Share

Chapter 29

Hindi mabilang ni Chandria kung ilang oras na siyang umiiyak sa loob ng kanyang kwarto habang naka-talukbong ng kumot. Laking pasasalamat na lang niya dahil walang tao sa apartment nila kaya malaya niyang nailalabas ang kanyang nararamdaman.

Nang mapagot ang mata sa kaka-iyak ay marahan itong bumangon sa kama at malungkot na nakatitig sa mga nagkalat na mga larawan nila ni Niel sa sahig. Hindi na naman niya napagilang muling humikbi dahil parang kanina lang ang saya-saya niya habang tinitingnan ang mga iyon.

Kumuha ito ng malaking box at mabigat ang loob na nilagay ang mga iyon isa-isa para tuluyan ng itago. Kasama na rin ang hindi pa nito tapos na scrapbook. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil hindi rin niya alam kung matatapos pa niya ito o’ ipagpapatuloy pa.

Bigla siyang napapitlag ng mag-ring ang kanyang cellphone. Tumatawag si Lexy. Inayos niya muna ang sarili bago sumagot at ganun na lang ang sumalakay na kaba sa kanyang dibdib sa ibinalita nito. Biglang sumikip daw ang dibdib ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status