isa.

It was one week later pero parang halos isang taon kitang hindi nakita," ani Osiris nang muling makipagkita si Summer sa kanya dahil hindi na ito gaanong busy.

Ngumiti lang si Summer at nahiwagaan sa mga winika ng binata. Inabot nito sa dalaga ang isang sobre na nagkakahalaga ng malaki.

"Wow, ang dami naman nito! Mukhang big time ka na, a!"

"Binigyan lang ako ng bonus ng boss ko, sa'yo ko na binigay lahat, saka deserve mo naman 'yan."

"Ay, g*go! Dapat hinati mo, o, ito sa'yo yung kalahati."

"Hindi na... sa'yo na 'yan, 'wag mo akong intindihin, mas kailangan mo 'yan."

"Sure ka, a?"

"Oo," ani Osiris at tinulak pabalik ang sobreng dinuduldol sa kaniya ng dalaga.

"Tamang-tama may pambayad utang na," ani Summer at masayang itinago sa bag ang kanyang natanggap na kabayaran sa pagtuturo sa lalaking ito sa kung paano magluto.

"Saan lakad mo n'yan ngayon? Hatid na kita," alok ni Osiris. Dumarami na rin ang tao rito sa Starbucks kaya nagiging maingay na rin. Gusto na nilang umalis.

"Ay, oo! Sige para mabilis, mabilis ka mag-drive, e! Maniniwala ka ba?" Tumayo na si Summer.

"Saan?" tanong ni Osiris at hinatak naman siya ng dalaga palabas ng Starbucks.

"Na mag-a-audition ako?" tanong ni Summer sa binata at sila ay naglalakad ng ngayon papunta sa kotse kung saan ito nakaparada.

"Sa?"

"Mag-o-audition! Ano pa ba? Edi, mag-aartista, duh! Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Liza Soberano tapos ako! Ako na ang next!"

"Libre lang naman mangarap, e." Isang malaking pang-aasar ang wikang ito ni Osiris kaya naman hindi ito nagustuhan ni Summer.

"T*ngina neto, wala talagang matinong masabi, e!" Nag-walkout ang dalaga at iniwan na ang binata.

"Joke lang, halika na... huy!" Hinabol at sinundan naman ni Osiris si Summer hanggang sa maabot na nito sa braso at hinigpitan niya ang hawak para hindi na ito makalayo pa.

Nagpumiglas si Summer at pilit na kumawala. "'Wag na! Maglalakad na lang ako!" Walang nagawa si osiris kundi buhatin ang makulit at nag mama tigas na dalaga. "Ay! Osiris! Ibaba mo ako, ano ba?"

Ipinasok ng binata nang walang kahirap hirap ang dalaga sa loob ng sasakyan at isinaldak ito sa passenger seat.

Kinabit ni Osiris ang pinto. "Tara na, saan ka ba pupunta? Turo mo sa'kin." Yan ang kanyang winika nang siya ay makaupo na sa driver's seat.

"Hatid mo 'ko rito," saad ng dalaga pagkatapos irapan ang binata. Tinutok nito ang phone screen sa mukha ng binata.

"Masusunod, madame." Napaka-cool lang at talagang hindi binibitiwan ni Osiris ang pagka presko n'ya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa harapan ng isang building na napaka taas. Iniwan na muna ni summer si Osiris pero hindi niya alam na sinundan siya nito.

Nakalipas muli ang isa't kalahating oras ay masayang bumabalik si Summer hinahanap niya si Osiris. Pumasok na siya sa loob ng sasakyan na hinintay na lang ang nawawalang binata at maya-maya ay nakita niya nang pumasok ito sa sasakyan at mayroon itong dala ng mga pagkain na mukhang in-order pa niya at tinake out sa fast food.

Masaya naman ang dalaga dahil nagugutom na rin siya pero ibabalita niya muna ang magandang bagay na nangyari sa kanya.

"Maniniwala ka ba?" 'Yan ang naging panimula ng dalaga.

"Saan na naman ba?" tanong ni Osiris.

"Nakapasa ako sira! Shooting na bukas!" Walang kapantay ang saya ni Summer.

"Agad-agad!" Masaya si Osiris para sa dalaga.

"Yes! Agad-agad!" Hinalikan ni Summer nang hindi sinasadya sa pisngi si Osiris dahil sa tuwa.

"Hep, hep! Anong gagawin mo?" ani Summer nang mapansin ang nguso ni Osiris.

"Ikaw, lagi kang gan'yan. Ang duga-duga mo, kapag ikaw ki-kiss sa pisngi ko hindi kita binabawalan. Kapag ako, ayaw mo."

Tumawa lang si Summer sa nakabusangot na si Osiris. "Kainin na lang natin 'yang mga dala mo."

Habang masayang kumakain si Summer ay tumatakbo sa isipan ni Osiris ang mga nangyari kanina. Lingid sa kaalaman nitong dalaga na kakilala pala nitong lalaki ang direktor at ang producer na pinag audition ni Summer. Malaki ang utang na loob ng producer na ito at ng director kay Mr. Cesar dahil noong walang wala sila ay tinulungan sila nito kaya naman nung makilala nila si Osiris bilang bagong CEO ng CASE Inc. hindi sila nagdalawang isip na pumayag nang makiusap ito.

Si Osiris na nga ang bagong CEO, ng pinasikat na streaming platform ni Mr. Cesar na CASE. Wala nang ibang pamamanahan pa si Mr. Cesar, kaya nagdesisyon siyang iwanan ang lahat kay Osiris. Nagtiwala siya sa kakayahan ng binata at alam niyang matalinong bata ito kaya naman hindi siya nito bibiguin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status