Share

Chapter 3

Mahigit tatlong oras na rin ang paghihintay ni Chandria sa airport sa susundong pinsan ni Lexy sa kanya. Na magpa-hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Medyo nangangawit na rin nga ang kanyang mga binti sa kakatayo mula pa kanina. 

Idagdag pa ang pangangalay ng leeg niya sa kakalingon sa mga taong dumadaan sa paligid niya. Nagbabasakaling isa doon si Sena, pangalan ng pinsan ni Lexy. 

Ang isang bagay pang kinabu-bwisit niya ay iyong mga taong napapatingin sa kanya. Na-conscious tuloy siya dahil baka agaw atensyon ang kulay purple niyang buhok o di kaya ay masyadong maikli ang maong na palda na suot niya. 

Hinagilap nito ang cellphone sa dalang bag para tawagan ulit si Lexy kung may susundo ba talaga sa kanya. 

Saktong kakahawak niya pa lang sa cellphone niya nang may isang lalaking biglang bumangga sa kanya. Dahil hindi nito napaghandaan ay tumilapon talaga siya ng bonggang-bongga.

"Aray!" Impit niyang d***g dahil sa sakit at pilit na ibinangon ang sarili. Narinig naman iyon ng lalake kaya dali-dali itong lumapit sa kanya.

"I'm so sorry, Miss. Hindi kita napansin sa sobrang pagmamadali ko," hinging-paumanhin kaagad nito sa kanya. Nag-offer pa ito ng kamay niya para tulungan sana siyang makatayo ngunit huli na rin dahil nakatayo na siya. 

Mukhang masakit talaga ang pagkakatilapon niya dahil ni hindi nga niya napansin na nasa harapan na pala niya ang lalaki. Nakayuko pa rin siya habang minamasahe ang balakang na marahil iyon ang tumama sa sahig. 

"Look, Miss, I'm really sorry about what just happened." Hinging-paumanhin ulit ng lalaki. Doon niya pa lang iyon binigyan ng pansin kaya napa-angat din siya ng tingin para matingnan kung sino ang naka-bangga sa kanya. 

Talagang makakatay niya ng buhay ang lalaking ito sa sakit ng balakang niya. 

"Sorry? Tumilapon po ako doon!" Kaagad na bulyaw niya sa lalaki na pinagdiinan pa ang salitang tumilapon. "Hindi naman siguro masikip ang lugar na ito diba? Huwag kasi mag-suot ng shades kung hindi rin naman ganoon ka liwanag ang paningin." 

Pagtataray pa niya ngunit natigilan din siya ng mapansing titig na titig na rin sa kanya ang lalaki. 

Natulala na lang si Niel sa mukha ng babae. Para kasing nakita na niya ito pero hindi niya lang maalala kung saan. Mukhang minumura na nga siya nito pero mukhang wala siyang madinig. 

Parang napunta sa kabilang planeta ang utak niya. Masilayan sa malapitan ang ganitong mukha ay parang kinalimutan na niya ang lahat. Ang meeting niya sa kanyang kliyente na siyang dahilan kung bakit niya nabangga ang napakagandang nilalang na ito ay saglit na nawala sa kanyang isipan. 

Bumalik lang ang diwa niya when the girl snap her fingers para maagaw ang atensyon niya. 

"Don't tell me na bulag ka?" May halong sarcasm sa tono ni Chandria dahil sobrang naiinis na talaga siya sa lalaking ito. 

Kanina pa ang talak niya ngunit hindi naman siya sinasagot ng lalaki. Sa sobrang inis niya ay hinablot niya ang shades nito at pareho silang natigilan sa isa't isa. Ang kaibahan lang ay hindi magkatugma ang mga iniisip nila. 

Bakit titig na titig sa kanya ang lalaki?Ang ang tanging tumatakbong tanong sa isipan ni Chandria habang kay Niel naman ay pilit inaalala kung isa ba sa mga babaeng na-meet niya sa bar ang babaeng kaharap niya ngayon. 

Para kasing nakita na niya ito ngunit hindi niya lang matandaan kung saan at kailan. Sa dinami-dami kasi ng mga nilandi niyang mga babae na party goers din na kagaya niya ay nakalimutan na niya ang mga mukha ng mga ito.

Hindi naman niya talaga ugali ang magpaiyak ng mga babae pero isa iyon sa paraan niya para inisin ang Mama niya. 

In-short nagrerebelde siya sa mga magulang niya. Gustong-gusto niyang gumawa ng gulo para dungisan ang pangalan nila kaya landi dito, landi doon ang trip niya. 

Napangisi siya bigla ng maalala niya kung saan nga niya nakita ang magandang dilag sa harapan niya. Ngayon pa lang gusto na niyang maniwala sa tadhana. 

Parang kahapon lang ay ang layo-layo nito sa kanya at ngayon ay malapitan na niyang natitigan ang mukha ng babae. Tama nga siya na maganda ito. 

"Gwapo ba?," may himig ng pang-aasar na tanong niya nang mapansing nakatitig din ang dalaga sa kanya. Imposible naman kasi na isa ito sa mga naka-flirt niya na mga babae. 

Sa natatandaan kasi niya, makakapal mag-make up ang mga iyon and this woman in front of him is only wearing a red, dark lipstick. Natural na kasing makapal ang kilay nito kaya hindi na nito kailangan ng mga kung ano-ano na ginuguhit sa kilay ng mga kababaihan. 

Hindi na rin nito kailangan maglagay pa ng kung ano-ano sa mata dahil natural na ring maganda ang mga ito. 

"Feeling?" Tumaas ang kilay ni Chandria at inirapan ang binata. 

"Bakit hindi mo na lang kaya ako tulungan pulutin...the hell!" Mahinang mura ng dalaga. 

Tinalikuran na kasi siya ng lalaki at ngayon ay may kausap na ito sa cellphone. Napasinghap siya sa hangin bago isa-isang pinulot ang mga gamit na nagkalat na sa sahig. Mukhang wala na talaga siyang aasahan sa lalakeng kaharap kanina. 

"Okay, bye! See you, Pare," narinig niyang paalam ng lalaki sa kausap. "Miss," tawag nito sa kanya habang papalapit sa kanya at parang may kinukuha sa bulsa niya. 

"I'm really sorry sa nangyari and I really have to go. Naghihintay na kasi iyong mga ka-meeting ko. Here is my calling card." Nagmamadaling sabi nito at inilapag iyon sa palad ni Chandria.

Mukhang na sense na kasi nito na mangangawit lang ang braso nito dahil tila walang balak ang dalaga tanggapin iyon.

"Tawagan mo na lang ako kung magkaproblema ka," ngumiti ito sa dalaga bago umalis. 

Napa-awang naman ang labi ni Chandria habang nakatingin sa calling card sa palad niya. Halos hindi siya makapaniwala na may taong makakagawa nito sa kanya. Ni hindi talaga siya nito nagawang tulungan. 

Naiintindihan niya na nagmamadali ito at humingi na rin ng pasensya pero kahit ganun pa man, ito ang may atraso kaya kahit papaano naman siguro ay tulungan lang man siyang magpulot ng mga gamit niya na nakakalat sa sahig. 

Kinuyumos niya ito sa sobrang inis na nararamdaman at kumapa ng bagay na pwede niyang maibato sa papaalis na lalake. 

"Sapol!" Tila nagdidiwang niyang sabi ng matamaan niya ito sa mismong batok. Napahinto ang binata at nilingon siya na nakatiim-bagang. 

Mukhang nainis ito sa kanya dahil sa ginawa niya kaya binigyan niya ito ng nakakalokong ngiti na tila nagsasabing ‘serves you right’. 

Pero napawi rin ang kanyang ngiting tagumpay nang makita kung ano ang naibato niya sa lalaki. 

Ang baon niyang isang buong pack ng sanitary napkin lang naman. At doon niya na lang naramdaman na pagtitinginan na pala siya ng mga tao. Iyong iba ay nagbubulungan pa. 

Hindi naman niya maintindihan. Sa labis na kahihiyan ay daig niya pa si Flash kung magligpit ng gamit niya at tuluyan ng lumabas. Sa labas ng airport niya na lang hihintayin ang pinsan ni Lexy. 

Titiisin niya na lang ang init na doon kesa naman na magtrending pa ang ginawa niya dito. 

"Kayo po ba si ate Chandria?" Biglang tanong ng babae sa kanya. Dahil tinawag siya nitong ate malamang na mas matanda siya dito. 

"Yes, ako nga iyon. Ikaw ba si Sena? Iyong pinsan ni Lexy?" 

"Opo, pasensya na po kung natagalan ako sa pagsundo sa inyo. May biglaang emergency situation lang po kasi," humihingal nitong paliwanag habang tinutulungan na siyang ilagay ang mga gamit niya sa loob ng sasakyan. 

"Matagal po ba kayong naghintay?" tanong ulit nito. 

"Ah, hindi naman," pagsisinungaling niya saka ngumiti. Pareho pala silang nagkaroon ng emergency situation ngayong araw ngunit mas nakakahiya lang iyong sa kanya. 

"By the way po, Ate," sabay abot sa isang papel. Kahit naguguluhan ay tinanggap naman iyon. "Sketch po iyan ng resort na pupuntahan ninyo." 

"Hindi mo ba ako ihahatid?" Tila kinakabahan niyang tanong. Sino naman kasi ang hindi kakabahan kung basta-basta na lang siyang magba-biyahe sa lugar na kabago-bago niya lang napuntahan. 

"Gustuhin ko man po pero talagang emergency po talaga. Pasensya na po pero huwag kayong mag-alala dahil madali lang namang matunton ang lugar na iyon dahil kilala naman iyon dito sa Cebu.

Sundan nyo lang po iyang sketch na ibinigay ko at hindi po kayo maliligaw. At kung may tanong po kayo tumawag lang po kayo sa akin. Naisulat ko na rin po diyan iyong number ko," anito. 

"Okay," tanging nasabi na lang niya. Ano pa naman kasi ang magagawa niya. Malay ba niya kung sobrang importante talaga ang pupuntahan nito. 

Ibinigay na sa kanya ni Sena ang susi ng kulay itim nitong pickup truck na sasakyan at sinimulan ng baybayin ang Cebu. 

Medyo may kalayuan din pala ang pupuntahan niya dahil may kalayuan na iyon sa Cebu City ngunit kahit ganun pa man ay nakaramdam naman siya na tila nag-eenjoy din siya sa ginagawa. 

Hindi niya man aminin ay na-e-excite din naman siya. After all it was her first time to travel alone.

  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status