Share

Kabanata 2

Kabanata 2

I can't help but let out another sigh. Kanina ko pa pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin habang suot ang bikini na binili ko noong isang linggo. What was I thinking? Hindi naman makurba ang aking katawang maaari kong basta na lang ipangalandakan sa mundo. Payat akong babae at hindi ganoon katangkaran kaya nga hindi ako pinuputakte ng media kahit pa kilalang artista ang kuya Crude ko.

Bakit ba kasi binili ko ang bikini at nagsayang ng pera? Right. Because Azul said that he thinks it would look good on me. Sigurado akong magbabago ang isip no'n oras na makita niya na akong suot ang bikini, or worse, baka tawanan pa ako dahil nagpauto ako sa kanya! 

My goodness. I've seen photos of Azul's flings. Bantog ang pangalan niya sa mga modelo at ilang kilalang personalidad. I am clearly far from reaching his list of "must-date". Kahit yata sumabit lamang ay hindi pa rin aabot.

Nasabunutan ko ang aking sarili hanggang sa tuluyan kong nagulo ang aking buhok. Ayaw ko na muna iyong isipin. Nakakahibang lamang at lalo akong nawawalan ng self-confidence na isang araw, magugustuhan din ako ni Azul...kahit isa iyong malaking kahibangan.

That is like wishing for a star to pour billions of money in front of me. Bakit ba kasi isang kilalang tao pa ang nakasungkit sa puso ko? Oo may standards ako sa lalake pero, Azul is just too high for me.

Well, I can't blame anyone but myself. I entertained my admiration for Arkin Zuller despite the fact that he is no other than the famous Arkin Zuller who only dates girls who pass his uber-high standards.

Iyong mga pang-red carpet. Iyon ang mga tipo no'n. I reminded myself, making my freaking heart realize more how hopeless I am.

Hinubad ko ang bikini saka ito binato sa ibabaw ng maleta ko. Pagkatapos magbihis, padapa kong hiniga ang sarili sa aking malambot na kamang may asul na sheets. Maybe my admiration with Azul just gone way crazier than expected. Nahumaling akong lalo sa kulay na asul mula nang makilala ko siya kaya tuloy halos lahat ng gamit ko ngayon, kulay blue na.

I opened my laptop and found myself scrolling on my social media accounts again. Wala akong balak magbabad ngayong gabi sa social media dahil maaga ang byahe ko bukas patungong Zambales para sa next travel vlog ko ngunit nang makita ko sa aking Newsfeed ang video tungkol kay Azul, tumilapon na naman palabas ng bintana ang plano ko.

Azul looked hotter when he's this sweaty. Hinahabol niya ang hininga ngunit ang ngisi, napakalaki. He looked so proud and victorious that even his blue pools seem to be smiling, too. His dimple shows so effortlessly and I must be thankful the camera man got the right angle to capture his beautiful imperfection.

"That's one heck of a homerun." Ani ng interviewer.

Lalong lumapad ang kurba sa labi ni Azul. "A heck of a homerun." He didn't hesitate to agree. Tinaas pa nito ang kamao sa ere, ang mga fans ay naghiyawan lalo na nang hubarin niya ang kanyang baseball cap saka niya tinaas ang laylayan ng kanyang jersey.

My eyes widened with the sight of his chiseled chest, broad shoulders, and firm arms. Mabuti pa ang pawis ay malayang nakahahalik sa katawang pangarap kong madama balang-araw. Pakiramdam ko tuloy ay kailangan kong magpataba kung sakali mang magmilagro ang langit at matapunan man lamang ako kahit sandaling atensyon ni Azul.

I don't want my body to get crushed by that sexy beast. Paano ko naman mae-enjoy ang bawat sulok at kurba ng katawan niya kung isang dagan lamang ay mapipisa na niya ako?

My cheeks felt hot with that sinful thought. At kailan pa ako nag-isip ng mahahalay na bagay?

"Diyos ko, sorry po." I squeezed my eyes shut and made a sign of the cross before I gulped. Ayaw ko mang aminin ngunit nanuyo ang lalamunan ko dahil sa papasang Olympian God na katawan ni Azul.

I sighed as I paused the video to look at Azul's illegally gorgeous face. Look at that? Kampon ba ng demonyo ang lumilok sa nadepinang mabuting pangang iyan? Legal pa ba sa mundong magkaroon ng ganito kagwapong pagmumukha? Hindi ko na alam. Magkakasalang tunay ang sinumang mapapatitig kay Azul, iyon ang sigurado ko.

And I hate the fact that if someday, God will ask every girl who had sinned because of Azul to fall in line, I'd probably be in the front part.

Humihikab pa ako nang tuluyang huminto ang bus sa Olongapo. Kailangan pa kong lumipat ng bus para makapunta sa bayan ng San Narciso kung saan ko gagawin ang vlog. The small barangay in San Narciso called La Paz will be the next hidden gem I'm planning to showcase to my subscribers. Ilang buwan ko ring hinintay ito dahil tinapat ko talagang ang pagpunta ko sa barangay ay sa sa mismong kung kailan sini-celebrate ng mga lokal ang kanilang kapistahan.

I sat on the second row from the back and placed my back pack on my lap. Niyakap ko ito habang pinagmamasdan ang mga tao sa labas ng bus. Buhay na buhay din ang lungsod ng Olongapo at ayon sa ilang survey na nabasa ko kagabi, isa ang lungsod sa pinakamayaman sa buong central Luzon. I wonder why most towns in Zambales are still, well, average? Maybe if I will ask the locals about their say regarding the state of their province, I will have an idea. Dagdag content din iyon.

"Excuse me? May nakaupo ba rito?"

Napatingala ako sa lalakeng nagsalita. Matangkad ito at tila nahihirapan sa bitbit na backpack. He's got this Caucasian vibe, protruding hazel eyes and red hair. Tingin ko ay kinulayan lamang ang buhok niya ngunit sa lahat ng may pulang buhok, ito yata ang pinakamahusay magdala.

Iniling ko ang aking ulo. "Wala naman."

"Cool." The guy smiled and sat on the extra seat next to me. Mayamaya'y inilahad niya ang kamay sa akin habang nakangiti pa rin. "Mitch, by the way, and yeah. In my Dad's country, Mitch is a guy's name."

"Right." Hindi ko napigilan ang pagsilip ng ngiti sa aking labi dahil sa maagap na pagpapaliwanag ng lalake. I kind of find him familiar. Para bang nakita na siya kung saan hindi ko lang maalala.

"Cath." Tugon ko pagkatanggap ng kamay niya.

"So, would you mind if I'd talk to you while on our trip? Medyo hindi kasi ako sanay na tahimik kapag nasa byahe. I don't feel comfortable falling asleep on public transpos."

Halata nga. Bulong ko sa sarili. Mukhang madaldal nga ang lalakeng ito. Maybe I can benefit with his talkativeness.

"Actually, maybe I can get some shots while on our way? I do vlogging kasi."

"Oh, cool!" He took something out of his bag and showed it to me. "Me, too!"

"Wait. What? Teka are you—" My eyes widened when Mitch sighed and did his iconic smirk. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung sino ang lalakeng nasa tabi ko ngayon. "Oh my God it's you!"

Natatawang tumango si Mitch. "Yeah. Wala lang pintura sa mukha ngayon."

"I really love your vlogs especially those you took in Coron. Amazing shots. Wow." I applauded. Hindi ako nagbibiro. He's a genius! Hinahalo niya ang cinematic effects sa kanyang videos ng kanyang travels. He's really cool. This must be my lucky day.

Mitch shyly laughed. "Thank you. I didn't know getting compliments from a beautiful girl will feel this insane."

Uminit ang aking pisngi sa papuri. Okay, maybe not just because someone called me beautiful but because the one who said it is the man behind one of the most followed YouTube channels! My fangirl side is getting hyped right now!

I found out Mitch will be staying in an Air BNB in La Paz while I'll stay in Casa Narciso. It's a small resort next to the famous Hacienda La Paz which just switched its name to Blue Bayou after it got sold to a new management.

We've talked about vlogging stuff and future plans. Sa sobrang sarap ng kwentuhan ay hindi na namin napansin ang tagal ng byahe. The bus stopped in front of the town plaza. Si Mitch ay tumayo saka sinuot ang kanyang bag bago ako tinignan.

"Let me carry that for you." Presinta niya at bago pa ako makatanggi, nabuhat na niya ang bag ko saka siya naunang naglakad pababa ng bus.

We hired a tricycle to Casa Narciso. Ilang metro lamang din ang layo nito mula sa nirentahang bahay ni Mitch kaya naman nagsabay na kami. Nang makapagcheck in ako, doon lamang nagpaalam si Mitch na pupunta na sa inupuhang bahay. Kinuha pa niya ang numero ko para raw sabay kaming makapaglibot sa barangay pagkatapos magpahinga. I didn't think twice anymore. Although I don't want to take advantage of Mitch's popularity in the YouTube community, napakakapal na lang ng mukha ko  kung tatanggi akong sumama sa vlog niya. I got an instant collab with one of the well-known vloggers in the country and it's freaking awesome!

I prepped up after taking a shower to calm my nerves. Hyper pa rin ako dahil sa pagkastarstruck kay Mitch pero nakakahiya kung kapag nagvlog na kami, wala man lang akong maiaambag. 

I decided to go around the resort first to take some shots. Suot ang aking simpleng floral summer dress na kulay asul at puting flip flops, lumabas ako ng aking kwarto dala ang phone at camera.

I started exploring the resort and took some photos using my phone for my Instagram feed. Nang maaliw pa sa paglilibot, napadpad ako sa matayog na pader na naghihiwalay sa Casa Narciso at sa Blue Bayou. Nakakarinig ako ng mga halakhak ng mga lalake at babae, pati ang tunog ng bola at tilansik ng tubig.

Looks like they got a pool. I concluded before walking away, ngunit nang akmang aalis na ay dumaing ako bigla nang tumama ang bola ng volleyball sa aking ulo. I groaned and held my head. Mayamaya'y nakadinig ako ng mura mula sa kabilang bahagi ng pader.

"Oh shit." The man cursed. Kumunot ang aking noo. Bakit parang pamilyar ang tinig na iyon?

Imposible naman? Imposible.

I tried to shrug the thought away and just went to pick up the ball. Tiningala ko ang pader. Masyado itong matayog at hindi naman ako ganoon kalakas bumato. Ang payat ng mga braso ko kaya magsasayang lang ako ng lakas kung susubukan kong itapon pataas ang bola.

Tinignan ko na lamang ang hangganan ng pader. Ilang metro na lamang naman ang layo kaya siguro ay maaari ko na lamang iabot doon. Hindi naman siguro magagalit ang management iaabot ko lang naman ang bola.

I took my steps towards the end of the wall separating the resorts but when I bumped against the strong chest of the man who's running towards my direction, I almost lost my balance. Muntik na akong mapatili at ang puso ko ay halos tumalon palabas! 

Mabuti na lang at mabilis akong hinawakan ng malapad na kamay ng binatang nakasalubong ko kaya hindi ako tuluyang natumba. Kainis. Bakit kasi ang bilis mong tumalsik sa kapayatan mo? Asik ko sa sarili.

"You okay?"

I froze when I heard that deep voice that sounded sexy in my ears. Napalunok ako at halos hindi makahinga nang unti-unti kong inangat ang tingin sa matangkad na lalakeng nasa aking harapan at inaalalayan ako upang huwag matumba.

"Ay jusko po!" 

My eyes almost popped out of my sockets as I stared at the man's intense blue eyes. It's freaking Arkin Zuller! Basa ang katawan at tumutulo ang tubig mula sa nakataling blonde na buhok. Hindi ako pwedeng magkamali. It's really him!

Azul's thick brown brows curled. "Uh, I ain't God, Miss." Tila natatawang ani saka ako binitiwan. God, knees almost gone weak. Iba talaga ang epekto ng lalaking ito sa aking sistema.

I gulped, hindi man lang nakakibo. Mayamaya'y umangat ang sulok ng mga labi nito saka niya kinuha mula sa aking mga kamay ang bola. "But thanks for the compliment."

Nagwala lamang lalo ang dibdib ko nang kinindatan niya ako bago tuluyang tumalikod. Naiwan ako sa aking pwestong nakatulala, halos mabingi sa sarili kong puso. Did he...wink on me?

Mayamaya'y napahinto si Azul at kunot ang noong tinignan ulit ang aking direksyon. "Wait, have we met before?"

I bit my lower lip and nodded my head like a child. "S—Sa House of Chaya?" I reminded, my cheeks turned red when I remembered the scene on the counter again. Gusto kong kutusan ang sarili. Bakit ko pa pinaalala?

Napawi ang pagkunot ng noo ni Azul, ang bibig ay nagkorteng bilog at ang mukha ay muling umaliwalas. "Oh, yeah I remember now. What's your name again? Sorry, I'm really bad at remembering names since I call all girls baby." Kumurba ang mga labi nito pataas dahilan upang halos sumabog ang aking puso at tuluyan akong mawala sa katinuan.

I snapped and reminded myself how rare chances like this can happen. Hindi ko dapat ito sayangin!

I took in a sharp breath as I felt my heartbeat raising. "Ca—Ca... Cath?"

"Cath?" Umismid siya. "Nice name. Well, where's your blue bikini, baby?"

My ovaries almost exploded and ky face turned completely red with the way he called me. Good lord, I am already screaming internally and I knew any minute now, my knees will finally betray me.

Pinilit kong tibayan ang loob kahit alam ko namang halata na sa aking mukha ang kilig na nadarama. Hindi naman ako masisisi ninuman. Arkin Zuller just called me baby!

"Na—Na... N—Nasa kwarto..." Sa unang pagkakataon, tumama rin ang gut feeling ko. Buti na lamang at nagdalawang-isip akong iwan ang bikini. Tignan mo nga naman?

"Too bad." He sighed. "I thought it's already under that flimsy dress." Muling umangat ang sulok ng mga labi nito. "Well, hope I could see you on that bikini soon." He winked again and turned his back on me. "Bet you won't disappoint me, baby."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status