Share

Chapter 6

Gustuhin mang matulog na ni Chandria ngunit ayaw naman siyang patulugin ng isipan niya. Hinding hindi pa rin nito maalis-alis sa isipan niya ang binulong kanina ng binata sa kanya. It was a plain and simple sorry ngunit parang tumagos talaga sa buong pagkatao niya. Ni hindi niya nga alam kung maluwag ba talaga iyon sa puso ng lalake habang sinasabi iyon pero it was sort of comforting. Parang sa hindi niya maipaliwanag na dahilan biglang naglaho ang galit at inis niya sa binata. At kahit nga ang mismong pabango nito ay pakiramdam niya ay naiwan pa rin sa loob ng kanyang ilong na hanggang ngayon ay nalalanghap pa rin niya.

"Oo na, gwapo kana!" parang timang na sigaw niya saka gumulong-gulong sa kama.

At dahil sa hindi talaga siya dinadalaw ng antok ay nagpasya na lang itong lumabas ng kwarto niya at maglakad-lakad sa dalampasigan. Inayos nito ang suot na hooded jacket dahil medyo malamig talaga ang dapya ng hangin sa kanyang balat.

Naalala niyang weekend pala ngayon kaya medyo marami pa ring mga tao na nasa labas, ini-enjoy din ang simoy ng beach. May ilang tao din siyang nakikita

na hindi alintana ang lamig ng dagat at naliligo pa rin. May mag-irog na naglalambing sa isang tabi. Magkasintahang masayang nagtatampisaw sa tubig.

Meron din na mga magbabarkada na gumagawa ng bonfire habang may isa

silang kasamahan na nag-gigitara.

Bahagya siyang napatigil ng makita muli ang kulot na babae at ang gwapo nitong kasintahan na nakaupo sa buhangin at tila nakatingin ang mga ito sa kalangitan. Lihim siyang napangiti sa mga ito bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

Sa loob ng ilang minuto na nasa labas siya ang dami-dami na niyang nakita na nagpapa-inggit lang sa kanya. Kaya nga siguro isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang tumingin sa labas ng mundo dahil ayaw niyang makita ang mga bagay na sana ay naranasan din niya.

May isang bahagi ng dalampasigan na nandoon na medyo walang tao kaya doon na lang siya tumungo. May mga poste ng ilaw sa tabi ng karagatan kaya hindi masyadong madilim ang buong kapaligiran at kampante itong safe siya sa lugar na ito.

Umupo ito sa isang malaking kahoy na nandoon habang tanaw na tanaw ang kabilugan ng buwan. Malapit ng matapos ang kaarawan niya at magtatapos iyon na mag-isa siya.

"Happy birthday!" isang familiar na boses na naman ang narinig niya. Dahan-dahan niya itong nilingon at nagbabasakaling nag hallucinate lang siya. Boses kasi iyon ng lalakeng kinaiinisan niya mula pa kanina at ngayon ay binabati siya.

Ngunit totoo talaga ang nakikita niya. Nasa likuran niya na mismo ang lalaking ito at nakangiti na nakatingin sa kanya.

"Thank you!" wala sa sariling sagot niya. Parang awtomatikong lumabas na lang kasi ito sa kanyang bibig. Ni hindi muna unang sumagi sa isip niya ang tanong kung bakit iyon alam ng binata. Bahagya itong napa-iling para alisin kung ano man ang gumugulo sa kanyang isipan. "I mean, how did you know it?" aniya nang makabawi sa kalituhan na nangyayari sa kanya.

"Dahil dito," sagot ni Niel sabay abot ng isang I.D sa kanya. Tinanggap niya naman at tinitigang mabuti kung sa kanya ba talaga iyon dahil baka mamaya pinagloloko na naman siya ng binata. Hindi nga siya nagkakamali dahil sa kanya nga iyon at ang tanging tanong na lang na lang na sumagi sa kanyang isipan ay kung paano iyon napunta sa binata.

At bigla rin niyang naalala ang nangyari sa kanya kanina. Iyong gagamba accident. Marahil nahulog ito nang tumalon-talon ito sa sobrang takot na nararamdaman at hindi niya ito napansin na nahulog na pala.

"T-thank you!" parang nagdadalawang isip pa sana siyang sabihin ito sa binata ngunit naisip niyang dapat lang talaga.

"You're welcome!" mabilis namang sagot ni Niel na nakangiti. Tumabi ito sa kanya sa kina-uupuan niyang malaking kahoy. "Hindi ba masyadong malungkot?" tanong sa kanya ng binata habang sa kalawakan ng dagat ito nakatingin.

"Ang alin?" maang niyang sagot kahit na alam naman niya kung ano ang ibig sabihin nito.

"Ang mag-isa sa isa sa mga importanteng araw sa buhay mo?"

"Bakit mo naman iyon natanong? Malungkot ba ako sa paningin mo?" may himig na pagka suplada na naman sa tono niya. Pasensya siya dahil hindi siya basta-basta nakakalimot ng kasalanan ng

isang tao sa kanya.

"Oo!" diretsong sagot sa kanya at makahulugan siya nitong tiningnan. "I can see it through your eyes. It seems like

there are so much pain inside of it. Gusto nilang makawala pero ayaw mo silang bitawan," dagdag pa nito na hindi pa rin inalis ang paningin sa kanya. Bigla siyang naasiwa.

Ang simple lang naman ng sinabi niya pero bakit may kakaibang haplos ito sa kanyang pakiramdam. Parang may kung anong mabigat na nakadagan sa kanya na bigla na lang nawala. Iyong feeling na, she has someone to lean on kung kinakailangan

niya. Nagkaroon siya bigla ng confidence sa sarili na hindi na siya mag-iisa dahil may taong nakakaintindi at nakakabasa ng

utak niya.

And a tears just suddenly flow from her eyes and the reason is unknown.Mabilis niya itong pinahid at iniwas ang tingin sa lalakeng katabi. Bakit ba siya biglang naging emosyonal sa isang tao na ngayon niya lang nakilala?

"Kung nagkataon bang lagi na lang malungkot na pangyayari ang dumadating tuwing kaarawan mo—sa tingin mo may gana ka pabang magdiwang nito?" at mapakla itong napangiti. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit niya nasasabi ng ganito ka luwag ang saloobin niya sa kausap. She was the type of person that always kept her drama baggage to herself.

Dahil ba iyon sa estranghero ang lalake? A week after ay maghihiwalay na rin sila ng landas at babalik na ulit sa normal ang buhay niya.

"Kaya nga sabi ko naiintindihan kita.Hindi ko man alam ang buong kwento ng buhay mo pero naiintindihan kita. Lahat naman

tayo may kanya-kanyang malungkot na pangyayari sa buhay. Ang kaibahan lang nasa sa'yo kung paano mo iyon ihahandle. Kung paano mo ito haharapin at masosolusyonan."

"Madali lang sa inyo na sabihin iyan dahil hindi ninyo naranasan ang naranasan ko. Hindi ninyo naranasan na iwan ka ng sarili mong ina para sa ibang lalake. Hindi ninyo naranasan na namatayan ng ama sa mismong araw ng kaarawan mo dahil hindi niya nakayanan ang problema niya.Hindi ninyo naranasan na tumayo sa sarili mong mga paa dahil wala ka namang ibang maasahan maliban sa sarili mo."

Punong-puno ng hinanakit ang bawat salita niya na kahit siya mismo ay nagulat na lang kung paano niya iyon nailabas ng basta-basta na lang. Ni minsan kasi ay hindi niya ito nasabi kahit kay Lexy sa takot na baka mag-aalala na naman ito sa kanya. Okey lang ako! I'm fine! I've move on! Ito ang tanging bukambibig niya palagi.

"Hindi ko nga naranasan ang ganoon pero nang iniwan ka. May pumuno naman siguro sa pwesto nila, diba?"

Hindi siya nakasagot dahil may punto naman si Niel. Naalala niya sina Lexy at Nanay Bebang. Hindi man niya kaano-ano ang mga ito pero minahal naman siya ng buong-buo. Inalagaan, pinasaya at iniintindi.

"That's life, sometimes it's a great bullshit. Ang labo at hindi mo maintindihan." pagpapatuloy ni Niel ngunit nasa karagatan na nakatingin. "Don't let your anger lose all the happiness you deserve."

Bigla siyang napatingin sa binata. His words honestly console her. Namalayan niya na lang na may konting ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi habang nakatuon pa rin ang mga mata sa binata

Kinapa nito ang cellphone sa bulsa ng hoodie na suot niya at kinuha iyon.Tiningnan nito ang mga photos sa kanyang gallery at excited na ipinakita 'yon kay Niel.

"Iyong babaeng maikli ang buhok, si Lexy

iyan. Iyan iyong kaisa-isa kung bestfriend at iyong matanda naman si Nanay Bebang, lola ni Lexy. Pareho silang naging mabuti sa

akin." madaldal na nitong pagkukwento na may sigla na sa kanyang boses.

Ang dami pa nga nitong nasabi tungkol sa mag-lola at lihim na ikinatuwa naman iyon ni Niel.

"Good thing na napangiti din kita," ani ni Niel na titig na titig na pala sa kanya. Bigla siyang tumahimik at nakaramdam ng

pagka-ilang kaya ibinaling na lang nito sa iba ang mga mata. Humalukipkip ito dahil bigla na lang siya nakaramdam ng lamig kahit na medyo may kakapalan naman ang suot niya.

"Pumasok kana kaya," utos ni Niel. "masyado na kasing malamig ang hangin

sa labas baka magkasakit ka pa." Nauna nang tumayo si Niel at saka ini-lahad ang kamay sa kanya. Atubili pa sana siya na tanggapin iyon ngunit naisip niya na wala rin namang masama sa ginagawa ng lalake. Tutulungan lang siya nitong makatayo kaya wala rin naman sigurong malisya.

Nag-offer din itong ihatid siya sa kanyang hotel room. Hindi na rin siya nakatanggi dahil sa pag-iinsist na rin ng lalake. Naisip din niya na mas makakabuti din iyon para safe siyang makabalik.

At habang naglalakad sila nagkaroon din sila ng time para humingi ng tawad sa isa't isa. Pinagtawanan na lang nila ang nangyari. After all, hindi naman nila maibabalik pa ang nangyari at itatama iyon. Ang importante ay nag-sorry na sila sa isa't isa at kapwa din naman nila narealize na pareho silang may pagkakamali. Gusto pa sanang magtaray ni Chandria pero napawi naman ng konti ang inis niya sa lalaki. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit basta-basta na lang na gumaan ang loob nito sa binata.

"Dito na iyong room ko," aniya nang nasa mismong tapat na sila ng pintuan ng kwarto niya. Para namang may sinilip ang lalake sa

kabilang banda bago binalik ulit ang paningin sa kanya. Medyo nagtataka din ito sa ikinilos ng binata pero hindi na siya nagtanong pa.

"Magkatabi lang pala ang mga rooms natin. Nadoon lang iyon sa akin," sabay turo sa kaliwang hallway na kalapit lang din ng kanyang kwarto.

"Eh!" bulalas niya na nanlaki pa ang mga mata.Tiningnan rin ang tinuturo ng binata at doon na siya napakagat sa sariling kuko. Magkatabi nga talaga ang mga rooms nila at bigla siyang napa-pikit ng mariin. Bigla niya kasing naalala ang mga pandadabog na ginawa niya sa loob ng kwarto niya kanina sa sobrang inis dito. Mabuti na lang pala at hindi cottage ang nirentahan niya dahil tiyak na dinig na dinig ang pandadabog niya kanina.

Lalo na iyong random na pagsigaw niya kanina na gwapo ito. Kung sakaling narinig man iyon binata ay talagang sobrang nakakahiya. Baka isipin nito na may gusto ito sa binata.

"Sige, matulog ka na rin dahil maghahating gabi na." taboy na niya dito at tatalikod na sana siya nang may biglang maalala niya na hindi pa pala siya nakapag pakilala sa lalaking ito. Para kasing awkward din isipin na kanina pa sila nag-uusap pero hindi man lang sila nagpakilala sa isa't isa. "By the way, I'm Chandria Santana." pakilala niya.Hindi na niya inilahad ang kamay nito for shake hands dahil parang masyado na ring formal.

"Nice to meet you then," nakapamulsang sagot ni Niel saka nginitian siya. "I'm Niel Quirino. By the way, free ka ba tomorrow?"

Medyo nag-aalangan naman siya sa isasagot dito pero sa isang banda ng isip niya ay ang isang nakangiting oo ang dapat na isasagot niya.

"Bakit?" curious niyang tanong.

"Well, yayain sana kitang pumunta bukas doon sa isla puting bato." Napakamot ito sa batok niya na tila kinakabahan rin sa isasagot ng dalaga sa kanya. Lalo't nasanay ito na hindi hinihindi-an ng mga kababaihan.

"Ok! See you then," kibit-balikat na sagot ni Chandria saka mabilis na itong tumalikod sa lalake.

Kaagad nitong isinara ang pinto at tila nahahapong sumandal doon. She suddenly felt something strange. Iyong tipong tila bigla na lang siyang na-eexite para bukas.

Si Niel naman ay labis din ang katuwaan na nararamdaman. Iyong tipong daig niya pa ang nanalo sa lotto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status