Xander Pov...Nabalitaan kong nagmomokmok nalang daw si Steve sa kanyang opisina at bugnutin. Kailan pa naging halimaw ang isang Steve Soledad. Napamura ako ng mahina nung makapasok ako sa loob ng kanyang opisina na parang bahay na ng albularyo sa dilim at sangsang ng amoy ng alak. "Pare, anu magmumokmok ka nalang ba jan. Pasado alasingko na ng hapon." Bulahaw ko pagkapasok ko na hindi niya inaasahan. Nag-angat lang siya ng kanyang paningin na walang kulay ang kanyang mukha. Fuck! Napamura pa akong muli ng tahimik pagkakita sa nakakatakot niyang hitsura. T*ngina sisirain ba niya buhay at negosyong pinaghirapan niya! Hindi maayos ang kanyang damit at malayo sa dating malinis tignan at presentable sa bawat okasyon. Para siyang tinakasan ng mundo sa mahahaba na niyang bigote, malalalim ang mata halatang kulang sa tulog, nag-iba rin ang kulay ng kanyang balat isang tingin palang alam mong hindi siya nagpapahinga at kulang sa araw. Nagkalat din ang mga basyo ng alak sa kanyang mesa. "
Xander Pov...Nagpasya si Steve na palawakin ang negosyo kaya naman hindi siya tumigil sa paghahanap ng magandang lugar kung saan pwede magpatayo ng hotel at resort para sa mga turista at lokal. Nagset up si uncle Harold ng meeting sa Manila para sa kanyang mga kakilala sa larangan ng negosyo. Excited kami ni Steve na makita at makilala sila dahil lagi silang ibinibida sa amin. Sinamahan ko si Steve para sa meeting na ito. So far, ito na ang pinakamalaki na deal na pipirmahan ni Steve simula siya ang humawak ng Vida Corp. Kasama din sa meeting na ito ang pinakatanyag at istriktong negosynate. Sabi ni tito Harold na gustong pasukin ni Mr. Salas ang Visayas at Luzon na siyang target ngayon ni Steve kasama ang Manila na teritoryo naman ni Mr. Salas. Excited na pinaghandaan ito ni Steve dahil naniniwala din siyang makukuha niya ito. Hindi lang siya kaibigan sa akin kundi kapatid na ang turing ko sa kanya. Alam ko ang lahat sakanya pati ang kanyang hilig at mga gawain. Trentay otso na
Steve Pov...Nakaubos na ako ng isang bote ng tequila pero wala pa ang sinasabi ni Xander na makakatulong mawala ang init ng aking ulo. Walang nakakaalam na ako ang binansagang International Black Mask Casanova. I'm already thirty eight years old and still enjoying my single free life. Wala sa bokabularyo ko ang salitang pag-aasawa kung masaya naman ako sa buhay malaya na mayroon ako ngayon, girls were just a pass time to add to my adventures! I don't need a nagging wife everyday, that's just stressful.Mag alas-diyes na ng gabi, kanina pa ako dito sa VIP room at naiinip na! Paubos na ang pangalawang bote ng aking tequila, hinilot ko ang aking sintido ng biglang bumukas ang pintuan at tumilapon ang isang magandang babae sa harapan ko. Pinakiramdaman ko siyang nakaluhod sa sahig sanhi sa malakas na pagtulak sakanya papasok ng kwarto. Ilang minuto pa ang dumaan at tumingala siya. "Who the hell are you?!" Matigas at galit niyang tanong. Pagak akong napatawa sakanya, siya ang pumasok tap
Steve Pov...Naalimpungatan akong nahulog sa kama sa malakas na tunog ng aking alarm. Fuck! Pwede bang matulog muna ako! Inaantok pa ako at masakit ang aking ulo eh! Teka paano ba ako nakauwi kagabi? Ang natatandaan ko lang ay umiinom ako sa bar! Nagulantang ako sa pag iisip dahil sa pagtunog ng aking telepono na akala mo wala ng bukas!"Hello!" Antok ko pa na pagsagot."Damn it Steve! Anu bang ginagawa mo! Gusto mo ba talagang makuha ang deal na ito!" Angal ni Xander na siya pala ang tumatawag. Fuck! Nakalimutan kong may maaga nga pala akong meeting ngayon para sa partnership branch dito sa Makati at reject kahapon yung Cebu. "Sorry bro! Hold them for a while saka pakibilhan mo naman ako ng aking breakfast maliligo lang ako!" Pakiusap ko sa kanya bago patayin ang kanyang tawag at tumakbo sa banyo.Nagmadali akong naligo at halos paliparin ko ang aking sasakyan makarating lang sa meeting place."Congrats pare! One down pero ito marami namang nakapila." Pagbulalas ni Xander sa tuwa. K
Jaya Pov...Sabi ko unwind lang ako kagabi pero kamalas malasan narape ako sa pag-aakalang isa akong bayarang babae. Hindi naman ako mukhang bayaran at disente naman ang ayos ko kagabi. Grabe namang mapagkamalan akong bayaran! Maktol ko sa aking sarili pero hindi na maibabalik pa kahit magmaktol ako nang magmaktol. Hindi ko rin matukoy kung sino siya dahil sa suot niyang maskara. Bakit siya may suot maskara para saan namab kaya! Pero mukha siyang mayaman dahil sa mamahalin niyang mga suot at pabango. Aware ako dahil hindi naman ako pinalaking ipinagkait yun! Maganda rin ang kanyang katawan na akala mo isang modelo, parang iginuhit ang tikas ng kanyang katawan. Talagang napansin mo pa ang kanyang katawan Jaya samantalang walang pakundangan ka niyang ginamit kagabi kung hindi kapa yata lantutay sa walang tigil niyang pagwasak sa flower mo eh, pinagulong-gulong ka pa siguro niya. Lintek na hayop na yun!. Kastigo ko naman sa aking sarili. Tama halimaw siya sa kama akalain mo bang sini
Jaya Pov... After two months... "Hoy! Jaya anu bang nangyayari sa'yo puro ka nalang tulog. Umayos kana nga jan at kakain tayo ng lomi namimiss kona." Sita ng kaibigan kong si Misha. Paano ba naman kasi pass time ko na yata ang matulog. "Ikaw nalang bakla inaantok pa ako eh. Guzto ko nga pala ng pancake na my choco ice cream sa ibabaw saka isang tub ng rocky road." Sagot ko habang nakapikit pa. "Nanaman! Noong isang araw at kahapon ka pa kumakain niyan. Baka pwede ibahin mo naman Jaya!" Paghysterikal niyang sagot sabayan pa ng pagtaas ng kanyang kilay. "Ewan ko ba bakla sarap na sarap ako at laging hinahanap ng aking bibig!" Naglalaway ko pang paliwanag."Bakla, kung anu na yan ha! Baka naman my alaga kang engkanto sa tiyan mo! Diyahe ang type na pagkain at wala sa timing eh." Asar niyang sagot bago tumalikod.Dumaan pa ang dalawang buwan, mukhang hindi lang sa pagkain ako nag-iba, pati katawan ko lumulubo na yata. Madalas na akong hingalin sa aking biglaang paglobo. "Bakla sigur
Xander Pov... Hindi ko alam kung anu ang nangyari pero panigurado kong hindi okay si Steve. Ito pa lang ang unang pagkakataon na pumalpak siya. Mantakin mong maraming nakalimutan pagkatapos makita ang mahiwagang babae. Ilang buwan na niyang ipinapahanap ang babae pero hindi siya mahanap hanap kahit na batikan at magaling ang mga detective na binayaran niya. Paano ba naman kasi hahanapin ang hindi alam ang pangalan saka paano kung taga ibang bansa pala siya. Nahihiwagan din ako kung sino ang babaeng nakaniig niya. Pumunta ako sa bar at hinanap pero ang vip ay walang camera nga pala. Hindi rin naman niya kasi maalala ng maayos ang mukha ng babae. Mata at labi lang daw pero kapag makita daw niya masisigurado niya na siya yung babae. Kung sana maipinta niya ng maayos eh. Para kaming naghahanap ng karayom sa imbakan ng dayami. Natatawa nalang ako na sa apat na buwan na nakalipas ay ang babaeng nakaulayaw niya ang tanging bumabagabag sa kanya. Hindi siya tumigil sa paghahanap kung sino
Jaya Pov... Nakatayo ako dito sa labas ng Cebu paliparan. Inaanaty ko ang aking pinsan na susundo sa akin.Sa pagmamadali kong umalis, hindi ko nasabihan si Misha na siya na ulit ang magiging assistant ni daddy. Wala siyang kaalam alam na nakaalis na ako. "Bakla, sorry ha hindi na ako nagsabi sa'yo, biglaan ang alis ko bago mahalata ang paglobo ng aking tiyan. Andito na ako sa Cebu ngayon at kina lola Angela ako titira ng isang taon. Depende sa sitwasyon kung kailan ako babalik jan." Ipinadala kong mensahe kay Misha. "Baklaaaaa!!!! Kukurutin na kita sa tinggil mo eh! Kaya ko naman maglihim ng sekreto para takbuhan mo ako ng ganyan. Oh, siya dadalawin nalang kita jan para naman hindi ka masiraan ng bait." Maktol naman niyang sagot. "Nag aalala kasi akong mapansin ni mommy at daddy ang pagbabago sa katawan ko." Paliwanag ko na sagot. "Pero dapat sinabihan mo pa rin ako para nasamahan man lang kita. Bakla ka talaga!" Reklamo niya na sagot din. "Pasensya ka na Misha. Alam mo naman w