Share

Kabanata 9.1 - Madame

"I'm home!" sigaw ko nang makapasok kami sa bahay, nasa living room sila Ate at abala sa laptop niya.

Kung paano ko sila nadatnan ni Kuya Froi kanina ay ganoon pa rin sila. Kasama nila si Maine na abalang manood ng National Geographic sa iPad niya.

"Hi hom- oh my God!" Nabitawan niya ang papel na hawak niya at gulat na nakatingin kay Isaiah na nasa likod ko, wala man lang ka rea-reaksyon sa mukha ni Isaiah. 

"Oh, Nikolai! Magkakilala kayo?" bati ni Kuya Froi nang mapatingin sa'min.

So magkakilala din sila, I bet it is because of Ate Laureen, ex ni Laureen ang kuya ni Isaiah, e.

"Uh, kind of," sagot nito.

Kinuha ko sakaniya ang paper bag at nilagay 'yon sa table. Sinenyasan ko siyang umupo sa isang sofa, malapit kay Maine. 

Tumingin ito kay Isaiah bago binalik ang tingin sa iPad niya tapos ay tumingin ulit kay Isaiah at halatang gulat na gulat. Hindi makapaniwalang nakapagdala ako ng lalaki sa bahay. 

"Kunin ko lang yung damit mo saglit," paalam ko, tumango lang siya kaya pumunta na 'kong garahe para buksan ang kotse. Naiwan kasi 'yon dito. Nang makabalik ako ay ini-interview na siya nila Ate at Maine. 

Nakakaloka sila, wala naman silang mapalala kay Isaiah dahil hindi ko naman ito boyfriend gaya ng inaakala nila. Parang mga baliw lang! 

"Are you Ate Treia's boyfriend?" maarteng tanong ni Maine na naka crossed arms pa habang nakatayo sa harap ni Isaiah. 

"No, he's not my boyfriend and he's not my friend either," sagot ko.

'Yon din naman ang sabi niya kay Laureen, we're not friends!

"Hindi boyfriend, hindi rin friend. So ano ka niya? Suitor? Do you like her?" Pati ako ay nabigla sa tanong ni Ate, seryoso siya doon at napatigil pa para hintayin ang sagot ni Isaiah. 

"No he's not my suitor and no, he doesn't like me. Okay na kayo? Makakahinga na ba ng maluwag?" sarkastikong sabi ko. Napairap ako sakanila at tumabi kay Isaiah para iabot yung damit niya. 

Napansin kong napatingin si Ate doon kaya sinamaan ko siya ng tingin, tinawanan niya lang ako. Nakita niya kasi one time ang mga damit na 'yon at akala niya, sa boyfriend ko 'yon. At least ngayon alam niya nang kay Isaiah 'yon, dapat ba 'kong matuwa o hindi? 

"How's your brother, Niko? Laureen still hates her kahit ilang taon na silang hiwalay," natatawang sabi ni Kuya Froi habang may inaabala sa laptop niya.

I don't know why they broke up but after hearing Ate Laureen's rants kanina, mukhang hindi naging maayos ang break up nito. 

"Ang laki mo na ngayon, ah! Parang dati uhugin ka pa, 'di joke lang. Anyway, Reen still loves your brother, kahit pa sabihing hate niya," singit naman ni Ate. I'm out of place kaya kinuha ko ang drink ko at ininom nalang 'yon.

"He's handling some of our business abroad but he's coming home next month for I don't know what reason," sagot ni Isaiah. He remained calm, good for him.

Mabuti nalang at hindi na siya tinanong pa nila Ate. Tahimik lang siyang nakaupo habang nakikinood kay Maine. 

"Pst, uwi ka na," bulong ko sakaniya, lumapit pa talaga ako para lang bumulong sakanya.

Napatingin siya sa 'kin bago sinulyapan sila Ate na tinignan din kami, nag iwas agad si Ate nang makitang nakatingin kami kaya napangisi ako. 

"Paano kung ayoko pa," malokong sambit nito kaya kinurot ko siya ng mahina sa braso, ininda niya naman 'yon. 

"Uuwi ka na," mariing sabi ko. Wala siyang magagawa, bahay ko 'to. I mean, bahay ng family ko 'to kaya pwede ko siyang paalisin anytime, duh? 

"Yes, madame," natatawang sagot niya kaya napairap nalang ako.

Tumayo na 'ko, baka kung hindi pa 'ko tumayo ay hindi pa umalis 'tong Isaiah na 'to!

"Uuwi na daw si Isaiah," sambit ko sakanila.

Agad na napatingin sila Ate at kumunot ang noo. Sabi ko na nga ba't aapela 'to!

"Ang aga pa, dito kana mag-dinner para makilala ka nila Mama," sagot naman ni Ate, is she serious? Parang tanga lang!

Hinarap ko si Isaiah at parang naghihintay lang siya ng mga sasabihin ko. 

"No need, 'di ba uuwi ka na? 'Di ba may pupuntahan ka pa?" Pinandilatan ko siya ng mata, natawa lang siya sa ginawa ko.

"No need daw po, uuwi na raw po ako, may pupuntahan pa raw po ako," malokong sabi nito kaya siniko ko siya. Natawa din sila Ate. Minsan hindi mo malaman kung anong tipo ng tao 'tong si Isaiah, minsan seryoso o kaya naman loko-loko. Ano ba talaga? 

Hinatid ko siya hanggang sa kotse niya, sinigurado kong dala niya ang damit niya dahil baka makalimutan na naman, mahirap na. Nag-wave ako sakaniya bago niya pinaandar ang sasakyan. 

It was a tiring day. 

Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula nang magsimula ang second semester. Maaga akong umalis ng bahay ngayon. Wala naman masyadong ginawa dahil abala ang lahat sa magaganap na paskuhan. Nang matapos ang mga klase ko ay dumeretso ako sa auditorium dahil may rehearsal kaming mga PAT, short for Performing Arts Theater. Next week na kasi ang paskuhan. First week of December usually ginaganap ang paskuhan and iba't-ibang schools ang nag peperform each day. Ang school namin ang naka-schedule sa unang araw. 

I'm wearing black fitted shirt na may Play Boy print sa harap and black jeans, a pair of sneakers, black cap and nagdala rin akong jacket at extra shirt pamalit.

"Wasap, direk!" bati nila sa 'kin, I raised my middle finger and laughed. Ganito ko sila ka-close. 

Papunta kami sa auditorium ng university nang makasalubong namin ang ilang basketball players na patungo sa court. 

"Hottie.. pero mas bet ko yung mga makakalaban nila. New faces naman, sis! Nagsasawa na 'ko sa face ng mga taga rito, e!" ani Oly.

"Sinetch?" tanong ko sa gay friend ko, si Oly. Binalingan niya naman kaagad ng tingin ang mga player ng university namin.

"West U, hottie nga mga players sis hay nako! Kulang nalang magdala ako ng kanin at doon kumain habang pinapanood ang laban ng mga ulam ko," yes, that's how lantaran he is. I admire him for that. Oly is a good friend, legit laugh ka lagi kapag siya kasama mo.

"Ogags, rehearse before guys!" sambit ko at pumasok na sa auditorium. Mga ilang saglit ay nakumpleto na kami kaya nag start na.

Co-director ako, usually yung pag deliver nila ng lines at paggalaw sa stage yung pinupuna ko. I want this to be perfect, I want everything to be perfect! They even named me as the epitome of perfection, I can dance, sing and act. 

"If you can't cry, then at least make them swayed by your acting! Lagyan mong emosyon, lagyan mong puso! Dapat makita nilang nasasaktan ka talaga, do it Quincy! Let's try it again, three, two, one.. action!" sambit ko. 

Our director is busy with the productions kaya ako ang abala ngayon sa mga actors and actresses. Nakailang ulit pa kami bago ako nakaramdam ng pagod. 

Nag-break kami saglit para kumain at magpahinga, niyaya naman ako ni Oly na kumain sa cafeteria. Gutom na rin ako at sapat na siguro ang 30 minutes para kumain. Konti nalang din naman ang ire-rehearse for today, bukas na ulit yung iba.

"Treia!!! Right timing pagpunta natin, hindi ko na kailangan bumili ng ulam!" aniya na nakahawak pa sa braso ko at inalog alog 'yon. Napatingin ako sa tinitingnan niya at nag-landing ang mata ko sa isang pamilyar na lalake, nakain sila ng team niya.

He's wearing white shirt and black short na hanggang tuhod, medyo basa rin ang buhok niya marahil ay kakatapos niya lang mag shower. This jerk!

Nag-order na kami ni Oly, burger, fries and lemonade lang ang in-order ko dahil 'di naman ako masyadong gutom. Ang gaga, pumwesto pa kami sa gilid ng table ng mga players. Badtrip, habang 'tong si Oly maya't maya ang tingin sa mga players ng West U.

"Ang sarap talaga ng hamburger," sabi nito at kinagat ang burger niya habang nakatingin sa mga players, napakabulgaran amputa.

Maya maya ay natanaw kong tumayo si Travis at lumabas para sagutin kung sino mang tumawag sakaniya. Napatingin pa siya sa 'kin saglit kaya inirapan ko lang siya. Mabuti nalang at hindi niya 'ko pinansin, ayokong malaman ng kahit na sino na magkakilala kami. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status