Share

Kabanata 3

Kabanata 3

The way the waves crashed on the shore as the sun bid its goodbye to the small town, gave a comforting vibe. Tahimik kong itinutulak ng paa ang duyan, ang aking katawan ay nakaharap sa kahel na dagat upang panoorin ang mga bangkang pumalaot.

I've had a lot of fun with Mitch during our shoots. Hindi kalakihan ang La Paz kaya kung saan-saan lang din kami napadpad. Inuna namin ang hilera ng mga kainan, tinikman ang mga lokal na pagkain gaya ng puto-bumbong. He helped me with my vlog and I became his assistant for his. Napakapropesyunal niyang trumabaho at ang dami kong natutunan.

I held the chain of the swing and gave myself a push. The salty wind blew my hair as I enjoyed swinging like a child. Nasa parke ako ng barangay, higit isang kilometro ang layo mula sa dagat.

Nadama ko ang paglapit ni Mitch. Inokupa niya ang bakanteng swing saka inabot sa akin ang buko juice na kanyang binili, ang kanyang mga labi ay nakakurba para sa pagod na ngiti.

His skin turned red already, even his cheeks. Marahil ay dahil sa sikat ng araw. Palibhasa ay may dugong banyaga. Namumula-mula ang balat niya habang ang mga balahibo animo'y ginto.

He sipped and let out a deep breath. "This place, I like it. It's not entirely a ten but it's peaceful. Parang kilala ng mga tao ang isa't-isa." Aniya, ang mga mata ay nililibot sa mga taong palakad-lakad.

Tumikwas pataas ang sulok ng aking mga labi. Tama si Mitch. The people here, hindi katulad ng mga tao sa Maynila. Doon kahit yata ilang taon mo nang kapitbahay, hindi mo pa rin kilala kapag may naghanap samantalang dito, kanina noong may nagtanong na magdedeliver, aba halos lahat ng tao ay kilala kung sino ang tinutukoy. Tinuro mismo ang eksaktong bahay at sinabi pa kung ilan ang aso.

Gusto ko tuloy matawa nang maalala iyon. Naisama namin ni Mitch iyon sa aking vlog. Ang sakit tuloy ng tiyan ko kanina kakatawa lalo doon sa part na sinasabi ng mga tao na may tatlong aso sa bahay kaya dapat ay tawagin niya agad ang pangalan ng may-ari bago magsitalon sa pader ang mga aso.

"What are you smiling about?" Hindi niya naiwasang magtanong. Mayamaya'y pati siya ay natawa na, tila alam kung anong nakapagpakurba sa mga labi ko.

Bumuga siya ng hangin. "Please tell me hindi 'yong tungkol sa aso na naman?"

I laughed. Hindi ko na kinaya. "Hindi ko kaso gets, alam mo 'yon? Para saan ang bakod kung hanggang baywang lang?" I asked before taking a sip.

He laughed harder, halos maiyak na. "Maybe that's why they have dogs. You know, for better security."

Halos mabuga ko ang buko sa aking bibig dahil sa sinabi niya. Si Mitch ay lalo lamang humagalpak ng tawa. Walang duda. Siya nga si Masked Wanderer. Sa tawa pa lamang ay mabubuko na talaga siya. Siguro ay kung kasing active sa social media ng mga tiga-Maynila ang mga may edad dito, baka dinumog siya. Iyong mga kabataan ang mas nakakakilala sa kanya. I remained unbothered. Hindi naman ako sikat pang vlogger. Hindi rin nababalandra sa media ang mukha ko kaya kaunti lang ang may alam na kapatid ko si Crude Andrade. His manager made him use mommy's last name. Palibhasa ay dati ring naging artista si Mommy noong kabataan niya. 

"Oh God. This place is crazy." Aniya, pinupunasan ang namuong luha dala ng sobrang pagtawa.

I couldn't agree more. Siguro ay ganoon din katindi ang tiwala ng mga tao rito sa isa't-isa. Their fences are not as high as expected. Lalo iyong malayo sa mga resort. Isa pa, bilang lamang ang malaking resort sa lugar. Iyong Blue Bayou lamang at Camp Sumali ang nababalita sa telebisyon at madalas puntahan ng ilang personalidad.

My trip just got better because Mitch's  company. Inubos namin ang buko juice saka naglakad na sa dalampasigan. Mabilis kaming naging komportable sa isa't-isa, siguro ay dahil sa maraming bagay na pareho naming hilig. He asked me a lot of stuff, maging ang desisyon kong hindi sumunod sa yapak ng aking kapatid.

"I don't think I am fit for big screens. Okay na ako sa YouTube." Simple kong tugon.

Ngumiti siya at dumampot ng bato para ihagis sa dagat. Sumalubong ang alon at humampas sa dalampasigan. Naabot ng tubig alat ang aming mga paa. Ang sarap sa pakiramdam ng lamig ng tubig.

"For someone who loves to talk in front of a camera, you have low self-esteem." Kumento niya saka dumampot muli ng bato. "That's really cute."

Hinawi ko ang hibla ng aking buhok na napunta sa aking mukha dahil sa pag-ihip ng hangin. "I love sharing stuff to people especially my experiences but, I don't like faking my life and my emotions."

Iyon ang ginagawa ng mga artista. Hindi ako magaling doon. Most people say I am too transparent. Maging ang simpleng papuri ay kayang pamulahin ang aking pisngi, ang maliit na insulto ay kayang palungkutin ang mga mata ko.

"Some vloggers do that, too, you know? Marketing strategy rin. Glad I met someone who likes things to be real. Iilan na lang ang mas naka-focus sa purpose ng pagba-vlog keysa sa salaping pwedeng kitain." Aniya bago tuluyang pinakawalan sa dagat ang bato.

Pinanood ko itong tumalbog sa tubig ng tatlong beses, salamat sa liwanag ng buwan. Nang humaplos ang malamig na tubig sa aking paa, sandali akong tumigil upang ibuka ang aking mga braso, dinadama ang lamig at hinahayaang punuuin ng maalat na hangin ang aking dibdib.

Sandali pa kaming nagkwentuhan hanggang sa makatanggap ng tawag si Mitch. Kinailangan niyang magpaalam para bumalik sa iokupa niyang bahay dahil naroon ang laptop niya. May biglaang online meeting yata.

Pinanood ko siyang tumakbo paalis bago ako nagpatuloy sa paglalakad sa dalampasigan. Naging mas mabagal ang aking mga hakbang, ang mga paa ko ay ninanamnam ang buhangin na aking tinatapakan.

I want this kind of peace. Nakakapagod ang buhay sa syudad. Ang hangin ay hindi na sariwa at kahit gabi, walang ganitong klase ng kapayapaan.

Tumingala ako, pinagmasdan ang malawak na kalangitang hitik sa mga bituin. It's just so beautiful, so calming. Kung sana ay pwedeng ganito na lamang ang aking bawat gabi. Baka kahit anong pagod ko, matatapos ang araw ko na payapa.

I took more steps while watching the vast sky. Hindi ko na namalayang narating ko na ang tapat ng Casa Narciso. Ayaw ko pang pumasok sa aking silid dahil masyadong maganda ang kalangitan at napakasarap sa pandinig ng bawat hampas ng alon.

Nilapag ko sa buhangin ang aking tsinelas saka ako naupo, habang sa aking tabi ay ang aking waterproof camera. Lumalamig na ang simoy ng hangin pero masyado pa akong nahuhumaling sa paligid. Minsan lang ito. Kapag bumalik ako sa Maynila pagkatapos ng  limang araw, wala na. Siguradong matatagalan pa muna bago ko muling maranasan ito. Isa pa, siguradong magiging abala na rin ako sa school sa mga susunod na buwan.

Niyakap ko ang aking sarili habang nakapatong ang mga braso ko sa magkabila kong tuhod. Humuhuni-huni pa ako ng kanta, ang isip ko ay pilit kong pinipigilang maalala na naman ang nangyari kaninang tanghali.

Hindi kaya nananaginip lang ako kanina? Parang imposible naman yatang tawagin ako ni Azul na "baby". It's not like I didn't like the endearment but, it's just too good to be true.

I sighed. Baka nga nananaginip lang ako, o hindi kaya ay nahihibang na talaga. Epekto siguro ito ng thesis at iba pang school requirements. Nakakabaliw talaga ang kolehiyo. Idagdag pang hindi basta-basta ang crush ko.

Tumunog ang phone kong nakasabit sa leeg. Nang tignan ko ang screen, hindi ko naiwasang mapailing bago sinagot ang tawag.

"Kada oras na lang ba? Magfocus ka kaya sa taping mo."

My brother laughed softly. "I'm just checking on you. Baka mamaya nagti-take advantage na sayo 'yang Mitch na kasama mo."

"Well he's not here anymore, kuya. Bumalik na siya sa unit niya." 

"Good." Tugon niya. Sandali siyang natahimik, ngunit dinig ko na mayroong kumakausap sa kanya, tila may pinaliliwanag. Probably his manager.

"I need to go now. We got a few scenes to retake. Kumain ka na ba?" He asked in his typical big brother tone.

"Yes, kuya." I hugged my knees tighter. "Kaya ko ang sarili ko huwag mo na akong intindihin."

Muli siyang bumuntong hininga. "Huwag kang masyadong magstay sa labas ng hotel room mo ng gabi, Cath. Mag-ingat ka diyan."

"Okay, goodluck. Tell Astrid I bought her something."

Tuluyang naputol ang tawag at ang aking mga mata ay bumalik sa dalampasigan. May maliit na yate akong natanaw sa hindi kalayuan at habang palapit ay mas nadidinig ko ang ingay na nagmumula roon.

The music is upbeat, like those being played in the clubs. May mga naghihiyawan, halatang nagkakasiyahan. Hinawi ko ang buhok ko at inipit sa likod ng aking tainga. They must be guests from Blue Bayou. Siguro ay bahagi iyon ng packages ng resort. Napakamahal pa naman ng isang gabi sa Blue Bayou. I've checked their website and I immediately crossed it out from my options. Ayaw kong gumasta ng kinse mil kaya gabi para sa isang kwarto.

I moistened my lips and watched the neon lights dance on the yacht. Mayamaya'y umugong ang tunog ng jetski. Pinanood ko itong sumuray-suray sa tubig, nang medyo makalapit sa dalampasigan ay nadinig ko ang mga tili at hagikgik ng babaeng hinahaluan ng halakhak ng lalake.

I can't see who they are, until they reached the shore. Natumba ang jetski sa tubig kasama ang dalawang taong sakay. Nang makaahon ay humagikgik ang babae bago hinatak sa leeg ang lalake.

Nanlaki ang mga mata ko. I know whose back is that? Nakalugay ang basang buhok ng lalake at ang kanyang magandang katawan ay hindi iniinda ang lamig ng tubig.

Napalunok ako nang biglang sunggaban ng babae ang mga labi ni Azul. Iniwas ko kaagad ang aking tingin, nililigtas ang sarili mula sa sakit. Immune na dapat ako, hindi ba? Tsaka crush lang naman. Kailangan kong idisiplina ang aking puso at iwaksi ang kirot na bigla kong nadama.

The girl giggled. Parang lasing na nang magsalita. "Come on, Azul. You promised me you'll give me a spank tonight."

Azul chuckled. Tumili ang babae nang bigla siyang buhatin ni Azul na tila sako ng bigas, at nang paluin niya ang puwetan ng babae, halos mapapitlag ako habang ang babaeng kasama ay tila tuwang-tuwa pa.

"Diyos ko po, ano ba 'yon?" I shook my head. "No'ng bata takot sa pamalo. Ngayon gustong-gusto na pinapalo." I murmured to myself.

They didn't even seem to notice me, or maybe they really don't give a damn even though they've seen me. Halatang mga lango na sa alak.

Naglakad si Azul, medyo susuray-suray, ngunit nang makalayo pa lamang ng kaunti mula sa dalampasigan, bigla na lamang lumuhod at binaba ang babae sa buhanginan bago pumwesto sa pagitan ng mga hita nito.

I almost choked with what I am seeing. Where the hell are their other guests? At ang guests ng ibang resort? Gaano na ba ka-late at halos ako na lang ang tao rito?

The woman groaned and my eyes widened when Azul cupped her left boob. Parang namanhid ang aking katawan at nanigas ako sa aking kinauupuan, hindi alam kung ano ang gagawin. Diyos ko!

I looked away, my lips pressed hardly together as my heart started raising. Okay. Now I got two problems. First, how am I going to pretend I didn't see anything?

Second, how will I leave without being seen?

Bigla yatang binawi ang swerte ko ngayong araw. Dahil sa dinami-rami ng pwedeng maging bida sa R18 na eksenang live kong makikita, bakit si Azul pa?

Bakit 'yong crush ko pa?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status