Share

Between Hues of Tomorrow | Dreamboat Series #2
Between Hues of Tomorrow | Dreamboat Series #2
Author: Celestine_Lemoir

Prologue

Prologue

"I, Arkin Zuller Beckham, take you, Cath Trina Javier, to be my lawfully wedded wife, for richer, for poorer, in sickness and in health, 'til death, do us...Oh come on, just say she's mine already and get this over with!" Azul groaned that made the crowd laugh so hard. Some even shed tears while giggling because finally, the great Arkin Zuller of Beckham family is getting married. 

Masaya ang lahat. Everyone who attended the proclaimed "wedding of the year" were dressed in their beautiful and expensive couture gowns and stunning ensembles of suits and ties. Paborito ni Cath ang kulay na asul at iyon ang motif na pinili nila para sa kasal. There were flowers with blue petals hanging on the ceiling matched with aqua blue crystal decors. Nakasabit din ang mga asul na tela at ang ginamit na carpet ay sinadya ring gawing asul. Even her bouquet was blue...papers folded into flowers. The same papers she used to write letters for her groom.

Blue. Everything has a touch of blue, and she think it's beautiful, calming in a sense, katulad ng nadarama niya kapag nakikita ang kulay ng mga matang humahagod sa kanyang mukha ngayon. Those pair of blue pools that seemed to suck her sanity whenever it's locking its gaze with hers.

The same pair of eyes she wanted her future kids to have.

Napailing ang pari sa sinabi ni Azul ngunit hindi nakatakas sa madla ang pagkurba ng labi nito. "Arkin Zu—"

"Azul, father. Just," he sighed, losing patience with another mention of his own full name. "just please call me Azul para mas maikli. Mas madaling matatapos ang kasal. Mas mabilis ko siyang magiging asawa."

Muling humagikgik ang mga bisita habang si Cath ay pigil ang pamumula ng pisngi. Mahina niya na lamang na piniga ang kamay ni Azul, dahilan para mabaling muli sa kanya ang atensyon nito.

"Mas hindi tayo matatapos kung reklamo ka ng reklamo, Azul." Suway niya rito, natatawa.

Sumimangot si Azul ngunit mayamaya ay muling bumuntong hininga. "Ang bagal niya, babe." Those thick brows of him almost met.

Pinandilatan ito ni Cath dahil sa sinabi. "Naririnig ka ni father! Baka mamaya hindi tayo basbasan niyan, sige ka."

"Fine." Azul frowned and rolled his eyes at the poor priest before he raised Cath's hand up to his lips to kiss the back of her palm. That swift move he loves to do never failed to melt her heart. "Father, it wouldn't hurt to hurry a little."

"And it's not gonna kill you to be a little more patient, child. That, after all, is one important thing to keep a marriage strong." Ngumiti ang pari at tinignan ang magkahawak nilang kamay. Mayamaya ay bumutong hininga ito at tumingin kay Cath. "This is my first time to meet such impatient groom. Mukhang mahal na mahal ka niya, hija..."

Inis na natawa si Cath nang muling marinig ang sinabi ng pari. Sinubo niya ang popcorn sa kanyang bibig saka dumapa sa kama upang kunin ang remote. Ni-rewind niya nang kaunti ang wedding video saka niya pinause sa parte kung saan hinalikan ni Azul ang likod ng kamay niya.

Napaismid siya sa inis. "Such a great actor. Fuck you for that, hubby."

Kumuha siya ng ilang pirasong popcorn at binato sa malaking TV, sinasadyang patamaan ang bahaging nagproject ng mukha ng lintik niyang mister.

"Oops." She smirked and sat on her heels. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang tamaan ang pangit mong mukha."

Inis niyang sinubo ang natirang popcorn sa saka bumaba ng kama upang lapitan ang screen ng TV. She touched that part that has Azul's face, tracing his sharp jaw up to his sinful lips. Napakalambot ng mga labing iyon, ngunit wala siyang ibang nadinig kung hindi pawang kasinungalingan. 

Kasinungalihang nagdulot ng trahedya sa buhay niya.

Muli niyang nadama ang pamilyar na kirot. Kirot na sana, hindi niya dinaranas kung iba ang pinili niya noon.

She breathed out heavily as memories of what she thought was a beautiful past, came haunting her again. Nang matitigan niya ang mga mata ng lalakeng dapat sana ay hindi na lamang niya pinakasalan, muling kumirot ang kanyang puso.

Those eyes. Those deceiving blue eyes that once made her believe in fairytales and prince charmings. Ngayon ay halos kasuklaman niya na ang kulay na iyon dahil sa lalakeng nasa screen at ikinakasal sa kanya.

Memories. Ample amount of memories came flashing inside her head again like a tape in repeat. Hindi niya mahinto, kahit gaano pa niya kagustong itigil na makita ang bawat alaala.

His kisses still tasted like yesterday's promises in her mouth. His touch remained lingering on her skin. His words kept the biggest space in her shattered heart.

Her lips pursed together when she felt a sting. Masakit pa rin. Ang sakit-sakit pa rin...

If catastrophe has a name, it's probably Azul. Ang lalaking iyon na pinagkatiwalaan niya ng lahat sa buhay niya, ay ang mismong taong dahilan kung bakit siya miserable ngayon at nawalan ng tiwala sa iba.

He betrayed not just their marriage, but her heart and soul.

And that betrayal had caused so much. So much for her to take. 

Hindi niya alam kung hanggang kailan pa niya kakayaning ganito siya. She can't even recognize herself anymore whenever she's staring at herself in the mirror.

Why did you let my tears fall for you? Why did you choose to leave the biggest scar in my heart?

How dare you let me feel so blue when you promised nothing but a colorful life for us?

Humapdi ang sulok ng kanyang mga mata nang sa muli niyang pagpikit ay muli niyang nakita ang imahe ni Azul habang nakaluhod sa harap niya. It was every girl's dream to have a man who will make her childhood dreams come true. That son of a bitch dressed up like prince charming, brought a bunch of asshole knights with him, and made her feel like the damsel in distress that needed saving.

Bullshit.

Bakit kasi nagpapaniwala siyang pinagpapala ang mabubuting tao? Ginago tuloy siya ng mundo.

Ng lalaking ginawa niyang mundo.

She snapped when she heard footsteps. Natataranta niyang sininghot pabalik ang nagbadyang pagluha nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. 

"Cath? Aren't you—oh, I'm so sorry." Maagap na paghingi ng tawad ni Astrid, ang girlfriend ng kanyang kuya Crude.

Pagak siyang ngumiti at nilingon si Astrid, pilit tinago ang lungkot na dumudurog sa kanya. She knows she's getting better at this. She can hide it.

"It's okay, Astrid. Uhm, hindi ako makakasama sa premier night ng pelikula niyo, ha? May kailangan kasi akong asikasuhin. Tell kuya I'm proud of him, and of course, sayo rin."

Mapaklang ngumiti si Astrid at naglakad palapit sa kanya, ang mga mata ay tinitignan siyang tila sinasabing hindi niya kailanman maloloko ang isang batikang aktres na gaya nito. Kilalang-kilala na siya ni Astrid kaya papunta pa lang ito sa kanya ay binuka na nito ang mga braso para yakapin siya nang mahigpit.

"Girl, you don't have to keep that video if it's too painful for you to watch." May bakas ng pag-aalalang ani ni Astrid.

Bumuntong-hininga si Cath. Hindi naiintindihan ng iba ang tunay na rason kung bakit patuloy niyang pinapanood ang video ng kasal nila ni Azul. She badly needs that reminder that she married an asshole named Arkin Zuller Beckham, and she needs to find her way out of that huge mistake as soon as possible.

Hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari. After everything he had done to het? No freaking way she will still stay as Mrs. Arkin Zuller Beckham.

"I'm alright, really. Kailangan ko lang talagang mapanood." She walked towards the side table and grabbed her soda. Kinuhanan niya ang sarili ng larawan gamit ang kanyang phone para i-post sa Instagram. He still follows her. She's sure makikita ni Azul. Ayaw no'n na umiinom siya ng carbonated drinks.

Sumimsim siyang muli habang nakatupi ang isang braso sa tapat ng kanyang dibdib. "I need a little reminder na gwapo ang asawa ko kaya dapat ay tanggap ko nang mamomroblema talaga ako pagdating ng araw." Tumawa siya nang pilit kahit alam niyang hindi niya madadaya si Astrid.

But maybe she can make herself believe, right? 

She knows she still needs to keep lying to everyone. Hindi iyon ang rason niya pero hindi niya kayang aminin sa iba kung ano talaga ang problema nila ni Azul. Masyadong matindi ang pinsalang ginawa ng tarantadong iyon at nahihiya siyang mabulgar iyon sa iba nang hindi pa napaghihilom ang sugat sa puso kanyang puso.

Her chest felt heavy when her eyes moved to see the image in the screen. Damn, Azul. Even the tears that never reached my eyes aren't dry yet. Fuck you for that.

Iniwas niya kaagad ang tingin at pilit na lamang na ngumiti. "I have to prepare na rin, Astrid. Baka mahuli rin ako sa lakad ko eh."

Bumagsak ang mga balikat ni Astrid, halatang hindi naniniwala sa alibi na mayroon lang siyang aasikasuhin. Sorry muna sa kanilang lahat, lalo na kay Astrid at Crude. Artista man ang dalawa, handa rin muna siyang panindigan ang pag-arte para lang mapanindigan niya ang pagtatago ng katotohanan mula sa lahat.

Her heart is already damaged. Ang pride niya na lang ang mayroon siya. Hindi siya makakapayag na pati iyon ay mawala sa kanya dahil lang sa lalakeng pinili niya six months ago.

Hindi na nagprotesta pa si Astrid. Nang tuluyan itong nakapagpaalam, inayos niya kaagad ang kanyang sarili. She made sure she smells like honey, and looked so hot and edible in her sexy royal blue body hugging dress. 

Its sweetheart cut showed her not-so-bad cleavage. Sinadya ring ipakita ang kanyang maputing hita. She's not tall and her body isn't that heavy, that's why it's so easy for Azul to carry her like a sack of potato.

Ang kanyang hanggang balikat na buhok ay kinulot niya upang mas magmature ang kanyang mukha. Her face is small that matched her chinky brown eyes, but she doesn't like her  little bit pouty lips...because Azul used to say it was his favorite part of her face.

She applied some make up to make her face look fierce. Kailangan niyang itago ang malambot niyang facial features na dahilan kung bakit madalas siyangng pagkamalang mas bata kaysa sa tunay niyang edad. Isa pa, her body is just average. Definitely not Azul's preferred body of his woman.

Gusto no'n ng makurba at malandi. Hindi ka gano'n kaya mabibwisit siya sa suot mo. Bulong niya sa isip habang pinagmamasdan ang sarili sa huling pagkakataon.

She sighed. Hindi niya akalaing darating ang araw sa buhay niyang gagawin niya ang bagay na ito para lang maibsan ang kirot na nararamdaman ng kanyang puso.

Gusto niyang gumanti. Gusto niyang iparamdam kay Azul kung anong klaseng sakit ang pinaranas nito sa kanya, at sisiguraduhin niyang magagawa niya iyon ngayon.

Dinampot niya ang kanyang clutch bag at tuluyang tinungo ang palabas ng kanyang silid. Sa labas ng bahay ay naghihintay na ang puting Audi na si Azul ang bumili. Hindi niya iyon madalas gamitin sa noon dahil naging hatid-sundo siya ng kanyang "asawa" ngunit ngayong gabi, kanya ang manibela. 

HUMIGPIT ang hawak ni Cath sa manibela kasabay ng kanyang paghugot ng malalim na hininga. "Damn you, Azul. Ang sarap mong ipalapa sa pating pagtapos nating maghiwalay."

She parked the car outside the sports center. Alam niyang naroon pa sa quarters ng national athletes ang magaling niyang asawa dahil ito ang coach ng tennis players ng bansa. 

Bumaba siya ng sasakyan at taas ang noong naglakad papasok. Ang mga taong nakakakita sa kanya ay napapatitig, ang mga nakakakilala ay ngumingiti at bumabati ngunit tanging mahinang tango lamang ang ginanti ni Cath. 

Diretso ang lakad niya hanggang sa maabutan ang tennis players at coaches, kapwa mula sa women and men categories, sa loob ng quarters ng men's category. Mukhang nagkakasiyahan pa ang mga ito at nang pumasok siya, humupa ang mga kantyawan...pati ang malanding paghaplos ng isang babaeng player sa hita ni Azul.

Doon kaagad natutok ang naniningkit sa inis niyang mga mata. She doesn't want to deny that she's jealous. Nagseselos pa rin naman siya, at naiinis siya dahil may karapatan pa rin siyang magselos. 

Mariing lumapat sa isa't-isa ang kanyang mga labi at humigpit ang hawak niya sa clutch bag ngunit pilit niyang kinalma ang sarili. The show. Put up the show while you still have audience...

Nanatili siyang tahimik. Mayamaya ay may narinig siyang nagtanong—iyong mismong higad sa tabi ng asawa niyang magaling.

"What is she doing here?" Pabulong iyon ngunit halata namang sinadyang iparinig.

Tinaliman niya agad ang tingin sa babae saka niya binaling ang mga mata kay Azul. Her heart suddenly pounded hard inside her chest when their eyes met. 

His pools were one shade darker and it was piercing her with intensity she can hardly take. His jaw was clenching hard, his lips pursed together as if he's getting his guards up.

Hello, my dear husband? Did you like how low I stoop down tonight to piss you off?

Humagod ang tingin nito sa kanya, ang kamao'y unti-unting kumuyom. His blue eyes went more intense, it twinkled with fury—and lust he never cared to hide.

Bigla nadama ni Cath ang matinding init na gumapang sa kanyang katawan. Ang mga balahibo niya ay nagsitindigan at nanuyo ang kanyang lalamunan sa paraan kung paano nito hinagod ang asul na mga mata sa kanyang katawan.

It was too intense that she almost shivered. Hindi pa rin nagbabago ang epekto sa kanya ng mapungay na asul nitong mga mata, pati ang kung paanong gumalaw ang panga nito, senyales na pilit nitong kinokontrol ang sarili.

Tumikhim siya at pilit pinaalala sa sarili ang dahilan kung bakit siya naroon. Kung bakit hindi siya maaaring magpadala sa init na nadarama ng kanyang katawan dahil lang sa atraksyon niya para kay Azul na hindi ko pa rin natatanggal sa kanyang sistema. His effect, hindi man lang nabawasan, at lalo lamang siyang naiinis dahil doon.

Her eyes went cold as Azul stared at her pools in a curious way. Kinuha niya ang pagkakataon upang pekeng ngumiti sa mga kasama nito, lalo na sa babaeng nasa tabi ni Azul na kung makalingkis ay akala mo walang asawa ang kinakalantari nito.

"I'm so sorry. Am I interrupting something?" She asked.

"No. Not at all." Isa sa mga coaches ang sumagot. "Nagulat lang kami. We didn't know you're going to pay Azul a visit here. Ang tagal na rin nung huli ka naming nakita."

Peke siyang humagikgik saka muling tumitig sa magaling niyang asawa. Naroon na ang pagtatanong sa mga mata nito. Lalo lamang niyang tinamisan ang ngiti at sinadyang haplusin ang kanyang collarbone bago niya pasimpleng kinagat ang kanyang ibabang labi. 

She felt victorious when she saw how Azul's eyes narrowed while staring intently at her lips. Gumalaw ang panga nito at dumilim ang ekspresyon.

Kahinaan ko pa rin ang mga mata niya, ngunit malakas pa rin ang epekto ng aking mga labi sa kanyang sistema. Patas lang.

Humugot siya ng malalim na hininga at naglakad palapit kay Azul nang hindi pinuputol ang titig sa mga mata nito. Nang tuluyan niya itong narating, yumuko siya at hinaplos ang pisngi ng kanyang asawa saka walang anu-anong hinagkan ang mga labi nito sa paraang alam niyang tuluyang puputol sa pasensya nito.

He didn't move, but she felt his jaw clenched. Ang mga mata nito ay lalong nagbaga sa klase ng pagnanasang dito lamang nakita ni Cath.

"Oops. Sorry. Hindi ko napigilan." Mapang-akit niyang bulong habang pinapadaan ang dulo ng kanyang mga daliri sa nakaigting nitong panga. One point for me, I guess?

Kumandong siya nang tuluyan kay Azul at tinignan ang babaeng nasa kanilang tabi bago tuluyang ngumiti. "I hope you wouldn't mind kung sosolohin ko muna si Azul." 

Tumingin siyang muli kay Azul at pinaningkitan ito ng mga mata kasabay ng pagdiin niya ng kanyang pwetan sa kandungan nito. Dumilim lalo ang ekspresyon ni Azul, sa mga mata ay nakaguhit na ang magkahalong galit at matinding pagnanasa.

She took his hand and placed it on her waist before her lips curved upward for a victorious smile. "Pahiram muna ng oras niya." Her lips went closer until the tip of her nose was already touching his warm cheek. 

"I just wanna have sex with my husband..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status