Share

3

Chad's POV

Ang ingay naman ng babaeng ito at ang sakit sa tenga ng boses! Sana pala hindi ko nalang pala kinuhang personal assistant ito parang pinaparusahan ang tenga ko sa ingay nito. Pero sa totoo lang nakakagulat isipin na agad niyang nakasundo ang mga kaibigan ko. Hindi kasi sila ang tipong nagtitiwala agad. Pero itong babaeng ito kasundo na agad niya ang lahat at heto at kabiruan na niya ang mga ito na parang ang tagal na nilang magkakasama.

Maya maya ay nagpaalam na ito para bumili ng meryenda. Salamat naman at paalis na ito. Mapapahinga rin sa wakas ang tenga ko at makakapag practice na ako ng walang maingay sa paligid.

Pero nang palabas na ito ng pinto. Ay bigla bumukas ang pinto at iniluwa ang kababata kong si Calline at kasama pa ang dalawang alepores nito.

Nakita ko pa nga na masama ang tingin ng mga ito dun sa bago kong assistant.

Tiyak gulo na naman to. Siguradong aawayin ni Calline ito, dahil ayaw na ayaw nito na may umaaligid at naiinlove na babae sa akin, kahit pa sabihin pang fans ko lang ito.. Feeling na kasi ata nito na porket mag bestfriend ang mga magulang namin ay kami na ang para sa isat isa..

Nang biglang mag salita yung P.A ko.

''Problema ninyo? Papatay ba kayo'' sabi nito na may kasama pang taas ng kilay.

Wow at talagang nag cross arms pa ito, saka tumingin kay Calline ng mata sa mata...

Hmmmmm matapang..

Pero syempre si Calline nga diba? Kung sa paartihan at patarayan din lang ang labanan hindi papahuli ang isang ito,masama kaya ugali nito.

''Wala naman, bali balita kasi dito, at sabi din ng mga friends ko may bago daw chimay si boyfie ko, di nga daw kagandahan at walang ka class class ang hitsura.'' sabi nito saka ito tumawa na halatang pang aasar lang naman.

''O ngayon nakita mo na ako satisfied kana? Punta kana sa kanila kwento mona agad na ang babaeng pinalit sayo ng boyfriend mo eh isang hamak na babaeng walang ka class-class ang dating. Malamang maawa sila sayo kasi maganda ka naman pero iniwan ka. Saklap'' sabi ni Shine na ikinatawa nila Reggie at ng iba pa.

''Hahaha nakakatawa buti alam mo na tama sila ang cheap mo na nga wala ka pang ka class class.'' sabi nalang ni Calline para matakpan ang pagkakapahiya nito.

Ayos pala talaga ang isang ito eh, sumang ayon talaga nilait kona nga ang sarili ko tinodo pa ang lait. Saka sabay tingin nito sa akinmula ulo hanggang paa.

''Tsiii makatingin at makalait kala mo kung sino. Tusukin ko tonsil mo ng makita mo hinahanap mo. Ohh ayan nakita mo na ako satisfied ka na?? Oh tumabi ka na d'yan at aalis na ako marami pa akong bibilhin...'' sabi nito saka sinadyang balyahin sa katawan si Calline,

''Ouchhh why did you do that? ''Maarteng d***g ni Calline sabay tingin ng masama dito..

'' Ouchhh why did you do that.'' Maarteng gaya ko dito. ''Sorry naman, Pero alam mo maganda kana sana tanga ka lang, sabi ko kasi sa iyo tumabi ka, pero hinarang mo pa yang katawan mong medyo may kalakihan.. Nextime kasi diet diet din pag may time, masyado ka kasing malapad di na tayo magkasya....'' mapang inis at pang asar na banat nito..

''what? Ako malaki hindi kaya...'' maarteng patol na sagot ni Calline.. Sabay hawak sa balakang niya at umikot ikot.

Pero hindi naman ito pinansin ni Shine..

Dahil lumakad na ito ng tuluyan,

habang si Calline walang nasabi tila hindi inaasahan na sasagot ito sa kanya...

Ayos pala ito eh pwedeng pwedeng pangbaragan..

Sabi ko sa sarili ko, saka ako bumalik sa mga kasama ko at kinuha ang gitara ko.

''Ayos pala ang bago mong P.A Chad palaban kung sa palaban..'' sabi ni reggy

''Oo muh ulol....'' sabi ko saka ako bumalik sa pag pra praktis..

Shane's POV

Ano ako bagong celebrity? Personal assistant ng mga celebrity oo. Pero anak ng teteng kailangan bang mga nakatingin lahat sila sa akin habang bumibili ako?

At syempre habang abala ako sa mga pinapamili ko,, napapansin ko ang mga mukha ng mga ilang estudyante..

jusko po.... panay ang tingin sa akin at saka mga mag sisipag bulong ng kung ano anong mga salitang hindi ko naman marinig at maintindihan..

''Kasura mga chismosa talaga ang mga ito, sabagay sino ba naman ang hindi maiinggit sa akin,, pwede kong makita ang mga idol nila kahit mayat maya..

samantalang sila l***t na mga leeg nila di' pa nila makita ng personal ang mga idol nila. At syempre at higit sa lahat,

Pwede akong gumawa ng paraan para maakit sa akin si Chad haha.

yun nga lang maakit naman kaya? Naiiling kong sabi sa sarili ko. Makaalis na nga lang.

Palakad na sana ako palabas ng canteen ng makita ko si Dark naka tingin sa akin habang naka sandal sa may hamba ng pinto...

At ng mapansin niyang nakita ko na siya, lumapit ito sa akin at ngumiti...

Whaaaaaa.... Makalaglag panty ang ngiti niya..

''Para sa amin ba ang mga iyan?'' tanong nito sa akin habang tinitignan ang mga binili ko...

''Tulungan na kita.'' sabi nito pero iniwas ko sa kanya ung mga binili ko. Baka kasi mawalan pa ako ng trabaho nito, kung sakaling mag patulong ako sa pagbubuhat ng mga pinamili ko..

'Wag na ano ka ba? Yakang yaka ko ito okay? Gusto mo lang yatang mapa talsik ako sa pagiging P.A ko eh .'' sabi ko,

Saka ako dirediretsong lumakad habang naka sunod naman si Dark sa likod ko.

''Buti pa sumabay ka na lang sa akin..'' sabi ko, saka ko siya nginitian..

''Kamusta ka naman sa pagiging P.A mo?'' tanong nito sa akin..

''Okay na okay syempre, pwede ko na kasing makita si Chad, kahit kailan ko gustuhin crush na crush ko kaya ito mula pa ng 1st year ako .'' sagot ko ng biglang may pumatid sa akin..

Naramdaman ko ang kirot ng tumama ang tuhod ko sa semento.

Napatingala ako para makita ko kung sino ang hudas na pumatid sa akin. Nang bigla kong marinig si Dark na nagagalit at sumisigaw..

''bakit mo ginawa yun Jaina? Ano bang problema mo?'' sigaw ni Dark sa babaeng nag ngangalang Jaina....

''Bakit hindi? Eh yang panget na yan ang pinalit mo sa akin...'' sigaw nito kay Dark pero sa akin nakatingin..

''Dahan dahan ka sa mga sinasabi mo Jaina, wala akong alam sa mga sinasabi mo...'' sabi ko dito pero isang malakas na sampal ang ginawa nito sa akin. Halos mabiling ang mukha ko sa sampal na iyon.

Lalapit pa sana ito sa akin ng biglang humarang na si Dark sa pagitan namin...

''Tumigil kana walang alam si Shine sa mga sinasabi mo....'' sigaw ni Dark dito.

pero lumapit pa rin ito sa akin para sampalin lang ulit ako.

Pero syempre di na ulit mauulit iyon noh?

ano ako baleh?

Dahil nang makita kong sasampalin muli ako nito sa mukha ko ay inagapan ko agad ang kamay nito. Saka ko iyon sinabayan ng igkas ng kamay ko patungo sa mukha nito.

Saka ko ito hinarap..

''Once na ulitin mo ulit ang pananampal sa mukha ko, ng wala akong kasalanan o atraso sa iyo, sinisigurado ko sa iyo ten times ko iyon gagawin sa iyo.

Sa ngayon Quits na tayo..'' sabi ko saka ko pinulot lahat ng mga pinamili ko..

Saka ako dire diretsong lumakad ng medyo malayo na ako saka ako huminto at nagsalita...

''bwiset na buhay talaga. Ang sakit ng tuhod ko di na nga maganda face ko magka peklat pa tong tuhod ko..'' d***g ko saka ko hinawakan ang tuhod ko.

''Pupunta na nga lang muna ako sa grupo at ihahatid ko muna itong mga meryenda nila bago ako pumunta sa clinic.'' bulong ko saka ako lumakad ng biglang humarang sa akin si Dark at lumuhod.

Whaaaaaaa.......... Kakahiya

''Tumayo ka nga dyan Dark, nakakahiya sa mga ilang estudyante....'' bulong ko dito,, pero imbes na tumayo ito, dumukot ito sa bulsa saka inilabas ang panyong puting puti...

''Anong gagawin mo?'' tanong ko pero hindi ito sumagot...

Nagulat nalang ako ng dahan dahang itong idampi ni Dark sa tuhod ko saka ito itinali...

''Hindi mo na dapat ginagawa iyan Dark, nakakahiya naman sa iyo...'' sabi ko pero ngumiti lang ito.

Grabe ang pogi niya, sana kagaya nalang din niya si Chad na pala ngiti at friendly, natigil ang pagmumuni muni ko ng magsalita si Dark.

''Kaya mo?'' tanong nito.

''Oo naman...'' sabi ko pero nagulat ako ng bigla nalang ako nito buhatin...

''Whaaaaaa... Anong ginagawa mo Dark ibaba mo ako..'' impit na sabi ko habang pumipiglas. Pero nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa tambayan nila.

''Wow pare anong meron?'' tanong ni Reggy sa akin.. Bago ako nito nilapag...

''Inaway ni Jaina.'' maikling sagot nito.

Buti pa yung ibang ka bandmates ni Chad nagtanong..

Pero si Chad, parang wala lang nakita.. Diretso lang ito sa pag tipa sa kwerdas ng gitara..

Asa pa ba ako? Katulong lang kaya ako sa paningin nito kaya talagang

Wala itong pakialam sa akin..

''Wag mo na lang siyang pansinin okay? Tara gagamutin ko yang tuhod mo.'' sabi nito saka ito ngumiti sa akin na ginantihan ko din ng ngiti..

''Thank you!'' sabi ko..

''Welcome...'' sagot nito saka nito pinisil ang pisngi ko.

Na ikinapula ko...

''May sasabihin ako sayo dark.'' sabi ko dito.

''Ano yon?''

''Wag kang masyadong mabait okay? maaakit ako sayo nyan, sige ka...'' banta ko dito pero tinawanan lang ako nito ng sobrang lakas...

Saka sabay sabing..

''Ok lang naman Shine...'' sabi nito na ikinalaki ng mata ko....

Whaaaaaaa....... Lumalandi ka Dark papatulan kita..

To be continue

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status