Share

Chapter 50

Third Person's Point of View

Napapangiti si Taylor nang makita ang ginawang paglalaro ni Kristen sa cheese ng pizza. Nasa loob na sila ng Greenwich at kung kanina ay hindi siya nito pinapansin, ngayon ay busy naman ito sa paglalaro sa pizza.

"You like pizza?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor kay Kristen na siyang ikinatingin nito sa gawi niya.

"Nope. I like cheese," tugon ni Kristen na siyang ikinataas ng sulok ng labi ni Taylor.

"Kaya pinaglalaruan mo?" nakangising wika ni Taylor sa bata na siyang ikinangiti lang nito.

Hinayaan ni Taylor na maglaro si Kristen sa cheeze ng pizza. At dahil napapansin niya na hindi ito kumakain ay nagsalok siya ng kanin at siya na ang nagpakain sa bata.

Bahagyang nagulat si Kristen nang makita ang pagsubo ng pagkain ni Taylor sa kanya, bagay na siyang ikinatigil niya.

"Eat this. Naglalaro ka lang diyan sa cheese. Baka mapagalitan ako ng mama mo kapag nalaman na pinabayaan kita rito," wika pa ni Taylor na siyang ikinakurap-kurap ni Kristen.

Pangarap n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status