Share

4

Dark's Point Of View

Nasa condo kami ni Chad at nag iinuman ng tropa habang nag kwe kwentuhan ng biglang magsalita si Ley.

''Hoy Dark type mo ba yung P.A ni Chad? Tanong ni Ley sa akin. Pero tinawanan ko lang ito.

''Ley ibang klaseng babae ang type ni Dark, hindi nya magugustuhan yung si Shine..'' sabi ni Reggy, habang iniinom ang tagay nito...

''Pwede ba wag nga kayong maingay d'yan, kung type ni Dark ung si Shine, pabayaan ninyo, tiyak naman after niyang makuha ang gusto niya doon sa babaeng iyon, im sure ididispose niya agad iyon...'' sabi naman ni Chad, na parang ikinainis ko. Pero hindi ko na lang pinahalata basta tumagay nalang ako at tumahimik na..

Habang ang dalawang sina Renver at Reggy ay nagbi billiard.

''Pahangin lang ako guys..'' sabi ko saka tumayo at lumabas..

Umupo ako sa gilid ng fountain saka nakapamulsang tumingala....

''I miss you Shanon!'' bulong ko saka ako nag sindi ng sigarilyo.. Nang biglang tumunog ang cellphone ko...

~Shanon calling.........

Conversation....

~Hello!'' sagot ko...

~Hi! Kamusta kana Dark?'' Shanon..

~Okay lang ikaw?'' tanong ko

~Ikakasal na ako Dark..'' sabi ni Shanon.

~Congrats, kailan?'' ako

''This week,, papadalhan ko kayo ng invitation. Sana makapunta kayo...'' Shonon...

''No need, hindi ako pupunta..'' sabi ko..

''Ganun ba?'' Shanon.

''Oo, may sasabihin ka pa ba? Ibababa ko na'' tanong ko saka ko papatayin sana,, pero nagsalita ito...

''Wait''

''Ano yon?''

''I miss you''

Matagal ako ng natahimik sa sinabing yon ni shanon bago ko tuluyang pinatay ang cellphone ko..

End of conversation

After kong mag isip at magpahangin pumasok na rin ako agad sa loob.

''Pare nabasa mo na ba ang twitter account ni Shanon?'' tanong ni Ley.

''Ikakasal na si Shanon pre..'' sabi ni Renver..

''Alam ko na,,, kausap ko na si Shanon kanina..'' sagot ko saka ako nagpikit pikitan para hindi na magtanong pa ang mga ito...

Shine's POV

3days later

Nandito ako ngayon sa backstage kung saan nagpeperform ang amo kong si Chad..

Hindi naman ako pwedeng umalis dito para pumunta sa harap para makita itong mag perform. Dahil mayat maya din silang bumabalik sa backstage para magpalit ng mga costume, bago sila ulit lalabas para mag perform...

Gaya ngayon bumalik na ulit sila.. Kinuha ko agad ang tubig ni Chad at binigay ko agad dito, kumuha din ako ng face towel para punasan ang mukha ni Chad, pero umiwas ito saka inagaw ang face towel..

''Ako na...'' sabi nito saka uminom ng tubig..

Nakita ko naman si Dark tila hinahalungkat ang kanyang bag kaya pinuntahan ko ito at tinanong, tutal wala naman na kasi akong gagawin na kay Chad.. Ayaw naman kasi nito mag paasikaso eh...

''May problema ba?'' tanong ko dito.

Tumingin naman agad ito sakin at ngumiti..

''Oo eh nawawala kasi yung tubig ko... Ung binigay mo namang tubig naubos ko na,, meron ka pa bang tubig?'' tanong nito sa akin...

''Ahh ganun ba? Wait lang huh titignan ko kung meron pa...'' sabi ko dito saka ako bumalik sa pwesto ko para tignan ang cooler ko.

Pero wala na akong nakita kaya bumalik nalang ako dito..

''Wala na eh yung sa akin nalang kasi yung natira,, wait lang lalabas ako kukuha kita.'' sabi ko saka ako patakbong lalabas, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko, kaya napahinto ako at napa tingin sa kamay ko..

''Bakit may kailangan ka pa ba?'' tanong ko..

''Pwedeng ung tubig mo nalang ang inumin ko?'' tanong nito na ikinagulat ko... Pati nga ata sina Reggy, Ley, at Renver nagulat sa sinabi ni Dark...

''Huh?'' nasabi ko...

''Pero nainuman ko na iyon...'' sabi ko..

''Okay lang wala ka naman sigurong aids diba?'' sabi nito sa akin na ikinapula ng mukha ko saka ako umiling...

''Kung ganun painom..'' sabi nito. Kaya naman nagmamadali kong kinuha ang tubig ko sa table ni chad.

''Pero teka nasaan na ang tubig ko?'' bulong ko ng hindi ko makita ang tubig ko sa table, nilibot ko ang tingin ko at nakita ko hawak ni chad ang mineral ko, kaya lumapit ako dito..

''Chad nagkamali ka ng nadampot na tubig... Akin kasi yan eh..'' sabi ko nakita kong napatingin ito sa akin saka tumingin sa bote ng mineral..

''Ubos na bumili ka nalang, uhaw na kasi ako kaya dito na ako uminom...'' sabi nito saka tumingin sa akin na parang wala lang...

'' Ganun ba?'' nasabi ko nalang saka ako bumalik kay Dark, at humingi ng pasensya..

''Dark wala na palang laman ung bote ko bibili na lang ako sa labas huh? sandali lang...'' sabi ko saka ako nagmamadaling tumakbo...hindi ko na iniintindi ang sasabihin nito basta nagmamadali nalang akong lumabas para bumili..

Chad's Point Of View

Bakit ba tarantang taranta ang babaeng ito? Hindi niya kailangan punasan ang pawis ko, or magahol pag nakikita niya ako..

Hindi naman siya talaga slave, para alilain niya ang sarili niya...

Ngayon lumabas pa talaga siya para ibili ng maiinom si Dark. Nagpapaka tanga siya masyado para makita at makasama kami. Paano kaya kung manyak kami?

Tsiii.... Sabagay di siya kamanyak manyak..

Ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Shine, pawis na pawis habang hawak ang tubig na binili niya sa labas...

''Uto uto naman ito.'' naibulong ko..

''Pasensya na natagalan ba ako?'' tanong pa nito, habang hingal na hingal...

''Hindi okay lang sana hindi kana nag abala.'' sabi naman ni Dark,, tsiii bakit ba ganyan siya maka tingin kay Shine may gusto ba siya dito?

''Tsiiii.... Impossible.'' nasabi ko na lang..

''Doon muna ako kay Chad huh..'' paalam ni Shine kay Dark, pero tinawag muna ito ni Dark kaya naman lumapit ulit si Shine dito...

''Bakit?'' tanong ni Shine..

Saka lumapit kay Dark.. Nakita kong tumayo si Dark saka nito pinunasan si Shine,

Nagulat din talaga ako sa ginawa nito...

Maski sina Ley nagulat..

nakita kong magsasalita pa sana si Shine

Pero tinatawag na ulit kami sa stage..

Kaya naman lumakad na kami papunta sa stage,, pero bago ako tuluyang lumabas tinignan ko si Shine, nakatulala ito habang nakatingin kay Dark.....

''Tsiiii......yun lang natulala na....'' bulong ko saka ako tuluyang lumabas sa stage...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status