Share

Kabanata 8.1 - Crush

I woke up early in the morning dahil binulabog ako ng mga bruha. Late na 'ko natulog kagabi dahil may pinanood pa 'kong movie tapos mang bubulabog 'tong mga ito e ang aga-aga, punyeta!

"Hell! Just go out and flirt! Inaantok pa 'ko," sambit ko at tinakluban ng kumot ang mukha ko. Hinihila naman nila yon mula sa baba kaya sinisipa ko sila.

"Right! Baka pinagod kagabi ni Nikolai kaya ganyan, let's not bother her—" what the fuck? Did I heard it right?

"Fuck you, Kendall Delleva! Nothing happens, okay?" sigaw ko dahilan para matawa silang lahat. The hell!

"Easy girl, masyado kang defensive," sabi ni Adel na kakaupo lang sa side ng kama ko.

"Seriously? Bakit ba kayo nandito?" Tiningnan ko sila at 'di naman sila masyado nakapustura, baka tatambay lang sila dito.

"Gown fitting, you didn't even tell us na ikakasal na si Ate Dria," Iris said, nandoon siya sa computer table ko at may kinakalikot sa iPad ko, naglalaro na naman yata ng kung ano.

Fitting pala ngayon, nakalimutan ko. Masyado nilang minamadali ang kasal kasi nga parehong busy, nurse si Ate at Engineer naman si Kuya Froi kaya hectic ang schedule nila pareho. Tsaka isa pa, gusto na nilang bumukod, hindi na raw sila bata.

Bumangon na 'ko at hinanda ang susuotin ko. Sinabihan ko na rin sila na maghintay na sa baba dahil baka dumating na yung ni-hire nila Ate na gagawa ng gowns. Binilisan ko ang pagligo ko dahil ayaw ko silang paghintayin. Nang makapaghanda na ay biglang nag beep yung phone ko.

@inikolaij: Morning

Napakunot ang noo ko nang mabasa 'yon, don't tell me na-fall na agad siya sa 'kin? Agad-agad?

@treiaaafabregar: Crush mo 'ko?

Napangiti ako sa reply ko pero nawala agad 'yon nang mabasa ko ang reply niya. Para akong nanigas ng slight, nakakahiya!

@inikolaij: You wish, you forgot to return my clothes yesterday. When will you bring it to me?

Damn, nahiya ako ng slight. And what the fudge? Nawala sa isip kong may ibabalik pa pala akong damit sakaniya. At bakit niya nakalimutang kuhain sa 'kin 'yon?

"Chantreia Sage!!" sigaw ni Mama, kanina pa pala ako tinatawag dahil ako na ang susukatan. Bumaba na agad ako dahilan para hindi ma-replyan si Isaiah.

Bahala na!

Nang makababa ay sinukatan agad ako, since beach wedding syempre pakitaan ng mga balat. Pinili ko yung alam kong komportable ako, simple lang naman siya.

Binigyan sila ni Ate ng invitation, tiningnan ko 'yon. Ang lapit na pala ng kasal nila, next month na agad. Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko o malulungkot, 'di ko alam. Maya-maya ay nagpaalam akong aakyat muna sa kwarto ko para kunin ang phone ko, pinag-uusapan na nila yung bridal shower ni Ate. Doon ako na-excite!

@treiaaafabregar: Idk, I'm busy.

Reply ko kay Isaiah at bumaba na ulit para makipagkulitan sa friends ko. Nasa pool area kami ngayon at nakaupo sa isang couch sa gilid, malaki yung couch, pwede na nga siyang kama.

"I saw Nikolai's post, I know it's you, Treia!" pag iiba ni Mads ng topic, pinipigilan pa ang pag-ngiti.

"Yah, I know it's her din. Have you checked the comment section? Hindi lang tayo ang nakapansin na may girl sa gilid, trending kaya sa twitter 'yon with over 13k+ tweets," chika pa ni Kendall habang hawak ang phone niya.

Yah, I know it's me din.

"I saw it too, sabi pa sa tweet. Hashtag Finding Isaiah Nikolai Jauregui's Girlfriend daw," natatawang sambit ni Adel.

Nakain kami ngayon ng prutas at naglabas din ako ng wine pampatanggal stress. Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila pero natetemp na 'kong buksan ang twitter ko para tingnan ang mga tweets.

"Bakit ba kasi kayo magkasama bruha? May something ba sainyo?" tanong ni Grasya na may kasamang pagsabunot, nakapatong kasi ang ulo ko sa legs niya.

"Biglaan lang, niyaya ko naman kayo 'di ba? Tapos ayaw niyo!" paliwanag ko.

Totoo namang niyaya ko sila, at busy sila kaya ang ending, si Isaiah sinama ko.

"Pag-aaya ba 'yon? Tinanong mo lang kung busy kami o hindi, 'di mo sinabing tagaytay pala pupuntahan mo!" reklamo ni Iris, sakanilang lahat alam kong siya ang pinaka naiinis. Sus, nagpaparty nga siya kagabi sabi ni Mat.

"Kapag sinabi ko naman, 'di nyo 'ko papayagan 'di ba? Duh!" paliwanag ko pa.

Hindi na sila nagtanong tungkol doon, nag-iba na ang topic, parang paikot lang yan e. Una sa 'kin tas sakanila na, walang 'di maho-hot seat. Mga ilang oras pa pagtapos no'n bago sila nagpasyang umuwi na.

"Treia nag-text na ba sayo si Laureen? Bukas ka raw niya dadalhin sa shoot," sambit ni Ate habang may inaayos sa laptop niya.

Nandito kami sa sala, nanonood si Maine ng totally spies kaya nakinood na rin ako. Favorite cartoon namin yon, e!

"Hindi pa, binigay mo ba number ko?" tanong ko habang nakatingin sakaniya na abala sa pagtatype sa laptop niya. Maya-maya ay phone naman niya ang hinawakan niya at nag-dial doon.

"Yes, hiningi niya, e— oh yes, this is Chandria Fabregar. Check ko lang if okay na yung reservation para sa private island. Yes, wedding yung gaganapin. Oh, no need, may ipapadala kami dyan week before the wedding para ayusin yung venue. Okay, yes thank you," sambit niya at binalik ang atensyon sa ginagawa niya sa laptop.

Ganyan pala kapag ikakasal, sobrang hassle naman. Parang ayoko na tuloy ikasal. Nag-leave siya sa work niya para asikasuhin 'to, gusto niya talaga maging hands-on dito, pinayagan naman siya ni Papa since ospital naman namin 'yon.

Kinabukasan nag-ready ako ng susuotin dahil ngayon ako ipapakilala ni Laureen sa mga kilala niyang photographer. Baka one step na 'to para ma-achieve ko yung dream ko. Ngayon ko lang din naalala na bestfriend pala ni Ate si Laureen, she's one year younger than my sister pero mukhang ka-edaran ko lang siya, how to be her!

"Treia, don't bring your car, Laureen will pick you up here," sambit ni Ate, tumango lang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Mayroon pa 'kong isang oras para maghanda kaya naligo na 'ko.

Pagkatapos maligo ay pinagmamasdan ko ang mga damit na nilabas ko, ang hirap pumili. In the end, white spaghetti strap crop top matched with black wide leg crop pants and white chunky heels ang napag-desisyunan kong isuot. Dinala ko rin ang black Louis Vuitton crossbody shoulder bag and black cat eye sunglasses ko.

"Laureen is here!" sigaw ni Ate mula sa baba kaya dali-dali na 'kong bumaba. Nakita ko siya kasama si Kuya Froi sa may living room at mukhang abala pareho. Nag-kiss ako sa cheeks ni Ate habang nakipag fist bump naman kay Kuya Froi bago lumabas.

Bumungad sa 'kin ang kulay pulang mamahaling sasakyan.

Porsche!

Binuksan ni Laureen ang bintana para sabihing sumakay na 'ko, siguro ay nahalata niya ang pagka-mangha ko sa sasakyan niya. Ang angas talaga!

She's wearing black brallete matched with fish net long sleeve top and pastel pink mini skirt. A pair of black ankle boots and I can see her pastel pink hand bag at the back. She's really a model, damn. Why so gorgeous?

"We're here, are you ready?" tanong nito sa 'kin. Ni hindi ko napansin na nandito na kami sa studio nila. Masyado akong tutok sa pag-suri sakaniya. Tumango lang ako at ngumiti, nang bumaba siya ay bumaba na rin ako. Pagkapasok palang namin ay marami na agad ang bumabati sakaniya, I heard a lot from her. Sikat siyang model dito sa pinas, pati na rin sa ibang bansa, sana all!

"Laureen, there you are!" Napatayo ang isang bakla at bumeso kay Laureen. Nang matapos 'yon ay napatingin siya sa 'kin mula ulo hanggang paa bago ibinalik ang tingin kay Laureen.

"New model?" he asked.

"Ah, no. She's the photographer I'm talking about, I already sent you her portfolio, did you received it?" ani Laureen.

Tumingin muli sa 'kin ang bakla, nakipag shakehands at bumeso rin.

"Yes, I saw it already and I can say that she's good at it. But, you know what? You should try modelling too, ang ganda ng katawan mo but your height is not that tall pero magagawan naman ng paraan 'yan," sabi nito habang sinusuri ako paikot.

"Uh, I'm not interested po in modelling," sagot ko nalang at ngumiti ng hilaw, natawa naman si Laureen dahil doon.

"Let's see if she has a potential, shall we?" sambit ni Laureen at ngumiti sa 'kin. Ipinasok nila ako sa pinaka studio kung saan nagaganap ang shoot, ang daming ilaw, ang daming camera. Ang ganda!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status