Jaya Pov...Ibinalita ko kaagad kay Misha na babalik na ako ng Maynila. Wala namang dahilan para magtatago pa ako dito. Pero hindi ko aakalain na ang desisyon ko na ito ay magbibigay ng panibagong yugto ng aking buhay. Sadyang ipinanganak yata akong madrama ang buhay. "Babalik kana ba talaga dito bakla? Sure na yan at walang halong keme?" Naninigurado niyang tanong."Oo bakla tutulungan ko si daddy sa pagpapatakbo ng aming negosyo. Alam mo naman na ako nalang ang maasahan niya dito at si kuya Joel naman ay nasa ibang bansa. Saka isa pa andito lang naman ako dahil nga inilihim ko ang pagbubuntis ko." Maliwanag na sagot ko sa kanya."Walang halong biro yan Jaya ha. So talaga palang iiwanan mo na ang pumapalakpak sa kagwapuhan mong amo. Sayang naman Jaya kapag iwanan mo si pogi!" Kanyang pahiwatig nanaman baka magbago ang aking isispan pero hindi na magbabago at isa siya sa dahilan kung bakit ako babalik na ng Maynila. Baka kasi mabaon ako at hindi kona kakayanin pa."Misha tigilan mo ak
Xander Pov... Kakatapos ko lang ayusin ang mga papeles dito sa opisina ko nang magring ang aking telepono. Akalain mo ang nag-iisa kong kaibigan may oras ngayon sa akin pero hindi ko aakalain na my mabigat palang pinagdadaanan. Busy ako at maraming ginagawa kaya naman bihira kami magkita ni Steve. Malay ko bang iba pala ang kaganapa sa kanya. Hindi ko aakalain na ang lalaking hindi nauubusan ng babae kahit saan pumunta ay masisilo ng isang babae. Dapat ko siyang makilala at pasalamatan sa pagligtas niya sa aking kaibigan at higit sa lahat sa pagligtas niya sa akin sa kakahanap ng mga matinong babaeng magpapalamig ng kanyang ulo. Nauubusan na kasi ako sa bilis niya magpalit, ayaw niya ng take two! Habang pinapanood ko siyang lango sa alak at hindi na kaya ang sarili ngayon ko lang napagtanto na nakakatakot pala talaga ang mainlove. Nagiging baliw at tanga ka na. Eto na ba ang katapusan ng isang Steve Soledad sa tinik sa babae? Napailing nalang ako dahil iba na ang Steve na nasa ha
"Joel kailan ang uwi nina Zion at Jaya dito?" Tanong ko sa king panganay na anak. Hindi alam ni Jaya na umuwi sandali ang kanyang kuya."Honey sa susunod na linggo, araw ng sabado." Sabad naman ng aking asawa at hindi nga pala alam ni Joel din na uuwi na dito ang kanyang kapatid."Magkaroon tayo ng maliit na salo-salo selebrasyon ng pag uwi nila." Excited kong saad."Huwag ka munang mag iimbita ng mga kaibigan mo ayaw ni Jaya ipakilala pa si Zion sa mga tao. Ewan ko sa batang yun parang my kinakatakutan." Sabad naman ng aking kabiyak."Kausapin mo siya bakit gusto niya itago ang pagkatao ni Zion." Anu bang kinakatakutan niya mas maganda nga makita ng mga tao baka mahanap pa ang ama kailangan kong makilala ang hayop na kumalikot sa aking nag iisang anak.******Last day kona ngayon sa opisina hindi ko naman kailangang turuan ang kapalit ko dahil mas kabisado niya ang likaw ng bituka ng amo ko!"Hi Jaya. Good morning! Anjan pa ba ang halimaw mong boss?" Bungad ni Xander ang matalik niy
Xander Pov...Nabalitaan kong nagmomokmok nalang daw si Steve sa kanyang opisina at bugnutin. Kailan pa naging halimaw ang isang Steve Soledad. Napamura ako ng mahina nung makapasok ako sa loob ng kanyang opisina na parang bahay na ng albularyo sa dilim at sangsang ng amoy ng alak. "Pare, anu magmumokmok ka nalang ba jan. Pasado alasingko na ng hapon." Bulahaw ko pagkapasok ko na hindi niya inaasahan. Nag-angat lang siya ng kanyang paningin na walang kulay ang kanyang mukha. Fuck! Napamura pa akong muli ng tahimik pagkakita sa nakakatakot niyang hitsura. T*ngina sisirain ba niya buhay at negosyong pinaghirapan niya! Hindi maayos ang kanyang damit at malayo sa dating malinis tignan at presentable sa bawat okasyon. Para siyang tinakasan ng mundo sa mahahaba na niyang bigote, malalalim ang mata halatang kulang sa tulog, nag-iba rin ang kulay ng kanyang balat isang tingin palang alam mong hindi siya nagpapahinga at kulang sa araw. Nagkalat din ang mga basyo ng alak sa kanyang mesa. "
Xander Pov...Nagpasya si Steve na palawakin ang negosyo kaya naman hindi siya tumigil sa paghahanap ng magandang lugar kung saan pwede magpatayo ng hotel at resort para sa mga turista at lokal. Nagset up si uncle Harold ng meeting sa Manila para sa kanyang mga kakilala sa larangan ng negosyo. Excited kami ni Steve na makita at makilala sila dahil lagi silang ibinibida sa amin. Sinamahan ko si Steve para sa meeting na ito. So far, ito na ang pinakamalaki na deal na pipirmahan ni Steve simula siya ang humawak ng Vida Corp. Kasama din sa meeting na ito ang pinakatanyag at istriktong negosynate. Sabi ni tito Harold na gustong pasukin ni Mr. Salas ang Visayas at Luzon na siyang target ngayon ni Steve kasama ang Manila na teritoryo naman ni Mr. Salas. Excited na pinaghandaan ito ni Steve dahil naniniwala din siyang makukuha niya ito. Hindi lang siya kaibigan sa akin kundi kapatid na ang turing ko sa kanya. Alam ko ang lahat sakanya pati ang kanyang hilig at mga gawain. Trentay otso na
Steve Pov...Nakaubos na ako ng isang bote ng tequila pero wala pa ang sinasabi ni Xander na makakatulong mawala ang init ng aking ulo. Walang nakakaalam na ako ang binansagang International Black Mask Casanova. I'm already thirty eight years old and still enjoying my single free life. Wala sa bokabularyo ko ang salitang pag-aasawa kung masaya naman ako sa buhay malaya na mayroon ako ngayon, girls were just a pass time to add to my adventures! I don't need a nagging wife everyday, that's just stressful.Mag alas-diyes na ng gabi, kanina pa ako dito sa VIP room at naiinip na! Paubos na ang pangalawang bote ng aking tequila, hinilot ko ang aking sintido ng biglang bumukas ang pintuan at tumilapon ang isang magandang babae sa harapan ko. Pinakiramdaman ko siyang nakaluhod sa sahig sanhi sa malakas na pagtulak sakanya papasok ng kwarto. Ilang minuto pa ang dumaan at tumingala siya. "Who the hell are you?!" Matigas at galit niyang tanong. Pagak akong napatawa sakanya, siya ang pumasok tap
Steve Pov...Naalimpungatan akong nahulog sa kama sa malakas na tunog ng aking alarm. Fuck! Pwede bang matulog muna ako! Inaantok pa ako at masakit ang aking ulo eh! Teka paano ba ako nakauwi kagabi? Ang natatandaan ko lang ay umiinom ako sa bar! Nagulantang ako sa pag iisip dahil sa pagtunog ng aking telepono na akala mo wala ng bukas!"Hello!" Antok ko pa na pagsagot."Damn it Steve! Anu bang ginagawa mo! Gusto mo ba talagang makuha ang deal na ito!" Angal ni Xander na siya pala ang tumatawag. Fuck! Nakalimutan kong may maaga nga pala akong meeting ngayon para sa partnership branch dito sa Makati at reject kahapon yung Cebu. "Sorry bro! Hold them for a while saka pakibilhan mo naman ako ng aking breakfast maliligo lang ako!" Pakiusap ko sa kanya bago patayin ang kanyang tawag at tumakbo sa banyo.Nagmadali akong naligo at halos paliparin ko ang aking sasakyan makarating lang sa meeting place."Congrats pare! One down pero ito marami namang nakapila." Pagbulalas ni Xander sa tuwa. K
Jaya Pov...Sabi ko unwind lang ako kagabi pero kamalas malasan narape ako sa pag-aakalang isa akong bayarang babae. Hindi naman ako mukhang bayaran at disente naman ang ayos ko kagabi. Grabe namang mapagkamalan akong bayaran! Maktol ko sa aking sarili pero hindi na maibabalik pa kahit magmaktol ako nang magmaktol. Hindi ko rin matukoy kung sino siya dahil sa suot niyang maskara. Bakit siya may suot maskara para saan namab kaya! Pero mukha siyang mayaman dahil sa mamahalin niyang mga suot at pabango. Aware ako dahil hindi naman ako pinalaking ipinagkait yun! Maganda rin ang kanyang katawan na akala mo isang modelo, parang iginuhit ang tikas ng kanyang katawan. Talagang napansin mo pa ang kanyang katawan Jaya samantalang walang pakundangan ka niyang ginamit kagabi kung hindi kapa yata lantutay sa walang tigil niyang pagwasak sa flower mo eh, pinagulong-gulong ka pa siguro niya. Lintek na hayop na yun!. Kastigo ko naman sa aking sarili. Tama halimaw siya sa kama akalain mo bang sini