Share

Between My Idol And His Bestfriend Dark
Between My Idol And His Bestfriend Dark
Author: Thegirlmakesyouhappy

1

Shine's Point of view.

'' Late na naman ako.'' malakas na tili ko, saka ako luminga linga sa kwarto, teka nasaan na nga ba ang cellphone ko? Bakit di ko man lang narinig na nag alarm?

kunot noo kong tanong sa sarili ko.

Habang bumababa ng kama.

''Jenica, nakita mo ba ung cellphone ko?'' sigaw at tanong ko kay Jenica. Ang ka boardmate ko at bestfriend na rin.

''Jusko naman Shine, engot ka bang talaga? Sa araw araw na lang na ginawa ng diyos, lagi nalang may nawawala sa iyo.

Gaya ngayon cellphone mo naman ang nawawala sa iyo. Ano kaba naman?

Hanapin mo nalang diyan yung cellphone mo, tayo lang naman ang magkasama dito kaya siguradong nan diyan lang iyan sa tabi tabi..'' sigaw nito sa akin saka bumalik sa ginagawa nito. Walang bago dahil lagi naman kaming ganito tuwing umaga, sigaw dito sigaw diyan.

kumbaga sa alarm clock kami ni Jenica ang alam clock ng boarding house.

''Hindi ko nga talaga makita eh!'' sabi ko na naman dito na ikinagalit na nito, lalo na nung muli akong magtanong dito.

''Baka pwedeng paki missed call mo nalang ako friend? Nang malaman ko lang kung saan ko nailapag, male late na kasi ako sa second subject ko. At patay na talaga ako nito pag nagkataon'' pakiusap ko dito. Kaya gaya ng laging gawi ni Jenica pag naiinis na.

umiikot na ang mata nito na may kasamang irap na bago sumunod sa akin...

''Ewan ko sayo, tignan mo nga yang panty mo baka nakalimutan mo na rin isuot, lagi ka na lang ganyan sa umaga! Nakakainis na..'' sabi nito sa akin na ikina ngiti ko nalang, masungit na naman itong kaibigan ko..

''Grabe ka huh? syempre di ko makakalimutang isuot iyon, ano kaba friendship? saka please pa missed call lang...'' pakiusap ko na naman dito. Kaya naman napilitan na nitong iwan ang trabaho niya at kunin ang cellphone niya, saka dinial ang number ko..

Maya maya pa narinig ko na ang ringtone ko kaya nagtatatalon na ako at mabilis na dinampot ang cellphone ko na nasa ilalim pala ng lamesa ko.

Whaaaaa..... Naiinlove nanaman ako sa tunog ng ringtone ko, gaya ng pagkaka inlove ko sa banda ng kumanta nito.

''Ohhh chad pansinin mo lang ako promise ko sayo gagawin kitang prinsipe ng buhay ko. '' sabi ko habang yakap yakap ko ang phone ko, nang biglang.

''Tangek ayaw niya sigurado ng, tatanga tangang girlfriend o kahit ata katulong, panget ka na nga tanga kapa, ayawan na talaga.'' banat nito.

''Ikaw talaga moment ko nalang sinisira mu pa. Kaibigan ba talaga kita? Panget talaga? Ang sakit mo sa puso. Hindi ba pwedeng maging prinsesa ng buhay niya? Pagandahin mu naman yung tawag sakin.'' sabi ko na naman pero talagang hindi ito yung tipo na magpapatalo.

''Asus ewan ko sayo, kung ikaw lang din maging prinsesa niya tiyak papakamatay na lang yun no. Saka diba sabi mo late kana? Bakit hindi mo kaya unahing ayusin ang itsura mo,

ng hindi naman nakakasura yang itsura mo kung mag kasalubong man kayo ng pinagpapantasyahan mong si chad....''sita nito sa akin kaya naman tila nagising ako at agad napatingin sa relo... 

''Hala Oo nga late na ko. Teka nasaan ang suklay ko? Shit. Jenica nakita mo ba yung suklay ko?'' tanong ko na naman dito.

''Ewan ko sayo, lahat na lang nakalimutan mo! Suklay ko na lang ang gamitin mo. Di na ko matapos tapos sa ginagawa ko kakatanong mo istorbo'' reklamo nito sabay talikod.

''Sungit...'' sabi ko, saka ako nagsuklay at nagmamadaling umalis ng hindi na tumitingin sa salamin...

Maya maya huminto na muna ako sandali dahil sobrang hingal na hingal na ako..

''Grabe ang layo na ng itinakbo ko. Dito na nga lang ako maghihintay ng taxi..'' bulong na sabi ko sa sarili ko..

Nang bigla akong mapatingin sa tinted na sasakyan na nakahinto sa tapat ko.. Kitang kita ko ung buhok ko na parang nakuryente sa gulo.

Whaaaaaa.... Anyare sa mukha ko? Para naman akong ni rape sa itsura ko.

''Siguro naman walang tao sa loob ng kotse na ito? Makapag salamin nga.'' sabay yuko ko at tingin sa salamin, maya maya pa dinilaan ko ang hinlalaki ng daliri ko, saka ko pinahid sa kilay kong hindi naka ayos. Kasabay non ay ang pag hawi hawi ko sa buhok ko na tuluyang nagulo dahil sa pagtakbo ko kanina.

''Okay!! Pwede na ang ganda ko na talaga sobra..'' Mahina kong sabi saka ako nag peace sign sa salamin ng kotse at nag wacky face pa, nang biglang dahang dahang bumukas ang bintana ng kotse at tuluyang nahantad sa akin ang gwapong gwapo na si Chad?....

WHAAAA nakakahiya ka Shine tili ko sa sarili ko.

Pero ok narin dahil nakaharap ko ang gwapong gwapo na si chad, ang swerte naman ng araw ko.

Kilig na kilig na sabi ko nang biglang magsalita ito nang...

''Wag ka dito magkalat sa harapan ng kotse namin, baka kasi mabasag ang salamin ng kotse namin misis..'' sabi nito na may kasunod pang shuuuu....shuu...

Tang na… Ano ako aso? Saka anong misis? Gago to huh? .. Pasalamat ka mahal kita naku kung hindi sinapok na kita... Charot kong sabi sa isip ko.

Chad's Point Of View

''Late na ako Dark! Baka pwedeng tawagan mo na ang syota mo at sabihin mong bilisan naman niya..'' sabi ko kay Dark ang vocalista sa grupo namin.

''Sandali na lang pare wag masyadong highblood.'' sabi nito sa akin ng biglang may sumulpot na babae sa harapan ko..

Tapos yucksss nakakadiri naman ito pinahiran niya ng laway ang kilay niya...

''Eeawww.. She's crazy.. Ang tanda tanda na akala niya pa ata dalaga siya..'' sabi ko sa diring diring pagmu mukha.

''Sira pare naka uniform oh. School mates yata natin. Diba uniform natin ang suot niya.?'' tanong ni Dark sa akin.. Hindi ko na sana ito papansinin, pero bigla itong nag wacky face sa harap ko tapos saka nag peace sign. Kasura naman.. 

Nang biglang bumaba yung salamin ng kotse, kaya natataranta ako. Napindot ko pala kaya bumaba ang salamin.

''My god bakit bumukas?'' nakita kong sobrang nagulat ang babae ng makita ako...

Mukhang kilala niya ako di na kasi ito nakapagsalita, sabagay nakakita ito ng gwapo.

''Wag kana dito magkalat sa harapang ng kotse namin, baka kasi mabasag ang salamin ng kotse namin misis... Kaya tsuuu...Tsuuu..'' bulas ko dito...

Nakita kong sumimangot ito, pero hindi ito nakipag talo, bagkos nakita ko itong pumara ng taxi saka nagmamadaling sumakay dito....

''Grabe ka talaga... Halata pa namang crush ka ng babaeng yon...'' sabi ni Ley

''Ewan ko sa iyo, di ako pumapatol sa panget noh...'' sabi ko dito na ikinatawa nito.

''Grabe ka naman, hindi naman sya panget tingin ko nga sa kanya ang ganda nya, yun nga lang di sya kasi naka ayos...'' sabi nito saka ngumiti na tila may binabalak...

''Tsiiii.... Ewan ko sayo. Ano yang mata mo karton? '' sabi ko saka ako nag sindi ng sigarilyo at nag hithit buga, sa labas ng bintana...

Maya maya Nakita ko na rin ang girlfriend ni Dark sa wakas..

Kaya ng makalapit ito sa amin di ko maiwasang hindi magsalita dito...

''Buti naman lumabas kana akala ko kasi aabutin pa kami ng kinabukasan sa paghihintay sa iyo...''

Walang pakundangan kong sabi dito.

''Sorry may ginawa pa kasi ako eh...'' sagot nito..

''Wala ng magagawa ang sorry mo okay? Sira na ang araw ko...'' sabi ko, saka ko tinapon ang yosi ko sabay buga sa usok na naipon sa loob ng bibig ko...

''Chad, tama na, walang alam ang girlfriend ko sa pagka badtrip mo ngayong umaga...'' sabi ni Dark saka nito sinenyasan yung driver na magdrive na....

Mabilis talagang magpatakbo si manong kaya ilang minuto lang nasa parking area na kami ng school..

Di pa man kami bumaba ng kotse may mga babaeng fans na kami na naghihintay sa labas ng kotse.. 

Yumuko yuko naman kami ni Dark... Para mas makadaan kami ng maayos pero malas biglang may bumunggo sa akin.... Pag tingin ko

Yung chakang girl na naman..

''Anong ginagawa mo dito?'' tanong ko dito...

''Malamang papasok. Sa puso mo......'' sabi nito na may pakilig kilig pang nalalaman sapakin ko kaya ito? Nakakasura eh.

''Hoy nangangarap ka na naman ng gising...''sabi ko.. Saka ako napatingin sa ilang mga estudyante..na Halatang nagtatanong ang mga mata. Kung saan ko nakilala ang isang ito..Maya maya nakita ko na naman ang inaanak ni mama na Papalapit sa akin. Ayoko na muna itong maka usap at kukulitin na naman ako nito. 

''Ohhh hawakan mo bag ko...'' sabay hagis ko ng bag dito, na tila ikinagulat nito..

''Ano mo siya Chad?'' tanong ng mga fans namin saka mga nag bulong bulungan.

mga chismosa talaga.

''Bagong P.A ko, '' sagot ko sa mga ito, saka ako lumakad at kinaladkad ito na ikinagulat ng lahat.

''Talaga P.A mona ako? Ang saya ko naman ngayon.'' bulong nung babae sa akin pero di kona ito pinansin  bagkos dumiretso nalang ako ng lakad habang hawak ko ito. Sa unang pagkakataon hindi ako nairita ng may mahawakan akong babae. Dati kasi pag may nahahawakan akong babae naiirita ako at nandidiri pero ang babaeng ito kakaiba siya

To be continued....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status