Third Person Point of ViewBahagyang natigilan si Taylor nang makita ang kamukha niyang bata. Tila may kung ano sa puso niyang kinikilala ito kahit na hindi pa naman niya ito nakita noon pa. Tila may kung ano sa katawan niyang gustong kausapin ang estrangherong bata, bagay na siyang ikinatigil niya sa pagbukas sa pinto ng unit niya at hinarap ito. Ngunit habang gulat na gulat siya, lingid sa kaalaman niya ay gulat din ang batang si Kristen. Ito ang unang beses na nakita niya nang harap-harapan ang pinapangarap niya lang na ama."H-Hi," nauutal na wika ni Taylor sa bata, bagay na siyang ikinataka ng lalaki sa sarili niya. Hindi siya ganoong mautal, pero heto siya at nauutal sa isang bata.Habang pinagkatitigan niya ito ay tila nananalamin si Taylor, bagay na siyang ikinabilis ng tibok ng puso niya."Hi," maliit na pagtugon ni Kristen sa lalaki.Bahagyang nabalik sa reyalidad si Taylor nang marinig ang bata na magsalita sa harapan niya. Parang doon palang ay tila may kutob na siya. May
Third Person's Point of View (Continuation...)"You seem new to the condominium. You're a new resident there po?" makulit at kuryosong pagtatanong ni Kristen na siyang ikinalingon ni Taylor sa gawi niya. She's sitting at the passenger's seat. Bahagya siyang nakatagilid para makita ang mukha ng lalaki na ilang taon din niyang inaasam na makasama, at ang pagkakataong ito ay hindi niya sasayangin para makasama ito kahit na sa kaunting panahon lang."Yep. I've got the better condo before. I think the new one will be the best," wika pa ni Taylor na siyang ikinangiti ni Kristen."Yeah. It would be the best," nakangiting wika ni Kristen, umaasa na sana ay may pagkakataon na maging okay na ang mga magulang niya.Nang makarating ng mall ay agarang hinila ni Kristen si Taylor papasok sa loob. Kaagad silang dumiretso sa Timezone at doon naglaro."Nagpunta ka lang ba rito sa mall para sa basketball game?" nakatawang wika ni Taylor na siyang ikinalingon ni Kristen sa kanya."Sort of," wika ni Kris
Third Person's Point of View"Anak mo sir?"Agarang nabalik sa reyalidad si Taylor nang marinig na magsalita ang ginang sa tabi niya. Nginitian niya ito at saka sinagot."Hindi. Just the daughter of my neighbor, Ma'am," magalang na sagot ni Taylor na siyang ikinawala ng ngiti ng ginang at napakunot-noong napapatingin sa gawi ng bata."But she seems to be your daughter based on the looks," nasabi nalang ng ginang sa sarili nito.Nang makaalis ang ginang ay napapatingin si Taylor sa bata na siya namang nakatingala na sa kanya. Mas lalo lang lumalakas ang kutob niya nang sumalubong sa kanya ang mukha ng bata. Naghihinala na siya pero hindi niya iyon binigyang-pansin kasi baka hindi niya naman kilala ang ina ng bata kaya baka mapahiya lang din siya.Napapabuntong-hininga si Taylor at saka yumuko para makapantay si Kristen."Sa'n mo pa gustong pumunta?" pagtatanong niya sa bata na siyang ikinaliwanag ng mukha nito.Hinawakan siya ni Kristen sa kamay at saka hinila sa may mga stuffed toys.
Third Person's Point of ViewNapapangiti si Taylor nang makita ang ginawang paglalaro ni Kristen sa cheese ng pizza. Nasa loob na sila ng Greenwich at kung kanina ay hindi siya nito pinapansin, ngayon ay busy naman ito sa paglalaro sa pizza."You like pizza?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor kay Kristen na siyang ikinatingin nito sa gawi niya."Nope. I like cheese," tugon ni Kristen na siyang ikinataas ng sulok ng labi ni Taylor."Kaya pinaglalaruan mo?" nakangising wika ni Taylor sa bata na siyang ikinangiti lang nito.Hinayaan ni Taylor na maglaro si Kristen sa cheeze ng pizza. At dahil napapansin niya na hindi ito kumakain ay nagsalok siya ng kanin at siya na ang nagpakain sa bata.Bahagyang nagulat si Kristen nang makita ang pagsubo ng pagkain ni Taylor sa kanya, bagay na siyang ikinatigil niya."Eat this. Naglalaro ka lang diyan sa cheese. Baka mapagalitan ako ng mama mo kapag nalaman na pinabayaan kita rito," wika pa ni Taylor na siyang ikinakurap-kurap ni Kristen.Pangarap n
Third Person's Point of View"Kanina ka pa gising? Nakatulog ka sa biyahe kaya hindi na kita ginising pa. Mukhang napagod ka sa lakad natin na ikaw lang din naman ang nagyaya," wika pa ni Taylor na siyang mahinang ikinahagikhik ni Kristen."Wait, where's my stuff toy?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Kristen kay Taylor.Napapatayo naman si Taylor at saka itinuro ang stuffed toy na nasa kama niya."There. Kunin mo na at nang maihatid na kita sa kuwarto mo. Baka kanina ka pa hinahanap ng mama mo---"Bago paman makapagtapos sa pagsasalita si Taylor ay nakita niya ang pagtingil ni Kristen sa paglalakad, bagay na siyang ikinakunot ng noo ni Taylor."What's wrong? Is there any problem?" pagtatanong ni Taylor nang makita ang pag-aalala sa mukha ng bata."I forgot to tell mama that I already got home! Baka nag-aalala na 'yon," wika pa ni Kristen at saka tumakbo sa kama para kunin ang stuffed toy bago tumakbo papunta sa pintuan."Wait! I got you something here," natataranta namang pagsunod ni Tay
Rhea Kirstie's Point of ViewBahagya akong natigilan nang makita ang pamilyar na mukha sa hallway ng naturang floor na naroon ako. Si Taylor... nakatayo sa harapan ng condo unit ko.Shit!Alam niya na ba?Alam niya na bang... diyan ako nakatira?Pa'no nalang kapag nakita niyang lumabas si Kristen sa condo unit ko?Baka mabuking ako!"Kirstie?" nakakunot-noong wika niya na tila nagtataka, bagay na siyang nagpataka rin sa akin.So hindi niya alam na dito ako nakatira? Kung ganoon... anong ginagawa niya rito sa condo? At bakit nasa harapan siya ng condo unit ko?Nang akmang tatanungin ko na siya kung anong ginagawa niya rito ay siya namang pagsasalita niya, naunahan ako sa tanong ko."Anong ginagawa mo rito?" pagtatanong ni Taylor sa akin na siyang palihim na ikinamura ko.Kapag sasabihin kong dito ako nakatira, baka balikan niya ako. Kapag naman sinabing nagpunta lang ako ay alam kong maghihinala siya. Wala akong kaibigang nakatira sa condo na ito kaya alam kong magtataka siya.Napapaka
Third Person's Point of View"Why did you do that?" kaagad na kompronta ni Kirstie kay Edward nang makapasok sila sa condo unit. Alam ni Kirstie na sinadya iyon ni Edward, ang giyahin siya papunta sa condo unit niya kahit alam nitong nandoon ang ex niyang si Taylor na hindi naman lingid sa kaalaman nito ay iniiwasan niya."What do you mean why did I do that?" pagmamaang-maangan ni Edward na siyang ikinatitig ni Kirstie sa lalaki."You know what I mean, Edward. Bakit mo ginawa iyon? Pa'no nalang kapag bumalik siya rito? Pa'no kapag nakita niya si Kristen na lumabas dito sa condo ko? Pa'no kapag nakilala niya si Kristen? Pa'no kapag kukunin niya sa 'kin ang anak ko? Hindi ko makakayang mawala si Kristen sa tabi ko, Ed," natatarantang wika ni Kirstie.Seryosong tinitigan ni Edward si Kirstie at doon napapabuntong-hininga."Kirstie, hindi sa lahat ng pagkakataon at oras ay palagian kang umiiwas. Wala tayong magagawa kong ito na ang iginawad ng tadhana sa 'yo at sa inyo ni Kristen. Hindi m
Third Person's Point of ViewBago paman tuluyang maisara ni Kirstie ang pinto ay nailagay na ni Taylor ang kamay niya sa kaunting siwang na naroon para pigilan si Kirstie na pagsarhan siya ng pinto. Hindi niya hahayaan iyon. Not now when he knew he has something to do with the kid that he's with yesterday. The kid that has the same features with him.Kaagad na napadaing si Taylor nang maipit ang kamay niya sa malakas na pagsara ni Kirstie sa pinto. Nang makita naman iyon ni Kirstie ay mabilis nitong binuksan ang pinto at nag-aalalang napapatingin sa may kamay ni Taylor."Bakit kasi hinaharang mo ang kamay mo! Ang laki mong tao, gumaganyan ka pa. Ano bang ginagawa mo dito?" panininghal ni Kirstie kay Taylor.Si Taylor naman ay hindi maiwasang mapangiti. Nanininghal ang dalaga sa kanya, nagpapahiwatig lang ito na nag-aalala ito sa kanya."Anong nginingisi-ngisi mo? Pinagloloko mo ba ako lalaki? Kung naglalaro ka lang ay umalis ka nang putangina ka!" panininghal na naman ni Kirstie na si