Share

Chapter 5

 

Wenshie's POV

 

Hindi siya binitiwan ni Khier hanggang nakababa sila sa parking area ng kaniyang condo building.

“Get in,” utos ni Khier sa kaniya, gustuhin man ni Wenshie na huwag sundin si Khier ay natatakot siya.

 

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Wenshie nang nakalayo na sila sa building.

“Sa bahay ko,” sagot ni Khier sa kaniya, ni hindi man lang siya binalingan ng tingin.

Magulo ang isip ni Wenshie at ayaw niyang makipagsagutan o makipagbangayan kay Khier sa ngayon mas pinuproblema niya ang kaniyang ama.

 

Makalipas ang halos kalahating oras pumasok sila sa isang exclusive village, pamilyar si Wenshie sa nasabing village. ValleBach Village is an exclusive and private village for bachelor men not only that, kailangan may sarili kompanya ang bawat miyembro o nakatira sa village na ito. Her cousin Mike is also living here kaya pamilyar siya sa lugar na ito. Mahigpit ang security sa entrance pa lang may face recognition scanner at hand print bago tuluyang makapasok.

 

Ipinarada ni Khier ang sasakyan nito sa isang 2-storey modern type bachelor house. Wala itong gate o bakod. May inilabas na maliit na kulay itim na remote control si Khier at biglang bumukas ang garage door. Nang nakapasok ang sasakyan ni Khier sa garahe biglang bumukas ang mga ilaw. Naunang bumaba si Khier at mabilis na bumabab rin siya hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng lalaki. Napayakap siya sa kaniyang sarili nang nanuot ang lamig sa kaniyang balat.

 

“Let’s go,” yaya ni Khier sa kaniya. Sumunod siya sa lalaki. Nang nakarating ito sa isang glass door may pinindot ito na code at bumukas ang pinto.makyat sila sa hagdan wala pa yatang sampung baitang, na-amaze si Wenshie nang tumambad sa kaniyang paningin ang maragyang master bedroom, ang akala niya kanina ay sala ang unang mabungaran niya mula sa garahe hindi pala.

May pabilog na couch na kulay gray at may apat na baitang na hagdan na naka-elevate, may glass wall at makikita ang king size bed ni Khier, sa kaliwang bahagi ng kama may velvet wall na hanggang baywang lang at makikita ang glass bath tub may in-room jacuzzi rin na kulay gray na tanging glass wall lang ang pagitan sa kama. Hindi alam ni Wenshie kung uupo ba siya o manantiling nakatayo sa bungad ng pintuan.

 

Nataranta siyang naglakad sa pabilog na sofa at umupo nang narinig niya ang boses ni Khier na tinatawag ang kaniyang pangalan, dumeretso kasi ito kanina sa nakabukas na pinto.

Nakita niyang lumabas si Khier sa pinasukan na pinto nito kanina may dala-dala itong tray na may pagkain.

 

“Eat this,” utos ni Khier. Napalunok naman si Wenshie nang nakita ang pagkain na inilapag ni Khier sa lamesa.

 

Paborito niya ang pagkain na ibinigay ni Khier. White pasta, orange juice and french toast.

 

Muntik na siyang nabulunan nang nakikitang naghubad si Khier ng mga damit nito, nakaharap kasi siya kung nasaan ang kama nito, nakahinga siya nang maluwag nang pumasok ito sa banyo. Pinilit niyang ituon ang kaniyang sarili sa pagkain.

 

Nang natapos si Wenshie kumain hindi pa rin lumalabas ng banyo si Khier. Naramdaman ni Wenshie na nag-vibrate sa loob ng kaniyang bulsa ang kaniyang cell phone. She wearing a gray jogging pants and maroon v-neck t-shirt at nakapambahay na tsinelas.

Mensia is calling her. Agad na sinagot niya ang tawag ng kaniyang pinsan.

 

“Where are you?” bungad na tanong ni Mensia, ni hindi pa nga siya nakapag-hello man lang.

Kinabahan si Wenshie sa tono ng boses ni Mensia. Tumayo si Wenshie at naglakad sa nakabukas na sliding door patungo sa veranda.

“Ano na naman gulo ang pinasok mo Wenshie? Alam mong pauwi si Tito Lenard next week!” sermon sa kaniya ni Mensia.

“Nasaan ka ba?” tanong ni Mensia sa kaniya ulit.

“Vallebach Village,” sagot ni Wenshie kay Mensia.

Namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan niya at ni Mensia, sa tingin ni Wenshie tinatantiya ni Mensia kung ano man ang sasabihin nito sa kaniya.

 

“A-are you with K-Khier?” may pag-alinlangan na tanong ni Mensia sa kaniya.

Nang hindi siya sumagot sa tanong ni Mensia narinig niyang napamura ito nang malutong.

 

“Matanda ka na at nasa tamang pag-iisip, siguro alam mo naman ang ginagawa mo Wenshie,” turan ni Mensia sa kaniya at pinatay ang tawag. Napapikit si Wenshie, iniisip niya kung sana hindi siya nahulog nang husto kay Khier noon, sana hindi ganito kakomplikado ang lahat para sa kaniya.Noon hindi naman siya nakaramdam ng takot kay Khier pero nang bualik siya at nakausap ito bumalik iyong takot ni Wenshie na hindi niya alam kung saan nagsimula at kung ano ang dahilan. Habang nakatanaw sa hindi kalakihang swimming pool sa hindi kalayuan naramdaman ni Wenshie ang presensya ni Khier na papalapit sa kinaroroonan niya, nagkunwari siyang hindi niya nahalata na papalapit ito.

 

“Break up with Hermes.” Napalingon si Wenshie kay Khier, he’s now wearing a white cotton shirt and gray cotton pants. Nanunuot sa kaniyang ilong ang preskong amoy ng sabong ginamit nito.

 

She remains silent hindi rin naman niya alam kung ano ang isasagot dito, Napalunok si Wenshie nang halos isang dangkal na lang ang layo ng katawan niya sa katawan ni Khier.

Napapikit si Wenshie nang hinawi ni Khier ang iilang hibla ng kaniyang buhok at inilagay sa likod ng kaniyang tainga.

“Call him,” utos ni Khier, sa kaniya. Napadilat si Wenshie sa narinig, napakaseryoso ng boses ni Khier. Kung wala lang sana siyang alam madali lang sa kaniya na hindi ito pakinggan.

 

“K-Khier,” sambit ni Wenshie, she sounded pleading.

 

“He kissed and touched you!” mariing sabi ni Khier, na titig na titig sa kaniya.

 

“He’s my boyfriend,” mahinang sagot ni Wenshie kay Khier, na sana hindi na lang niya sinabi. Nakita niyang para siyang gustong sakalin ni Khier. Hindi ito ang Khier na nakilala niya at nakasama noon, ibang-iba na ito.

 

“Yo left without hearing my side, okay naman tayo noon!” panunumbat ni Khier, na pilit pinapakalma ang sarili.

 

“Call Hermes at makipaghiwalay ka ngayon din,” matigas na utos ni Khier.

Pareho silang napatingin sa hawak niyang cell phone na umiilaw.

 

Mas kinabahan siya nang nakita kung sino ang tumatawag.

 

Dad is calling…

 

Lumunok muna si Wenshie at nakikiusap na tumingin kay Khier.

“H-hello,” sagot ni Wenshie sa kaniyang ama, kahit ano’ng pilit niyang itago na kinakabahan siya ay hindi ni Wenshie nagawa.

 

“Don’t test my patience Wenshie baka makalimutan kong anak kita,” galit na sabi ng kaniyang ama.

She begins to shake, hindi na niya narinig ang iba pang sinabi ng kaniyang ama. Nagmamadali siyang pumasok loob at tinungo ang daan kanina palabas ng kuwarto ni Khier. Napahinto si Wenshie nang hinila siya ni Khier.

 

“Please, let me go Khier… Ayaw kong magalit na naman si papa sa akin,” pakiusap niya kay Khier.

She was dealing this fear before alone at nalagpasan niya iyon at ayaw niyang bumalik na naman ang takot na hindi niya alam kung saan nanggaling at ano ang dahilan.

 

“Ihahatid na kita,” malumanay na sabi ni Khier, na ipinagtataka niya.

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status