Share

Kabanata 11.2 - Color Fun Run

Bumungad sa 'kin ang sasakyan ni Isaiah, ito yung sasakyan niya noong nagkita kami sa parking lot ng school nila, noong hinatid niya 'ko sa cafeteria. Hindi siya bumaba ng sasakyan kaya dali dali akong pumasok, baka biglang lumabas si Mama at makita pa kami. Mahirap na!

I didn't greet him, ayaw ko lang. Mabuti at 'di niya rin ako pinansin at pinaandar na ang sasakyan. Hindi rin ako nag insist na magpatugtog dahil ayoko lang. Wala ako sa mood makinig ng music ngayon, kinakalma ko pa yung sarili ko sa mga nabasa ko kanina. Sana pala hindi nalang ako sumama, nagsisisi na 'ko ngayon! 

"I know you're not okay, I'm sorry," sambit niya habang may kinukuhang paper bag sa likod at inabot 'yon sa 'kin, he sincerely apologize. Tumingin siya sa 'kin saglit bago ibinalik ang tingin sa harap. I'm not mad at him, I'm mad at myself kasi bakit pinaniniwalaan ko ang mga pinagsasabi nila tungkol sa 'kin? Hindi ko magawang hindi intindihin, ewan ko ba. 

Tiningnan ko ang laman ng paper bag, I saw white shirt na may print sa unahan, gaya nung suot niya. Inilabas ko 'yon para masuot. Feel ko kasi naiilang siya sa suot ko kaya ipinatong ko nalang yung shirt. Tinali ko yung nasa unahan no'n dahil medyo malaki siya sa 'kin, para na rin hindi plain tingnan.

"Don't worry, na-delete na yung accounts ng mga nagsabi ng masasama tungkol sayo," dugtong niya. Wait— what? Why? 

"Bakit na-delete? How?" naguguluhang tanong ko.

"Uh, because they say bad things about you? They should learn their lessons, para hindi na rin maulit," sagot niya. I don't get it, just because of that? Hindi naman ako nasaktan physically, okay pa naman ako. 

"How did you do that?" nagtatakang tanong ko. Baka related sa ganoon ang business ng family nila? I don't know, I never ask him about his family. Parang masyadong sensitive yung topic na 'yon for him. O baka 'yun lang ang tingin ko? 

"Connections," simpleng sagot niya. I'm just here sitting while watching him lean his one shoulder on the window while brushing his hair using his hand habang yung isa ay nakahawak sa manibela. Napasulyap siya sa 'kin at ngumiti, hindi ko namalayan na nakahinto na kami sa parking lot ng venue. 

"Do you think this is a good idea na magkasama tayo ngayon? Pwede naman akong sumama kay Kendall, baka ma-issue na naman kas—" 

He didn't let me finish my sentence.

"Kendall is busy, she's assigned to give freebies on the entrance gate. Look," sambit nito. Napatingin ako sa tinuro niya at nakitang abala si Ken doon habang nakangiti at nag aabot ng kung ano sa mga pumapasok.

Tinanaw ko ang venue, malaki ito. May dalawang field sa magkabilang gilid na pa-oval at napag-gigitnaan no'n ang tatakbuhan namin. Pang track and field talaga ang venue, may mga stall din na nakalatag sa gilid gilid. Madami ang tao, lalo tuloy akong kinabahan. Baka hindi ako mag-enjoy nito. 

"Don't mind them okay? I won't let that happen again," he said smiling as if he is assuring me. 

Nauna siyang bumaba sa kotse, huminga muna ako ng malalim bago sumunod sakaniya. As expected, hindi kami nakawala sa tinginan ng mga tao. I don't really know why is he so famous, I mean, if he's this famous, I should know him right? But why didn't I know him? Maybe I'm outdated. Hindi rin kasi ako ma-socialize na tao. 

As we entered the venue, huminto kami sa entrance kung nasaan si Ken. We stopped right in front of her kaya medyo nagulat siya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa'min ni Isaiah bago inilibot ang tingin sa paligid. Napa-taas ang kilay niya at inirapan ang ibang tumitingin sa'min. I kissed her cheeks, tumingkayad pa 'ko dahil may table na nakaharang sa'min at mas matangkad siya kaysa sa 'kin. I'm the smallest among us, si Mads naman ang tallest. 

"Wait nga, are you guys in a relationship ba? Napapadalas na pagsasama niyo, ha?" tanong ni Ky habang naka pamewang. They know me, kapag may boyfriend na 'ko ay sakanila ko unang sasabihin. Hindi naman ako malihim na tao.

Lowkey but not secretive.

"We're not in a relationship, we're not even friends. Ask him, baka crush ako n'yan," pagbibiro ko pa.

Isaiah just shrugged his shoulder, I waved at Ken na to bid goodbye dahil mukhang nakakasagabal na kami doon. Naglakad na 'ko papasok, nakasunod lang sa 'kin si Isaiah. 

Maraming tao, any minute from now ay mag-start na 'tong event kaya ang iba ay naka pwesto na sa daan. Nandito lang kami sa gilid ni Isaiah hawak ko ang phone ko at pini-picturan ang venue. Gusto kong mag post ng IG story, e. 

"Trei.." nang marinig ko 'yon ay agad akong napalingon sakaniya. Nakatapat sa 'kin ang camera, as usual, kaya inirapan ko siya at binalik ang atensyon sa pagkuha ng litrato. Nang matapos ako ay lumingon ako sakaniya, I saw him staring at his phone na parang sinusuri kung anong kinuhanan niya kanina, he is smiling. Kinuha ko agad yung phone ko at pinicturan ang moment na 'yon, he is fucking smiling. Ang cute!

Biglang nag go signal na kaya nagstart na tumakbo o lumakad ang iba, panay naman ang paulan ng color powder nung machine na 'di ko alam ang tawag. Unti-unti na ring nakukulayan ang kulay puti naming damit. Ang saya lang, tumingin ako kay Isaiah at nakitang may color na yung ibang part ng face niya kaya natawa ako. Medyo mabagal siya tumakbo kaya hinawakan ko ang kamay niya para makasabay siya sa 'kin. Ang saya, I never been into this kind of stuffs. Lagi akong inaaya nila Ate na sumama sakanila sa mga ganito pero ayoko dahil mabilis akong hingalin, may asthma ako pero hindi ganoon kalala, I don't know. Bigla nalang ako nagka-asthma noong grade 8 ako, ang sabi nasa lahi raw namin pero sa aming magkakapatid, ako lang ang mayroon nito. Inaatake lang ako pag sobrang hingal, I love adventures pa naman kaso hindi ako nakakasama madalas dahil nga sa asthma na 'to. 

He let go of my hand at hinawak 'yon sa balikat ko. Nasa kalahati na kami, scam pala 'to. Akala ko maikli lang ang tatakbuhan namin, mahaba pala. Medyo hinihingal na tuloy ako. I saw Isaiah, he's staring at me with worried eyes. I just gave him a small smile. Tatakbo pa sana ako pero bigla niya 'kong pinahinto at dinala sa field kung nasaan ang mga stall. Iniwan niya 'ko saglit para bumili ng bottled water.

"May asthma ka," he said in a matter of fact, handing me the bottle of water. Kinuha ko naman 'yon bago tumango. Umupo ako sa grass, ganoon din ang ginawa niya. Hindi pa masyado tirik ang araw, 'di pa masyado masakit sa balat. Humarap ako sakaniya at nakitang puro kulay na nga yung face niya, hinawakan ko ang mukha niya gamit ang magkabilang kamay ko para dagdagan pa 'yon kaya natawa ako. Nagulat nalang ako nang gawin niya rin sa 'kin 'yon, I didn't expect him to do the same. This time siya naman yung tumawa. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa para i-check yung face ko, puno na ng color powder na iba't-iba ang kulay. 

"Isaiah.." tawag ko rito kaya napatingin siya. 

I held his chin at iniharap 'yon sa camera, I smiled habang siya ay naka-pout. I took pictures of us, may isa pang naka smile kami na labas ngipin. We looked cute together, I'm gonna post it on my IG story. Yung naka-pout siya ang pinost ko.

"Me and my dog while having fun," I captioned. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status