Share

Chapter 4

Wenshie's POV

 

Hindi alam ni Wenshie kung ano ang sasabihin niya kay Florence. Tatlong araw na rin ang nakalipas nang may nangyari sa kanila ni Khier. After an hour nagkamalay rin siya nang bigla siyang hinimatay. Ayaw pa  sana siyang iwanan ni Khier but she insisted.

 

“Sumasakit ang ulo ko sa iyo, Wens,” turan ni Florence sa kaniya. Kaalis lang kasi ni Khier at nagkasalubong ang dalawa kanina sa labas ng condo niya.

 

“Ano ang gagawin mo kay Hermes?” usisa ni Florence.

“I don’t know,” pag-amin ni Weshie kay Florence.

“I was also shocked before, na magkapatid pala sila,” dagdag pa ni Wenshie.

At pinuproblema pa ni Wenshie ang mga lalaking pinsan niya na kinukulit na rin siya tungkol sa kung ano ang mayroon siya at ni Khier.

“Gulo ito kapag nagkataon,” komento ni Florence. Napahilamos si Wenshie gusto niyang sabunutan ang kaniyang sarili.

“Si lolo walang problema pero ang papa mo… kilala mo naman iyon,” dagdag pa ni Florence.

When she came back in US, three years ago, nakilala niya si Hermes, inaanak ng kaniyang ama. Hindi pa man pormal na sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama alam ni Wenshie na si Hermes ang gusto ng kaniyang ama para sa kaniya. Pinayagan lang naman siyang umuwi sa Pilipinas nang dahil kay Hermes, naging malapit sila ni Hermes sa loob ng tatlong taon, magkapitbahay lang naman kasi sila sa US at may share of stock sa company ng ama niya si Hermes. All her life she wanted her father affections, ang mahalaga lang kasi sa kaniyang ama ang negosyo nito at wala ring tiwala ang ama niya na ipamana o ipagkatiwala ang kompanya nito sa kaniya. Wenshie father hated her so much, because of Wenshie, her mother died while giving birth to her. Her Lolo Minandro disowned her father for marrying her mother, ang gulo ng buhay niya.

 

“Mahalmo ba si Hermes?” basag ni Florence sa katahimikan. Napapikit si Wenshie sa tanong ni Florence. “Tell him the truth Wens, kaysa umabot pa ito sa gulo,” suhestiyon ni Florence.

She hates lies and liar at ito siya, papunta na sa pagsisinungaling.

 

“I will,” hindi siguradong sagot niya ay Florence.

 

Hermes knew about her past with Khier. Wala naman itong sinabi sa kaniya not until last year nang pumunta siya sa bahay nina Hermes she saw a picture framed, it was Khier and Hermes mother Tita Clara. Khier real mother. Na-shock din si Hermes sa nalaman na ang Khier na tinutukoy niyang nanloko sa kankya ang ay half brother nito. Magnus Khier Monteclaro, Khier full name at Magnus ang tawag ni Hermes kay Khier kaya wala rin talaga itong ideya na ang kapatid nito ang tinutukoy niya. Nakilang punta na siya sa mansyon nina Hermes pero noon niya lang nakita ang picture na iyon.

 

Nang nakaalis si Florence nahulog siya sa malalim na pag-iisip.Hindi niya rin alam kung ano ang mayroon siya at si Khier ngayon.

Dating gawi!

Napailing si Wenshie sa naisip. Susulpot na lang dito bigla si Khier at tuwing pumupunta ito sa condo niya umaandar ang pagiging marupok niya. Isa rin sa rason na ayaw niyang makita si Khier dahil alam ni Wenshie sa sarili niya na bibigay kaagad siya sa lalaki. She knew Khier when it comes to bed. Sa maiksing panahon na nagsama sila noon, she can’t say no to Khier when he really wanted to take her anytime anywhere, not until she found out the truth that he was not single and already engaged.

Isa pa iyon sa ikinatatakot ni Wenshie na malaman ng kaniyang ama na naging kabit siya. Mabuti na lang at hindi siya pinaimbestigahan ng girlfriend ni Khier noon, just by looking at her alam niyang maimpluwensya at mayaman ang babae.

 

Natauhan si Wenshie nang tumunog ang kaniyang cell phone. Hermes is calling…

Mablis na sinagot niya ang tawag ni Hermes.

“Nasa condo ka lang?” tanong ni Hermes, halata sa boses nito ang pagod.

“Oo,” mabilis na sagot niya.

“Can I come?” hinging permiso ni Hermes.

She said yes after a few minutes nagpaalam na ito.

Nagmadaling kumilos si Wenshie at nagluto ng dinner nila.

She cooked Hermes favorited food., penne arabiata and chicken steak. Kababalik lang nito from Hongkong. After an hour tumawag si Hermes na paakyat na ito sa condo niya.

 

 

Nang tumunog ang doorbell mabilis na tinakbo niya ang pinto at binuksan. Bumungad sa kaniya ang guwaong mukha ni Hermes, naka-business suit pa ito.

“I miss you,” salubong ni Hermes sa kaniya at hinila siya nito at niyakap.

Nang bumitiw ito sa pagkayakap sa kaniya ay tinitigan siya ni Hermes sa mga mata, hindi siya makatingin ng deretso kay Hermes.Isinara ni Hermes ang pinto at  sumandal ito sa pinto at hinila siya ulit ni Hermes.

Napapikit nang mariin si Wenshie nang hinalikan siya ni Hermes sa noo, bumaba ang halik nito sa kaniyang pisngi halos pigilan niya ang kaniyang paghingan nang unti-unting tinutumbok ng labi ni Hermes ang kaniyang labi, Then she feels Hermes soft lips kissing her passionately. Dahil sa pagkabigla o mas tamang sabihin sa kasalanan niya rito para siyang tinuklaw ng ahas. Hermes stops kissing her nang naramdaman nitong hindi man lang siya gumanti o gumalaw. Hindi niya alam kung ano ang reaksyon ng mukha ni Hermes nakapikit pa rin siya.

 

Nanlaki ang mga ni Wenshie nang hinapit ni Hermes ang kaniyang baywang at idiniin sa katawan nito.

Doon siya napadilat. “What are you doing?”

Ramdam ni Wenshie ang mabilis na paghinga ni Hermes na tila pinipigil ang galit.

“H-Hermes,” tawag ni Wenshie sa pangalan ng kasintahan. Pumikit ito at pilit na pinapakalma ang sarili.

Nang naramdaman niyang kumalma si Hermes niyakap ni Wenshie nang mahigpit ang kasintahan.

“I-I’m sorry,” mahinang bulong ni Wenshie na alam niyang malinaw na narinig ni Hermes. Humigpit ang pagyakap ni Hermes sa kaniyang baywang.

 

“I tried b-but…” At hindi niya napigilan na umiyak.

She hated herself to death, hindi deserve ni Hermes ang isang katulad niya napakabait nito sa kaniya at ito ang karamay niya noong nasa US pa sila.

 

Nang hindi nagsalota si Hermes, inilayo niya bahagya ang kaniyang sarli sa lalaki at tiningnan ito. Nakapikit ito. Iniangat ni Wenshie ang kaniyang kaliwang kamay at pinunasan ang basang mata ni Hermes.

Nagulat si Wenshie nang pinigilan ni Hermes ang pagpunas niya sa luha nito, he looks at her. “H-Hermes,” sambit ni Wenshie at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Hermes, nakapait siya sa batok ni Hermes at walang sabi-sabi na hinalikan ang lalaki, naramdaman niyang nabigla ito. Hindi ito gumati she tried to sneak her tongue inside his mouth, napaungol si Hermes sa ginawa niya, first time na siya ang nag-initiate ng halik na napaka-agresibo. Mabilis nainangat siya ni Hermes otomatik na ikinawit niya ang kaniyang mga binti sa baywang ni Hermes. Naglakad si Hermes patungo sa sala at inihiga siya sa mahabang sofa, and then he leaned closer and kiss her aggresively, pikit-matang gumanti si Wenshie kay Hermes. But when Hermes is about to undress her, biglang bumukas ng pabalibag ang pinto ng kaniyang condo.

 

“K-Khier!” gulat na bulalas ni Wenshie nang nakita si Khier na nag-aapoy sa galit ang mga mata.

“Get up!” malakas na sigaw ni Khier sa kaniya nang hindi siya kumilos mabilis na lumapit ito sa kaniya at tinabig si Hermes at hinila siya palayo. Khier knows her passcode kaya hindi nakapagtataka na nabuksan nito ang pinto.

Mabilis naman na hinila siya pabalik ni Hermes.

“Let her go!” mariing utos ni Khier kay Hermes.

“You let her go!” pagmamatigas ni Hermes at hinila siya, nabitiwan siya ni Khier.

 

Napasigaw si Wenshie nang biglang naglabas ng baril si Khier. “Let her go or I will shoot you.”

Kusa siyang kumalas sa pagkahawak ni Hermes sa kaniya. Hinarap ni Wenshie si Hermes. May sasabihin sana siya kay Hermes nang bigla siyang hinila ni Khier kaya napasigaw siya sa pagkagulat.

“She is mine.” At kinaldkad siya plaabas ng sariling condo niya ni Khier.

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status