Share

The perfect crime's witness

Gustuhin man niyang bumalik sa Maynila ay takot pa siya kahit pitong taon na ang nakaraan mula nang umuwi siya sa Cebu dahil sa pagpatay niya sa dalawang guwardiya at sa isang sikat na abogado para nakawin ang dokumento kapalit na halagang tatlong daang libong piso. Tandang-tanda pa niya ang gabing iyon na kung saan pagkatapos niyang lumabas ng building ay sinundo siya ni Perry at pinababa rin nang makalayo sa lugar, at kinaumagahan ay dumiretso siya sa BatangasPort para umuwi sa probinsya. Nang araw na umuwi siya sa bahay nabasa niya sa diyaryong Bulgar ang tungkol sa pagkamatay ni Perry. Agad na pumasok sa utak niya kung sino ang nagpapatay kay Perrynasabi sa kanya nito kung sino ang nag-utos sa kanya para  nakawin ang dokumento sa abogado. Ngunit, kahit kilala niya ang mastermind , hindi niya pwedeng sabihin dahil siya ang mas mapapahamak. Kalaunan ay nalaman niya na ang naparusahan sa krimen ay ang dalawang bodyguards ng abogado na nahatulan ng hambambuhay na pagkakakulong.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status