Share

Chapter 4

"WELCOME to Hidden paradise of dreams beach resort!" basa ni Chandria sa malaking signage na naroon sa mismong labas ng resort. Nagliwanag ang kanyang mukha sa nabasa dahil sa wakas ay nakarating din siya ng buhay sa pupuntahan niya. Hindi siya naligaw or kahit ano mang bad luck ang maaring mangyari sa kanya sa daan.Tama din naman si Sena na hindi ito mahirap matuntun ngunit iyon nga lang, bako-bako lang ang daan.

Bumusina na siya kaagad pagkatapat niya mismo sa gate at mabilis na pinag buksan naman siya ng nakangiting guard na naroon.

"Maayong buntag, Ma'am," bati sa kanya ng guard. Nginitian niya ito kahit na may konting pagka-kunot sa kaniyang noo. Hindi naman kasi niya maintindihan kung ano man ang sinabi sa kanya ng butihing guard. "May reservation po ba kayo, Maam? " Tanong ulit nito na ikinatuwa na niya dahil nagtatagalog na ito. Inilahad nito ang kamay na tila may hinihingi. Kaagad naman niyang naisip ang papel na ibinigay sa kanya ni Lexy.

"Yes po, kuya,wait po ha," mabilis nitong tugon sabay halungkat sa kanyang bag ngunit bigo itong makita ang papel na prinint-out ni Lexy. Marahil kung saan-saan na niya nailagay kanina ng tumilapon siya dahil sa pagkakabangga sa kanya ng walang modong lalake. Tila nagpapasaklolo itong napatingin sa mamang guard and good thing dahil tila mabait naman ito.

"Sige po, ma'am, hanap na lang po muna kayo ng mapagparkingan diyan at proceed na lang po tayo sa front desk sa loob," ani ng guard at tuluyan na siya nitong iniwan para mas lalong luwagan ang pagkakabukas ng gate.

Kaagad naman siyang tumalima upang maghanap ng mapagparkingan. Nakampante siya nang may nakitang bakante kaagad. Umabante na siya para maka-pwesto na sana nang biglang may sumulpot na isang magarang sasakyan na kulay pula.

Naunahan siya nito sa bakanteng pagpaparkingan niya sana. Biglang naningkit ang mata nito sa galit.

"Shit!" malakas niyang mura sabay hampas sa mismong manibela. Sa sobrang inis ay dali-dali itong bumaba ng sasakyan. Marahan nitong kinatok ang pinto ng sasakyan na nasa driver's side ngunit tila may pagkabingi ang driver kaya mas lalo niya itong nilakasan. Napahugot siya ng isang malalim na hininga nang makitang bumababa na ang mismong front door glass ng sasakyan.

"Yes— Miss?" anito ng isang boses.

Kapwa sila natigilang dalawa. Kung kanina nakangiti ang lalaki ngayon ay parang namilog ang mata nito nang makita muli ang dalaga at ganoon din si Chandria.

"You? Ikaw na naman ulit!" Halos magkasabay rin nilang bulalas

sa isa't isa.

"Kung minamalas ka nga naman," ani ni Chandria in a sarcastic tone at sabay na pinag-krus ang mga braso.

"Oh, kung sinuswerte ka nga naman," sarcastic ding sagot ni Niel sabay kindat sa dalaga bago tuluyang lumabas sa sariling sasakyan . "Mukhang pinagtagpo talaga tayo ng tadhana, Ms. Mataray. Do you believe in destiny?"

"No! " masungit na sagot ni Chandria sabay taas ng kilay nito.

"Then maniwala ka na dahil ito na 'yon," pilyong sagot ni Niel na mas lalo namang ikina-inis ng dalaga.

"You wish!" ani ni Chandria sabay irap sa binata. "pwede ba, Mr.Whatever or kung sino ka man. Nakikiusap po ako sa inyo na umalis kana riyan dahil ako naman talaga ang unang nakakita ng parking space na 'yan, " sabay turo sa lugar kung saan naka-park na ang sasakyan ni Neil.

Napakamot naman si Niel sa kanyang batok at pilyong ngumiti sa dalaga. "Miss, It doesn't mean dahil nauna mong siyang nakita ay para sa'yo na. Sometimes kasi available siya dahil nakareserba sa iba."

Umawang ang labi ng dalaga sa narinig. Hindi niya mawari kung inaasar ba siya ng kausap or produkto talaga ng isipan niya ang naging sagot nito.

"Hugot?" nakangiwi niyang tanong na naka-ikis pa rin ang mga braso. "basta, ako iyong nauna kaya sa akin iyan. The hell I care about kung kanino man iyan nakareserba." protesta niya.

Kung kanina na agrabyado na siya nito. This time ay talagang hindi na niya hahayaan na maka-score na naman ito muli.

"Excuse me po," isang tinig ng babae na siguro ay nasa trenta anyos na ito. Nakapandamit ito ng uniporme ng guard kaya marahil ay gwardiya ito rito.

Sa sobra siguro nilang ingay ay nilapitan na sila ng isang babaeng guard. Akala siguro nito ay magpapatayan na silang dalawa.

"Nandito po pala kayo, sir," sabi nito ng

makatingin kay Niel.

"Ooh! Bakit siya kilala ng guard? Siya kaya ang may-ari ng resort na ito?" piping tanong ni Chandria sa kanyang isipan habang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "If kung ganoon dapat marunong siyang magpa-ubaya sa mga customer niya."

"Ano ba iyong problema ninyong dalawa?" tanong ulit ng babaeng guard na hindi naman maalis-alis ang mata nito sa gwapong binata. Napa-irap na naman tuloy si Chandria mukha kasing dehado na naman siya sa appeal mayroon itong binata.

"Hindi naman ganun kalaki, Ms. Lovelyn," nakangiting sagot ni Niel at tila kinilig naman ang babae ng binanggit ni Niel ang totoo niyang pangalan. "This pretty lady kasi, Ms. Lovelyn," sabay turo kay Chandria gamit ang kaliwang kamay. "inakusahan ako na mang-aagaw ng parking space." sabay pakita ng paawa effect face nito sa Ginang.

Tila kinilig naman ang Ginang kaya hindi mapigilang umirap muli ni Chandria.

"Ah, 'yon lang po ba?" ani naman ng ginang at bumaling na ang mga mata kay Chandria. "Naku! Maliit na bagay lang po pala, Ms. Ganda." magalang itong ngumiti sa dalaga ngunit labis na inis naman ang nararamdaman ng dalaga.

Nanlaki ang mata nito napatingin sa ginang na tila hindi makapaniwala sa narinig. Bakit tila siya pa ang mali?

"I swear, I saw it first and— " tangkang paliwanag sana niya ngunit napalatak na lang siya sa sobrang inis dahil tila wala namang silbi kung makipag-debate pa siya sa mga 'toh. Pakiramdam niya nanalo na naman ang binata sa kanya.

"Hanapan ko na lang po kayo ng pwede ninyong pagparkingan, " ani ng ginang na nakangiti pa rin.

Kumibit- balikat na lang si Chandria at napilitan na lang sumang-ayon kahit may kunting inis pa sa kanyang dibdib, ngunit bago iyon ay binigyan niya muna ng nakamamatay na irap ang binata bago tinalikuran ito. Naisahan na naman siya ng mokong.

Sinuklian naman siya ng binata ng nang-aasar nitong ngiti at syempre inirapan lang din 'nya ito.

"So, ako ang mali? Ako na naman ang mali? Ako na iyong tumilapon ng bonggang bongga at ako na iyong inagawan ng mapagparkingan. Ako pa ang mali?" nagmamaktol nitong sabi habang pabalik sa sasakyan niya. "Saan na po ako magpa-park?" naiinis niyang tanong pagkalingon sa babaeng guwardiya na nakasunod lang din pala sa kanya. Hindi naman talaga siya naiinis sa guard kundi doon lang sa nang-agaw ng parking space sa kanya.

"Doon lang po," sabay turo na malapad na parking area sa dulong bahagi.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at nakaramdam ng pagkapahiya. Para tuloy siyang temang na nakipag-away sa mapag-parkingan na ang dami-dami naman pala dito sa dulo. Na may kalapitan lang naman sa una niyang nakita. Sana pala hinayaan niya na lang na i*****k sa baga ng mokong na iyon ang parking space na inagaw sa kanya.

"Ate?" tawag nito sa babaeng guard na wala ng bahid ng inis sa maganda niyang mukha. "sino po ba kasi iyong mokong na iyon?" sabay nguso sa kinaroroonan ni Niel.

"Si— Sir Niel, po ba iyong tinutukoy ninyo?" paninigurado nito.

"Oh! So, Niel pala ang pangalan ng mokong na iyon," bigla na namang naningkit ang kanyang mga mata sa inis.

"Naku, pasensya na po kayo kanina, Ma'am 'ha , nakareserba kasi ang space na iyan sa kanya, talaga. Walang pwedeng makipag-park diyan sa mismong spot 'nya kundi siya lang. "

Umangat na naman ang kilay ni Chandria sa narinig.

"Bakit ba tila special ang turing ninyo sa mokong na iyon? Siya ba iyong boss dito? " Nakabusangot niyang tanong sa ginang.

"Naku, hindi po," ani ng ginang sabay kamot sa ulo nito." Alam 'nyo po ba iyong Quirino Corporation? "

Bahagya naman siyang tumango. Sino ba naman kasi ang hindi nakakakilala sa isa sa mga sikat at prominenteng pangalan pagdating sa negosyo sa bansang ito.

"Siya lang naman po ang nag-iisang anak ng mga Quirino," pagmamalaki ng guwardiya.

"Po?" bulalas niya na parang hindi makapaniwala. Kilalang-kilala niya kasi ang mga Quirino at hindi ito basta-basta na matitibag pagdating sa mga negosyo. To make it short they considered as a legend pagdating sa business industry.

She even idolized the woman behind that corporation's success and now, she got to meet her son. Ang walang modong anak nito na sa dinami- dami ng puwedeng maging anak nito, bakit ang mokong na 'yon pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status