Share

The meetings

Sa kuwarto ni Devon, kita niya sa CCTV Camera ang pagdating ng kotse. Ngumiti siya. Nang makitang bumababa na ang mga sakay ng kotse, lumabas na siya ng kuwarto. Bago luma ng garahe, kinausap niya sa celfone ang isang tauhan.

            “Dalhin siya sa basement. Igapos at iwanan ninyo.”

            Pagkaraa’y pinuntahan ni Devon ang basement. Binuksan ang isang kuwarto roon kung saan naroroon ang nakagapos na si James.

          Nagkamalay na siya kanina pa habang nasa kotse pa. Mas pinili niya na huwag magsalita. Nagpatianod siya  kung saan siya dadalhin ng tatlo. Nang mapansin na pumasok sila sa isang magarang Subdivision, natanto niya na ang taong nagpakidnap sa kanya ay ang Kuya Devon niya. Kabisado niya kasi ang lugar na ito dahil sa  ilang beses din siyang nakarating dito noon, dagan nga lang sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status