Share

Chapter 82

Craig's POV

Mabigat ang aking pakiramdam na bumangon ako sa hospital bed na kinahihigaan ko. Natamaan kasi ako ng lumilipad na bahagi ng building kaya ako na-ospital at may nakapalibot na benda sa itaas ng aking ulo. Nasa labas na kasi kami ng building at ipinapasok sa loob ng police car ang mga sumukong tauhan ng foreign drug lord at ibang mga BAS assassin. Napatay ko ang foreign drug lord kaya sumuko ang mga tauhan nito at pati na rin ang mga natitirang buhay na mga BAS assassin. At pabalik na sana ako sa loob para hanapin si Shanra ngunit bigla namang sumabog ang building at tinamaan ako sa ulo ng lumilipad na bahagi ng building na nabaklas. Hinimatay ako at dito na sa loob ng ospital ako nagising. At si Shanra ang kaagad na unang pumasok sa aking isip nang pagbalikan ako ng aking malay.

"Sir, bakit bumangon kayo? Baka bumuka ang sugat mo sa ulo," nag-aalalang wika ni Denver nang madatnan niya akong nakaupo na sa ibabae ng kama.

"Si Shanra? Nasaan siya?" agad kong tanong sa kanya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status